You are on page 1of 1

Glorioso, Sarah Joy S.

Bs Rad Tech - T1B

Kahalagahan ng pag-aaral ng sariling Panitikan

Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga

karanasan, hanagarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa

pagsususlat ng tuwiran at patula. Panitikan ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng ating

kasaysayan, kultura, at tradisyon. Bilang mag aaral at nagmamahal sa sariling kultura ay

kailangang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, na may angking talino na galing sa

ating lahi at maipamalas ang pagmamalasakit sa ating sariling panitikan. Ang pag-aaral at

pagsubaybay sa pagpapayaman at pagpapaunlad ng mga panitikan sa ating bansa ay nararapat na

maging tungkulin ng bawat Pilipino.

Sa pag aaral ng panitikan magkakaroon tayo ng pagkakataon na matanto ang ating mga

kakulangan at kamalian sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay na ito'y matuwid sa tama. Sa

pamamagitan ng pag-aaral ng panitikan, ito ay ang nagsisilbing tulay para mabatid ang

kasalukuyan nakaraan, upang malaman kung paano nag ugat at namuhay ang ating kultura. Dahil

sa panitikan nagkakaroon ng pahayagan sa ibang bansa upang makapag palaganap ng sarili

nating kultura.

You might also like