TATA SELO Ni Rogelio Sikat PINAGMULAN/PINANGGALINGAN NG AKDA
SAN ISIDRO,NUEVA ICIJA
MAY AKDA/MAIKLING TALAMBUHAY ROGELIO SIKAT * Siyaay isinilang sa San Isidro, Nueva Ecija noong 1940. Dito na siya lumaki ngunit nagpasya siyang lisanin ang San Isidro Nueva Ecija noong 1950's para magtrabaho sa University of Santo Tomas. Pagkatapos maging campus writer at literary editor ng The Vasitarian, tinuloy niya hanggang maging isa siya sa mga sikat ng pioneers ng Panitikang Pilipino sa pamamagitan ng pagpili ng Filipino bilang lenggawahe ng kanyang pagsusulat, at sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga pag-alala at pakikipagtagpo sa mga Western Writers. Tauhan: *Tata Selo- siya ang pangunahing tauhan sa kuwento na siyang tumaga at nakapatay kay Kabesang Tano sa kadahilanang pinapaalis siya sa sakahan nito. * Kabesang Tano- siya ang may ari ng sinasa ni tata selo. * Presidente - kumausap kay Tata Selo tungkol sa nangyari. *Alkalde -nagpatahimik sa mga taong nakikiusyoso sa pangyayari. * Hepe - mayabang at mapag mataas siya. Kinakawawa niya si tata selo. Wala din siyang galang sa matanda alam niya naman mahina na si tata selo sinuntok at sinikmuraan pa niya ito. * Saling- siya ang nag iisang anak ni tata selo na namamasuka bilang isang katulong sa bahay ni TAGPUAN: *Sa simula pa lamang ng kwento ay nakakulong na agad si tata selo dahil sa nagawang kasalanan. Ang istaked na ito ay maliit at maalikabok habang sinasaraduhan ng mga rehas na bakal. Ang tagpuang ito ay kakikitaan ng lugar na kalalagyan ng taong nagkakasala. Sa istaked namamayani ang labis na pagkalugmok ng pangunahing tauhan sa kasalanang ginawa. GALAW NG PANGYAYARI:
SIMULA Sa pag taas ng araw, kumalat na ang *
balitang tinaga at napatay si
kabesang tano ni tata selo. Madaming tao ang nagkakagulo para lamang makalapit sa istaked. Hindi makapaniwala ang lahat sa nagawa ni tata selo. GITNA: *Dumating ang binatang anak ng pinakamayang propitaryo sa San Roque at nagpaliwanag si Tata Selo sa binata na iaagaw ang kanyang saka at iyon lamang ang bumubuhay sa kanila. Dagdag pa nito ay kanila daw ang lupang ito, kung hindi man niya ito mababawi kahit masasaka lamang magkaroon siya. WAKAS: *Dumating ang anak nitong si Saling at ang isang bata na animo'y nagpapalakas ng loob ni tata selo, ngunit pinapauwi na lang ni Tata Selo ang dalawa. Ikaapat na ng hapon at habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila. SULIRANIN: * Pinuntahan ni Kabesang Tano si Tata Selo sa sakahan nito. Pilit na pinalalayas ni Kabesa si Tata Selo dahil ipapasaka nito ang kanyang lupa sa iba. Nang makiusap si Tata Selo, sa halip na pakinggan ay tinungkod siya nang tinungkod ni Kabesang Tano kaya nataga ito ni Tata Selo. Pagkatapos nakulong si Tata Selo sa istaked ng munisipyo. Solusyon: * Inutusan ni Tata Selo ang batang mambubukid na bumisita sa kanya sa kulungan. Sinabihan niya itong pumunta sa bahay ng alkalde dahil naroroon ang anak niyang dalaga na si Saling. Sinabi niya sa bata na sunduin mula sa tahanan ng alkalde, yayaing umuwi si Saling at bayaan na lamang siya kung saan man siya pupunta. Bisang pampanitikan BISA SA ISIP: * Ang kwentong ito ay nagmulat at nagpa-isip sa akin kung gaano kahirap para sa isang magsasaka ang mawalan ng trabaho lalo't pagsasaka lamang ang kanyang ikinabubuhay. Kaya nga't ang trabaho ay isang bagay na hindi talaga dapat ipagkait o mawala sa atin dahil ito ang tanging bagay na siyang mapapasya sa kung anong uri ng buhay ang ating mararanasan. BISANG PANDAMDAMIN: *Sa pagbabasa ng kwentong ito, naghalo halo ang kalungkutan, galit, at pagpapahirap ng tauhan sa kanyang kalagayan. Nakaramdam ako ng awa para kay Tata selo dahil sa siya na nga ang nagpapakahirap magtrabaho sa kabila ng katandaan niya, ay siya pa din ang pagkakakitaan ng trabaho at basta lamang papaalisin ng Kabesa sa bukid. Nararamdaman ko din yung galit na nararamdaman para sa kabesa dahil sa hindi makatarungang desisyon nitong paalisin ang isang masipag na magsasaka sa kanyang bukid. BISANG KAASALAN: * May iba't ibang uri ng tao sa mundo. May mga taong may posisyon sa lipunan ngunit mali ang paggamit sa kanilang kapangyarihan. May mga tao din namang mahihina na siyang inaapi-api lamang ng may mga may kapangyarihan. Ang mga mahihina, mahihirap ay babawian hanggang sa maging “ WALANG WALA” KAUGALIANG PILIPINO:
*Pagchichismis ukol sa mga
pangyayari nang hindi inaalam ang katotohan; paniniwala sa kaparusahan dala ng hindi pagdadasal. Reaksiyon/ Saloobin: *Ang kuwentong ito ay napapaahon pa rin. Napakaraming nilalang sa mundo ang hindi masyadong nabiyayaan ng materyal na bagay na nagiging sanhi kung bakit sila ay laging inaapi, ninanakawan ng karapatang mabuhay nang matahimk at mapayapa. Isa rin sa mga aral na mapupulot sa kuwentong satuwinay pagmamahal ng magulang sa kanyang anak gayundin ang pagmamalasakit ng anak sa kanyang mga magulang sa kabila ng dinaranas na kahirapan.