You are on page 1of 4

San Juan National High

Paaralan Baitang Pito (7)


School
Paraan ng Paghahatid
Face to Face Asignatura Filipino
sa Pagkatuto
Guro John Rey B. Saroay
LESSON Petsa Setyembre 12 - 29, 2022 Markahan Una
EXEMPLAR
WEEK #4 7:00 – 7:40 (7- Aster) Bilang ng
Oras 4
araw

Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nauunawaan ang binasang teksto (Ang Aso at ang Leon).
2. Naisusulat at nababasa nang malinaw ang aral na
I. LAYUNIN
natutunan sa binasang pabula.
3. Nabibigkas ang piling salita ayon sa kahulugan nito sa
pangungusap

II. NILALAMAN Ang Aso at ang Leon (Pabula ng Maranao)


a. Sanggunian

b. Kagamitan Panturo

III. PAMAMARAAN
A. AKTIBITI I. Pagganyak: Paggtatapat-tapat
(Unang araw) Panuto:

Agila Pusa

Kabayo Leon
II.Pagbasa ( Pangkatang Pagbasa, Isahang Pagbasa,
Dugtungang Pagbasa )
Teksto (PABULA)
Ang ASO at ANG LEON

Isang araw, naligaw ang isang matandang aso habang


hinahabol ang kuneho. Mayamaya ay napansin niya buhat sa
malayo ang isang leon na tumatakbo papalapit sa kaniya na may
tinging nagugutom. “Palagay ko’y lalapain ako ng nilalang na ito,”
sabi ng aso sa sarili. Nakakita ang matandang aso ng mga butong
nakakalat malapit sa kaniya. Umayos siya na animo’y kakainin ang
mga ito nang nakatalikod sa paparating na leon. Nang dadambahi
na ng leon, sumigaw ang matandang aso, “isang napakasarap na
leon! Mayroon pa kayang iba rito?
Nang marinig ng batang leon ang sigaw ng matandang aso
ay bigla itong tumigil, at mabilis na nagtago sa puno. “Marahil ay
mabagsik ang matandang asong iyon at marami nang napatay,”
bulong niya sa sarili.
Ang ardilya (squirrel) naman na kanina pa pala nanonood
sa malapit na punongkahoy ay alam ang pandarayang ginawa ng
aso at nag-isip na gamitin ang kaniyang nalalaman para sa
kaniyang sariling proteksiyon mula sa leon. “Siguro-naman ay
makukuha ko ang loob ng leon,” nakangiting sabi nito sa sarili.
Nang makausap ang leon, ipinaliwanag ng ardilya ang
nangyari at gumawa ng kasunduan. “Baka pinagtatawanan ka ng
asong iyon ngayon,” pangising tinuran ng ardilya.
Napoot ang leon dahil sa pagkakalinlang sa kaniya at
nagwika, “sumakay ka sa likod ko at nang makita mo ang
mangyayari sa manlilinlang na yon!”
Natiktikan ng matandang aso ang pagdating ng leon na
may nakasakay " na ardilya sa likod. Sa halip na tumakbo, naupo
siya at nagkunwaring hindi pa niya sila nakikita. Nang malapit na
ang dalawa at alam niyang siya’y maririnig, ang matandang aso ay
nagsabi, “nasaan ang ardilyang iyan? Inutusah ko siya, isang oras
na ang nakakaraan na dalhin sa akin ang isa pang leon!”
Biglang kinabahan ang leon at bumaling sa ardilya. “Akala
ko ba’y kakampi kita?” “Nilinlang mo lang pala ako at nais mo
akong ipakain sa asong iyan?” Akala ng leon ay talaga ngang
inutusan ng matandang aso ang ardilya upang siya ay dalhin sa
harap.nito. Lingid sa kaniyang kaalaman, sa laki niya ay kaya
niyang patayin at lapain ang matandang aso. Kumaripas ng takbo
ang leon, at ni hindi na nagawang Iumingon.
Ang ardilya ay naiwan. Hinarap siya ng matandang aso at
galit na nagwika, “akala mo siguro ay mapapatay mo ako sa
pamamagitan ng leong iyon!”" Matanda na ako at marami ng
karanasan. Hindi ninyo ako mapagialalangan. Nanginginig na
humingi ng tawad ang ardilya.

B. ANALISIS GAWAIN: MALAYANG TALAKAYAN


Gabay na tanong
1. Sino ang nagsabi ng linyang, “Palaga’y ko ay lalapain ako ng
nilalang na ito.?”
2. Sinubukan niyang kunin ang loob ng Leon?
3. Ano ang ginawa ng aso noong makita niya na papalapit na sa
kanya ang Leon at ang Ardilya?
4. “Marahil mabagsik ang matandang asong iyo n at marami nang
napatay.” Ano ang kahulugan ng salitang “mabagsik?”

5. Lingid sa kaniyang kaalaman, sa laki niya ay kaya niyang


patayin at lapain ang matandang aso. Ano ang kahulugan ng
salitang “lingid?”
6. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng tako o pagkatakot?
7. Anong aral o pangkaisipan ang nais iparating sa atin ng
babasahaing, “Ang Aso at ang Leon?”

