You are on page 1of 39

Rizal Technological University

Boni, Mandaluyong City

KABISAAN NG LEARNING MANAGEMENT SYSTEM SA

PERFORMANCE NG MGA MAG-AARAL NG ACCOUNTANCY

Mga Mananaliksik:
Castillo, Jhon Carlo M.
Fanoga, Ma. Elma CJ S.
Francisco, Shirley
Legaspi, Shulamite M.
Mingasca, Kimberly
Ompad, Cielo C.
Pangilinan, Diane C.
Picarra, Sherilyn B.
Samson, Joyce Ann
(CBET 01-301P)

Disyembre, 2021
2

TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I
Ang Suliranin at Kaligirang Pangkasaysayan………………………. 3
Balangkas Teyoretikal…………………………………………………. 5
Balangkas Konseptwal………………………………………………… 8
Paglalahad ng Suliranin ………………………………………………. 9
Paglalahad ng Layunin ...………………………………………………9
Kahalagahan ng Pag-aaral…...………………………………………10
Saklaw at Limitasyon …………………………………………………12
Kahulugan ng Terminolohiya…………………………………………13

Kabanata 2
Kaugnay na Literatura………………………………………………...15
Kaugnay na Pag-aaral………………………………………………...15

Kabanata 3
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik………………………………….21
Kasangkapan at Paglikom ng Datos……………………………...…21
Paraan at Pagsusuri ng Datos……………………………………….22

Kabanta 4
Resulta ng Pananaliksik………………………………….…………..24

Kabanata 5
Buod ng Kinalabasan………………………………………………….34
Konklusyon……………………………………………………………..35
Rekomendasyon…………………………………………………….…37
3

KABANATA I
Ang Suliranin at Kaligirang Pangkasaysayan
Ang ating bansa ay isa sa mga bansang patuloy pa ring

nakikipagbuno sa kalagayang dulot ng pandemya sa buong mundo.

Tunay na ang lagay nating ito ay isang hamon sa pagkamit ng

mahusay at epektibong edukasyon ng mga mag-aaral. Mabisa ang

pagkatuto noon kumpara ngayong nasa gitna tayo ng pandemya

sapagkat mas mabilis at mas madaling maunawaan ang mga

detalye at konsepto kapag nakikita at naririnig ng paulit ulit.

Napakakritikal ng yugto na ito sa mga mag-aaral higit na sa mga

nagkokolehiyo dahil maraming suliranin ang pumipigil sa mga mag-

aaral upang maging produktibo at epektibo sa kanilang mga pag-

aaral. Isa sa mga suliranin ang hindi pagiging organisado. Malaki ang

oras na nasasayang resulta nito, dahilan upang mataranta at malito

ang mga mag-aaral higit na sa panahon ng pagsusulit subalit sa

paggamit ng prosesong tinatawag na Learning Management System

ay maaaring mapabuti ang kalidad ng pagkatuto at mapadali ang

mga bagay na nagsasanhi ng pagkalito sa ating pag-aaral.

Batay sa obserbasyon ng mga mananaliksik, may mga mag-

aaral na patuloy na nag-aadjust para sa Online class at marami ang

nagiging sagabal at aberya ukol rito.

Nagkaroon ng interdisiplinaring saliksik na nakapokus sa

Accountancy upang higit na malaman ad madiskubre ang mga


4

aberyang nabanggit. Kasabay nito ang kabisaan ng mga Learning

Management System na ginagamit ng mga mag-aaral para sa

kanilang gawain sa mga asignatura.

Dahil sa pandemya na Covid-19, ipinatupad ng ating pangulo

ang lockdown nung nakaraang taon, buwan ng Marso kaya naman

nagkaroon ng bagong normal lalo sa Sistema ng edukasyon at

tinawag na Online Class.

Ang online class ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan

ay idinadaos sa pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang

estudyante ay di na kinakailangang lumabas pa ng bahay upang

magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at mga

kamag-aral.

Bagama’t iba pa rin ang atmospera ng isang silid-aralan kung

saan ay may personal na interaksiyon sa pagitan ng guro at mga

estudyante, kailangan na lamang gawing mas masigla, epektibo at

imperatibo ang paraan ng pagbabahagi ng aralin upang ang mga

bata ay magkaroon ng pokus at ibuhos ang kooperasyon. Kaya

masasabing trending ang online class ngayon at isa ring matinding

hamon para sa lahat upang maging matagumpay ito kahit sa

panahon ng stay-at-home.
5

Balangkas Teyoretikal

- LEARNING THEORIES

Behaviorist Learning Constructivist


Theory Learning Theory

Cognitive Learning Active Learning


Theory Theory

Figure 1. Balangkas Teyoretikal

Ang mga 'Learning Theories' ay nalikha upang maging

basehan at maintindihan kung paano natututo ang tao at ito ay

paraan rin upang maipaliwanag, mailarawan, at pag-aralan kung

paano dapat gawin ang pag-aaral. Mahalaga para sa mga 'eLearning

professionals' na maunawaan kung paano dapat gawin ang pag-

aaral dahil sila ang inaasahan para makatulong na matuto ang tao.

Sa pag-unawa ng mga learning theories, ang mga eLearning

professional ay maaaring gumamit ng isa o kombinasyon ng mga

learning theories na nababagay sa kailangan ng kanilang mag-aaral.

