You are on page 1of 39

CINHS

CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH


Senior High School Department
SCHOOL.
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang bahagi katuparan sa isa sa mga pangangailangan ng


asignaturang Pagbasa at Pagsusuri sa Iba't ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay pinamagatang "YOUTUBE ,
FACEBOOK : PAGSUSURI SA EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILING MAG-AARAL SA
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGHSCHOOL T. P. 2021-2022".
Inihanda at iniharap ng pangkat 2 ng mga mananaliksik mula sa baitang 11-
Altair na binubuo nina Vina L. Vinuya, Jelyn Fernandez, Johammed Kudarat,
Joshianxiemen Zartiga, Lojaine S. Espaldon, at Reymart Indicio ay sinuri at
itinagubilin para sa pagtanggap at pagpapatibay sa pasalitang pagsusulit.

Daisy Joy S. Villela


Tagapayo

Tinanggap bilang bahagi sa katuparan ng mga kailangan sa


asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't-ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik ng lupon pagsusulit na may gradong ___% June, 2022

Tagapangulo

Kasapi Kasapi
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

PASASALAMAT

Ipinapaabot ng mga mananaliksik ang walang hanggan na pasasalamat


sa mga taong buong pusong tumulong sa ikakaganda at pagsasaayos ng
ginawang pananaliksik upang maging epektibo ang tesis na ito;

Kay G. Nino T. Cansicio, ang guro sa asignaturang Pagbasa at


Pagsusuri ng Iba't-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik na nagbigay lakas loob
at naging kaagapay ng mga mananaliksik;

Kay Gng. Daisy Joy S. Villela, na siyang tumayo bilang tagapayo ng


mga tagasaliksik na ito, para sa kaniyang kabutihang loob na patnubayan at
pagbigay ng mga pamamaraan at aral sa mga mananaliksik;

Kay G. Ivan Velarde, na nagsilbing istatisyan ng mga mananaliksik sa


walang pagaatubiling isaayos at gabayan ang mga mananaliksik sa pagbibigay
kaalaman sa komputasyon ng mga datos;

Sa punongguro at mga guro sa paaralan ng Cabuyao Integrated


National Highschool na nagbigay ng mga kaalamang natamo ng mga
mananaliksik na nagamit sa kanilang pag-aaral upang maging maayos at
mapagtagumpayan ang pag aaral na ito;

Sa mga butihing magulang at mga kapatid ng mga mananaliksik na


nagbigay ng walang sawang suporta na nagbigay sa kanila ng lakas ng loob at
inspirasyon upang ipagpatuloy hanggang dulo ang pag-aaral na ito.

At higit sa lahat sa Panginoon na nagkaloob sa mananaliksik ng talino,


kakayahan, tiyaga, at mabuting kalusugan at bilang pinanghuhugutan ng pag-
asa at patnubay na matapos ang pag aaral na ito.
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

PAGHAHANDOG

Ang pag aaral na ito ay buong pusong inihahandog ng mga mananaliksik sa


kanilang butihing mga magulang.

Sa mga kapatid ng mga mananaliksik,


Para sa walang sawang suporta na kanilang ibinigay sa mga mananaliksik

At sa aming mahal na guro,


G. NIÑO T. CANSICIO
Para sa pagsama sa amin sa buong taong panuruan na pagbibigay sa amin
ng kaalaman at lakas ng loob

At higit sa,
PANGINOON
Sa pagbibigay ng Mabuting Kalusugan, Talino, at Tibay ng loob

.
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

Pamagat: YOUTUBE, FACEBOOK: PAGSUSURI SA EPEKTO NG


SOCIAL MEDIA SA KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO
NG MGA PILING MAG-AARAL SA CABUYAO
INTEGRATED
NATIONAL HIGH SCHOOL T. P. 2021-2022

Mananaliksik:. Jelyn Fernandez


Johammed Kudarat
Joshianxiemen Zartiga
Lojaine Espaldon
Reymart Indicio
Vina L. Vinuya

Institusyon: Cabuyao Integrated National High School

Taon: June, 2022

Abstrak:

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang epekto ng


social media sa kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa
sekundarya. Tinukoy rin ng pag-aaral na ito kung paano nakakatulong ang
paggamit ng social media, partikular na ang YouTube at Facebook na
maituturing na pinakapopular sa mga mag-aaral sa panahon ngayon sa
pakikipagkomunikasyon. Bukod pa rito, binigyang baliditi ang nabuong sarbey
kwestyuneyr ng mga mananaliksik
Upang maisagawa ito, ang mga mananaliksik ay sumailalim sa apat na
hakbang o proseso. Una, dumaan ang mga mananaliksik sa masusing
pagplano, sa pamamagitan ng pagiisip ng paksa. Ikalawa, ang pagbabasa sa
mga kaugnay na literatura at pag-aaral, pagpili ng pagtutuunang social media at
pagsusuri sa paggamit ng mga social media, partikular na ang YouTube at
Facebook sa pagtukoy sa mga epekto nito sa kakayahang pangkomunikatibo.
Ika-tatlo, ang paglinang na isinagawa sa pamamagitan ng paggawa ng sarbey
kwestyuneyr para sa mga mag-aaral. At ika-apat at panghuli, ang pagbalideyt
ng napiling ebalwaytor at ng mga ekspertong guro sa nabuong sarbey
kwestyuneyr at ang papel ng pag-aaral.
Kasunod nito ay, ipinamahagi ng mga mananaliksik ang sarbey
kwestyuneyr gamit ang elektroniko, at saka kinolekta ang mga datos na
isinaayos at maingat na ikinalkula sa pamamagitan ng weighted mean
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

at frequency percentage.
Batay sa naging resulta ng pag-aaral, lumabas na marami sa mga mag-
aaral ang gumagamit ng Facebook kaysa sa YouTube. At higit sa isang oras
nila itong ginagamit sa isang araw. Ibig sabihin ang mga mag-aaral ay tunay na
gumagamit ng social media. Napag-alaman din na ang social media partikular
na ang YouTube at Facebook ay lubos na epektibo at nakakatulong sa sarili,
pamilya, at edukasyon ng mga mag-aaral. Bukod pa rito, nailandantad din na
may positibo at negatibong epekto ang paggamit ng YouTube at Facebook. Sa
pamamagitan ng YouTube natutuhan nila ang tamang paggamit ng mga salita,
partikular na ang Wikang Filipino. Samantala, natuto rin sila ng mga salitang
hindi kaaya-aya at nagagamit nila sa maling pamamaraan. Habang, ang
paggamit ng Facebook ay naging sanhi sa mga mag-aaral na gamitin ang mga
salita o wika ng tama at angkop sa sitwasyon at sa larangang paggagamitan
nito at sa pagitan ng kanilang pamilya, kaibigan, at guro. Ibig sabihin ang
paggamit ng social media, partikular na ang YouTube at Facebook ay may labis
na kaugnayan sa kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral.

