You are on page 1of 156

SUNDAY

OF
ORDINARY
TIME
Ang Panimula
Ang Prosesyonal
ANG PAGPUPURI
Tagapagdiwang: Pagpalain ang
Diyos: + Ama, Anak, at Banal na
Espiritu!
MGA TAO: At pagpalain ang
Kanyang Kaharian, ngayon at
magpakailanman.
ANG
PANALANGIN
PARA SA MGA
BANAL
Tagapagdiwang: Tayo ay manalangin.
Makapangyarihang Diyos, Kayo
na nakababatid ng nilalaman ng
mga puso, lahat ng hangarin ay
Inyong nalalaman at sa Inyo ay
walang lihim na maitatago:
Inyong linisin ang nilalaman ng
aming mga puso +
sa pamamagitan ng inspirasyon ng
Banal na Espiritu, upang maging
ganap ang aming pag-ibig sa Inyo,
at upang maging karapat-dapat na
kami ay magtaas ng Inyong Banal
na Pangalan; sa pamamagitan ni
Hesukristong aming Panginoon.
Mga Tao : Amen.
ANG BUOD NG
KAUTUSAN
Diyakono : Sinabi ni Hesus,
“Ang unang utos ay ito:
Pakinggan, O Israel; Ang
Panginoon nating Diyos ang
tanging Panginoon. Ibigin mo
ang Panginoong Diyos nang
buong puso, buong kaluluwa,
buong pag-iisip at buong
kalakasan. Ang pangalawa ay
ito: Ibigin mo ang iyong kapwa
gaya ng sarili mo. Wala ng
ibang utos na mas mahalaga
maliban dito.
PAGKUKUMPISAL
NG MGA
KASALANAN AT
KAPATAWARAN
TAGAPAGDIWANG:
Ating ikumpisal ang ating mga
kasalanan sa Dios at sa ating
kapwa.
Maawaing Dios, inaamin
kong ako ay nagkasala
laban sa Inyo, sa isip, sa
salita at sa gawa; dahil sa
aking mga ginawa, at mga
hindi tinapos na gawain.
Hindi ko Kayo inibig nang
buong puso.
Hindi ko inibig ang aking
kapwa gaya ng pag-ibig ko
sa aking sarili. Tunay at
mapagkumbaba akong
nagsisisi, alang-alang sa
Inyong anak na si
Hesukristo, kaawaan ako
at patawarin;
upang ako ay malugod sa
Inyong kalooban at
lumakad sa Inyong mga
daan, sa ikaluluwalhati ng
Inyong Pangalan. Amen.
TAGAPAGDIWANG:
Ang Makapangyarihan at mahabaging
Panginoon ay pagkalooban kayo ng
kapatawaran at pagpapawi ng Inyong
mga kasalanan, tunay na pagsisi,
pagbabago ng buhay, at ng biyaya at
kaaliwan ng Kanyang Banal na Espiritu.
Amen
GLORIA
Koro:
Gloria sa Dios sa
kaitaasan
Kapayapaan sa
sanlibutan (2x)
Pinupuri, pinagpapala
Sinasamba, nilulwalhati Ka
Salamat Sa’Yo sa dakilang
Gloria
O, Dios Hari sa Kalangitan,
Dios Amang Dakila
Koro:
Gloria sa Dios sa
kaitaasan
Kapayapaan sa
sanlibutan (2x)
O, Dios Bugtong na
Anak, Kristo Hesus
Panginoon, Kordero
ng Dios, Anak ng Ama
Na nag-aalis ng sala ng
mundo: maawa Ka sa amin
Siyang nauupo sa kanang
kamay ng Diyos Ama
Dalangi’y dinggin
Koro:
Gloria sa Dios sa
kaitaasan
Kapayapaan sa
sanlibutan (2x)
‘Pagkat Ikaw ay banal,
Ika’y Panginoon
Ikaw lamang O Kristo at
banal na Espiritu
Kataastasan sa Gloria ng
Dios Ama. Amen
Koro:
Gloria sa Dios sa
kaitaasan
Kapayapaan sa
sanlibutan (2x)
CODA:
Gloria sa Dios sa
Kaitaasan
TAGAPAGDIWANG:
Ang Panginoon ay
sumainyo.
