You are on page 1of 6

“Doing Our

Parish Church of Saint Luke

Missions
While
Teaching The
Way of God
Truthfully
TWENTY-NINETH SUNDAY
OF
ORDINARY TIME
October 18, 2020
Isaiah 45:1-7
Napakasagana ng biyayang inilaan ng
Dios kay Haring Ciro. Kanya itong
pinahiran ng langis upang mas mapalakas
at mapagtagumpayan ang ibang bansa at
kanilang mga hari.
Siya ay pauunlarin at payayamanin bilang
lipi ni Jacob na Kanyang lingkod. Wala
nang ibang Dios maliban sa Kanya at
igagawad Niya ang kalakasan kay Ciro
kahit hindi Niya kinikilala ang Dios.
Tanging sa Dios nagmumula ang lahat ng
bagay ---- pagpapala man o
kapahamakan.
PSALM 96:1-6,11-13
Karapat-dapat na purihin ang Dios.
Nakalatag sa Kanyang sangnilikha ang
kanyang kaningningan at kadakilaan.
Ang katapatan ay dapat na maging
kalakip sa ating pagsamba sa Kanya.
Darating ang panahon na Kanyang
hahatulan ang sangkatauhan ayon sa
Kanyang katuwiran at sa katotohanang
taglay ng bawat isa sa paningin ng
Dios.
1 THESSALONIANS 1:1-10
Sa liham nina Pablo, Silas at Timoteo ay
kanilang pinasalamatan at
pinahalagahan ang mga pagpapagal ng
mga taga-Tessalonica. Kumalat ang
mensahe ng Panginoon dahil sa kanila at
nabantog ang kanilang lubos na
pananampalataya sa lahat ng dako.
Nasaksihan ng maraming tao ang
kanilang tapat at pursigidong mga
gawain na taglay ang malalim na
malasakit bilang mga lingkod ng Dios.
MATTHEW 22:15-22

Hindi nalugod ang Panginoong Hesus


sa kawalan ng bunga ng puno ng igos
kaya’t natuyo ito. Kaya’t sinabi Niya na
ang mainam na panananampalataya ay
walang bahid ng pag-aalinlangan. Ito
ang nais Niya sa mga nananalangin,
ang humingi sa Kanya nang buo ang
pananalig sa Kanya!
AID FOR MEDITATION

1. Naniniwala ka ba na ang patotoo natin


patungkol sa ating buhay-
pananampalataya ay mainam na
panghikayat sa iba upang sila ay lumapit
din sa Dios? Ipaliwanag ang sagot.
2. Ano ang ibig sabihin ng WALK THE
TALK?
3. Ano-ano ang mga patunay mo na
namumunga ka nang ayon sa inaasahan
ng Dios?

You might also like