Kung kaya’t, iminumungkahi ng mga mananaliksik ang paggamit ng


YouTube at limitahan ang paggamit nito. Bukod pa rito, panatilihin ang
paggamit ng mga social media bilang midyum ng pakikipagkomunikasyon na
makakatulong at magagamit para sa sarili, pamilya at edukasyon. At panghuli,
ito nang angkop upang hasain at iangat ang kakayahang pangkomunikatibo o
kaalaman sa tamang pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral.
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

TALAAN NG NILALAMAN

Paunang Dahon

Dahon ng Pagpapatibay

Pasasalamat

Paghahandog

Tesis Abstrak

Talaan ng Nilalaman

Tala ng Talahanayan

MGA KABANATA

1. ANG SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NITO


Introduksyon
Balangkas Teotrikal
Paradigma ng Pag-aaral
Paglalahad ng Suliranin
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Kahulugan ng mga Katawagang Gamit

2. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA


Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Sintesis

3. METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
Disenyo ng Pananaliksik
Mga Tagasagot
Instrumentong Gamit
Baliditi ng Instrumento
Paraan sa Pangangalap ng mga Datos
Pagsusuring Istatistikal

4. PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT PAGPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

5. PAGLALAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON


CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

Buod ng Kasagutan
Konklusyon
Rekomendasyon

TALASANGGUNIAN
APPENDIKS

Paghingi ng Pahintulot
Liham sa Ebalweytor Hinggil sa Balidi

TALA NG TALAHANAYAN

Talahanayan Deskripsyon Pahina


CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

YOUTUBE, FACEBOOK: PAGSUSURI SA EPEKTO NG SOCIAL MEDIA


SA KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO SA WIKANG FILIPINO
NG MGA PILING MAG-AARAL SA CABUYAO INTEGRATED
NATIONAL HIGH SCHOOL T.P. 2021-2022

Isang Pananaliksik na Iniharap sa Guro sa


Filipino ng Kagawaran ng Wika,
Lingguwistika at Literatura

Bilang Bahagi ng Pagsasakatuparan sa Asignaturang Pagbasa at


Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Mga Mananaliksik,

Jelyn Fernandez
Johammed Kudarat
Joshianxiemen Zartiga
Lojaine Espaldon
Reymart Indicio
Vina L. Vinuya

July, 2022

Kabanata I
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

ANG SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NITO

Introduksyon

Ayon kina Lee and McLoughlin (2010) ang social networking sites ay
nakakatulong sa mga mag-aaral bilang isa sa kanilang mga educational tools
sapagkat sa pamamagitan nito napapadali ang interaksyon, daloy ng
impormasyon, pagtuklas at pagbabahagi ng kaalaman sa lipunan. Kung kaya't,
sa pag-aaral na ito, bibigyang pansin ang epekto ng social media sa
kakayahang pangkomunikatibo ng mga piling mag-aaral sa Cabuyao Integrated
National Highschool.

Sa kasalukuyan sakop na ng modernisasyon ang ating lipunan,


kaalinsabay nang pagpasok natin sa mundo ng mga makabagong teknolohiya.
Sa pag-usbong ng teknolohiya nagsilabasan din ang mga social networking
sites o social media katulad ng YouTube na isang websayt ng puno ng mga
bidyu mula sa mga vlogger, Facebook na isang websayt na popular ngayon sa
buong mundo na ayon sa Facebook Statistics and Trend Test (2022),
tinatayang 2.936 bilion ng populasyon ng buong mundo ang aktibong
gumagamit nito. Kaya naman, hindi maikakakaila ang social media ay isang
websayt na tumutulong sa pagpapatuloy ng pakikipagkomunikasyon at daloy ng
impormasyon dahil sa dami ng mga gumagamit nito.

Samantala, sa Pilipinas tinatayang 82.4% o mahigit kalahati ng


populasyon ang mga aktibong Pilipinong gumagamit ng social media ngayong
taon ( Kemp, Simon, 2022), at ayon pa sa pag-aaral mas higit na maraming
kabataan ang gumagamit ng social media sa bansa. Dahil dito, sa pag-usbong
ng internet at habang tumatagal, ang kaalaman ng mga tao sa kaniyang
kapaligiran ay nadadagdagan din. Kaya naman, posibleng ang kaalaman ng
mga mag-aaral sa Wikang Filipino ay nadagdagan din dahil sa social media na
sa pamamagitan ng paggamit nito nabibigyang pagkakataon ang mga mag-
aaral na makibahagi at magamit ang wikang Filipino. Sa kabilang banda,
walang kasiguraduhan na ang mga kabataan o mag-aaral ay nagagamit ang
wikang Filipino ng angkop sa larangang pinanggagamitan nito ngunit
napakahalaga para sa isang indibidwal na gamitin ang wika sa tamang
paggamit nito.

Pinatunayan ito ni Hymes (1972), nararapat na ang isang indibidwal ay


dapat magtaglay ng hindi lang ng kaalaman tungkol dito kundi ng kahusayan at
kasanayan sa tama at angkop na paggamit nito sa pakikipagtalastasan,
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

pakikipagkomunikasyon, at pakikipagkaibigan sa loob at sa larangang


pinanggagamitan nito.

Itinuturing na mahalaga ang pag-aaral na ito dahil sa may


kapanikabangan ito, partikular na sa mga mag-aaral na nagnanais na
mapaunlad ang kanilang kaalaman sa Wikang Filipino at sa tamang paggamit
nito.

Kaya naman, layunin nitong malinang at masuri ng epekto ng


paggamit ng social media sa kakayahang pangkomunikatibo ng mga piling
mag-aaral sa Cabuyao Integrated National Highschool.

.Balangkas Teotrikal

Ang pag aaral na ito ay nakabatay sa dalawang teorya na connectivism


na binuo nina George Siemens at Stephen Downes (2005) and constructivism
na binuo ni Jean Piaget(1936) . Ang teoryang connectivism ay tumutukoy sa
pag-aaral na nagmumungkahing pagsama-samahin ng mga mag-aaral ang
mga kaisipan, teorya at pangkalahatang impormasyon na nakuha nila sa
teknolohiya o sa mga social networking sites at gamitin sa tamang
pamamaraan. Habang ang teoryang constructivism naman ay napapaunlad ng
interaksyon at nalilinang ang kaisipan ng mga mag-aaral gamit ang kaalaman
na kaniyang nakuha.