MGA TAO:
At sumainyong espiritu.
ANG
PANALANGIN
PARA SA ARAW
NA ITO
ANG
MINISTERYO
NG
SALITA
Unang
Pagpapahayag ng
Salita
Tugunang Awit:
AWIT
Tagabasa:
Mga Tao:
Tagabasa:
Mga Tao:
Tagabasa:
Mga Tao:
Tagabasa:
Gloria Patri
”Ang Ama’y luwalhatiin at ang
Anak at ang Espiritu. Simula
pa noong una,ngayon,
magpakailanman walang
hanggan. Amen”
Pangalawang
Pagpapahayag ng
Salita
GRADWAL
NA
TALATA
FOREVER, O LORD

 Forever, Oh Lord, Your


Word is settled in heaven;
Your faithfulness, Lord,
continues to all generations.
Your covenant magnified,
exalted along with
Your holy Name.
Rejoicing in promises,
I meditate on all Your
righteous ways!
I lift up my hands and
praise the power of
Your commands.
Forever, O Lord, Your
Word shall stand!
Forever, O Lord, Your
Word shall stand!
Diyakono:
Ang Panginoon ay sumainyo.
Mga Tao :
At sumainyong espiritu.
Diyakono:
Nawa ang Panginoon ay
sumaating mga isipan, mga
labi, at mga puso habang tayo
ay nakikinig ng Kanyang
Banal na Balita.
Ang Mabuting Balita ng
ating Panginoong Hesukristo
ayon kay _____.
Mga Tao:
Luwalhati sa Inyo,
Panginoong Hesukristo!
Pagpapahayag ng
Mabuting Balita
Diyakono: Ang Mabuting
Balita ng Ating Panginoon.
Mga Tao: Papuri sa Inyo,
Panginoong Hesukristo
HOMILIYA
KREDO
NG
NISEYA
LAHAT:
Kami ay sumasampalataya sa
iisang Diyos, ang Amang
Makapangyarihan sa lahat,
Lumikha ng langit at Lupa, at ng
lahat ng bagay: nakikita at di
nakikita; at sa iisang Panginoon,
Kristo Hesus, ang tanging
Bugtong na Anak ng Diyos,
magpasawalang-hanggang
Bugtong na Anak ng Kanyang
Ama bago pa ang lahat ng
sangnilikha; Diyos buhat sa
Diyos,Liwanag buhat sa
Liwanag,
Tunay na Diyos buhat sa Tunay
na Diyos, Bugtong na Anak, di
gawa, isang diwa kasama ng
Ama; sa pamamagitan Niya
nilikha ang lahat ng bagay; Siya
na para sa ating sangkatauhan
at para sa ating kaligtasan, ay
bumaba mula
sa Langit; at ipinagdalangtao sa
pamamagitan ng Banal na
Espiritu at ni Birhen Maria, at
naging tao; at ipinako rin sa
krus sa pamamagitan ni Poncio
Pilato, Siya ay naghirap
hanggang sa kamatayan at
inilibing.
At sa ikatlong araw, Siya’y
muling nabuhay ayon sa Banal
na Kasulatan; at umakyat sa
Langit, at naluklok sa kanang
kamay ng Ama; at Siya ay
babalik na muli nang may
kaluwalhatian, upang hatulan
ang mga buhay at patay
Siya na ang Kaharian ay walang
katapusan.
At kami ay sumasampalataya sa
Banal na Espiritu, ang
Panginoon, at Tagapagbigay ng
Buhay. Siya ay nagmula sa Ama;
kasama ng Ama at ng Anak, Siya
ay sinasamba at
at niluluwalhati.
Siya ay nangusap sa
pamamagitan ng mga propeta.
