You are on page 1of 2

PAGSASANAY NA PAMPAGKATUTO

Unang Markahan- Performance Task #1

Pangalan:________________________________________________ Taon/Pangkat:________________

Panuto: Basahin ang bahagi ng pabulang Ang Aso at Ang Leon, akdang pampanitikan mula sa Maranao.
Pagkabasa ng bahagi ng mga pangyayari ay magkaroon ka ng paghihinuha sa mga maaaring maganap sa
pabula. Gamitin ang mga panandang salita na nagbibigay ng paghihinuha. Dugtungan ang mga maaaring
paghihinuhang maganap sa pabula. Tiyakin na magamit ang mga panandang salita hanggang sa buo at
matapos ang pabula o mga pangyayari.

Isang araw, naligaw ang isang matandang aso habang hinahabol ang kuneho. Maya-maya ay napansin
niya buhat sa malayo ang isang leon na tumatakbo papalapit sa kaniya na may tinging nagugutom.
“Palagay ko’y lalapain ako ng nilalang na ito,” sabi ng aso sa sarili.

Nakakita ang matandang aso ng mga butong nakakalat malapit sa kaniya. Umayos siya na animo’y
kakainin ang mga ito nang nakatalikod sa paparating na leon. Nang dadambahin na ng leon, sumigaw
ang matandang aso, “Isang napakasarap na leon! Mayroon pa kayang iba rito?”

Nang marinig ng batang leon ang sigaw ng matandang aso ay bigla itong tumigil, at mabilis na nagtago
sap uno. “Marahil ay mabagsik ang matandang asong iyon at marami nang napatay, “ bulong niya sa
sarili.

Ang ardilya (squirrel) naman na kanina pa pala nanonood sa malapit na punongkahoy ay alam ang
pandarayang ginawa ng aso at nag-isip na gamitin ang kaniyang nalalaman para sa kaniyang sariling
proteksiyon mula sa leon. “Siguro naman ay makukuha ko ang loob ng leon,” nakangiting sabi nito sa
sarili.

Nang makausap ng leon, ipinaliwanag ng ardilya ang nangyari at gumawa ng kasunduan. “Baka
pinagtatawanan ka ng asong iyon ngayon,” pangising tinuran ng ardilya.

Marahil______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Mukhang_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Puwedeng____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Baka_________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Rubrik ng Pagmamarka

A. Nagtuturo ng kagandahang-asal 5 puntos

B. Orihinal ng mga pangyayari 5 puntos
C. Paggamit ng mga panandang salita ng paghihinuha 5 puntos
D. Kawili-wili 5 puntos
Kabuuan: 20 puntos

You might also like