You are on page 1of 2

FILIPINO 6

Summative Test No. 2 Quarter 1

Name: ________________________________ Date: ___________ Score: _________

I. Panuto: Basahin ang pabula na pinamagatang “Ang Aso at ang Uwak” at sagutin ang mga sumusunod na
tanong.

Ang Aso at ang Uwak


May isang ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw.
Tinangay niya ito at lumipad nang malayo.
Sa dulo ng sanga ng isang puno ay sinimulan niyang kainin ang karne.
Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabing, “sa lahat ng ibon,
ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!”
Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak. Ang nangyari ay nalaglag ang
karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung saan kaagad sinunggaban ng
aso.
Walang nagawa si uwak kundi tingnan ang pagkain ng aso sa nahulog nyang karne.
Mula noon hindi na muling nagpalinlang si Uwak kay Aso.

Mga tanong:

1. Sinu-sino ang mga tauhan sa pabula? _________________________________________


2. Ano ang nakita ng ibong uwak? ______________________________________________
3. Ano ang sinabi ng aso sa ibong uwak? ________________________________________
4. Ano ang nangyari sa karne ng ibong uwak? ____________________________________
5. Ilarawan ang kilos ng aso. __________________________________________________
6. Ano ang aral na makukuha sa kwento? ________________________________________

II. Bigyang kahulugan ang mga sawikaing ginamit sa kanilang mga pahayag. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon.
______________1. Para kang may uod sa katawan.
______________2. Gusto mo bang magbilang ka lang ng poste paglaki mo?
______________3-4. Kung minsan eh nagbubuhat siya ng sariling bangko kaya ayan
tuloy pinariringgang halang ang bituka niya.
______________5. Huwag na kayong mag-away para kayong mga aso’t pusa.
______________6. Hala, bahag naman ang buntot mo!
______________7. Isa kang mapaglubid ng buhangin Ate.
______________8. Kung makapagsalita si Ate, ang talim ng dila.
______________9. Ako’y matutulog na dahil alog na ang baba ko.
______________10. Balitang kutsero yata ang nakalap mong impormasyon ah.

masakit magsalita mayabang sinungaling malikot


duwag hindi totoo mag-aral nang mabuti
walang trabaho matanda na salbahe magkalaban
III. Panuto: Pagsunod-sunurin ang pangyayari upang makabuo ng maikling kwento. Gamitin ang bilang 1-10
para rito.

______Kinaumagahan napagtanto niyang kailangan niyang hanapin o isauli sa may-ari ang pera o kung
hindi man ay ibigay sa kinauukulan dahil baka tulad niya rin ang may-ari na kailangan ang ganong halaga
para sa kanyang pamilya.
______Mabilis siyang naghanda at kinuha ang mga bulaklak na ibebenta niya sa lansangan at
nagbabakasakaling makikita niya ang may-ari ng pera dahil sa pitaka nitoy mayroon naman itong ID.
______May isang batang nagngangalang Lyka na naglalako ng bulaklak sa lansangan upang kahit
papaano’y makatulong sa kanyang ina.
_______Itinago niya ang pera at umuwi sa kanilang bahay.
_______Isang araw nagulat siya ng makakita siya ng pitakang may lang limang perasong tag-isang libo
sa daan habang patungo siya sa lansangan.
_______Inisip niyang isauli ito ngunit nagdalaang isip siya dahil alam niyang makakatulong iyon sa kanya
upang makabili siya ng pagkain at maiuwi sa kanyang pamilya.
______Agad niyang isinauli ang pitaka sa Ginang at napagtanto niyang maskailangan pala ng may-ari
ang pera kaysa sa kanyang pamilya.
_______Nang gabing iyon ay hindi siya nakatulog dahil iniisip niya kung ibabalik ba ang pera o ibibigay sa
kanyang ina para may pambili sila ng makakain.
______Hindi nga siya nagkamali sa kanyang hinuha, sa kanyang paglalakad ay nakita niya ang may-ari
ng pitaka na tila may hinahanap sa daan at balisa.
______Nang malaman niyang iyong pitaka ang hinahanap niya dahil ang perang nandoon ay gagamitin
niyang pambili ng gamut ng anak niyang nasa Hospital. Ayan napagtagumpayan mong tapusin ang
modyul na.

Godbless!!!

You might also like