Kami ay sumasampalataya sa
iisa, banal, katoliko at
Apostolikong Iglesia;
kumikilala kami sa iisang
bawtismo para sa kapatawaran
ng mga kasalanan; kami ay
umaasa sa muling pagkabuhay
ng mga patay, at sa buhay ng
daigdig na darating. Amen. +
Ang Panalangin ng mga Tapat
Ang Pangwakas Na Panalangin
DIYAKONO: Tayo ay manalangin
para sa Simbahan at para sa mundo.
Ipagkaloob, Makapangyarihang
Dios, na ang lahat na nagpapahayag
ng Inyong Pangalan ay makipag-isa
sa Inyong katotohanan, mamuhay ng
sama-sama sa Inyong pag-ibig, at
ipahayag ang Inyong kaluwalhatian
sa sanlibutan. Panginoon , sa Inyong
awa.
MGA TAO:
Dinggin ang aming
panalangin.
DIYAKONO: Igabay ang mga
mamamayan ng bansang ito, (lalo na
ang aming Pangulo ____) kasama ng
lahat ng mga bansa sa daan ng
katarungan at kapayapaan; upang
upang maparangalan ang bawat isa
at makapaglingkod para sa kabutihan
ng lahat. Panginoon, sa Inyong awa.
MGA TAO:
Dinggin ang aming
panalangin.
DIYAKONO: Pagkalooban
kaming lahat ng paggalang sa
daigdig bilang Inyong
sangnilikha, upang magamit
naming ng wasto ang mga
pagpapala nito para sa Inyong
karangalan at kaluwalhatian.
Panginoon, sa Inyong awa.
MGA TAO:
Dinggin ang aming
panalangin.
DIYAKONO: Pagpalain sila na ang
mga buhay ay may malapit na
kaugnayan sa amin, at ipagkaloob
na mapaglingkuran naming si
Kristo na sumasakanila, at mahalin
ang bawat isa kung paanong
minahal Niya kaming lahat.
MGA TAO:
Dinggin ang aming
panalangin.
DIYAKONO: Aliwing at pagalingin
ang lahat ng naghihirap sa
katawan, isipan o espiritu;
pagkalooban sila ng lakas ng loob
at pag-asa sa gitnan ng kanilang
mga pagsubok at ipagkaloob sa
kanila ang kagalakan ng Inyong
kaligtasan. Panginoon, sa Inyong
awa.
MGA TAO:
Dinggin ang aming
panalangin.
DIYAKONO: Aming itagubilin sa
Inyong kahabagan ang lahat ng
mga pumanaw na, upang ang
Inyong kalooban para sa kanila
ay magkaroon ng katuparan; at
dalangin naming na kami ay
maging kabahagi kasama ng
Inyong mga santo sa Inyong
walang hanggang kaharian.
Panginoon, sa Inyong awa.
MGA TAO:
Dinggin ang aming
panalangin.
DIYAKONO: Alalahanin sila na
ngayon ay aming idinadalangin
sa Inyo _______.
ANG
PANGWAKAS NA
PANALANGIN
TAGAPAGDIWANG: Itulot, O Panginoon,
na ang takbo ng sanlibutan ay
mapamahalaan ng Inyong kalinga; at
nawa ang Inyong Simbahan ay may
kagalakang mapaglingkuran Kayo sa
katapangan at katapatan; sa
pamamagitan ni Hesu-Kristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghahari
na kasama Ninyo at ng Banal na Espiritu,
isang Diyos, magpakailanman.
Ang Kapayapaan
TAGAPAGDIWANG: Ang Kapayapaan
ng Panginoon ay laging sumainyo.
MGA TAO: At sumainyo rin.
TAGAPAGDIWANG: Ibahagi ninyo sa
bawat isa ang simbolo ng kapayapaan
ni Kristo.
ANG
KAPAYAPAAN
ANG BANAL
NA
KUMUNYON
Ang Paghihikayat sa
Paghahandog
Paghahandog ng Papuri
at Pagsamba
MAG-ALAY NG PAPURI
Mag-alay ng papuri’t
pagsamba
Sa Tahanan ng Dios
(Ulitin)
At ihahandog sa Iyo
Ang hain kong pasasalamat
At ihahandog sa ‘Yo
Ang hain kong tuwa’t galak.