Malinaw na sinasabi ng mga teoryang ito na nakakatulong ang interaksyon


at social media sa pagpapalaganap ng kaalaman ng mga mag-aaral maging
ang kanilang kaalaman sa wikang Filipino, partikular na sa kakayahang
pangkomunikatib ng mga ito. Kung kaya’t nararapat na bigyang pansin ang
impak ng social media sa pagpapalaganap ng kaalaman sa wikang Filipino sa
mga mag-aaral, partikular na ang kakayahang pangkomunikatibo ng mga ito.
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

Paradigma ng Pag-aaral

INPUT Proseso Awtput

Ang pag-aaral na ito ay Paggawa ng  


isinagawa upang mabigyan ng palatanungan o
tiyak na kasagutan ang mga 1. Nalinang
kwestyoneyr.
sumusunod na katanungan: ang epekto
Sarbey ng social
1. Anong social networking media sa
sites ang madalas na Pag-aanalisa sa kakayahang
ginagamit ng mga mag-aaral? pamamagitan ng pangkomuni
frequency katibo ng
a.) YouTube percentage, mga mag-
weighted mean at aaral.
b.) Facebook
pagbibigay 2. Mga
2. Paanoo nakakatulong ang interpretasyon sa solusyon o
social media sa: mga nakuhang rekomendas
datos sa pag- aaral yon sa mas
a.) Sarili
pagpapa-
b.) Pamilya unlad ng
mga
c) Edukasyonn positibong
epekto ng
3. May positibo o negatibo social media
bang epekto ang social media sa
sa kakayahang kakayahang
pangkomunikatib ng mga mag- pangkomuni
aaral ayon sa madalas na katibo ng
social networking sites na mga piling
ginagamit ng mga mag-aaral? mag-aaral.
a.) YouTube

b.) Facebook

Feedback
Ipinapakita sa paradigma ng pananaliksik na ito ang paglalarawan sa
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

epekto ng social media sa kakayahang pangkomunikatibo ng mga piling mag-


aaral sa Cabuyao Integrated National High School. Ang paradigma na ito ay
tinatawag na I-P-O na nagrerepresenta ng tatlong yugto na Input-Proseo-
Awtput (MacCuspie R. I. 2014). Sa unang bahagi ng kahon, ipinapakita ay ang
mga suliraning bibigyang kasagutan ng pag-aaral.

Sa ikalawa at gitnang kahon, ipinapakita ang pamamaraan ng


pagsasagawa ng pag-aaral sa pamamagitan ng paggawa ng sarbey
kwestyuneyr na ipapamahagi sa mga napiling respondante mula sa iba't ibang
baitang ng Cabuyao Integrated National High School. Ang mga nakalap na
datos ay susuriin at ang pagtitimbang nito ay gagamitan ng mga pormulasyong
istatistikal.

Sa panghuling kahon, ipinapakita ang kalalabasan ng pag-aaral na ito,


ang malinang ang epekto at paunlarin ang positibong epekto ng social media sa
kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa Cabuyao Integrated
National Highschool.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang maipakita ang Impak ng Social


Media sa kakayahang pangkomunikatibo ng mga piling mag-aaral sa Cabuyao
Integrated National Highschool T. P. 2021-2022 at mabigyan ng tiyak na
kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anong social networking sites ang madalas na ginagamit ng mga mag-aaral?


a.) Youtube
b.) Facebook
2. Paano nakakatulong ang social media sa:
a.) Sarili
b.) Pamilya
c) Edukasyon
3. May positibo o negatibo bang epekto ang social media sa kakayahang
pangkomunikatib ng mga mag-aaral ayon sa madalas na social Networking
sites na ginagamit ng mga mag-aaral?

a.) YouTube

b.) Facebook
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

Layunin at Kahalagahan

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang bigyang pansin ang naging


malaking impak o epekto ng pag-usbong ng social media sa panahon ngayon,
higit na sa mga mag-aaral at mabatid kung nakakatulong ba sa mga Pilipino
ang social media tulad na lang sa mga kabataang mag-aaral.
 
Ang mga mananaliksik ay naniniwala na makakatulong ito sa mga
sumusunod:

Para sa mga Mag-aaral. Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga


mag-aaral na maging kapaki-pakinabang ang kanilang paggamit ng social
media, partikular na ang YouTube at Facebook.
Para sa Punong Guro. Ang magiging resulta ng pag-aaral ay
makakapagbigay ideya at kaalaman sa paggamit ng social media bilang
midyum ng pagkatuto.
Para sa mga Guro. Makakatulong ang pag aaral na ito sa mga guro upang
umunlad ang kanilang pamamaraan ng pagtuturo sa pamamagitan ng social
media.
Para sa mga Mananaliksik. Ang natuklasan sa pag-aaral ay makakatulong
sa mga mananaliksik upang suriin ang ikakaunlad ng paggamit ng social media
upang linangin ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral.
Para sa mga Mananaliksik ng Hinaharap. Malaki ang benepisyo ng pag-
aaral na ito bilang karagdagan sa mga materyal na kanilang gagamitin upang
masuri ang epekto ng social media sa kakayahang pangkomunikatibo ng mga
mag-aaral.

Sa kabuuan. Mahalaga ang pag-aaral na ito na may pangkalahatang


layunin na mabatid ang impak ng social media sa wika, kultura at kakayahang
na gamitin ito ng mga piling mag-aaral sa Cabuyao Integrated National
Highschool. Ang mga tiyak na layunin nito ay sumusunod:

1. Upang matukoy kung ano ang madalas gamitin na social networking


sites ng mga mag-aaral.
2. Upang malaman kung nakakatulong ba ang social media sa
a. sarili,
b. pamilya;
c. edukasyon.
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

3.Upang malaman ang epekto ng social media sa kakayahang


pangkomunikatibo ng mga mag-aaral.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ang malaman ang impak ng social media
sa kakayahang pangkomunikatibo ng mga piling mag-aaral sa Cabuyao
Integrated National Highschool sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
katanungang patungkol sa napiling paksa ng pag-aaral.

Ang dalawampung mag-aaral na sumasailalim sa pag-aaral na ito ay mula


sa iba't ibang baitang sa Cabuyao Integrated National Highschool Taong
Panuruan 2021-2022 . Kinabibilangan ito ng dalawang mag-aaral mula sa
baitang 7, dalawang mag-aaral mula sa baitang 8, limang mag-aaral mula sa
baitang 9, limang mag-aaral mula sa baitang 10, at mag-aaral mula sa baitang
11 at tatlong mag-aaral mula sa baitang 12.

Hindi saklaw sa pag-aaral na ito ang mga mag-aaral mula sa Elementarya


at Kolehiyo. Gumamit ang mga mananaliksik ng kwustyuneyr o palatanungang
papel na binigyang kasagutan ng mga respondante na siyang magpapatibay na
ang pag-aaral na ito ay lehitimo.

