You are on page 1of 2

Week 18 Day 1

Si Pilong Patago-Tago
Pilo! Pilo! Saan ka ba nagtatago? Pilo? Pilo? Pumasok ka na sa bahay.
Maligo ka na anak. Kanina ka pa naglalaro sa labas.
“Bulaga! Nay, di nyo alam nandito lang ako! Nakatayo ako ng tuwid sa
poste.”
“Ahahahaha-hwahahahahaha!!!”
“Pilo! Pilo! Saan ka ba naroon?”
“Pilo! Pilo! Gutom na ang alagang isda mo. Halika Pilo pakainin mo na ito.
Papasok na ako sa opisina.”
“Bulaga! Tay, di nyo po ako nakita no? Nandito lang po ako sa tuktok na
aparador”.
“Ahahahaha-hwahahahahaha!!!”
“Pilo? Pilo! Saan ka na naman nagsuot? Pilo? Pilo! Lumabas ka na! Malamig
na ang tanghalian mo. Kanina pa ito nakahain sa mesa.”
“Bulaga! ate Bebeng, di mo ko nakita no? Narito lang ako s loob ng tambak
na labada.”
“Ahahahaha-hwahahahahaha!!!”
“Pilo? pilo! Nasaan ka ba talaga? Pilo? Pilo! Kailangan na nating umalis.
Nariyan na ang traysikel sa baba. Sige ka, mahuhuli na naman tayo sa klase.”
“Bulaga! Kuya Rey, di mo ko nakita no? Nandito lang ako sa gilid ng kama!”
“Ahahahaha-hwahahahahaha!!!”
“Pilo? Pilo! Aalis na tayo anak. Bibili pa tayo ng pantaloon mo.”
“Bulaga! di ninyo ko nakita no? Nakasiksik lang ako sa gitna ng aking mga
laruan!”
“Ahahahaha-hwahahahahaha!!!”
“Pilo? Pilo! Nakapili na ako ng damit mo.”
“Pilo? Pilo! Halika na, isukat mo kung kasya ito.”
“Pilo? Pilo! Nasaan ka ba talaga? “
“Pilo? Pilo! Nag-aalala na ako.”

“Bakit kaya di pa rin ako nakikita ni Inay? Ang tagal ko nang naghihintay.
Nakangangalay! Isang oras na yata akong nakayuko. sige na nga lalabas na
ako.”
“Inaaayyy!!!”
“Bulaga! Pilo, nandito na si Inay. Akala mo, di kita makikita no?”
“Tahan na anak.”.

You might also like