You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate Studies and Applied Research

PATRIDEL V. SATIRA
MAED- FILIPINO
Dr. TERESITA C. ELAYBA

“PANITIKAN NG FILIPINAS”
Gawain:
Sumulat ng reaksyong papel tungkol sa paksang panlipunang panitikan.
Sinasabi na ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan, ito daw ay bunga
ng mga diwang mapanlikha, ng diwang naghehele sa misteryo ng mga ulap o ng diwang yumayapos sa
palaisipan ng buwan. Ito ay isang kasangkapang lubos na makapangyarihan. Maaari itong gumahis o kaya'y
magpalaya ng mganagpupumiglas na ideya sa kanyang sariling bartolina ng porma at istruktura. Sa isang
banda,maituturing ang panitikan na isang kakaibang karanasan. Ito ay naglalantad ng mgakatotohanang
panlipunan, at mga guniguning likhang-isip lamang. Hinahaplos nito ang ating mga sensorya tulad ng paningin,
pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama. Kinikiliti nito angating malikhaing pag-iisip at maging sasal na
kabog ng ating dibdib. Pinupukaw din nito ang ating nahihimbing na kamalayan. Lahat ng ito ay nagagawa ng
panitikan sa pamamagitan lamangng mga payak na salitang buhay na dumadaloy sa ating katawan, diwa at
damdamin. Ang panitikan ay buhay na pulsong pumipintig at mainit na dugong dumadaloy sa ugat ng bawat
nilalang at ng buong lipunan. Isang karanasan itong natatangi sa sangkatauhan.

Isa ang panitikan sa instrumento na ginamit noong rebolusyon. Makikita natin at mababasa ito sa
panahon ng ating mga bayani noong sinakop tayo ng mga Kastila. Ang mga sulat ni Rizal at iba pang mga
bayani, ang nagbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino upang lumaban para sa kanilang mga karapatan at
kalayaan.

Tayo na miyembro ng lipunan ay napag-iisang panitikan at higit sa lahat, ang panitikan ay mahalaga sa
ating buhay dahil ito ay sumasalamin sa ating mga emosyon na kadalasan hindi nating maaaring ipalabas.
Sumasalalin din sa lipunan ang ating panitikan dahil ito ay nagsisiwalat ng ilan sa mga halaga at pagkukulang
nito. Kaugnay nito, ang lipunan ay palaging reaksyon at binago pa ang mga pattern ng panlipunan salamat sa
isang paggising ng kamalayan bilang isang resulta ng panitikan.

Ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Malaki ang naiaambag ng
panitikan sa kultura at kabihasnan ng alinmang bansa. Maaaninag sa ating panitikan ang lalim ng ating kultura
at ang malikhaing katalinuhan ng ating lahi. Tulad ng kulturang Pilipino, ang panitikang Pilipino ay minana sa
ating mga ninuno at sa pamamagitan ng interaksyon ito’y nagpalipat-lipat sa mga salinlahi.

You might also like