Kahulugan ng mga Katawagang Ginamit

Abilidad – Ito ay ang kakayahan ng isang indibidwal sa anumang bagay.

Akademikong Gawain – Ito ay tumutukoy sa mga gawain ng mga mag-aaral


sa paaralan.

Behikulo – Ito ay tumutukoy sa gamit o pamamaraan na nagpapadali ng


isang sitwasyon.

Bentahe – Ang bentahe ay kabaligtaran ng disbentahe na tumutukoy sa


magaganda at kapaki-pakinabang na dulot ng isang bagay.

Estadistikal – Ito ay isang pagsusuri na ginagamitan ng matematikal na


pamamaraan para sa komputasyon sa mga nakalap na datos.
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

Kakayahang Pangkomunikatibo – Ang kakayahang pangkomunikatibo ay


tumutukoy sa abilidad ng isang taong gamitin ang isang wika sa tama at
angkop na pamamaraan ayon sa larangang pinanggagamitan nito.

Kakayahang Sosyal – Ito ay tumutukoy sa abilidad ng isang indibidwal na


magamit ang wika ayon sa hinihinging sitwasyon ng
pakikipagkomunikasyon.

Larangan – Ito ay tumutukoy sa isang sitwasyon at lugar nito.

Modernisasyon – Ito ay maituturing na panahon ng teknolohiya kung saan


ang bawat indibidwal ay may kaniya kaniyang ginagamit na gadyet.

Panlipunang Karakter – Ito ay tumutukoy sa katangian at kakayahan ng


isang indibidwal sa anumang bagay at sitwasyon.

Social Media – Ito ay isang websayt na ginagamit sa


pakikipagkomunikasyon at pagkalap ng mga impormasyon.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AATAL AT LITERATURA SINTESIS

Introduksyon

Sa panahon ngayon ang social media ay isa sa mga produkto ng


modernisasyon. Hindi lamang ito, ang social media ay tumutukoy rin sa
pagbabahagian at pakikipagkomunikasyon (Tech Savvy, 2017). At batay sa
naging resulta ng pag-aaral ni Perea (2017) na ang social media ay parehas na
may positibong epekto at negatibong epekto lalo na sa mga kabataan at mag-
aaral. Kaya naman, ang pag aaral na ito ay isinagawa upang masuri at
malinang ang epekto ng social media sa kakayahang pangkomunikatibo ng
mga mag-aaral sa Cabuyao Integrated National Highschool taong panuruan
2021-2022. Upang mas malinawagan sa paksa ng pag aaral na ito, narito ang
mga kaugnay na pag-aaral at literatura:

Positibong Epekto ng Social Media sa Kakayahang Pangkomunikatibo


CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

Ayon kay Rohmadi (2018), ang mga tao sa pamamagitan ng social media
ay malayang nakakapagpahayag at nakikipag-interaksyon sa buong mundo.
Kung kaya't itunuturing ito bilang isa sa mga behikulo o pinakapangunahing
paraan sa pakikipagkomunikasyon at pakikipagkoneksyon sa kapwa. Bukod pa
rito, batay sa naging resulta ng pag-aaral nina Tuason (2021);Quizon (2021),
nakakatulong ang social media para sa akademikong gawain at pagganap ng
mga mag-aaral dahil mas mabilis na nakamit ng mga ito ang maraming
impormasyon sa pinagmulan ng wika at ang tamang paggamit nito. Bilang
halimbawa, batay sa naging resulta ng pag-aaral ni Benancer (2019), ang
paggamit ng social media, partikular na ang Facebook ay nakakapagbigay
kahusayan at kasanayan sa iba't ibang mga kakayahan sa
pakikipagkomunikasyon na bumubuo sa kakayahang pangkomunikatibo ng
mga mag-aaral. At isa ang Facebook na nakakatulong sa pag-aaral dahil dito
nagkakaroon ng komunikasyon sa pagitan ng mga mag-aaral at ng mga guro
(Sadorra, 2019). Habang, ayon kina Ilyas, M. & Putri, M. E. (2020), may
makabuluhang epekto ang paggamit ng channel sa YouTube sa kasanayan sa
pagsasalita ng mga mag-aaral. Dagdag pa rito, ayon kina Loewen, S. (2020),
ang ilan sa mga mag-aaral na gumagamit ng social media ay nakapagpaunlad
ng kanilang kaalaman sa gramatika at bokabularyo gayundin ang kanilang
abilidad sa pakikipagtalastasan.

Bukod pa rito, ayon kina Abbas, Zhou, Deng & Zhang (2018),
nakakatulong ang social media sa paglaganap ng ating kaalaman sa paligid
higit sa lahat sa ating kulturang pinagmulan. Dagdag pa rito, ang social media
rin ay nagdudulot ng positibong epekto sa miyembro ng pamilya at sa kapwa,
ilan sa halimbawa nito ay ang pagpapanatili ng koneksyon at interaksyon ng
bawat isa, at mas napapadali nito ang pakikipagkomunikasyon (Joo & Teng,
2017). Kaya naman, napakahalaga ng social media dahil hindi natin maikukubli
na nakakatulong ito sa pangaraw-araw na alintuntunin at gawain ng bawat tao.
Bilang pagpapatunay, batay sa naging pag-aaral ni Manio (2017), maraming
bentahe ang hatid ng rekursong ito sa dami ng bagay na naihahatid nito at sa
bilis nang daloy ng impormasyon sa loob nito.

Negatibong Epekto ng Social Media sa Kakayahang Pangkomunikatibo


CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

Makikita sa mga pag-aaral na nabanggit na marami nang mga


mananaliksik ang nakakita sa kahalagahan ng paggamit ng teknolohiya sa
pagtuturo at pagkatuto (Itlas, Conroy & Hildebrand, 2017). Ngunit, sa kabilang
dako, ayon kay Manio (2017), epektibo ang social media sa pagbabago ng
lipunan at ang mga indibidwal sa loob nito. At sinabi pa nina Akram & Kumar
(2017) na nagsabing ang social media ay puno ng panganib. Ilan sa halimbawa
nito, ang naging resulta sa pag-aaral ni Tetep (2019) na nagpatunay na ang
social media ay nakakababa ng panlipunang karakter at kakayahang sosyal ng
isang indibidwal dahil sa walang personal na interaskyon. At pinagtibay pa ito
nina Abbas, Aman, Nurunnabi & Bano (2019) na nagsabing ang social media ay
nakakabawas sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon.