Ang Learning style ay nakatutulong din sa mga eLearning

professionals na bumuo ng mga estratehiya na maaaring

makatulong upang magkaroon ng motibasyon ang mga mag-aaral at


6

masuportahan sila habang nag-aaral. Ang sumusunod ay mga

Learning Theories na ginamit at ginagamit ng mga eLearning

professionals sa kanilang kurso:

Una ay ang Behaviorist Learning Theory, ito ang

pinakamatanda sa mga Learning theories, ginagamit ng mga

tagapagturo noon upang turuan ang kanilang mag-aaral. Base sa

theory na ito, ang pag-aaral ay nakikitang pagbabago sa pag-uugali

ng mag-aaral na nagmula sa panlabas na kondisyon. Ang theory na

ito ay patungkol sa pagpukaw ng reaksyon mula sa mga mag-aaral

at pagtuklas ng pagbabago sa kanilang pag-uugali. Pangalawa ay

Cognitive Learning Theory, ilan sa mga tagpagturo ay may

opinyon na hindi lahat ng pag-aaral ay nakikita at tungkol sa

pagbabago ng ugali. Ito ay nagbigay daan upang malikha ang

tinatawag na cognitive learning theory, na nagsasaad na ang pag-

aaral ay kinasasangkutan ng iba't ibang memorya, motibasyon, at

pag-iisip. Isinaad rin dito na ang mga impormasyon ay nakaimbak

gamit ang 'node pattern' na naglilikha ng 'network', kung saan ang

mga nodes ay konektado sa isa't isa ayon sa kanilang relasyon. Ang

pangatlo ay ang Constructivist Learning Theory, ito ang ginagamit

pa rin ng karamihang elearning professionals. Isinasaad sa theory

na ito na ang mag-aaral ay nabibigyan kahulugan ang mga

impormasyon sa pamamagitan ng kanilang sariling karanasan at

pang-unawa. Ang kanilang karanasan ay nagsisilbing pundasyon ng


7

kanilang pag-aaral. Nakalilikha sila ng mga bagong ideya sa

pamamagitan ng kanilang karanasan. Ibigsabihin, ang mga mag-

aaral ay mas natututo sa pamamagitan ng pagkonekta ng kanilang

sariling karanasan sa mga impormasyon. Ang pang-apat at panghuli

ay ang Active Learning Theory, ito ang modernong learning theory

na ginagamit rin ng karamihang eLearning professional sa kanilang

pagtuturo. Sinasabi sa theory na ito na ang mga mag-aaral ay dapat

aktibong nakikibahagi sa learning procedure upang mas lalong

matuto. Ang mga Quizzes at Exercises ay parte ng elemento sa e-

learning na sumusunod sa Active Learning Theory.

Bawat isa sa learning theory na naisaad ay may iba't ibang

taglay na kayang ibigay upang mas lalong mapabuti ang pag-aaral

ng mga mag-aaral. Upang makalikha ng epektibong pag-aaral, ang

mga eLearning professionals ay dapat gumamit ng mga iba't ibang

estratehiya na may kinalaman sa learning theory na kanilang

ginagamit upang matulungan ang mga mag-aaral na matuto at

masagap ang mga impormasyon ng mabuti (Sengupta, 2019).


8

Balangkas Konseptwal

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang

kabisaan ng learning management system sa performance ng mga

mag aaral ng accountancy. Ito ay ginamitan ng input-process-output

model. Sa Input Frame, Inilahad dito ang mga kwalipikado sa

pagtugon sa sarbey na kumukuha ng kursong accountancy. Sa

kabilang banda naman ang tinatawag na process frame na kung

saan pinapakita nito ang mga hakbang na gagawin ng mga

mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos saklaw ang

talatanungan o survey questionnaire. Ang output frame naman ay

sumasaklaw sa mga nakalap na mga datos ukol sa kabisaan ng

learning management system sa performance ng mga mag aaral ng

accountancy.

Input Process Output

Napag-alamang
mabisa ang
Mag-aaral ng Gumamit ng learning
Pamantansang instrumentong management
Teknolohikal ng talatangungan o system sa
Rizal- Boni survey performance ng
Campus na questionnaire mga mag aaral
kumukuha ng upang makakuha ngunit naging
kursong ng kinakailangang sagabal ang pag-
Accountancy. datos. access nito
katulad na lamang
ng mahinang
koneksyon.
9

Paglalahad ng Suliranin

Pag aaralan ng mga mananaliksik ang mga balakid ng paggamit ng

"moodle" bilang "learning management system" sa akademikong

pagsasanay ng mga mag-aaral ng Accountancy. Ang pananaliksik

na ito ay may mga katangiang nais sikapin upang magkaroon ng mas

malalim na pag-unawa at solusyon ukol sa kabisaan ng learning

management system sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

1. Anu-ano ang mga ginagamit na learning management system at

gaano ito kabisa sa akademikong pagsasanay ng mga mag-aaral?

2. Anu-ano ang mga suliranin sa paggamit ng moodle at Gclassroom

bilang learning management system sa mga mag-aaral?

3. Ano ang mga epekto ng mga suliraning ito sa akademikong

pagsasanay ng mga mag-aaral?

Paglalahad ng Layunin

Ang mga sumusunod ay mga layunin ng pananaliksik:

a. Malaman ang mga Learning Management System na

ginagamit ng mga mag-aaral sa Accountancy at kung gaano

ito kabisa para sa kanila.

b. Lubos na maunawaan ang mga sagabal sa paggamit nito at

paano ito nakaka-apekto sa academic performance ng mga

mag-aaral.
10

c. Malaman ang kanilang mga opinion at suhestyon tungkol sa

ginagamit na Learning Management System ng mga mag-

aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may pamagat/titulo na "Kabisaan ng

Learning Management System sa Performance ng mga Mag-aaral

ng Accountancy" ay nagbibigay kahalagahan sa mga sumusunod:

Mga Magulang. Ang pag-aaral na ito ay isa sa magiging

kasangkapan upang lubos na maunawaan ng mga magulang ang

nangyayari sa kanilang mga anak, makakatulong rin ito upang

malaman ng mga magulang ang mga salik sa saliksik na ito

patungkol sa Learning Management System ng paaralan. Ito ay

nakakaapekto sa performance ng mag-aaral dahil sa sobrang bagal

ng system nahuhuli magexam o nahuhuli na magpasa ng gawain.

