You are on page 1of 3

I.

LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang kahulugan ng mahihirap na salita.
b. Naisasalaysay ang naging paglalakbay ni Don Juan sa pamamagitan ng dula
dulaan.
II. PAKSANG ARALIN
a. Paksa: Ibong Adarna
‘Ang paglalakbay ni Don Juan’
b. Sanggunian: Learners Material Filipino 7, Ibong Adarna pp. 572-579
c. Kagamitan: Tv, Movie Clip tungkol sa paglalakbay ni Don Juan, slide
presentation ng kabanata, Mga Larawan, Chart, Biswal ayds
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
(Tatawagin ng guro ang isang mag-aaral upang pangunahan ang
panalangin.)
b. Pagbati
Isang magandang umaga sa inyong lahat!
 Bago umupo pakipulot muna ang mga kalat sa ilalim ng inyong
upuan.
 Maraming salamat, magsi upo na.
c. Pagtala sa lumiban
(Aatasan ng guro ang kalihim ng klase upang itala ang mga lumiban.

B. Paggaganyak
Magpakita ng mga larawan ng magagandang tanawin. Magkaroon ng maikling
pagbabahagi ng mga mag aaral tungkol sa kanilang mga karanasan ng
paglalakbay sa ibat ibang lugar.

C. Paglalahad sa paksang aralin


Basahin nga ating paksa sa paraang pakanta.
‘Ang paglalakbay ni Don Juan’

D. Pag-alis ng balakid
Ang klase ay hahatiin sa dalawang hanay ang A at B. Ang lahat ng mag aaral ay
bibigyan ng mga salitang nasa plaskards. Mayroon silang isang minuto para pag
isipan kung anong ibig sabihin ng mga salitang hawak nila. Pagkatapos may isang
minuto ulit para hanapin sa kabilang hanay ang tamang kahulugan ng mga ito.
Pupunta sa harapan ang dalawang magka ibang hanay para sabay nilang
pagtatapatin ang mga salitang may tamang kahulugan.
Hanay A Hanay B
Napalaot Napadpad
Kinalinga Tinulungan
Ninanasa Hinahangad
Tumungga Umiinom
Hinampo Hinanakit
Tarukin Isipin
Talinghaga Himala
Batid Alam
Nangingimi Nahihiya
Imbi Walang galang
Talastas Nalalaman
Nalalabi Natitira
Matanto Maunawaan
Parunan Puntahan
Kaurali Kausap
Namasdan Nakita
Mamamalas Mamamasdan
Hapis Lungkot
Ibinunton Ibinaling
Masabi Masambit
Pagngingitngit Galit
Himutok Hinagpis
Pinopoon Sinasamba
Kalumbayan Kalungkutan
Lilo Taksil
Pagsinta Pag ibig
Maatim Matanggap
Daratnan Aabutan

E. Pagtatalakay

Pagbasa ng mga saknong ng Ibong Adarna ang paglalakbay ni Don Juan.


Upang lubos na maunawaan papanuorin ng mga mag aaral ang isang video clip tungkol sa
paglalakbay ni Don Juan.

F. Paglalahat

1. Anong pamagat ng kwentong ating pinanuod?


2. Bakit naglakbay si Don Juan patungong Reyno de los Cristales?
3. Naging madali ba para kay Don Juan ang kanyang ginawang paglalakbay ? Bakit?
4. Bakit sinasabing may gininyuang puso ang matanda sa akda? Mayroon pa bang mga
taong katulad nila sa kasalukuyan? Patunayan
5. Kung saka-sakaling makasasalubong ka ni Don Juan at hihingan ka niya ng tulong , ano
ang ibibigay mo sa kanya bukod sa pagkain at bakit ito ang iyong ibibigay?
6. Bakit nagtaka si Don Juan matapos niyang maubos ang tubig na bigay ng matanda?
Naniniwala k aba sa milagro o himala? Magbigay ng patunay.
7. Ano kaya ang nakita ng matanda sa katauhan ni Don Juan at naging lubos ang
pagtitiwala niya rito?

G. Paglalapat

Maiuugnay ang mga pangyayari sa akda sa sariling karanasan. Ang paglalakbay ng isang tao rito
ay mahiwaga. Marami tayong mararanasan sa ating buhay na minsan ay hindi lubos na
maunawaan. Gaya ng nangyari sa matandang tumulong kay Don Juan, sa kabila ng kanyang
kasalatan sa buhay ay nagawa niya pa ring ibigay ang kahuli huling pagkain at inuming nalalabi
sa kanyang sisidlan.
Ngunit isang malaking pagtataka ang namayani sa puso ni Don Juan sapagkat ang tubig sa
bumbong na kanyang matinding uhaw ay halos hindi nabawasan. Tunay na totoo ang sinasabi ng
awit na pinamagatang ‘Mahiwaga’ na pinasikat ni Jun Polistico na sadyang mahiwaga ang buhay
ng tao.

IV. PAGTATAYA
Ang klase ay hahatiin sa apat na grupo. Isasalaysay ng bawat grupo ang naging paglalakbay at
pinagdaanan ni Don Juan sa paghuli ng ibong adarna ayon sa kanilang pagkaunawa sa kwento.
Pagkatapos ng kanilang pagtatanghal ay kanilang sasagutin ang katanungang ano nga ba ang
dapat hangaan sa isang bagay o tao,ang panlabas na anyo ba nito o ang panloob na katangian?
Bakit?

Narito ang rubriks para sa inyong gagawin.


 Performans-10
 Pagkamalikhain-5
Total=15

V. Takdang Aralin
Magtala ng isang pangyayari sa iyong buhay kung saan naranasan mong tumulong sa
isang tao, kaibigan o kakilala na lubos na nangangailangan. Gaano man kalaki o kaliit
ang tulong ma iyong inilaan sa iyong kapwa,ang higit na mahalaga ay nagdulot ka
nang malaking pag asa sa puso ng taong iyong tinulungan.

You might also like