You are on page 1of 2

TAGAPAGSALAYSAY: Minsan sa isang gubat, Sa gubat na iyon napakaraming

Hayop ang nakatira, sanay silang mga hayop ng maghapunan ng magkakasama, Ng


makaisip si Unggoy ng ideya...

UNGGOY: Hindi tayo umaalis ng kagubatan, bakit hindi tayo lumabas sa ating mga
tahanan, kagaya ng mga tao sa kanilang kotse? Pumunta tayo ng lungsod at mamasyal
sa magagandang lugar Doon!

TAGAPAGSALAYSAY: Ibinahagi niya ang ideya sa iba pang mga hayop sa


kagubatan at kanilang nagustuhan ang ideyang iyon, pero ang tanong ay paano nila
maibabahagi ang naisip sa Leyon (lalaki). Dahil ang leyon ang nagsisilbing pinuno o
nakatataas sa kanilang lahat sa kagubatan, siya ang nagbibigay ng permiso sa lahat na
magpunta ng lungsod. Ngunit walang may lakas loob na gustong magtanong sa leyon,
kaya't sinabi ng Unggoy...

UNGGOY: Ang binibining lobo ang aking minumungkahi dahil siya'y napakatuso,
maaari mo bang tanungin ang leyon binibining lobo?

TAGAPAGSALAYSAY: Nang tanungin ni Unggoy ang lobo pumayag ito sa


kaniyang mungkahi. Nang sumunod na araw, nakipagkita siya sa leyon, ngunit nakita
niyang payapang natutulog ang leyon kaya't nakahinga ng maluwag ang lobo at
umalis.
Naisip niyang makipagusap sa leyon(babae). Dahil alam ng lahat na gusto ng
leyon(babae) ang ideya tungkol sa pag-alis ng kagubatan. Nagising ang leyon at sinabi
ng lobo ang lahat ng tungkol sa ideya ng Unggoy. Nagustuhan ng leyon ang ideyang
ito at binigyan niya ng pahintulot ang lahat.
Napagpasyahan ng lahat na magkita kinabukasan. Sinabi ng lahat sa
leyon(lalaki) kung ano ang mga gagawin nila habang bumibisita sila sa lungsod. Lahat
ng hayop ay dapat may dalang sarili nilang baunan. Lahat sila ay sabik ng simulan ang
kanilang paglalakabay, ng umagang iyon nagising sila ng napakaaga silay nagtipon-
tipon upang sabay-sabay silang aalis, sinuot ni binibining elepante ang kaniyang
paboritong pangginaw, sinuot naman ni kuneho ang kaniyang puting damit, ang usa
ay mayroong gintong palamuti sa noo.
Gumawa sila ng tatlong grupo ng mga Hayop, at nagsimula ng maglakbay, ang
grupo ay pinangungunahan ng lobo at ng Unggoy. Di nagtagal nakarating sila ng
lungsod 'O hindi! mukhang may problema!' Ng makita sila ng mga tao nagsitakbuhan
at nagsitago ang lahat sa kanilang mga bahay at sumisilip sila sa kanilang mga
bintana. Iniwan ng mga nagtitinda ng mga prutas ang kanilang mga gamit sa daan at
basta nalang tumakbo! Nakakatukso man para sa mga hayop na galing sa gubat ang
mga sariwang gulay at prutas sa daan, pero hindi sila kumain, paano kung magalit ang
leyon? Nagsimula nalang silang maglakad, sa wakas... Nakarating sila sa hardin at
muli, lahat ng nagtitinda sa tabi ng daan ay nagsitakbuhan palayo sa mga hayop!
Kinuha naman ng elepante ang isang kariton papuntang hardin, ngayon silang lahat ay
gutom na gutom na.
Naghanda na silang kumain ng mga baon nilang tanghalian. Ang kuneho'y
nagdala ng upo at pipino... Ang leyon naman'y nagdala ng Karne, ang elepante ay
nagdala ng maraming tubo. Silang lahat ay madaming nakaing pagkain, sila ay
nakaupo sa ilalim ng puno, at ang kumukuha ng litrato ay nakaupo din sa puno,
dahan-dahan siyang lumapit sa kanila at kinuhanan sila ng napakagandang litrato.
Nang matapos ang kanilang pahinga sila'y naglakad-lakad sa hardin at kanilang nakita
lahat ang mga hayop na nakatira sa hardin. (Katulad ng pagong, inahing bibe kasama
ang tatlong anak)
Doon nakakita sila ng napakagandang tren, at silang lahat ay naupo dito.
Ngunit ng makita sila ng nagmamaneho, ito ay kumaripas ng takbo sa takot. Kaya't
ang oso na lamang ang nagpatakbong ng tren. Sila ay masayang namasyal, at
pagkatapos naglaro din sila ng iba pa. Naglaro sila ng mga swing... Pero masiyadong
mabigat ang elepante kaya hindi siya nakasakay sa swing. Sa kabuuan ang kanilang
pagbisita sa lungsod ay napakasaya, at pagkatapos ay muli na silang bumalik sa
kagubatan. At nagdesisyong babalik sila sa lungsod taon-taon..... Wakas.

Unggoy Babaeng lion at Lalaking Lion


Babaeng elepante Pagong
Lalaking kuneho Mga bibe
Babaeng lobo Lalaking nagmamaneho
Babaeng Usa Mga tao

You might also like