You are on page 1of 3

Script

Isang araw, nagpatawag ng meeting si Lion sa lahat ng hayop sa kagubatan.


Lahat ng hayop: (maingay na nakikipag-usap sa isat isa)
Lion: (papasok sa stage) (pasigaw) Magsitigil kayong lahat!
Lahat ng hayop: (tatahimik)
Lion: Nandito kayong lahat upang marinig nyo ang aking mahalagang anunsyo
Monkey: (itataas ang kamay at tatamaan nya ang kanyang mga katabi) Ano po ang anunsyo,
kamahalan?
Lion: Alam nyo naman na simula noon pa lamang ay ginagampanan ko na ang aking tungkulin
bilang hari ng kagubatang ito. Mula umaga hanggang gabi ay naitataguyod ko ang kapayapaan
ng ating tirahan. At ngayon, karapat- dapat lamang na magkaroon ako ng araw para sa aking
sarili.
Boar: (mataray) uhm Meaning?
Lion: Idedeklara ko na ngayon ay ang araw ng aking pagpapahinga.
Mouse: Pero kamahalan, sino ang kasalukuyang mamumuno sa amin kung mawawala kayo?
Lion: Habang akoy nasa aking bakasyon, ang mamumuno muna sa kagubatan ay ang aking
matalik na kaibigang si Tiger.
At ayun na nga, umalis na si Lion at iniwan nya ang kaharian kay Tiger.
Tiger: Hay salamat. Akoy makakapagpahinga na. (Uupo na relaxed at nakalagay ang dalawang
kamay sa ulo at pipikit)
Habang mahimbing na natutulog si Tiger ay nakita sya ni Monkey. Alam ni Monkey na walang
mapapala ang kaharian kung sya ang mauupo bilang pinuno. Pinuntahan nya ito upang
komprontahin.
Monkey: Tiger. Alam mo bang ikaw ang inatasang maging pinuno rito?
Tiger: (natutulog) (dadaing na parang sumasang-ayon)
Monkey: Alam mo naman pala e. So anong ginagawa mo nyan?
Tiger: (dadaing ulit habang natutulog)
Monkey: Hay nako Tiger. Alam mo, kung di mo kayang gampanan ang trabaho mo, ako nalang
ang gagawa nun. Tutal wala ka namang kusa. (Aalis)
Tiger: (dadaing muli)
At ayun na nga, wala nang atrasan to. Kinuha ni Monkey ang obligasyon na maging isang
pinuno. Di man sya nakakaalis ay nabunggo nya si Boar.
Boar: (mabubunggo si Monkey)
Monkey: (matutumba) Ay! Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, taba!
Boar: Sorry po, kamahalan. Di ko po sinasadya
Monkey: Di sinasadya na ano? Na bulag ka? At di mo ko nirerespeto? Umayos ka kung hindi
ipapakulong kita!

Boar: (iiyak) Wag po kamahalan. (Luluhod)


Monkey: Lumuhod ka sa harapan ko at umalis ka na sa harap ng pagmumukha ko
Boar: (Aalis ng humahagulgol)
Monkey: hmp! Buti nga sa kanya!
Hindi maganda ang pakikitungo ni Monkey sa mga hayop sa kagubatan. Inutusan nya lahat ng
mga ito at ipinagawa lahat ng mga gawain sa kanila.
Monkey: Hoy! Lahat kayo! Ako na ang bagong pinuno rito, at kailangan nyong gawin ang lahat
ng dapat iutos ko. Masusunod ba?!
Lahat ng hayop: (matatahimik at nakatitig lang kay Monkey)
Monkey: Oh, ano pa ang hinihintay nyo. DALIAN NYO!
Lahat ng hayop: (Magkakagulo)
Hindi na nila matinag ang ugali ni Monkey. Pinag usapan ng lahat ng hayop ang patungkol sa
kanya at magbabalak ng pagprotesta.
Mouse at Owl: (maglalakad ng magkasama)
Mouse: Alam mo, napakasama ng pinuno natin. Di ko na sya matinag
Boar: (maglalakad ng umiiyak) NAPAKASAMA NYA TALAGAAAA!
Owl: Kawawang boar. Dapat na to matigil!
Mouse: magprotesta tayo laban sa kanila!
Owl: oo nga! Ipapaalam ko ito sa mga oso.
Ito na nga! Wala nang atrasan to. Nagprotesta ang mga hayop laban kila Tiger at Monkey sa
pangunguna nila Care Bear, Panda Bear, at Bipolar Bear.
3 Bears: TAMA NA! ITIGIL NYO NA ITO. GUSTO NAMIN NG RESPONSABLE AT MAAYOS NA
PINUNO. ITIGIL NYO NA ANG KALOKOHANG ITO! TARA MGA KAPWA HAYOP, MAGWELGA
TAYO! (tataas ang kamay na parang sinusuntok ang hangin)
Monkey: Wala kayong karapatang sabihan ako nyan!
Nagkagulo ang buong kaharian. Sa gitna ng kaguluhan, biglang darating si Lion at makikita nya
ang nangyayari sa kanyang kaharian.
Lion: (magugulat) (sisigaw) Magsitigil kayo! Ano bang kaguluhan ito?
Monkey: sila kasi! Minsan lang mautusan, nagkakagulo na!
Lion: Ha? Eh di naman ikaw ang inatasan kong mamuno ha?!
Monkey: E sino ang mamumuno? Tignan mo si Tiger, nandun tulog!
Lion: Kahit na. Kung ikaw man ang inutusan ko, dapat respetuhin mo ang iyong mga kapwa
hayop. Naiintindihan mo ba?
Monkey: opo kamahalan. Pasensya na po. Pasensya na sa inyong lahat.
Pinuntahan ni Lion si Tiger na galit na galit. Siyay nadismaya sa ginawa ni Tiger.

Lion: (sisigaw) TIGER!


Tiger: (gulat na gulat na gigising) ha? Hmm?!
Lion: Pinagkatiwalaan kitang mamuno rito,tapos ilalagak mo lang sa iba yang posisyon mo
upang magpakasasa sa tulog. Grabe ka talaga
Tiger: Pasensya na, kaibigan. Masyado akong napasarap sa tulog.
Lion: napakalaking responsibilidad ang maging pinuno, Tiger. Dapat hindi mo lang ito tulugan.
Kapag itoy binigay sa iyo, gawin mo ito ng buong puso.
Tiger: Hindi na ito mauulit, Lion. Pangako.
At natuto na nga si Tiger at Monkey na maging isang pinuno. Kapag si Lion ay kailangang
magpahinga, tinutulungan nila ito na mamuno sa kagubatan. At naging tahimik muli ang
kaharian. The End.

You might also like