Paghahandog ng
Tinapay at Alak
Ang Paghahanda ng
Mga Handog
Tagapagdiwang : Pinagpala Kayo,
Panginoong Diyos ng buong sangnilikha.
Sapagkat sa pamamagitan ng Inyong
kabutihan ay aming tinanggap ang
tinapay na aming handog sa Inyo; ang
bunga ng sangkalupaan at gawa ng mga
kamay ng tao, ito ay magiging Katawan ni
Kristo.
Tugon: Pinagpala ang
Diyos magpakailanman.
Tagapagdiwang: Sa paghalo ng
tubig na ito at alak nawa ay
makabahagi kami sa pagkaDios ni
Kristo, Siya na nagpakumbaba ng
Kanyang sarili upang makibahagi sa
aming pagiging tao.
Tagapagdiwang : Pinagpala Kayo,
Panginoon ng buong sangnilikha. Sa
Inyong kabutihan narito ang alak bilang
aming handog, nagmula sa ubas at
gawa ng mga kamay ng tao. Ito ay
magiging Dugo ni Kristo para sa amin.
Tugon:
Pinagpala ang Diyos
magpakailanman.
Tagapagdiwang : Pinagpala
Kayo, Panginoon ng buong
sangnilikha. Sa pamamagitan
ng Inyong kabutihan aming
inihanda ang mga ikapu at
mga handog sa Inyo.
Sila ay gagamitin sa Inyong
Simbahan para sa gawaing
Inyong itinakda sa amin at sa
pagpapalawig ng Inyong
Kaharian.
TAGAPAGDIWANG: Idalangin,
mga kapatid, na ang ating mga
handog ng papuri at pasasalamat
ay maging katanggap-tanggap sa
Dios, ang Makapangyarihang Ama.
MGA TAO: Nawa’y tanggapin ng
Panginoon ang handog mula sa
Inyong mga kamay para sa
kapurihan at kaluwalhatian ng
Kanyang Pangalan, para sa aming
kabutihan at para sa kabutihan ng
lahat ng Kanyang Simbahan.
ANG DOXOLOHIYA
Purihin ang Nagpapala, Dios
ng buong sangnilikha.
Purihin sa kalangitan, Ama,
Anak, Diwang Banal! Amen.
Ang Dakilang Pasasalamat
TAGAPAGDIWANG: Ang
Panginoon ay sumainyo.
MGA TAO: At sumainyong
espiritu.
TAGAPAGDIWANG: Itaas
ninyo ang inyong puso.
MGA TAO: Itinataas namin sa
Panginoon.
TAGAPAGDIWANG:
Pasalamatan natin ang
Panginoon nating Dios.
MGA TAO: Tunay na Siya ay
nararapat na bigyan ng
pasasalamat at pagpupuri.
Tagapagdiwang: Tunay na
wasto at matuwid, aming
tungkulin at aming
kaligtasan, sa tuwina at saan
man upang bigyan Kayo ng
pasasalamat,.
Panginoon, Banal na Ama,
Makapangyarihan at walang
hanggang Diyos.
Sapagkat Inyong inihayag ang
misteryo ng aming kaligtasan kay
Kristo bilang ilaw para sa mga
bansa, at nang Siya ay nagpakita
sa amin na may kamatayang
kalikasan, ginawa Ninyo
kaming bago sa pamamagitan
ng kaluwalhatian ng Kanyang
walang-kamatayang
kalikasan.
Sanctus Benedictus
Tagapagdiwang: Kung kaya’t
kasama ng mga Anghel at
mga Arkanghel, kasama ng
mga Trono at mga
Tagapamahala at Kasama ng
Lahat ng hukbo at mga
kapangyarihan ng
kalangitan, aming inaawit
ang awit ng Inyong
kaluwalhatian, walang
humpay naming
ipinapahayag.