Konklusyon

Kung kaya't, ang paggamit ng social media ay may kaakibat na positibo


at negatibong epekto sa buhay ng mga tao (Diraditsile & Samakabadi, 2018).
Kaya naman, nararapat na ang bawat indibidwal na gumagamit ng social media
ay ugaliing gamitin ito nang maayos, maingat at maiging basahin ang nilalaman
ng article upang maunawaan ang isang sitwasyon at pangyayari (Senin, 2021).
At saka, batay sa pag-aaral nina Barlaan & Javier (2020), magiging kapaki-
pakinabang lamang ito kung isinasaalang-alang ang tamang paggamit nito na
magdudulot para sa lahat, partikular sa mga mag-aaral sa ikakalawak at
ikakaganda ng kanilang mga takdang aralin at pakikipagkomunikasyon.

Sa pangkalahatan, ang kaugnayan ng mga nasabing pag-aaral at mga


literatura na ito ay kung paano nakakaapekto ang social media sa kaalaman at
kakayahan ng bawat mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino ayon sa
kapaligaran nito. Kasunod niyan, ang mga ito ang magpapatibay sa magiging
resulta ng pag-aaral.
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

KABANATA III
METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

 Disenyo ng Pananaliksik

Gumamit ang mga mananaliksik ng disenyong kwantitatibo. Ang


pamamaraang ito ay mabisa para sukatin ang magiging resulta ng pag-aaral.
Karaniwan itong ginagamit sa isang empirikal na imbestigasyon sa isang paksa
at ponemenong kultural sa pamamagitan ng matematikal at estadikal na
komputasyon sa mga datos.

Gumamit ng sarbey ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng


palatanungang papel upang malaman ang naging epekto ng social media sa
kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa Cabuyao Integrated
National Highschool.

Mga Tagasagot

Upang makuha ang mga respondante, gumamit ng convenience sampling


ang mga mananaliksik kung saan ang mga mananaliksik ay pumili ng sample
batay sa sariling panghusga at sa pamamaraang ito hindi lahat ng miyembro
mula sa kinabibilangan nitong pangkat ay may pantay na pagkakataon na
lumahok sa nasabing pag-aaral. Maraming mga mananaliksik na ang gumamit
ng ganitong sampling method, sapagkat marami itong bentahe tulad ng malapit
na distansya ng mga sample sa mga mananaliksik at bilis sa pangongolekta ng
datos sapagkat ang mga sample ay nakahandang tumugon( Jackson, 2021).
Kung kaya't, convenience sampling method ang angkop para sa pag-aaral na
ito.

Ang napiling respondante sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral mula sa iba't


ibang baitang sa Cabuyao Integrated National Highschool na may bilang na
dalawampu’t pito (27) mag-aaral sa taong panuruan 2021-2022.
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

TALAHANAYAN A
Mga Respondante ng Pag-aaral

Baitang Tagasagot

Ika pitong baitang 10

Ika walong baitang 1

Ika-siyam na baitang 3

Ika-sampung baitang 4

Ika-labing isang baitang 6

Ika labing dalawang baitang 3

Kinabibilangan sa dalawampu't pitong respondante ang mga mag-aaral:


sampu mula sa baitang 7, isa mula sa baitang 8, tatlo mula sa baitang 9, apat
mula sa baitang10, anim mula sa baitang 11 at tatlo mula sa baitang 12.

Instrumentong Gamit

Bumuo ng talatanungan ang mga mananaliksik batay sa maaring epekto


ng social media sa kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral ng
Cabuyao Integrated National Highschool. Ang talatanungan ay isang talahayan
ng mga kwestyun kasama ang mga opsyon na sagot ng mga respondante.
Bahagi ng pagsasagot ng mga respondante ang pagpili ng opsyon sa bawat
katanungan.

Sipi ng Sarbey Kwestuneyr


SARBEY KWESTUNEYR

Panuto: Punan ng angkop na impormasyon ang mga sumusunod


nakatanungan.

SARBEY KWESTUNEYR

Panuto: Punan ng angkop na impormasyon ang mga sumusunod


nakatanungan.
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

Bilang pagtupad sa R.A. 10173 o Data Privacy Act, kaming mga mananaliksik
ay nakatuon sa pagprotekta sa iyong personal na datos na makukuha at
igagalang ang iyong halaga bilang isang respondante alinsunod sa mga
kinakailangan ng batas at mga tuntunin at regulasyon na ipinapatupad nito.
Mangyaring maabisuhan na sa pamamagitan ng pag-access sa form, ibinibigay
mo ang iyong buong pahintulot sa mga mananaliksik upang kolektahin ang
iyong mga sagot.

⬜ Naiintindihan ko

I.Propayl

Pangalan (opsyonal) ________

Baitang at Seksyon _____________

II. Mga Tanong

Panuto: Punan ng angkop na impormasyon ang mga sumusunod


nakatanungan. Lagyan naman ng tsek (✓) ang kahon ng napiling sagot.

Talahanayan I.

Salik Facebook YouTube


1. Anong social media
ang madalas mong
gamitin?

Wala Is Higit sa Kalahating


pang isang ang oras isang oras Araw
oras
2. Gaano mo
katagal na
ginagamit
ang isang
social media
websayt?
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

Talahanayan II.

Mga Salik Lubos na Sang Hindi Hindi


Sumasang- -ayon Sumasang- Sang-
ayon (4) (3) ayon (2) ayon
(
1)
1. Para sa sarili;
Nakakatulong ang social
media sa aking pakikipag
komunikasyon
2. Sa pamilya;
Nakakatulong ang social
media upang mapanatili
ko ang aking interaksyon
sa aking pamilya
3. Sa aking
edukasyon;Nakakatulong
ang social media sa
aking akademikong mga
gawain na
nangangailangan ng
tamang paggamit ng
mga salita.

Talahanayan III.

a. Positibo at Negatibong Epekto ng YouTube


Salik Lubos na Sang May Hindi
Sumasang- -ayon Pagaalinlangan Sang-
ayon (4) (3) (2) ayon
(
1)
1. Natutuhan ko ang
tamang paggamit
ng Wikang Filipino
sa aking mga
napapanood.
2. Sinasanay ko ang
aking sarili sa
pakikipagtalastasa
n sa Wikang
Filipino sa
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

pamamagitan ng
aking mga bidyu at
aking mga
napapanood sa
YouTube.
3. Sa pamamagitan
ng YouTube,
natuto ako ng mga
hindi kaaya ayang
salita at gawi na
nagagamit ko sa
maling
pamamaraan at
sitwasyon.

b. Positibo at Negatibong Epekto ng Facebook

Mga Salik Lubos na Sang May Hindi


Sumasang -ayon Pagaalinlanga Sang
-ayon (3) n -ayon
(4) (2) (
1)
1. Sa aking aktibong
paggamit ng Facebook,
nauunawaan ko ang
mga pangyayari sa
pag-unawa lamang ng
mga salita.
2. Nagagamit ko ang mga
tama at angkop na
salita sa
pakikipagkomunikasyo
n sa pagitan ng aking
pamilya, kaibigan, at sa
aking mga guro.
3. Ang aking paggamit ng
Facebook ay
nakakabawas sa aking
kakayahang sosyal.
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

Balidi ng Instrumento

Ang inihandang sarbey kwestuneyr ng mananaliksik ay iniwasto ng


napiling tagapayo sa pananaliksik. Binigyang balidasyon ng kagalang-galang
na si Gng. Daisy Joy Salan Villela.

