You are on page 1of 30

Unang Semestre: Unang Markahan

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Modyul 2 at 3 (Ikalawa at Ikatlong Linggo)


Unang Markahan - Modyul 2

KONSEPTONG
PANGWIKA
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal,
Wikang Panturo, at Multilingguwalismo
PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggan/ napanood
1
na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at
telebisyon.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Matukoy ang kaugnayan ng sitwasyong pangkomunikasyon sa napanood
1
na panayam.

2 Magamit ang konseptong pangwika sa sitwasyong pangkomunikasyon


sa talumpati at panayam.
WIKANG PAMBANSA UNANG MARKAHAN-MODYUL 2:
KONSEPTONG PANGWIKA

Ito ay tumutukoy sa wika na ginagamit ng mga tao sa isang bansa.

FILIPINO (Ito ay ayon Saligang Batas ng 1987.)


WIKANG OPISYAL UNANG MARKAHAN-MODYUL 2:
KONSEPTONG PANGWIKA

Ito ang wikang ginagamit sa gobyerno at mahahalagang gawain


ng isang lugar.

FILIPINO (Ito ang opisyal na itinadhana ng batas na maging


wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin,
ito ang wika na maaaring gamitin sa anumang uri ng
komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at
labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno.)
WIKANG PANTURO UNANG MARKAHAN-MODYUL 2:
KONSEPTONG PANGWIKA

Ang wikang ito ang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo sa loob ng


silid-aralan at ginagamit sa mga libro at iba pang materyales.

MULTILINGUWAL (K12: Dayalekto, Filipino, at Ingles)


TANDAAN:

WIKA NG KOMUNIDAD
Ito ay tumutukoy sa wikang ginagamit
sa loob ng komunidad, ito man ay sa
mga sitwasyong pormal at di-pormal.

Hal: DAYALEK

UNANG MARKAHAN-MODYUL 2:
KONSEPTONG PANGWIKA

TANDAAN:

UNANG WIKA
Ito ay sinasabing natutunan sa loob ng
bahay o tinatawag na MOTHER TONGUE.

IKALAWANG WIKA
Wikang natutunan sa labas ng bahay

IKATLONG WIKA
Mga wikang natutunan sa paaralan
o sa lugar na pinagtatrabahuhan

UNANG MARKAHAN-MODYUL 2:
KONSEPTONG PANGWIKA

TANDAAN:
LINGUA FRANCA
Tumutukoy sa isang diyalekto
na ginagamit ng dalawa o higit pang mga tao
na may magkaibang pangunahing wika.

HAL: LINGUA FRANCA SA PILIPINAS - TAGALOG


Ito ay dahil may iba’t-ibang diyalekto
na matatagpuan sa Pilipinas.

Samantala, dahil sa globalisasyon, importante


ang paggamit ng Lingua Franca para sa mas mabilis
at madaling komuniskasyon.

TAGALOG ang dayalekto ginagamit


sa bansang Pilipinas upang magkaunawaan
ang bawat taong naninirahan dito.

UNANG MARKAHAN-MODYUL 2:
KONSEPTONG PANGWIKA
TANDAAN:

WIKANG BILINGUWAL
Ito ay ang pagkatuto ng tao
sa higit pa sa isang wika. (Dalawang Wika)

MULTILINGUWAL
Mayroon tayong mahigit sa dalawang
lenggwaheng ginagamit.

UNANG MARKAHAN-MODYUL 2:
KONSEPTONG PANGWIKA

TANDAAN:

Bago pa tayo nagkaroon ng K-12,


ang edukasyon noon ay maituturing
na BILINGUWAL sapagkat may dalawang lenggwahe
lamang na ginagamit sa edukasyon noon.
Ito ay ang FILIPINO at INGLES.

Ngayon, maituturing ng MULTILINGUWAL


ang edukasyon sa Pilipinas sapagkat mayroon
tayong mahigit sa dalawang lenggwaheng
ginagamit sa edukasyon.
DAYALEK, FILIPINO at INGLES (K-12)

UNANG MARKAHAN-MODYUL 2:
KONSEPTONG PANGWIKA

TANDAAN:

LINGUA HIRAM
Ito ay mga lenguwaheng hiniram
natin sa ibang bansa.

