You are on page 1of 1

NAGTALUMPATI si President Noynoy Aquino sa Calamba City noong nakaraang Linggo bilang paggunita

sa ika-150 kaarawan ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Maganda ang kanyang sinabi na dapat
daw ay tularan ng mamamayan ang mga ginawa ni Rizal. Hindi raw naligaw ng landas si Rizal at bagkus ay
naging instrumento pa para sa pagkakamit ng kalayaan. Malaki ang nagawa ni Rizal para mapalaya ang
Pilipinas sa kuko ng mga dayuhan. Ginawa niya ito hindi sa pamamagitan nang dahas kundi sa panulat.
Dalawang nobela niya El Felibusterismo at Noli Me Tangere ang nagmulat sa mga Pilipino para
hangaring makalaya. Maski si Andres Bonifacio ay nagkaroon ng ibayong tapang at sigasig makaraang
mabasa ang nobela ni Rizal. Doon nagsimulang mag-alab ang kanyang damdamin para lumaban sa mga
Kastila. Nang ipatapon ng mga Kastila si Rizal sa Dapitan, iminungkahi ni Bonifacio na i-rescue siya.
Itatakas umano siya sa piitan. Tinanggihan ni Rizal ang mungkahi ni Bonifacio sapagkat naipangako niya
sa mga Kastila na hindi siya tatakas. Binaril siya sa Bagumbayan. Doon na nagsimula ang rebolusyon.

Sabi ni P-Noy, tuwid ang landas na tinahak ni Rizal. Hindi siya nagkamali sa paghakbang at hinarap ang
mga pagsubok. Hindi raw matatawaran ang mga katangian ni Rizal bilang bayani. Ang mga ginawa raw ni
Rizal ang dapat tularan ng mga Pilipino.

Tama si Presidente Aquino na dapat tularan si Rizal at tahakin din ang landas nito. Dapat din namang
sinabi ng presidente na gayahin din ang ginawang pagsisiwalat ni Rizal ng mga kabulukan ng mga Kastila
sa pamamagitan ng panulat. Dapat maging mapagmatyag ang taumbayan sa mga corrupt sa pamahalaan
at ireport ang mga ito. Sana, sinabi ng presidente na handa niyang protektahan ang mga magsisiwalat ng
kabulukan at mga nagnanakaw sa kabang-yaman.

You might also like