Nang sa ganon ay matukoy ng mga magulang kung bakit mababa

ang mga grado o marka ng kanilang mga anak. Maaari nila itong

tulungan sa pamamagitan ng pagmomotivate at pagsuporta sa

kanilang mga anak.

Mga Estudyante. Matutuklasan ng mga Accountancy Student ang

mga bagay o suliranin na nakakaapekto sa kanilang pag-aaral o

performance sa paaralan. Nang sa ganon ay masaliksik o mapag-


11

aralan nila ng husto ang kanilang magiging pasya habang

gumagawa ng saliksik.

Mga Guro. Makakatuklas ang mga guro na parte ng kanilang

pagtuturo ang pagpapagawa ng pananaliksik sa kanilang mga

Accountancy student na kung ano ang mga bagay o mga salik na

nakakaapekto sa kanilang pag-aaral. Bukod pa rito, magagabayan

ng mga guro ang kanilang mga estudyanteng nagsasaliksik upang

magawa ito ng buo, wasto at makabuluhan.

Sa Paaralan. Ang saliksik na ito ay isa sa magiging kasangkapan

upang mas malaman ng mga parte ng paaralan ang mga nangyayari

sa Accountancy Student ng RTU patungkol sa Learning

Management System. Kung mabisa ba ito o mas lalong

nakapagpapahirap sa mga estudyante. Upang malinawan sila kung

anong solusyon ang dapat gawin.

Sa Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay mahalagang malaman o

mapag aralan sapagkat ito ay pumapatungkol sa kalagayan ng mga

Accountancy student sa rtu hinggil sa paggamit ng Learning

Management System. Magbibigay kaalaman ito sa lahat kung ang

proseso ng pag-aaral ngayon ay malusog pa ba para sa mga

accountancy student ng rtu o hindi. At dahil sa saliksik na ito

magbibigay kalinawan na kung ano ang dapat gawin o solusyon ng

buong taong parte ng kagawaran ng edukasyon.


12

Sa mga Susunod na Mananaliksik. Ito ay magiging gabay at

makapag aambag kaalaman sa mga susunod o parating na

mananaliksik. Ito rin ay makakatulong sa kanila kung anong proseso

ang dapat nilang gawin sa kanilang pag-aaralan.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay sinimulan noong Oktubre, 2021 at

inaasahang matapos sa buwan ng Disyembre ng kasalukuyang

taon. Saklaw nito ang pagtukoy at pag-alam ng learning

management system ng mga mag-aaral sa kursong Accountancy at

kung gaano ito kabisa para sa kanila. Kasabay nito, ang epekto nito

sa kanilang akademikong pagsasanay o performance.

Sa kabuuan na bilang na 571 mag-aaral mula sa nabanggit

na disiplina na magmumula sa Rizal Technological Unversity-Boni,

limitado lamang sa 47 mag-aaral ang mga respondente.


13

Kahulugan ng Terminolohiya

Academic Performance- tumutukoy sa indibidwal na resulta ng

akademikong marka ng mga mag-aaral mula sa mga akademikong

pagsasanay.

Accountancy/ Akawntansi- kurso ng mga napiling mag-aaral

bilang respondente. Ito ang napiling kurso, dahil ito ang kurso ng

mga mananaliksik kung saan ang layunin ay matuklasan ang bisa ng

mga LMS at makapagbigay ng rekomendasyon upang mas lalo itong

mapaunlad.

Distance Learning- ito ang ginamit na termino sa kapalit ng face-to-

face classes kung saan, walang interaksyon at talakayan sa

personal at gumagamit ng makabagong teknolohiya.

Google Classroom- ito ang madalas na ginagamit na Learning

Management System ng mga guro at mag-aaral dahil madali lamang

ito maakses.

Kabisaan- ito ay tinatawag na ‘effectiveness’ sa ingles kung saan

tinutukoy kung gaano kabisa ang LMS sa Unibersidad ng mga mag-

aaral at kung paano ito lubos na makakatulong sa kanilang disiplina.

Koneksyon ng internet /load- ito ang ginagamit upang maka-akses

sa mga apps sa Learning Management system ng Unibersidad. Ito

rin ay ginagamit upang magkaroon ng komunikasyon sa mga guro

at kamag-aral.
14

Learning Management System- ito ang mga ginagamit na

application o system ng paaralan para sa pagkatuto ng mga mag-

aaral upang makasabay sa ‘New normal’ na Sistema ng edukasyon

sa ating bansa dahil sa pandemya.

Moodle/ E-RTU- ito ay isa sa ginagamit na Learning Management

System (LMS) ng Rizal Technological University.

New Normal- ito ay tumutukoy sa bagong sistema ng edukasyon na

ipinatupad ng Gobyerno upang makasabay sa distance learning at

paglilimita ng Face-to-face na klase.

Online class – tawag sa birtwal na talakayan sa klase kung saan

kinakailangan ng internet at gadgets.


