You are on page 1of 2

Philippine Normal University

The National Center for Teacher Education


MINDANAO
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

Angielyn V. Montibon BEE-III

Prop. Rachel C. Payapaya June 10, 2022

a. Suriin ang Artikulo: “Ang Kritika sa Panahon ng Krisis” ni E. San Juan sa


https://ejournals.ph/article.php?id=10630. Ipaliwanag kung bakit sinabi ng may akda na “ang
pag-asa ay nasa kritika”.

Sa artikulong ito, higit na binibigyang diin ng awtor na ang kritika ay ang pag-asa
sa krisis at pagbabago sa pulitika. Ito rin ay nagsisiwalat sa katotohanang pilit na pinagtatakpan
ng bulok na sistema sa loob ng napakahabang panahon. Sa unang bahagi nito, ay tinatalakay ang
kritika bilang isang instrumento sa pakikibaka ng kultura’t pang ideolohiyang bumubuhay sa atin
bilang mga Filipino. Ito’y nagsasaad na sa pamamagitan ng kritika ay binibigyan tayo ng mas
malalim na pag-unawa sa isang likhang sining o mga likhang isip na kung saan ay nakakatulong
sa bawat isa nang magkaroon tayo ng sapat na kamalayan kung ano nga ba ang reyalidad na
bumabalot sa ating lupunan.
Kung ating pag-aaralan, ang kritika ay binubuo ng mga argumentong walang
kinikilingan, ito’y nagbibigay linaw sa mga kahulugang di gaanong maintindihan ng mga
mambabasa sa isang pagbigkas lamang ng mga salitang nakapaloob sa isang tula o nobela. Ito’y
naglalayong bigyan ng malalim na pagtatalakay sa bawat akdang isinulat ng mga awtor upang
ito’y higit na mas mapakinabangan at maintidihan ng karamihan lalpo na sa mga nakakubli
nitong kahulugan na maaaring makahikayat sa bawat mamayan na ilathala ang magkakaibang
prinsipyo at pananaw sa buhay. Ang kritika ay naglalayong halungkatin ang kasaysayang di na
gaanong nabibigyang halaga ng ating mga kababayan marahil sa pilit nating pagkakagapos sa
kulturang pangkanluran at tila di na natin pinag-aaksayahan ng panahon ang ang mga akdang
maka Filipino na nagging salamin sa ating mayamang kasaysayan.
Sa artikulong ito higit na aking naunawaan na dapat bigyan nating halaga ang ating mga
manunulat dahil sa pamamgitan ng kanilang masining na mga kamay at isipan ay may kaakibat
na kwentong nangyayari sa ating lipunan na kapupulutan ng aral. Kung ang ating mga manunulat
ay salat sa suporta, maaring ito rin ang maging sanhi sa kamangmangan nating mga mamayan.
Ito’y marahil sa isang linyang nagsasaad na ang kritiko ay naihahalintulad sa isang “parasite” ng
isang awtor, kung ang awtor ay di gaanong nakakapagpahayag o nakakabuo ng maayos na
panitikang sumasalamin sa isyung panlipunan, ay ganun narin kasama ang resulta ng
pagtatalakay ng isang kritiko tungkol sa kanyang pinag-aaralan. Higit pa rito, ang kritika ay
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
MINDANAO
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

walang pasobaling pagtatanong at kahit kalian ay hindi ito umaangkop sa makitid na panunuri,
ito’y mayroon masistemang proseso na tumatamasa sa pangyayaring di gaanong naiintindihan ng
mga ordiaryong mambabasa. Hangad nito’y kaunlaran, pagbibigay pag-asa sa bayan at
mamayan, at pagkabuwag ng ilusyong walang kabuluhan. Ito’y isang gabay upang idilat ang
mga matang nagbubulag-bulagan sa mga nagpapanggap na liderato ng bayan.
Tunay ngang kahit ni ilang milyon pang mga nobela, tula o dula ang pilit ilathala sa lahat,
kung wala ang kritiko ay hindi mabibigyang direksiyon ang kulturang makasaysayan at
mapagpalaya. Ito’y pundasyon sa pagkakakilanlan ng ating kultura’t tradisyon, humahalungkat
sa mga krisis, at mga isyung pangpolitika at pang-ekonomiya sapagkat hindi ito gumagamit ng
mga mabulaklaking mga salita upang ilahad ang nararapat na gawing pagbabago mula sa
katotohanan. Ito’y walang pasubali at direktang pakikipagbaka para sa kultura’t kasaysayang tila
kinakalimutan ng ng iilan.

You might also like