You are on page 1of 9

Araling

Panlipunan
Grado 7
Kaalaman
Natuklasan ang bangang Manunggul noong 1962 ng
mga arkeologo. Nang buksan nila ito, natagpuan nila
ang mga buto ng isang tao sa loob ng banga. Ito ay
may taas na 66.5 cm, o humigit kumulang na dalawang
talampakan. Saan ginagamit ang bangang Manunggul
batay sa mga nakuhang tala mula sa mga arkeologo?
a. Sisidlan ng mga patay na hayop
b. Libingan ng mga namatay na tao
c. Sisidlan ng mga buto ng mga namatay na tao
d. Libingan ng mga buto ng mga namatay na tao
Sagot # D

d. Libingan ng mga buto ng mga namatay na tao

Ayon sa sipi ni Fr. Plasencia, dalawa ang sistema ng


paglilibing ng namatay na tao noong sinaunang
panahon. Una ay paglilibing sa kamamatay na tao,
ang pangalawa ay ang paglilibing sa mga buto ng
tao na inilalagay sa bangang manunggul makalipas
ang isa o higit na taon.
Proseso
Ang mga Espanyol ay patuloy na nagpatupad ng mga
instrumeno sa pananakop katulad ng
Kristiyanisasyon,Polo, Reduccion at Tributo sa kanilang
nasasakupan. Ikaw ay isa sa mga naninirahan sa mga
lugar na ito at lubha kang nabahala sa mga pangyayari.
Kung ikaw ay isa sa mga mamamayan ng panahong iyon,
anong hakbang ang marapat mong gawin?
a. Ipagwalang bahala ang mga pangyayari upang hindi na
madamay pa
b. Protektahan ang sarili laban sa mga Espanyol
c. Bigyang pansin ang suliranin at makipag-ugnayan sa kapwa
Pilipino
d. Lumipat ng lugar upang hindi maapektuhan ng mga
pangyayari
Sagot # C
c. Bigyang pansin ang suliranin at makipag-
ugnayan sa kapwa Pilipino
Maaring ganito ang maging kasagutan katulad ng
ginawa ng mga sinaunang Pilipino kung saan
nagkaroon ng mga ugnayan ang bawat isa upang
ipaalam sa pamahalaang Espanyol ang kanilang mga
hinaing.
Pag-unawa
Noong pumunta si Ferdinand Magellan sa Pilipinas noong
1521, kasama niya si Antonio Pigafetta, isang iskolar at
eksplorador na mula sa Republika ng Venice. Habang
naglalakbay gumawa si Pigafetta ng talaarawan. Ang
talaarawan ni Pigafetta ay isang halimbawa ng primaryang
sanggunian. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag
kung bakit ito itinuturing na isang primaryang sanggunian?
a. Ang impormasyon sa talaarawan ay hinango sa ibang sanggunian
b. Galing mismo ito sa nakaranas o nakasaksi ng pangyayari o
kondisyon
c. Nagmula ang impormasyon sa mga taong ang kaalaman ay
galling o gawa ng mga saksi
d. Ginawa ito ng isang taong hindi nasaksihan o naranasan ang
pangyayari
Sagot # B

B. Galing mismo ito sa nakaranas o nakasaksi ng


pangyayari o kondisyon
Ang primaryang sanggunian ay isang sanggunian at
patunay na isinulat ng isang direktang nakasaksi sa
mga pangyayari na nagbibigay ng makabuluhan at
makatotohanang detalye.
Pagganap
Basahin at unawain ang nilalaman ng sipi. ( Mula sa
sipi ni Fr. Juan de Plasencia,OSF Customs of the
Tagalogs)
The manner of burying the dead was as follows:
The deceased was buried beside the house, and if he
were a chief, he was placed beneath a little house or
porch which they constructed for this purpose. Before
interring him, they mourned him for four days, and
afterward laid him on a boat which served as a coffin
or bier, placing him beneath the porch.
Panuto : Gumuhit ng tatlong frame na nagpapakita ng paraan
ng paglilibing ng mga sinaunang Pilipino. Ang kartun na ginawa
ay bibigyang puntos sa pamamagitan ng mga sumusunod.
5- naiguhit ng malinaw ang mga pangyayari batay sa sipi, maayos na
naipakita ang sinaunang paraan nang paglilibing, mahusay na naiguhit
ang larawan at mayroong kulay
4- naiguhit ng malinaw ang mga pangyayari batay sa sipi, maayos na
naipakita ang sinaunang paraan nang paglilibing, mahusay na naiguhit
ang larawan ngunit walang kulay
3- naiguhit ng malinaw ang mga pangyayari batay sa sipi, maayos na
naipakita ang sinaunang paraan ng paglilibing, hindi masyadong
mahusay na naiguhit ang larawan
2- hindi masyadong naiguhit ang pangyayari batay sa sipi, malabong
naipakita ang paraan nang paglilibing at hindi mahusay na naiguhit ang
larawan.

You might also like