15

KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura

Sa panahon ngayon ng pandemya, ang dating tradisyunal na

pagtuturo ay nahinto at napalitan ng online learning. Kung saan ang

mga guro ay nagtuturo gamit ang teknolohiya o mga aplikasyon na

pang-edukasyon upang maibahagi ang mga aralin sa kanilang mga

mag-aaral. Sa pagpapatupad ng online learning, nahahati ang

opinyon o saloobin ng mga mag-aaral at magulang. May mga sang-

ayon sa kadahilanan na masasayang ang panahon o taon kung

matitigil ang pag-aaral ng mga bata at may mga hindi sang-ayon

dahil hindi lahat ay may kakayahang pinansyal at sapat na gadyet

na maaaring gamitin ng mag-aaral upang makasabay sa mga aralin.

Dagdag pa rito, malaking isyu rin ang mabagal na internet

connection ng bansa at hindi lahat ng mag-aaral ay kayang matuto

sa panonood lamang ng isang recording video ng mga aralin.

Mula sa kahulugan na binigay ng Sun Star Pampanga (2016),

ang pagkatuto isang malaking bahagi sa buhay ng isang tao,

sapagkat dito nagsisimula ang mga bagay, subalit hindi pare-pareho

ang pagkatuto ng bawat isa. May mga tao na madaling matuto o

makuha ang isang aralin at may iba naman na nahihirapan. Depende

ito sa kanilang interes at motibasyon na matuto. Nalahad rin sa


16

artikulong ito, ang ilang paraan ng pagkatuto. Una ay ang

pagpapakilos na pagkatuto na ayon kay Ivan Pavlov, isang Russian

psychologist. Base sa kanyang ginawang eksperimento, ang

pagkatutong ito ay ang pagbibigay ng gantimpala sa isang hayop.

Isang halimbawa ay kapag matagumpay na naisagawa ang isang

bagay ay bibigyan ito ng pagkain, tubig, o bagay na nais niya.

Ikalawa ang klasikong kalagayan ng pagkatuto, ito ay pagkatuto

kung saan nagsasanib ang dating kaalaman sa bago. Halimbawa

nito ay ang pagtunog ng alarm kung saan hudyat na uwian na ng

mga mag-aaral. Kaya sa susunod na marinig ang alarm ay hudyat

ito na maaari ng umuwi. Dagdag pa rito ay ang panlipunang

pagkatuto na ayon kay Albert Bandura, isinaad dito na ang tao ay

natuto dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya at sa lugar kung

saan siya nananatili. Ang bawat tao ay natuto hindi lamang sa

sariling karanasan, sa pag-ulit ng mga ginagawa at gantimpala, kung

hindi pati na rin sa pag-oobserba sa ugali ng mga taong nakapaligid

sa kanya. Ang mga ito ay nagpapakita ng iba't ibang paraan ng

pagkatuto ng tao. Ito ay nangangahulugan na ang tao ay hindi pare-

pareho ng paraan ng pagkatuto. Kagaya na lamang ng mga mag-

aaral na may iba't ibang motibasyon at paraan ng pagkatuto upang

makakuha ng mataas na marka o grado. Gayunpaman, sa panahon

ngayon ng pandemya ang paggamit ng LMS ay isa sa mga paraan


17

ng mga guro at unibersidad upang maibahagi ang mga aralin at

mailipat ang mga kaalaman sa mga mag-aaral.

Ayon kay Araújo Junior at Marquesi (2009) ang Learning

Management System na kilala rin sa tawag na LMS ay isang birtuwal

na kapaligiran kung saan ang interaksyon ay nangyayari sa

pamamagitan ng paggamit ng mga device na nagbibigay-daan sa

komunikasyon na maaaring "synchronous" o "asynchronous" upang

makalikha ng mga estratehiyang makakapang-hikayat sa mga mag-

aaral na lumahok sa klase. Ayon naman kay Lonn at Teasly (2009)

ang Learning Management System ay web-based system na

nagbibigay daan sa guro at mag-aaral na makapag-bahagi ng mga

materyales at makapag-pasa ng mga takdang-aralin. Dagdag pa rito,

ang LMS ay ginagamit din sa pakikipag-komunikasyon online.

Samantala, inilathala naman ni Almrashdeh et al. (2011) na ang LMS

ay isang software na ginagamit upang magplano, magpatupad at

magsuri ng isang partikular na proseso ng pag-aaral.

Maliban sa Moodle, ang google classroom ay isa rin sa

pangunahing LMS na ginagamit ng mga mag-aaral. Mula sa ibinigay

na deskripsiyon ng Google (2017). Ang Google Classroom ay isang

bagong 'tool' sa google apps na tumutulong sa mga kaguruan na

mapabilis ang paggawa ng mga aktibidad at mag-ayos ng takdang

aralin para sa mga mag-aaral. Tinutulungan ng google classroom

ang mga mag-aaral na ayusin ang kanilang mga gawain sa Google


18

Drive. Dagdag pa rito, ang classroom ay nakatutulong rin sa mga

mag-aaral na direktang makipagkomunika sa kanilang mga kapwa

mag-aaral at guro. Maaari rin na makapagbigay ang guro ng mga

komento at grado sa mga ginawang aktibidades ng mga mag-aaral.

Sa unang taon (2020-2021) ng pagpapatupad ng online

learning ay humarap na sa mga suliranin ang mga mag-aaral at guro.

