You are on page 1of 2

Pamagat : Bakit Hindi Dapat Ipagbawal ang Pagdala ng Cellphone sa Eskuwelahan

Uri ng Teksto: Argumentatibo

I. Introduksiyon

Ang tekstong ito ay tungkol sa pagpapadala ng cellphone sa eskuwelahan. Ipinapakita dito


ang mga dahilan kung bakit kinakailangan ng cellphone sa eskuwelahan at bakit hindi dapat
ipagbawal sa mga bata ang mga pagdala ng cellphone.

II. Repleksiyon

a.) Para sa Sarili. Ang pagdala ng cellphone sa eskuwelahan ay pwede makatulong ito
para sa sarili. Makakatulong ito sa sarili sa maraming paraan. Inilihad sa tekstong ito
ang mga paraan kung paano ito makakatulong sa akin. Isa rito ay ang pagkakaroon ng
komunikasyon sa estudyante pati sa kaniyang magulang. Isinasaad dito na nagbibigay
ng komunikasyon ito tungkol sa mga pagsundo ng magulang, kung paano uuwi at iba
pa. Dahil dito, malalaman natin kung ligtas ba na nakauwi ang bata o kung may lakad
or wala.
b.) Para sa Pamilya. Sa pamilya naman, nagkakaroon ng komunikasyon ang estudyante
pati magulang. Dahil sa selpon, nakakapagusap ang mag anak upang malaman kung
ano ang nangyayari sa estudyante. Mahihirapan ang estudyante makapagpaalam sa
kaniyang magulang kung hindi dala ang kanilang selpon sa kanilang paaralan.
Kagaya ng para sa sarili, nagtutulungan ang mag anak upang makauwi ang bata ng
ligtas. Malalaman ng magulang kung nasaan ang bata sa paraan ng pagkakaroon ng
selpon sa eskwelahan. Makikita ang pagmamahal ng magulang sa mga bata dahil
gusto malaman ng mga magulang kung nakauwi ang bata ng ligtas sa pamamaraan ng
pagdala ng selpon sa eskuwelahan.
c.) Para sa Lipunan Sa lipunan naman, ipinapakita ang pagkahalaga ng selpon sa ating
buhay. Kahit sa ating pagaaral kinakailangan natin ng selpon upang maging ligtas.
Kahit pala sa lipunan nakakaapekto ang pagdala ng selpon dahil kapag nagkakaroon
ng mga paalala ang NDRRMC sa pagkaroon ng mga ulan at iba pa. Malalaman natin
kung ano ang mga emerhensiya at makakatulong sa lipunan ang pagiging ligtas ng
mga estudyante. Makakasira sa lipunan kapag marami ang mga estudyante ang hindi
nakakaalis ng paaralan ng ligtas.
d.) Para sa bansa pwede magkaaron ng batas na pagdala ng selpon sa klase. Sa tekstong
ito, maraming mahihikayat na Pilipino at magkakaroon ng adbokasiya upang gawing
batas na ito. Maaari din makita ng isa sa mga congressman at pwede mag pasa ng bill
na tungkol sa pag payag ng pagdala ng selpon. Pwede nila gawing requirement ang
padala ng selpon sa klase upang maitawagan ang mga pamilya. Dahil din sa pagdala
ng selpon, magkaaroon ng komunikasyon sa estudyante pati sa magulag kapag may
emerhensiya. Pwede makatulong ang batas sa pagdadala ng selpon dahil walang
magagawa ang paaralan kung hindi ay sumunod na lamang sa batas.
e.) Para sa daigdig, maaari magkaroon ng pagbabago sa mga eskwelahan. Pwede ang
selpon ang maging kanilang gabay sa pagaaral. Maaaring magkaroon ng pagbabago
ang selpon sa pagaaral ng mga bata. Ang selpon ay maaari na rin gawing libro kagaya
ng e-Books at iba pa. Maaaring magkaroon ng bagong programa ang sa pagaaral ang
mga ibang bansa kagaya ng US. Hindi lang emerhensiya ang pagdala ng selpon
ngunit pwede rin nilang gawin mga gabay sa kanilang paaralan.
III. Repleksyon sa Uri ng Teksto
Ang uri ng tekstong ito ay Argumentatibo. Nakakatulong ang argumentatibo sa akin dahil
sa tekstong ito makakapagbigay ako ng sarili kong panig. Makakapagbigay ako ng aking mga
pahayag tungkol sa isang topic. Mas naipapahayag ko ang mga nararamdaman ko ng mas
maganda dahil sa teksto ng argumentatibo. Dahil sa tekstong argumentatibo, mas nagkakaroon
ng pokus sa isang panig sa isang tapik. Kayang magbigay ng kanyang opinyon, mga ebidensya at
iba pa.

You might also like