SANCTUS

Santo, Santo, Santo


Makapangyarihang Dios
Lupa’t langit ay puspos
ng kaluwalhatian Mo.
SANCTUS

Santo, Santo, Santo


Makapangyarihang Dios
Pinagpala Siyang
dumarating sa Ngalan
ng Panginoon
SANCTUS

Hosanna, Hosanna sa
kaitaasan!
Hosanna, Hosanna sa
kaitaasan!
Epiclesis
Tagapagdiwang: Panginoon,
Kayo ay tunay na banal, ang
bukal ng lahat ng kabanalan.
Ipahintulot na ang Banal na
Espiritu ay bumaba sa mga
handog na ito
upang gawin silang banal,
at upang sila para sa amin
ay maging Katawan at
Dugo ng aming Panginoong
Hesukristo.
Ang Anamnesis
TAGAPAGDIWANG: Bago Siya
isinuko sa kamatayan, isang
kamatayang kusang-loob Niyang
tinanggap, Siya ay kumuha ng
Tinapay at nagbigay sa Inyo ng
pasasalamat. Hinati Niya ang
tinapay, ibinigay sa mga disipulo,
at sinabi:
“Tanggapin ninyo at kanin: Ito
ang Aking katawan, na
ipinagkaloob para sa inyo.
Gawin ninyo ito bilang pag-
alaala sa Akin.”
Matapos ang hapunan,
kinuha Niya ang saro. Muli ay
nagbigay sa Inyo ng
pasasalamat at papuri,
ibinigay ang saro sa Kanyang
mga disipulo, at sinabi:
“Inumin ninyo, kayong lahat: Ito ang
Aking dugo ng bagong tipan, na
itinigis para sa inyo at para sa lahat
sa ikapagpapatawad ng mga
kasalanan. Sa tuwing ito ay inyong
iinumin, gawin ito bilang pag-alaala
sa Akin.”
(Ang lahat ay tumayo)
Mysterium Fidei
TAGAPAGDIWANG: Ating ipahayag ang
misteryo ng ating pananampalataya:
LAHAT: Si Kristo ay namatay,
si Kristo ay nabuhay, si
Kristo ay muling magbabalik.
TAGAPAGDIWANG: Bilang pag-
alaala sa Kanyang kamatayan at
muling pagkabuhay, inihahandog
namin sa Inyo, Ama , itong tinapay
na nagbibigay-buhay, itong saro
na nagdudulot ng kaligtasan.
Nagpapasalamat kami sa Inyo
na itinuring Ninyo kaming
karapat- dapat na makatayo
sa Inyong presensiya at
mapaglingkuran Kayo.
Nawa kaming lahat na
nakikibahagi sa Katawan at
Dugo ni Hesus ay sama-
samang pag-isahin sa
pamamagitan ng Banal na
Espiritu.
Panginoon, alalahanin ang
Inyong Simbahan sa buong
mundo; palaguin kami sa pag-
ibig, kasama ng aming Patriarch,
na si Craig: Ricardo, aming
Primado, Obispo Paulino, lahat
ng mga Obispo, mga pari, at mga
Diyakono.
Alalahanin sila na aming
idinadalangin
ngayon,______.Ilapit ang
aming mga puso upang
alalahanin ang mga mahihirap
at napipighati.
Sa aming pagtanggap ng
Katawan at Dugo ni Hesus,
nawa kami ay mahubog upang
maging Katawan ni Kristo sa
mundo.
Kaawaan kaming lahat ; gawin
kaming karapat-dapat na
makibahagi sa walang hanggang
buhay kasama ni Maria ang Ina ng
Dios, Si Jose na kanyang asawa,
kasama ang mga Apostol, mga
martir, at ang lahat ng mga santo,
lalo na si _________.
Nawa ay purihin Ka namin sa
pakikipagkaisa sa kanila at
bigyan Kayo ng luwalhati sa
pamamagitan ng Inyong
anak na si Hesukristo.