Ang pinakapangunahing dahilan na humahadlang sa pagkatuto ng

mga mag-aaral ay mabagal na internet koneksyon ng bansa. Batay

sa isinalaysay ng poroy.blogspot.com (2020), ang Pilipinas ay pang-

109 sa 139 na bansa pagdating sa mobile internet speed base sa

Speedtest Global Index. Ibigsabihin na ang pagsasagawa ng online

class ay lubos na apektado. Hindi lamang ang internet connection

ang naging suliranin, kung hindi pati na rin ang kakulangan ng gadyet

at kakayahang pinansyal ng pamilya. Isa pang suliranin na

nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay ang paligid kung

saan sila nakikinig ng kanilang klase na nakakaagaw ng atensyon

ng mga mag-aaral kaya hindi na nakakapagbigay ng atensyon sa

klase. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga suliranin na naranasan sa

online class ng mga mag-aaral sa bansa.

Ang moodle at google classroom ay ginagamit rin ng mga

mag-aaral sa kursong Accountancy sa Rizal Technological

University. Sa paggamit ng moodle at google classroom bilang LMS,

humarap sa mga suliranin ang ilang mga mag-aaral tulad na lamang


19

ng hindi maka-access ang mga mag-aaral sa kanilang account, at

hindi rin gamay ng mga ilang guro ang feature application nito.

Dagdag pa rito, may mga mag-aaral na hirap sa paggamit nito. Ang

pananaliksik na ito ay isang pag-aaral sa Kabisaan ng Learning

Management System sa Performance ng mga Mag-aaral ng

Accountancy sa Rizal Technological University.

Kaugnay na Pag-aaral

Base sa pag-aaral ng www.capterra.com, 14% ang

gumagamit ng moodle bilang LMS software, Ortiz (2017). Ang

Moodle ay isang computer system na ginagamit upang makalikha at

makapagbahagi ng mga materyales pangpagtuturo online. Ito ay

naaangkop sa blended learning, distance learning, at e-learning

projects sa paaralan, unibersidad, trabaho at iba pang sector. Ito ay

ginagamit ng libo-libong mga institusyong pang-edukasyon upang

magbigay ng isang organisadong interface para sa e-learning o pag-

aaral sa internet. Ito ay nagbigay daan rin sa mga guro upang

makalikha ng mga online na kurso, kung saan ang mga mag-aaral

ay maaaring mag-access sa isang birtuwal na silid-aralan.

Base sa pag-aaral ni Ortiz (2017), nakaranas ang mga guro

at mag-aaral ng mga suliranin sa paggamit at paglikha ng mga

gawain sa LMS. Batay sa isinalaysay ni Garcia-Peñalvo (2011), ang

e-learning ay mapanganib sa maraming paraan sa dahilan na hindi

naisaalang-alang ang pangangailangan ng mga mag-aaral. Ang


20

LMS ay malimit na bigo sa paglikha ng inaasahang resulta at ito ay

nagmumula sa maling paggamit ng LMS, at madalas na ito ay

nakatuon sa pangangailangan ng kurso at institusyon sa halip na sa

mga mag-aaral. Isinalaysay din sa pag-aaral ni Ortiz (2017) na

mahalagang makahanap ng higit na mainam na pagkakaunawa sa

kung paano mapagbubuti ang learning management system.


21

KABANATA III

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito tinatalakay ang mga metodolohiya at mga

pamamaraang ginamit sa pag-aaral pati na rin ang mga bilang ng

kalahok, kasangkapan ng paglilikom ng datos at paraan ng

pagsusuri ng datos upang mabigyang katuparan ang pananaliksik.

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa Kabisaan ng Learning

Management System sa Performance ng mga Mag-aaral ng

Accountancy. Ang ginamit na disenyo sa pag-aaral na ito ay

kwantitatibo (quantitative) at deskriptibo upang malaman at

mailarawan ang suliranin o paksa ng pag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng taltanungan o survey

questionare upang makakalap ng mga datos mula sa mga

respondente na magagamit at makatutulong sa nasabing pag-aaral.

Kasangkapan at Paglikom ng Datos

Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay gumamit ng

random sampling sa kabuuang bilang na 571 na mga mag-aaral.

Bilang tiyak, nagkaroon ng Apat na pu’t pitong mga boluntaryong

magaaral na sasagot ng sarbey na inihanda ng mga mananaliksik.

Sila ay mga estudyanteng nagmula sa iba’t-ibang antas at pangkat


22

sa kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA). Sila ay mga

estudyante ng Rizal Technological University ng Lungsod ng

Mandaluyong. Ang tiyak na bilang ay labing-walo (18) na mga

respondent mula sa Unang antas (1st Year), labing-walo (18) rin sa

ikalawang antas (2nd Year). Samantala, sampung mga boluntaryong

mag aaral naman mula sa ikatlong antas o 3 rd Year at panghuli ay

dalawa (2) lamang sa ika-apat na antas (4th Year). Ipinamahagi ang

sarbey sa pamamagitan ng google forms at online isinagawa, kung

saan, boluntaryong sasagutan ng mga respondent sa bakante nilang

oras.

Paraan ng Pagsusuri ng Datos

Ang instrumentong gagamitin ng mga mananaliksik ay ang

talatanungan o survey questionnaire. Ang talatanungan ay isang

disenyo o proseso na ginagamit ng mananaliksik kung saan

sinusulat ang mga tanong at pinapasagutan ito sa kanilang napiling

mga respondente. Ito ang pinakamadaling paraan ng pangangalap

ng datos. Ito ay isang paraan ng pangangalap ng mga impormasyon

upang makabuo ang mananaliksik ng konklusyon base sa pinag-

aaralan. Ito rin ay makatutulong upang maging valid at reliable ang

pananaliksik. Ang mga suliraning nais bigyang solusyon ay ang:

1. Anu-ano ang mga ginagamit na learning management system at

gaano ito kabisa sa akademikong pagsasanay ng mga mag-aaral?


