You are on page 1of 2

KATANGI TANGI KA!

Limang taon na ang nakalipas


Bagong samaritano sa amin ay binasbas
Lubos na kagalakan sa aming kaibuturan
Sapagkat siya’y biyaya sa sangkatauhan

Dakilang nilikha ng ating Diyos Ama


Marapat na modelo sa lahat ng kakilala
Bawat salitain na kanyang winika
Mananatili sa aming mga puso’t gunita

Mga ngiti niya’y may pag-asang dala


Mga pagkahabag at pangamba’y mawawala
Pakikisama sa kapwa’y mula sa puso
Di ka makakaramdam ng takot at lumalo

Kay daling lapitan ng mga nangangailangan


Bagong bayani o Super hero ng aming simbahan
Kay lapit ng puso sa mga kabataan
Kay buting tao na dapat huwaran

Sa iyong paglisan, nawa’y ikaw ay magsaya


Lubos na pagpapasalamat mula sa aming pamilya
Isang munting handog ang aming pabaon sa iyo
Marawal ma’y dapatwa’t nagmumula sa aming mga puso.

Saw long, Fr. Efren  You’re always in our prayers!

You might also like