You are on page 1of 1

THE 16TH SUNDAY IN ORDINARY TIME

JULY 19, 2020


“SHINING BRIGHTLY IN THE KINGDOM OF GOD”
A.READINGS AND GISTS:

ISAIAH 44:1-8
Ipinaunawa ng Dios na Siya ang makapangyarihan sa lahat at walang ibang Dios maliban sa
Kanya. Kung gayon ay walang dapat na ikatakot si Jacob at ang kanyang lipi sapagkat ang
Dios mismo ang nag-iingat sa kanila at Siya rin ang kumakatagpo sa lahat ng kanilang mga
pangangailangan.

PSALM 139:1-10
Batid ng Dios ang lahat-lahat tungkol sa atin dahil Siya mismo ang lumikha sa atin. Ang
ating nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ay Kanyang nalalaman, maging ang lahat ng ating
mga pinaplano sa buhay. Siya ang nagbibigay sa atin ng kakayanan, kalakasan at karunungan
na ang ating kailangan upang Siya ang mabigyan ng kaluwalhatian sa ating buhay.

ROMANS 8:12-18
Hindi espiritu ng pagkatakot ang ating tinanggap mula sa Dios kung kaya’t hindi tayo dapat
magpaalipin sa kasalanan. Ang hindi pagiging determinado na pagtagumpayan ang ating mga
kahinaan bilang tao ay magtutuloy-tuloy sa ating pagkawasak. Ang pakikipagtiis naman kay
Kristo ay magdudulot ng buhay na magiging dahilan upang tayo ay dakilaing kasama Niya

MATTHEW 13:36-43
Inihasik ng Panginoon ang mabuting binhi na itinuturing na mga anak ng Kaharian ng Dios.
Mapasama man sila sa mga masasamang damo na inihasik ng diablo ay kakayanin pa rin nilang
mapagtagumpayan ang mga ito, kung kaya’t sila ay patuloy pa ring magliliwanang na parang
araw sa kaharian.

B. AID FOR MEDITATION


1) Ano ang mga naranasan mong sitwasyon na kinaya mong hindi makisama sa alam mong
masama? Magbigay ng tatlong halimbawa.
2) Ano ang nagiging dahilan mo kung bakit may mga pagkakataong nai-impluwensyahan ka ng
mga taong hindi maganda ang mga ginagawa?
3) Maglista ng “5 verses” na makapagpapatibay ng iyong determinasyon upang mas panindigan
mo ang pagiging mas malakas ng iyong espiritu kaysa sa laman.
4) Masasabi mo ba na nagliliwanag ka sa Kaharian ng Dios?

You might also like