23

2. Anu-ano ang mga suliranin sa paggamit ng moodle bilang learning

management system sa mga mag-aaral?

3. Ano ang mga epekto ng mga suliraning ito sa akademikong

pagsasanay ng mga mag-aaral?

Ang survey ay naglalaman ng mga katanungan na

magbibigay ng mga kinakailangang impormasyon para

masolusyonan ang nasabing suliranin. Ang resulta na isinagawang

survey ang magbibigay-linaw sa mga mananaliksik sa kung ano nga

bang kabisaan ng Learning Management System sa Performance

ng mga Mag-aaral ng Accountancy.

Bilang karagdagan, ang ginamit na paraan sa pagsusuri at

pag-aanalisa ng mga datos ay pie grap, sa kadahilanang simple

ngunit maayos ang pagkakapresenta ng mga datos at bahagdan ng

mga resulta mula sa kasagutan ng mga respondente mula sa sarbey.


24

KABANATA IV

RESULTA NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito tinatalakay ang mga resulta mula sa

sarbey na ipinamahagi ng mga mananaliksik sa mga resondente,

kasabay nito ang pag-aanalisa upang lubos na maunawaan.

Demograpikong tala

Antas ng mga respondente

2, 4%
9, 19% 1st Year
18, 39%
2nd Year
3rd Year
4th Year
18, 38%

Grap I: Antas ng mga respondente na nagmula sa mga mag-

aaral sa Accountancy

Batay sa pie grap na makikita sa itaas, ang may pinaka

maraming sumagot ng sarbey ay mula sa una at ikalawang antas o

taon na mga mag-aaral mula sa accountancy kung saan may bilang

na labingwalo (18) o tatlumpo’t porsiyento o 38%. Sumunod and


25

ikatlong antas na may bilang na syam (9) o labingsyam na porsiyento

mula sa kabuuang populasyon at ikahuli ang mga nasa ika-apat na

taon kung saan may dalawang (2) respondente lamang.

Ginagamit na Learning Management


System sa mga Asignatura

3, 6% Google Classroom
1, 2%
Moodle / E-Rtu

Parehong Ginagamit ang


Gclassroom at E-Rtu
43, 92%

Grap 2: Ginagamit na Learning Management System sa mga

Asignatura ng mga Mag-aaral sa Accountancy

Makikita sa grap na pinaka maraming kasagutan ay

parehong ginagamit ang Google Classroom at E-rtu o moodle bilang

Learning Management System na may bilang na 43 o 92%.

Sumunod ay Google Classroom na may 3 respondente o 6% at huli

ang Moodle o E-RTU na may isa o 1 respondente at dalawang

porsiyento o 2%.
26

Ang Learning Management System


na ginagamit sa klase ay mabisa.

4- Lubos na sumasang-ayon
0%
9,19%
15, 32% 3-Sumasang-ayon

2-Hindi sumasang-ayon

23, 49% 1- Lubos na hindi sumasang-


ayon

Grap 3: Ang Learning Management System ba na ginagamit

sa klase ay mabisa para sa mga mag-aaral mula sa Kursong

Accountancy.

Batay sa grap, makikita na halos kalahati o 49% ng mag-aaral

ay sumasang-ayon sa pahayag mula sa sarbey na ang learning

management system na ginagamit sa klase ay mabisa. Tatlumpu’t

dalawa o 32% naman ang lubos na sumasang-ayon at labing-siyam

na porsiyento (19%) o siyam mula sa kabuuang respondent ang

nagsabi na hindi sumasang-ayon sa pahayag.


27

Ang mabagal na koneksiyon sa


internet ay naging sagabal sa pag-
access ng Learning Management
System. 4- Lubos na sumasang-ayon
2%

4% 3-Sumasang- ayon

13%
2- Hindi Sumasang-ayon

81% 1- Lubos na hindi sumasang-


ayon

Grap 4: Ang mabagal na koneksiyon sa internet ay naging

sagabal sa pag-access ng Learning Management System.

Isa sa nakaka-apekto sa akademikong performance ng mag-

aaral ang problema sa koneksiyon sa internet at nagiging sagabal ito

sa pag-akses at pagpasa ng mga gawain. Kaya naman, walumpu’t

isa (81%) o 38 na mga mag-aaral ang lubos na sumasang-ayon.

Anim na mga mag-aaral ang sumasang-ayon o 13% at 2 sa hindi

sumasang-ayon at isa naman sa lubos na hindi sumasang-ayon.


28

Limitadong gadgets ay sagabal sa


pag-access ng Learning Management
System.
4- Lubos na Sumasang-ayon

4%
13% 3- Sumasang-ayon

55% 2- Hindi Sumasang-ayon


28%

1- Lubos na Hindi Sumasang-


ayon

Grap 5: Limitadong gadgets ay sagabal sa pag-access ng

Learning Management System.

Batay sa obserbasyon ng mga pananaliksik, kasama ang

limitadong gadgets sa sagabal o balakid ng mag-aaral sa pag-

access ng Learning Management System ng mga mag-aaral kaya

naman, Limampung porsiyento (55%) ang lubos na sumasang-ayon

o 26 na mga respondent. Labing-tatlo o 13 naman o 28% ang

sumasang-ayon. Anim o 13% naman ang hindi sumasang-ayon at

dalawa ang nagsabi na lubos na hindi sumasang-ayon o 4%.