Paraan sa Pagkalap ng Datos

Gumawa ang mga mananaliksik ng palatanungang papel na


kinapapalooban ng walong tanong kaugnay sa maaring epekto sa kakayahang
pangkomunikatibo ng mga respondante na binigyang pahintulot ng evaluator
upang masimulan na ang pagbabahagi nito. Ang palatanungang papel ay
ibinahagi sa dalawampung napiling respondante at ang mga napiling
respondante ay mga mag-aaral na tiyak na gumagamit ng social media. Ang
mananaliksik ang mismong nangalap ng datos upang lubos na maunawaan ng
mga respondante ang paksa at saklaw ng pag-aaral at upang matiyak ang
kalidad at balidasyon ng mga datos.

Pagsusuring Istatistikal

Ang nakalap na datos ay maaayos at maingat na susuriin upang matukoy


ang kabuuang resulta ng pag-aaral. At upang makuha ang sagot sa kung ano
ang naging impak ng social media sa kakayahang pangkomunikatibo ng mga
mag-aaral ang mga mananaliksik ay gumamit ng percentage frequency o
bahagdan, descriptive statistical analysis o talahayan at weighted mean
kaalinsunod sa pormula nito upang mas mabilis na maunawaan ang mga
nakalap na datos:

1. Percentage Frequency

BILANG NG MGA SUMAGOT_________ x100

PORSYENTO = KABUUANG BILANG NG RESPONDANTE


CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

2. Weighted Mean

WM= (x₁*4)+( x₃*3)+(x₄*2)+(x₅*1)


n

Kung saan:
WM= Weighted Mean
x₁= Bilang ng mga respondanteng lubos na sumasang-ayon
x₂=Bilang ng mga respondanteng sang-ayon
x₃=Bilang ng mga respondanteng may pagaalinlangan
x₄=Bilang ng mga respondanteng hindi sang-ayon
n= Kabuuang bilang ng mga respondante
Ang General Weighted Mean ay kinalkula sa pamamagitan ng
paggamit ng formulang ito:

GWM= ∑x
8
Kung saan:
GWM=General Weighted Mean
∑x=Summation of the Weighted Mean

3. Likert Scale

Weight Range Deskripsyon

4 3.25-4.00 Lubos na Sumasang-ayon


CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

3 2.50-3.24 Sang-ayon

2 1.75-2.49 May pagaalinlangan

1 1.00-1.74 Hindi Sang-ayon

KABANATA IV
PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Talahanayan I.

Pigura 1. Uri ng social media na madalas gamitin ng mga mag-aaral.


CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

Base sa Pigura 1, ang social media na madalas gamitin ng mga mag-


aaral ay Facebook na nakakuha ng pinakamataas na porsyento na 74. 1%.
Habang, YouTube naman ang nakakuha ng pinakamababang porsyento na
25.9%.

Paradigma 2. Ang oras na nilalaan ng mga mag-aaral sa paggamit ng social m

Makikita sa pigura 2, ang oras na nilalaan ng mga mag-aaral sa


paggamit ng social media. Kung saan, 66.7% ng mga mag-aaral ang nagsabing
higit sa isang oras ang paggamit nila nito. Habang, pumapangalawa naman ang
porsyento ng mga mag-aaral na nagsabing kalahating araw silang gumagamit
nito na nakakuha ng 22.2%. Sumunod dito, ay ang 7.41% ng mga mag-aaral na
nagsabing ang paggamit nila ng social media ay wala pang isang oras. At
panghuli, 3.7% ng mga mag-aaral ang nagsabing wala pa sa isang oras silang
gumagamit ng social media.

Talahanayan II. Pagiging Epektibo ng Social Media para sa Sarili, Pamilya at


Edukasyon

Mga Salik Lubos San May Hin Weigh Deskrip


na g- Pagaalinla di ted syon
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

Sumas ayo ngan San Mean


ang- n (2) g-
ayon (3) ayo
(4) n

(1)
4. Para sa sarili; 15 11 1 0 3.52 Lubos
Nakakatulong na
ang social Sumasa
media sa aking ng-ayon
pakikipag
komunikasyon
5. Sa pamilya; 10 11 5 1 3.10 Sang-
Nakakatulong ayon
ang social
media upang
mapanatili ko
ang aking
interaksyon sa
aking pamilya
6. Sa aking 13 11 2 1 3.30 Sang-
edukasyon;Nak ayon
akatulong ang
social media sa
aking
akademikong
mga gawain na
nangangailang
an ng tamang
paggamit ng
mga salita.
Average 3.31 Lubos
na
Sumasa
ng-ayon

Base sa talahanayan 2, ang mga mag-aaral ay lubos na sumasang-ayon


na ang social media ay nakakatulong sa pakikipagkomunikasyon na nakakuha
ng pinakamataas na weighted mean (3.52) na kung saan napatunayan din sa
pag-aaral ni Tech Savvy (2017). Habang, lubos na sumasang-ayon sila na
nakakatulong ang social media sa pagpapanatili ng interaksyon sa pagitan ng
kanilang pamilya na nakakuha ng pinakamababang weighted mean (3.10) kung
kaya’t tunay na ang social media ay nakakapagpanatili ng koneksyon at
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

interaskyon ng bawat isa, sa pamilya at sa kapwa na batay rin sa pag-aaral


nina Joo & Teng (2017). Dahil sa mga datos na nakalap, lumabas na ang social
media ay nakakatulong sa sarili, pamilya at edukasyon ng mga mag-aaral sa
Cabuyao Integrated National High School sapagkat ang datos ay nakakuha ng
kabuuang timbang na 3.31

Talahanayan 3. Epekto ng Social Media sa Kakayahang Pangkomunikatibo ng


mga mag-aaral.

