You are on page 1of 1

REPUBLIKA NG PILIPINAS

UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY OF SOUTHERN PHILIPPINES


Alubijid | Cagayan de Oro | Claveria | Jasaan | Panaon | Oroquieta
C.M. Recto Avenue Lapasan, Cagayan de Oro City 9000, Philippines

Cuinsyll M. Esmeralda Setyembre 17, 2023


BSCE_2C PANITIKAN

1. Bakit masasabing isang mabisang ekspresyon ng isang lipunan ang panitikan?


Para sa akin, ang panitikan ay isang makapangyarihan at mabisang
ekspresyon ng lipunan dahil ito ay nagsisilbing salamin na sumasalamin sa kultura,
halaga, kasaysayan, at kamalayan ng lipunan sa iba’t ibang uri ng sitwasyon at mga
kaganapan na nangyari na at mangyayari pa. Sa pamamagitan ng pagkukukwento,
isinasama nito ang magkakaibang boses at karanasan ng mga tao sa loob ng isang
lipunan, na nagbibigay panananaw sa kalagayan ng tao at paraan upang maka-unawa
at kung paano tayo mamuhay. Ang kakayahan ng panitikan na makuha ang
damdamin, pangalagaan ang kultura, maglahad ng makabuluhang kaalaman sa isang
lipunan, at ang pagkakaroon ng iba’t ibang perspiktibo ng tao sa lipunan ay siyang
dahilan sa pagkakaroon ng matibay at epektibong repleksyon ng lipunan kung saan
ito nanggaling.

2. Anong mahalagang gawain ang dapat gawin ng isang mag-aaral na tulad mo upang
mapagyamang makamit at mapahalagahan ang panitikang Pilipino?
Sa katunayan ay maraming iba’t ibang paraan, iilan sa mga sumusunod ay ang
aking mga ginagawa bilang mag-aaral upang makamit na pagyamanin at
pahalagahan ang panitikang Pilipino. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga akdang
pampanitikan ng Pilipino, kabilang na dito ang mga sanaysay, maikling kwento, dula,
at iba pa. Pagsasaliksik ng mga moderno at kontemporaryong basahin upang
makakuha ng matinding pag-unawa sa literatura ng bansa. Isa pa dito ay ang aking
pagsuporta sa mga local na bilihan ng libro at mga may-akda na dalubhasa sa
panitikang Pilipino, at ang pagpapakitang suporta nito sa paraan ng paghikayat sa iba
kong kamag-aral lalo na sa mga taong walang gaanong kaalaman sa kung ano man
ang mayroon tayo noon.

You might also like