29

Kakulangan ng budget para sa data o


load ay naging sagabal sa pag-access
ng Learning Management System
3%
4- Lubos na sumasang-ayon

4%
3- Sumasang-ayon
19%

2- Hindi Sumasang-ayon
74%
1-Lubos na hindi sumasang-
ayon

Grap 6: Kakulangan ng budget para sa data o load ay naging

sagabal sa pag-access ng Learning Management System.

Para sa kakulangan ng budget para sa data o load ay naging

sagabal sa pag-access ng Learning Management System na

pahayag, pitongpu’t apat na porsiyento (74%) o 35 na mga mag-

aaral ang lubos na sumasang-ayon. Labing-siyam (19%) o siyam

ang sumasang-ayon, 4% o 2 na respondent ang hindi sumasang-

ayon. Samantala, 3% o isa ang sumagot ng lubos na hindi

sumasang-ayon.
30

Hindi makasabay sa aralin tungkol sa


asignatura dahil sa mga sagabal sa
pag-access ng Learning Management
System
4- Lubos na sumasang-ayon
4%
21% 3- Sumasang-ayon
39%

2- Hindi sumasang-ayon
36%
1- Lubos na hindi sumasang-
ayon

Grap 7: Hindi makasabay sa aralin tunngkol sa asignatura ay

naging sagabal sa pag-access ng Learning Management

System.

Sa pahayag na hindi makasabay sa aralin tungkol sa asignatura ay

naging sagabal sa pag-access ng LMS, tatlumpu’t siyam o 39% o 18

na respondente ang lubos na sumasang-ayon. Tatlumpu’t anim

(36%) o 17 ang sumagot ng sumasang-ayon. Samantala,

dalawampu’t isa o 21% porsiyento o 10 ang hindi sumasang-ayon,

panghuli ay 4% o dalawang mag-aaral ang lubos na hindi sumasang-

ayon.
31

Nahuhuling magpasa sa mga


itinakdang deadline ng mga gawain

4- Lubos na sumasang-ayon
3%
26% 3- Sumasang-ayon
40%
2- Hindi sumasang-ayon

31%
1- Lubos na hindi sumasang-
ayon

Grap 8: Nahuhuling magpasa sa mga itinakdang deadline ng

mga Gawain

Sa pahayag na nahuhuling magpasa sa mga itinakdang

deadline marami ang hindi sumasang-ayon, kung saan 17 ang

sumagot o apatnapung porsiyento o 40%. Labing-tatlo o 13 na mga

mag-aaral naman ang sumasang-ayon o 31%. Labing-isa o 11 o

26% ang lubos na sumsang-ayon at pang-huli ang lubos na hindi

sumasang-ayon o 6 na mga mag-aaral at may kabuuang 3% mula

sa populasyon.
32

Bumaba ang marka sa mga quiz,


seatwork at assignment

4- Lubo na sumasang-ayon
3%
25% 3- Sumasang-ayon
32%

2- Hindi sumasang-ayon

40% 1-Lubos na hindi sumasang-


ayon

Grap 9: Bumaba ang marka sa mga quiz, seatwork at

assignment

Dahil sa pag-aadjust sa online class, hindi maiiwasan ang pagbaba

ng mga marka sa quiz, seatwork at assignment na nakapaskil sa LMS,

kaya naman marami ang sumang-ayon na may kabuuang 40% o 19 na

mga mag-aaral ang sumasang-ayon at 32% o 15 mag-aaral naman ang

hindi sumasang-ayon, 25% o 12 na mga respondente ang lubos na

sumasang-ayon at may isa na lubos na hindi sumasang-ayon kung saan

3% ng kabuuang populasyon.
33

Tinatamad at nawawalan ng ganang


aralin ang mga naipaskil na aralin sa
asignatura
4- Lubos na sumasang-ayon

3%
27% 3- Sumasang-ayon
27%

2- Hindi Sumasang-ayon

43%
1-Lubos na hindi sumasang-
ayon

Grap 10: Tinatamad at nawawalan ng ganang aralin ang mga

naipaskil na aralin sa asignatura

Isa sa pinakang naapektuhan ng online class ay ang mental

health ng mga mag-aaral kaya naman naaapektuhan rin ang

academic performance nila na nagging sanhi upang tamarin at

mawalan ng ganang aralin ang mga naipaskil na aralin sa

asignatura. Batay sa resulta, labing-siyam na mga mag-aaral o 43%

ang sumasang-ayon at parehong nakakuha ng 27% o labing-

dalawang, mga mag-aaral para sa lubos na sumasang-ayon at hindi

sumasang-ayon. Ika-huli ay 4 na mga mag-aaral o 3% ang lubos na

hindi sumasang-ayon sa pahayag.


34

KABANATA V

DISKUSYON NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito, nakalahad and buod ng kinalabasan o

resulta ng pananaliksik kasabay nito ang konklusyon at

rekomendasyon mula sa mga mananaliksik at respondente.

Buod ng Kinalabasan

Bilang buod, tatlumpu’t walo (38) ang lubos na sumasang-

ayon at sumasang-ayon na ang mga Learning Management System

ng Rizal Technological University-Boni Campus ay mabisa. Ang mga

halimbawa nito ay Google Classroom at E-RTU. Samantala, may

siyam (9) na mga mag-aaral ay hindi sumasang-ayon na ang LMS

na ginagamit ay hindi mabisa.

