You are on page 1of 1

ARALIN 1.1.

2 : ALAMAT
Sinasabing ang ilang kaalaman natin ngayon ay kinuha ng mga mananaliksik sa saling-dila ng
matatanda. Sa pag-usad ng panahon, maaaring nagbabago ang mga alamat gayunpaman hindi
nawawala ang katangian nitong maglahad ng pinagmulan ng tao, bagay, lunan , o pangyayari.

Ang aralin na ito ay tutulong sa iyo upang mauunawaan mo kung paano


nakatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon,
at kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isa sa matatandang panitikan ng
ating lahi. Matapos mong pag-aralan ang mahahalagang konsepto sa aralin, ikaw
ay inaasahang makabubuo ng informercial na nagtatampok sa kultura at
tradisyong Pilipino.Gayundin, mapagtitibay mo kung paano kasasalaminan ng
kultura, tradisyon, at kaugalian ang alamat tulad ng iba pang akda na lumaganap
sa Panahon ng Katutubo.

Bago mo alamin ang mahahalagang konsepto sa araling ito, nais ko


munang mataya ang iyong kabatiran sa ating paksa. Simulan mo sa pagsagot sa
sumusunod na gawain.

GAWAIN 1.1.2.a : LARAWAN NG PINAGMULAN


Pansinin mo ang mga larawan na nasa loob ng kahon. Pamilyar ka ba sa mga ito? Alamin
natin ang iba mo pang kaalaman sa paksang iyong pag-aaralan sa tulong ng mga larawan.Subukin
mong sagutin ang kasunod na mga tanong.

Ang mga larawan ay hinango sa


http://www.google.com.ph/search

a. Ano-ano ang maaaring maging paksa ng alamat?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
b. Nakatutulong ba ang alamat upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga bagay?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
c. Makikita ba sa bawat paksa ng alamat ang tatak ng pagiging mamamayan? Patunayan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

You might also like