ANG DAKILANG
DOXOLOHIYA
TAGAPAGDIWANG:
Sa pamamagitan Niya, kasama Niya
at sa Kanya, sa pakikiisa ng Banal
na Espiritu, lahat ng karangalan at
kaluwalhatian ay sumaInyo,
Makapangyarihang Ama,
magpakailanman.
MGA TAO: Amen.
ANG
PANALANGIN NG
PANGINOON
TAGAPAGDIWANG: Tayo ay
manalangin pagdating ng
kaharian yamang si Hesus ay
nagturo sa atin…
Ama namin, sumasalangit Ka,
sambahin ang Ngalan Mo.
Mapasaamin ang Kaharian
Mo, Sundin ang loob Mo dito
sa lupa para ng sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng
aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo kami sa
aming sala, para ng
pagpapatawad namin sa
nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming
ipahintulot sa tukso. At iadya
Mo kami sa lahat ng masama.
Sapagkat sa’Yo ang
Kaharian, Kapangyarihan at
Kapurihan ngayon at
magpakailanman ngayon
at magpakailanman. Amen
Ang Paghahati ng Tinapay
TAGAPAGDIWANG: Alleluya!
Si Kristong ating Kordero ay
ipinagpasakit para sa atin!
MGA TAO: Kaya ngayon,
panatilihin natin ang
pagdiriwang! Alleluya!
AGNUS DEI
Kordero ng Dios na nag-aalis
ng mga kasalanan sa mundo,
Maawa Ka sa amin.
Kordero ng Dios, maaawa Ka.
(Ulitin)
Kordero ng Dios na nag-
aalis ng mga kasalanan
sa mundo, ipagkaloob
Mo sa amin ang
kapayapaan.
Pascha Nostrum:
TAGAPAGDIWANG: Masdan
ang Kordero ng Dios Na Siyang
nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan. Mapalad silang
tinawag sa Kanyang hapag.
LAHAT: Masdan ang Inyong
mga abang lingkod, O
Panginoon. Mangyari sa
amin ang ayon sa Inyong
Salita.
TAGAPAGDIWANG: Ang
mga handog ng Dios para sa
bayan ng Dios, tanggapin ito
bilang alaala na si Hesus ay
namatay para sa inyo at
kumain mula sa Kanya, sa
inyong mga puso, na may
pasasalamat.
Pagsasagawa
ng Komunyon
Ang Panalangin Pagkatapos ng Kumunyon
TAGAPAGDIWANG: Tayo ay manalangin.
LAHAT: Walang hanggang Dios,
makalangit na Ama, malugod Ninyo
kaming tinanggap bilang mga
nabubuhay na bahagi ng Inyong
anak na aming Tagapagligtas na si
HesuKristo,
at kami ay pinakain Ninyo ng
espirituwal na pagkain sa
Sakramento ng Kanyang
Katawan at Dugo. Suguin
Ninyo kami sa sanlibutan sa
kapayapaan at pagkalooban
kami ng kalakasan at
katapangan na mahalin at
paglingkuran Kayo na may
kagalakan at kaisahan ng
puso; sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon.
Amen.
Pagpapala
TAGAPAGDIWANG:
Ang Dios ng Kapayapaan na di
masayod ng pang-unawa ay
panatilihin ang inyong mga puso at
diwa sa karunungan at pag-ibig ng
Dios, at ng Kanyang Anak na si
Hesukristong ating Panginoon.
At ang pagpapala ng Dios na
Makapangyarihan sa lahat +
ang Ama, at ang Anak. at ang
Banal na Espiritu ay
sumainyo magpakailanman.
Amen.
Ang
Resesyonal
NON NOBIS DOMINE
Non nobis Domine,
Domine, Non nobis
Domine;
Sed Nomine, sed
Nomine. Tuo da gloria!
Paghayo
Tagapagdiwang: Humayo
sa sanlibutan, nagagalak sa
kapangyarihan ng Espiritu.
Mga Tao: Salamat sa Dios.
Alleluya! Alleluya! +Amen

You might also like