3.1 Positibo at Negatibong Epekto ng YouTube


Salik Lubos San May Hin Weight Deskrips
na g- Pagaalinla di ed yon
Sumasa ayo ngan San Mean
ng-ayon n (2) g-
(4) (3) ayo
n

(1)
4. Natutuhan 7 17 3 0 3.15 Sang-
ko ang ayon
tamang
paggamit ng
Wikang
Filipino sa
aking mga
napapanood
.
5. Sinasanay 9 11 6 1 3.04 Sang-
ko ang aking ayon
sarili sa
pakikipagtal
astasan sa
Wikang
Filipino sa
pamamagita
n ng aking
mga bidyu at
aking mga
napapanood
sa YouTube.
6. Sa 5 12 7 3 2.70 Sang-
pamamagita ayon
n ng
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

YouTube,
natuto ako
ng mga hindi
kaaya ayang
salita at gawi
na
nagagamit
ko sa maling
pamamaraa
n at
sitwasyon.
Average 2.96 Sang-
ayon

Ipinapakita sa talahanayan 3, ang positibo at negatibong epekto ng


YouTube. Ang salik na nakakuha ng pinakamataas na weighted mean (3.15) ay
sinang-ayonan ng mga mag-aaral na nagsasabing natutuhan nila ang tamang
paggamit ng Wikang Filipino sa kanilang mga napapanood. Habang, ang salik
na nakakuha ng pinakamababang weighted mean (2.70) ay sinang-ayonan din
ng mga mag-aaral na nagsasabing sa pamamagitan ng YouTube ay natututo
sila ng mga hindi kaaya ayang salita at gawi na nagagamit nila sa maling
pamamaraan at sitwasyon. Base sa mga nakalap na datos, ang YouTube ay
may positibo at negatibong epekto sa kakayahang pangkomunikatibo ng mga
mag-aaral sapagkat ang datos ay nakakuha ng kabuuang timbang na 2.96
tunay ngang may makabuluhang epekto ang YouTube sa kasanayan sa
pagsasalita ng mga mag-aaral ayon kina Ilyas, M. & Putri E. (2020).

3.2 Positibo at Negatibong Epekto ng Facebook

Mga Salik Lubos San May Hin Weigh Deskripsy


na g- Pagaalinla di ted on
Sumas ayo ngan San Mean
ang- n (2) g-
ayon ( ayo
(4) 3) n

(1)
4. Sa aking 9 13 5 0 3.15 Sang-
aktibong ayon
paggamit ng
Facebook,
nauunawaan
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

ko ang mga
pangyayari sa
pag-unawa
lamang ng
mga salita.
5. Nagagamit ko 11 15 1 0 3.37 Sang-
ang mga tama ayon
at angkop na
salita sa
pakikipagkom
unikasyon sa
pagitan ng
aking pamilya,
kaibigan, at
sa aking mga
guro.
6. Ang aking 2 8 11 6 2.30 May
paggamit ng Pagaalinla
Facebook ay ngan
nakakabawas
sa aking
kakayahang
sosyal.
Average 2.91 Sang-
ayon

Batay sa talahanayan 3.2, ang nakakuha ng pinakamataas na weighted mean


ay ang pangatlong salik na may timbang na 3.37 na nagpapakita na sang-ayon
ang mga mag-aaral na nagagamit nila ng tama at angkop ang mga salita sa
pakikipagkomunikasyon sa pagitan ng kanilang pamilya, kaibigan at mga guro.
Samantala, ang nakakuha ng pinakamababang weighted mean (2.30) ay ang
pangatlong salik na para sa mga mag-aaral ay niyutral o may pag-aalinlangan
sila na ang paggamit ng mga mag-aaral ng Facebook ay nakakabawas sa
kanilang kakayahang sosyal, kaya naman, ang resulta sa pag-aaral ni Tetep
(2019), ang social media ay nakakabawas sa panlipunang karakter at
kakayahang sosyal ng mga mag-aaral ay walang kasikasiguraduhan. Dahil sa
mga datos na nakalap, napagalaman na may positibo at negatibong epekto ang
paggamit ng Facebook sa kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral
sapagkat ang datos ay nakakuha ng kabuuang timbang na 2.91.
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

KABANATA V

PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Buod ng Kasagutan

Ang pag aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang epekto ng social
media, partikular na ang YouTube at Facebook sa kakayahang
pangkomunikatibo ng mga piling mag-aaral sa Cabuyao Integrated National
High School taong panuruan 2021-2022. Ang mga mananaliksik ay nangalap
ng mga datos tungkol sa kung ano ang madalas na gamiting social media ng
mga mag-aaral at kung gaano katagal nila itong ginagamit. Ikalawa, ay upang
matukoy kung ano ang naitutulong nito sa sarili, pamilya at edukasyon ng mga
mag-aaral. At ikatlo, upang malaman kung may positibo o negatibong epekto
ba ang social media sa kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral.

Upang matukoy kung anong social media ang madalas ginagamit ng


mga mag-aaral at kung gaano katagal nila itong ginagamit, mga natulong at
ang mga epekto nito. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey
kwestyuneyr para sa mga piling mag-aaral lamang na handang magsagot nito
na mula sa iba't ibang baitang sa Cabuyao Integrated National High School ,
upang makalakap ng mga datos na binigyang interpretasyon upang makamit
ang layunin ng pag-aaral. May dalawampu't pitong (27) respondante sa pag-
aaral na ito.

Konklusyon

Batay sa mga datos na maingat na sinuri at inilathala ng mga


mananaliksik, natuklasan ang mga sumusunod:

1. Sumasaklaw sa malaking bahagdan ng mga respondente ang madalas


na gumagamit ng Facebook kaysa sa YouTube. Natuklasan din na halos
higit sa kalahati sa naithalang populasyon ang gumagamit ng social
media nang higit sa isang oras.

2. Karamihan sa mga ito ang lubos na sumasang-ayon na nakakatulong

ang social media sa a.) saliri, at sumang-ayon para sa b.) pamilya at c.)
edukasyon kaugnay sa pakikipagkomunikasyon at sa kanilang
akademikong pagganap.
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

3. Ang pagkakaroon ng social media batay sa lumabas na resulta ng pag-


aaral, a.) ang YouTube ay may positibo at negatibong epekto na batay
sa karamihan na sa pamamagitan nito natutuhan nilang gamitin ang mga
salita, partilukar na ang Wikang Filipino. Isiniwalat din na kalahati sa mga
ito ang nagsabing sa pamamagitan ng YouTube natuto sila ng mga
salitang hindi kaaya-aya at nagagamit nila sa maling pamamaraan at
sitwasyon. b.) Lumabas din na ang Facebook ay may positibo at
negatibong epekto na karamihan sa mga respondente ang sumang-ayon
na nagagamit nila ang mga salita ng angkop at tama sa sitwasyon at sa
pagitan ng kanilang pamilya, kaibigan at guro. Nakita rin na ilan sa kanila
ang nagsabing nakakabawas ito sa kanilang kakayahang sosyal. Kung
kaya’t may labis na kaugnayan ang social media sa kakayahang
pangkomunikatibo ng mga respondente.

