You are on page 1of 1

Ang Daga at ang Leon

Ni Aesop

(Pabula)

I.Buod

May isang makulit na dagang nagpadiskitahang maglaro sa likod ng natutulog na leon. Sa


pagkawili nito ay hindi na nito namalayan ang pagkagising ng Leon na nagalit dahil sa
paggambala nito sa kanyang pagtulog. Nagmakaawa ang daga at siya’y pinatawad ng mahabaging
leon.

Lumipas ang maraming araw. Habang naglalakbay si daga’y nakita niya ang isang lambat na may
nahuling isang hayop. Sa paglapit ay nakita nito ang leon na humihingi ng tulong. Walang pag-
aalinlangan ay kaagad niyang inakyat ang puno at nginatngat ang mga lubid nito. Matagumpay
ang pagtakas ng leon.

II.Paksa

Ang paksa ng pabulang ito ay tungkol sa pagtatanaw ng utang na loob,pagganti sa mabuting


paraan at pag-unawa sa ating kapwa. Ito rin ay nagpapakita na kapag gumawa ka ng kabutihan ay
tiyak na susuklian ka din mg kabutihan.

III.Bisa(sa isip)

Tumatak sa aking isip ang tunay na kahulugan ng mabuting pakikitungo sa ating kapwa dahil kung
ano ang iyong ipinapakita ay maaring ganon din ang kanilang ipapakita sa'yo.

IV.Mensahe

Ang mensahe ng pabula ay dapat marunong tayong humingi ng paumanhin sa nagawa nating
pagkakamali sa iba. Marunong din dapat tayong umunawa sa kapwa upang magkaroon tayo ng
mabuting pakikitungo sa kanila dahil, hindi sa lahat ng oras tayo ay nasa itaas may panahon din
na tayo ay nasa ibaba.

V.Teoryang Ginamit

Teoryang Sosyolohikal

You might also like