Makikita na malaki rin ang bahagdan o porsiyento sa mga

sagabal o balakid na nakaka-apekto sa academic performance ng

mga mag-aaral sa Accountancy. Batay sa obserbasyon ng mga

mananaliksik ito ay mga; mabagal na koneksyon sa internet,

limitadong gadgets ng mga mag-aaral, kakulangan ng budget para

sa load o internet, hindi makasabay sa aralin tungkol sa mga

asignatura, nahuhuling magpasa sa mga itinakdang deadline ng

mga gawain, bumaba ang mga marka sa quiz, seatwork at mga


35

assignment, ikahuli ay tinatamad at nawawalan ng ganang aralin ang

mga naipaskil na mga aralin.

Bilang karagdagan, may mga suhestyon ang ilang

respondente sa sarbey patungkol sa LMS ng paaralan kabilang na

rito ang pagbabago at pagsasa-ayos ng E-RTU o moodle. Paggamit

ng iba pang mga alternatibong apps tulad ng MS Teams at Canva.

May ilan ring nagsabi na mabisa naman ito sa mga mag-aaral lalo

kung iiimprove at papabalisin pa.

Konklusyon

Batay sa mga nakalap na datos sa kabisaan ng learning

management system sa performance ng mga mag-aaral sa kursong

Accountancy ng Rizal Technological University ay napag-alamang

mabisa ang learning management system sa perfomance ng mga

mag-aaral ngunit may mga sagabal sa pag-access nito katulad na

lamang ng pagkakaroon ng mabagal na koneksyon. Samakatuwid,

ang pag-aaral ay naglalayong sagutin ang mga tesis ng

pangungusap:

1. Anu-ano ang mga ginagamit na learning management system at

gaano ito kabisa sa akademikong pagsasanay ng mga mag-aaral? -

Ayon sa mga datos na nakalap, ang gingamit ng mga mag-aaral na

learning management system ay parehong google classroom at e-

rtu. Ang learning management system na ginagamit sa klase ay


36

mabisa ngunit ang mabagal na koneksyon ang nagiging sagabal sa

pag-access nito.

2. Anu-ano ang mga suliranin sa paggamit ng learning management

system sa mga mag-aaral? -Ayon sa datos, hindi lamang ang

mabagal na koneksyon ang suliranin sa pag-acccess ng learning

management system, kung hindi pati narin ang pagkakaroon ng

limitadong gadgets at ang kakulangan ng budget para sa data o load.

3. Ano ang mga epekto ng mga suliraning ito sa akademikong

pagsasanay ng mga mag-aaral? - Dahil sa mga nabanggit na

suliranin sa paggamit ng learning management system, mayroon

itong masamang epekto sa akademikong pagsasanay ng mga mag-

aaral. Ang epekto nito ay hindi makasabay sa mga aralin, nahuhuling

magpasa sa mga itinakdang deadline, bumaba ang marka sa mga

quiz, seatwork at assignment at tinatamad o nawawalan ng ganang

aralin ang mga naipaskil na aralin sa partikular na asignatura.


37

Rekomendasyon

1. Sa mga mag-aaral. Kung kayo ay nahihirapan ay magpahinga

sandali, humingi ng tulong at ipaliwanag nang maayos ang

stiwasyon. Kailangan niyo ring maglliwaliw at maglibang. Matuto

kayo ng maayos na pamamahala ng oras.

2. Sa mga guro. Magkaroon ng konsiderasyon dahil hindi lahat ng

mag-aaral ay pare-pareho ng sitwasyon. Makipagtulungan sa mga

mag-aaral upang magkaroon ng maaayos na samahan.

3. Sa mga pamilya. Suportahan at gabayan ang mga anak sa kung

ano ang gusto nilang gawin. Kung nahihirapan ang inyong anak,

tulungan ito at kausapin nang maayos. Higit sa lahat, regular na

kamustahin ang inyong mga anak.

4. Sa kapwa mananaliksik. Pagbutihin o pag ibayuhin ang

pangangalap ng datos sa iba pang mga pagsusuri ukol sa kabisaan

ng learning management system sa performane ng mga mag-aaral

at mag-isip ng posibleng solusyon sa mga suliraning kinaharap ng

mga mag-aaral sa pag access ng learning management system.


38

Bibliyograpiya

De Almeida Cunha, C.J.C., De Oliveira, P.C., & Nakayama, M.K.

2016. Learning Management System (LMS) and E-Learning

Management: An Integrative Review and Research Agenda.

Mulasa:

https://www.scielo.br/j/jistm/a/TT3Pk4mwkp5Cmmbf4NbfPv

w/?lang=en

Google. 2017. Google Classroom. Mula sa:

https://chrome.google.com/webstore/detail/google-

classroom/mfhehppjhmmnlfbbopchdfldgimhfhfk?hl=fil

Ortiz, A. 2016-2017. Pagsusuri sa Paggamit ng Learning

Management System (LMS) ng mga Mag-aaral sa Elizabeth

Seton School sa Ikawalong Baitang sa Asignaturang Filipino.

Mula sa: https://pdfcoffee.com/pagsusuri-sa-paggamit-ng-

learning-management-system-lms-ng-mga-mag-aaral-sa-

elizabeth-seton-school-sa-ikawalong-baitang-sa-

asignaturang-filipino-pdf-free.html

Poroy. 2020. Mga Problema sa Online Class. Mula sa:

http://poroy.blogspot.com/2020/10/mga-problema-sa-online-

class.html?m=1
39

Sengupta, D. 2019. How Learning Theories Affect eLearning. Mula

sa: https://elearningindustry.com/how-learning-theories-

affect-elearning/amp

Sun Star Pampanga. 2016. Paraan ng Pagkatuto. Mula sa:

https://www.pressreader.com/philippines/sunstar-

pampanga/20161014/281672549462076

You might also like