Rekomendasyon

Matapos ang maingat at pinagsikapang pangangalap ng mga


impormasyon mula sa mga datos, iminumungkahi ng mga mananaliksik
ang mga sumusunod:

1. Ang mga mag-aaral ay dapat na gumamit ng social media, lalo na


ang YouTube. At limitahan ang paggamit nito.

2. Dapat na panatilihin na gamitin ng mga mag-aaral ang social media,


partikular na ang YouTube at Facebook bilang midyum ng
pakikipagkomunikasyon na makakatulong at magagamit para sa
sarili, pamilya, at edukasyon.

3. Ang mga mag-aaral ay nararapat na hasain at iangat ang kanilang


kakayahang pangkomunikatibo o kaalaman sa tamang
pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng social media, lalo na
ang YouTube sapagkat mas malaki ang makabuluhang epekto nito
kaysa sa Facebook. At ikonsidera ang tamang paggamit nito upang
maging kapaki-pakinabang ito lalo na sa pakikipagkomunikasyon.
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

TALASANGGUNIAN

Abbas, Jaffar et.al. (2019). The impact of social networking media on learning
behavior for sustainable education: Evidence of students from selected
universities in Pakistan. Sustainability, Vol. 11, no.6, page 1683.

Abbasi, Ahmed et.al. (2018). Analytics to Support Sense-Making in Social


Media: A Language-Action Perspective. ACM Digital Library.

Akram, W. at Kumar R. (2018). “A study on positive and negative effects of


social media on society.” International Journal of Computer Sciences and
Engineering, Vol. 5, no. 10, page 2347-2693.

Barlaan, J. P., & Javier, C. L. (2020). “Antas ng kakayahan sa pagsulat ng


sanaysay ng mga senior high school gamit ang teknolohiya.”PSU
Multidisciplinary Research Journal, Vol. 3, no.1.

Bennacer, Fouzio. (2019). Using Telecollaboration through Facebook to


Develop the English as a Foreign Language Learners Intercultural
Communicative Competence, Constantine, Department of Letters and the
English Language, Constantine, Algeria: University of Mentouri Brothers,
Constantine.

Diraditsilee, Kabo at Samakabadi, Gontle Gofileone. (2018). The Effect of


Social Media on Student Engagement and Collaboration: The Usee of
Facebook at the University of Botswana, Botswana: University of Botswana.

Facebook Statistics and Trends. (2022). Mula sa


https://datareportal.com/essential-facebook-stats#:~:text=The%20total
%20number%20of%20people,leading%20up%20to%20April
%202022.&text=These%20latest%20figures%20indicate%20that,on%20Earth
%20use%20Facebook%20today.

Gardner, Kaeli at Jackson, Cathryn. (2021). What is Convenience Sampling?.


Mula sa https://study.com/learn/lesson/convenience-advantages-
disadvantages.html

Ilyas Muhammad at Putri, Miranti Eka. (2020). “YouTube Channel: An


Alternative Social Media to Enhance EFL Students' Speaking Skill.” Journal of
English for Academic, Vol. 7, no.1, page 77-87.
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

Jirasatjanukul, Kanokrat at Jeeningsuwan, Namon. (2017). “ The design of an


instractional model based on connectivism and Constructivism to create
innovation in real world experiences.” International Education Studies, Vol. 11,
no. 3, page 1913-9039.

Joo, Tang Mui et.al. (2017). “Impacts of Social Media (Facebook) on Human
Communication and Relationships: A View on Behavioral Change and Social
Unity.” International Journal of Knowledge Content Development & Technology,
Vol. 7, no. 4, page 27-50.

Kemp, Simon. (2022). DIGITAL 2022: THE PHILIPPINES. Mula sa


https://datareportal.com/reports/digital-2022-philippines#:~:text=Social
%20media%20statistics%20for%20the%20Philippines%20in
%202022&text=The%20number%20of%20social%20media,on%20data%20to
%20learn%20why).

Manio, Beatriz Izamary R. (2017). Ang social media bilang lunsaran ng


impormasyon at talastasan: isang pag-aaral tungkol sa paggamit ng social
media sa pagsuri ng mga isyu sa lipunan, Ermita Maynila: Unibersidad ng
Pilipinas.

McLoughin, Catherine at Lee, Mark J. W. (2010). “Personalised and self


regulated learning in the Web 2.0 era international exemplars of innovative
pedagogy using social software.” Australian Journal of Educational Technology,
Vol. 26, no.1.

Perea, Thristan Jake. (2017). Epekto ng Social Media. Notre Dame University
Philippines, Undergraduate.

Piaget's Theory of Constructivism. Mula sa


https://www.teach-nology.com/currenttrends/constructivism/piaget/#:~:text=Piag
et's%20theory%20of%20constructivism%20argues,teaching%20methods%2C
%20and%20education%20reform.

Quizon, Bea Francheska. (2021). Ang Internet at Social Media para sa


Kabataan. Mula sa https://stem11q.tumblr.com/?amp_see_more=1

Rahman, Shahedur. (2020). Impact of social media use on student satisfaction


in Higher Education. Mula sa
https://onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1111/hequ.12228
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

Rohmadi, Mohammad. (2018). “Strategy of Speech and Implementation of


Principle of Decency on Social Media As a Medium to Maintain Diversity of
Multicultural Society in the Republic of Indonesia.” knE Social Sciences, page
647-656

Saddora, Alyssa. (2019). Kahalagahan ng Social Media sa Edukasyon. Mula sa


https://medium.com/@alyssasadorra/kahalagahan-ng-social-media-sa-
edukasyon-14995a6225b2

Senin, Maret. (2021). Ang Tamang Paggamit ng Social Media. Mula sa


https://tamangiyan.blogspot.com/2021/03/ang-tamang-paggamit-ng-social-
media.html?m=1

Tech Savvy. (2017). PAGSISIMULA SA SOCIAL MEDIA. Victoria.

Tetep, Asep Suparman. (2019). “Students’ Digital Media Literacy Effects on


Social Character.” Journal of Recent Technology and Engineering, Vol. 8, no.
2S9.

Tuason, Kianna.(2021). Ang Internet o Social Media para sa mga Mag-aaral.


Mula sa https://stem11q.tumblr.com/post/658672375218552832/ang-internet-o-
social-media-para-sa-mga-mag-aaral/amp

Vego, Michael. (2022). Filipino-Mungkahing Komponent ng Kakayahang


Lingwistiko o Kakayahang Gramatikal. Mula sa
https://quizlet.com/226866754/filipino-mungkahing-komponent-ng-kakayahang-
lingwistiko-o-kakayahang-gramatikal-flash-cards/
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

APPENDIKS
CINHS
CABUYAO INTEGRATED NATIONAL HIGH
Senior High School Department
SCHOOL.

You might also like