A. PAGSUSULIT
Panuto: Piliin ang titik ng tamaang sagot ayon sa tekstong binasa.
1. Sino ang nagsabi ng linyang, “Palaga’y ko ay lalapain ako ng
nilalang na ito.?”
a. Leon c. Ardilya (Squirrel)
b. Aso d. Kuneho
2. Sinubukan niyang kunin ang loob ng Leon?
a. Ardilya (Squirrel) c. Leon
b. Aso d. Kuneho
3. Ano ang ginawa ng aso noong makita niya na papalapit na sa
kanya ang Leon at ang Ardilya?
a. tumakbo c. umupo
b. natulog d. tumayo
4. “Marahil mabagsik ang matandang asong iyo n at marami nang
napatay.” Ano ang kahulugan ng salitang “mabagsik?”
a. malupit c. mabait
b. maamo d. malakas
C, APLIKASYON 5. Lingid sa kaniyang kaalaman, sa laki niya ay kaya niyang
(Ikalawang araw) patayin at lapain ang matandang aso. Ano ang kahulugan ng
salitang “lingid?”
a. bukas c. lihim
b. maingay d. magulo
6. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng tako o pagkatakot?
a. “Siguro-naman ay makukuha ko ang loob ng leon,” nakangiting
sabi nito sa sarili.”
b. “Baka pinagtatawanan ka ng asong iyon ngayon,”
c. “Matanda na ako at marami ng karanasan.”
d. “Palagay ko’y.lalapain ako ng nilalang na ito,”
7. Anong aral o pangkaisipan ang nais iparating sa atin ng
babasahaing, “Ang Aso at ang Leon?”
a. Ang pagiging matapang ay nakakawala ng takot.
b. Ang panlilinlang ay walang mabuting maidudulot.
c. Ang pagbibigay ng Malaki ay nagbibigay ng lakas.
d. Ang pagkakaroon ng kaalaman at karansan ay nakakatulong
para manalo.

B.
Panuto: DUGTUNGAN ang pahayag ayon sa iyong natutuhan
o naramdaman
IV. REPLEKSYON Sa aralin ngayon,nalaman ko na _____________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

IV. Remarks/Mastery Level

Inihanda ni:
Binigyang -pansin ni:
RM -Wk.4-Fil.7

ANG ASO AT ANG LEON (THE DOG AND THE LION)


lsinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Ernesto U. Natividad Jr.

Isang araw, naligaw ang isang matandang aso habang hinahabol ang kuneho. Mayamaya ay
napansin niya buhat sa malayo ang isang leon na tumatakbo papalapit sa kaniya na may tinging
nagugutom. “Palagay ko’y lalapain ako ng nilalang na ito,” sabi ng aso sa sarili. Nakakita ang matandang
aso ng mga butong nakakalat malapit sa kaniya. Umayos siya na animo’y kakainin ang mga ito nang
nakatalikod sa paparating na leon. Nang dadambahi na ng leon, sumigaw ang matandang aso, “isang
napakasarap na leon! Mayroon pa kayang iba rito?
Nang marinig ng batang leon ang sigaw ng matandang aso ay bigla itong tumigil, at mabilis na
nagtago sa puno. “Marahil ay mabagsik ang matandang asong iyon at marami nang napatay,” bulong niya
sa sarili.
Ang ardilya (squirrel) naman na kanina pa pala nanonood sa malapit na punongkahoy ay alam ang
pandarayang ginawa ng aso at nag-isip na gamitin ang kaniyang nalalaman para sa kaniyang sariling
proteksiyon mula sa leon. “Siguro-naman ay makukuha ko ang loob ng leon,” nakangiting sabi nito sa sarili.
Nang makausap ang leon, ipinaliwanag ng ardilya ang nangyari at gumawa ng kasunduan. “Baka
pinagtatawanan ka ng asong iyon ngayon,” pangising tinuran ng ardilya.
Napoot ang leon dahil sa pagkakalinlang sa kaniya at nagwika, “sumakay ka sa likod ko at nang
makita mo ang mangyayari sa manlilinlang na yon!”
Natiktikan ng matandang aso ang pagdating ng leon na may nakasakay " na ardilya sa likod. Sa
halip na tumakbo, naupo siya at nagkunwaring hindi pa niya sila nakikita. Nang malapit na ang dalawa at
alam niyang siya’y maririnig, ang matandang aso ay nagsabi, “nasaan ang ardilyang iyan? Inutusah ko
siya, isang oras na ang nakakaraan na dalhin sa akin ang isa pang leon!”
Biglang kinabahan ang leon at bumaling sa ardilya. “Akala ko ba’y kakampi kita?” “Nilinlang mo lang
pala ako at nais mo akong ipakain sa asong iyan?” Akala ng leon ay talaga ngang inutusan ng matandang
aso ang ardilya upang siya ay dalhin sa harap.nito. Lingid sa kaniyang kaalaman, sa laki niya ay kaya
niyang patayin at lapain ang matandang aso. Kumaripas ng takbo ang leon, at ni hindi na nagawang
Iumingon.
Ang ardilya ay naiwan. Hinarap siya ng matandang aso at galit na nagwika, “akala mo siguro ay
mapapatay mo ako sa pamamagitan ng leong iyon!”" Matanda na ako at marami ng karanasan. Hindi ninyo
ako mapagialalangan. Nanginginig na humingi ng tawad ang ardilya.

Filipino 7: Panitikang Rehiyonal – Kagamitan ng Mag-aaral


Pahina 24-32

You might also like