Hindi natin maitatanggi na may mga salita


tayong ginagamit na hiram na Lingua sapagkat
tayo ay sinakop ng mga ibang bansa noon.

Dahil sa pananakop nila ay nabuo


ang panghihiram na lingua.
Sa madaling sabi, ito ay tinatawag nating
HIRAM NA SALITA.

UNANG MARKAHAN-MODYUL 2:
KONSEPTONG PANGWIKA

ANTAS NG WIKA UNANG MARKAHAN-MODYUL 2:


KONSEPTONG PANGWIKA

1. PORMAL
Salitang pormal na pagtuturo at ng mga nakapag aral ng wika.

A. PAMBANSA
Salitang ginagamit sa pagsulat ng aklat at ginagamit din
ng pamahalaan.

B. PAMPANITIKAN
Ginagamit sa mga akdang pampanitikan.
(Malalamin na salita, idyoma, tayutay)
ANTAS NG WIKA UNANG MARKAHAN-MODYUL 2:
KONSEPTONG PANGWIKA

2. Di-PORMAL
Ginagamit sa pang-araw-araw na pakikisalamuha sa mga kakilala
at kaibigan

A. LALAWIGANIN
Ginagamit sa tiyak na pook o lalawigan. (Dayalek)
Halimbawa:
bana (asawang lalaki)
manang (tawag sa nakakatandang kapatid na babae)
karuba(kapit bahay)
kabsat(kapatid)
kuman ittam (kain tayo)
ANTAS NG WIKA UNANG MARKAHAN-MODYUL 2:
KONSEPTONG PANGWIKA

2. Di-PORMAL
Ginagamit sa pang-araw-araw na pakikisalamuha sa mga kakilala
at kaibigan

B. KOLOKYAL
Salitang ginagamit sa impormal na pananalita.
(pagpapaikli ng salita)
Halimbawa:
Aywan ko sa EWAN KO
Wala sa ALA
Mayroon sa MERON
Wika mo sa KAMO
ANTAS NG WIKA UNANG MARKAHAN-MODYUL 2:
KONSEPTONG PANGWIKA

2. Di-PORMAL
Ginagamit sa pang-araw-araw na pakikisalamuha sa mga kakilala
at kaibigan

C. BALBAL
Salitang ginagamit sa lansangan.
Tumutukoy rin sa mga salita ng mga bakla na nagkakaroon ng
sariling codes. Mga jologs/jejemons. Ito ay napapabilang sa
mababang antas ng wika.
Halimabawa:
Tatay - erpat
Bakla - jokla
Unang Markahan - Modyul 3

KONSEPTONG
PANGWIKA
Homogenous at Heterogenous na Wika
PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong
pangkomunikasyon sa telebisyon.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa
1
sa mga konseptong pangwika.

2 Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika


sa lipunan.
TANDAAN:

HETEREGENOUS NA WIKA
Tumutukoy sa pagkakaiba-iba
ng wikang ginagamit ng mga pangkat
ng tao dahil sa iba't ibang
mga salik tulad ng edad, kasarian,
tirahan, gawain, at iba pa.

UNANG MARKAHAN-MODYUL 3:
KONSEPTONG PANGWIKA

HETEROGENOUS: UNANG MARKAHAN-MODYUL 3:

BARAYTING PERMANENTE
KONSEPTONG PANGWIKA

DAYALEK
Ito ang barayting batay sa pinanggalingang lugar, panahon, at katayuan
sa buhay ng isang tao.
Ito ang kinagisnang wika ayon sa kinalakhang lugar.
IDYOLEK
Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal
na gumagamit ng wika.
Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan ng isang tao base sa kanyang pamamaraan
ng pananalita.
SOSYOLEK
Ito ay tumutukoy sa barayti ng wika na ginagamit ng isang pangkat
o lipon ng tao.
HETEROGENOUS: UNANG MARKAHAN-MODYUL 3:

BARAYTING PERMANENTE
KONSEPTONG PANGWIKA

DAYALEK
Ito ang barayting batay sa pinanggalingang lugar, panahon,
at katayuan sa buhay ng isang tao.

Ito ang kinagisnang wika ayon sa kinalakhang lugar

Halimbawa:
Itawes, Ilocano, Tagalog
HETEROGENOUS: UNANG MARKAHAN-MODYUL 3:

BARAYTING PERMANENTE
KONSEPTONG PANGWIKA

IDYOLEK
Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat
indibiduwal na gumagamit ng wika.

Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan ng isang tao base sa kanyang


pamamaraan ng pananalita.

Halimbawa:
Magandang gabi, Bayan! - Noli de Castro
Ha ha ha, nakakaloka. - Kris Aquino
HETEROGENOUS: UNANG MARKAHAN-MODYUL 3:

BARAYTING PERMANENTE
KONSEPTONG PANGWIKA

SOSYOLEK
Ito ay tumutukoy sa barayti ng wika na ginagamit ng isang pangkat
o lipon ng tao.

Halimbawa:
Gay Lingo
Conyo
Jejemon
HETEROGENOUS: UNANG MARKAHAN-MODYUL 3:

BARAYTING PANSAMANTALA
KONSEPTONG PANGWIKA

REGISTER
Ito ang barayting bunga ng sitwasyon at disiplina o larangang
pinaggagamitan ng wika.
Ito ay ang mga ginagamit sa mga propesyon o disiplina
o mas kilala sa tawag na JARGON.

ISTILO
Ito ang barayting batay sa bilang at katangian ng kinakausap,
at relasyon ng nagsasalita sa kinakausap

MIDYUM
Ito ang barayting batay sa pamamaraang gamit sa komunikasyon,
maaaring pasalita o pasulat.
HETEROGENOUS: UNANG MARKAHAN-MODYUL 3:

BARAYTING PANSAMANTALA
KONSEPTONG PANGWIKA

ISTILO
Ito ang barayting batay sa bilang at katangian ng kinakausap,
at relasyon ng nagsasalita sa kinakausap.

Halimbawa:
paraan ng pakikipag usap ng
doktor sa kanyang mga paseyente,
guro sa kanyang mga mag-aaral,
dalawang magkaibigan
TANDAAN:

HOMOGENOUS NA WIKA
Nanggaling sa salitang Griyego
na "homo" na ang ibig sabihin
ay"uri o yari".

Pagkakatulad ng mga salita


ngunit nag-iiba ang kahulugan
dahil sa pagbigkas at intonasyon.

UNANG MARKAHAN-MODYUL 3:
KONSEPTONG PANGWIKA

HOMOGENOUS NA KALIKASAN
UNANG MARKAHAN-MODYUL 3:
KONSEPTONG PANGWIKA

ARBITRARYO
Ang wika ay pinagkakasunduan.
Nagkakaunawaan sa kahulugan ng mga salita ang mga gumagamit nito.
Hindi dinidikta ng mismong itsura at tunog ng salita ang
kahulugan.

Halimbawa:
KAMAY IMA KAMOT GAMAT
Tagalog Ilokano Bikolano Kapampangan
HOMOGENOUS NA KALIKASAN
UNANG MARKAHAN-MODYUL 3:
KONSEPTONG PANGWIKA

DINAMIKO
Panghihiram ng salitang dayuhan at pagbibigay ng sariling
kahulugan dito.

Halimbawa:
GIMMICK (Ingles)
Pakulo o paraan ng pagpukaw ng atensyon
"PAMAMASYAL KASAMA NG MGA KAIBIGAN"
HOMOGENOUS NA KALIKASAN
UNANG MARKAHAN-MODYUL 3:
KONSEPTONG PANGWIKA

BAHAGI NG KULTURA
Sa wikang Arabe ay mayroong iba't ibang katawagan
para sa mga uri ng kamelyo. Ang mga salitang ito ay wala
sa ating wika dahil hindi bahagi ng kulturang Pilipino
ang paggamit ng mga kamelyo. Kung gayon, hindi maisasalin
sa Filipino ang mga salitang Arabe para sa salitang kamelyo
dahil walang katumbas ang mga salitang ito sa ating wika.
HOMOGENOUS NA KALIKASAN
UNANG MARKAHAN-MODYUL 3:
KONSEPTONG PANGWIKA

MAY SARILING KAKANYAHAN


Ang wikang Nihonggo ay sumusunod sa estrukturang
"paksa-layon ng pandiwa-pandiwa"
Samantalang ang Ingles ay
"paksa-pandiwa-layon ng pandiwa"

You might also like