You are on page 1of 2

Mga Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu:

kahirapan

human trafficking

droga

terorismo

korupsyon

alitan sa gobyerno

anti - dengue vaccine

pagtaas ng presyo ng mga bilihin

kakulangan sa bigas

kawalan ng sapat na malinis na tubig

Ang kahirapan na sinasabing ugat ng lahat ng masasamang gawain ng tao. Sa pagnanais ng tao na
mabago ang kanilang kinasadlakang kahirapan, marami sa kanila ang nauuwi sa mga masasamang
gawain tulad ng pagbebenta ng droga, pagnanakaw, at pandaraya.

Kaakibat ng kahirapan, ang ilan sa mga Pilipino pati ang mga menor de edad ay napipilitang
magtrabaho. Sa kasamaang palad, ang ilan sa kanila ay nagiging biktima ng human trafficking at naloloko
ng ilang mapagsamantala at mapanlinlang.

Kakabit pa rin ng kahirapan, ang mga Pilipino lalo na yaong mga mahihirap ay natutong magbenta ng
droga. Kapansin - pansin na sa kabila ng patuloy na kampanya ng pamahalaan ukol sa pag - iwas sa
paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay lalo pang tumataas ang bilang ng mga taong nasasangkot dito.

Ang terorismo ay umiiral na rin sa bansang Pilipinas. Katunayan, ang siyudad ng Marawi ay hindi pa
halos nakakabangon matapos na gawing kuta ng mga terorista. Malawak ang isyung panlipunan na
tumutukoy sa terorista sapagkat may mga banyagang nakikipag - ugnayan sa mga Pilipino upang isagawa
ang kanilang mga hindi makatarungang gawain at pagpatay.
Ang mga terorista ay sinsabing galit sa korupsyon. Ang korupsyon na direktang iniuugnay sa mga
nanunungkulan sa pamahalaan kaya naman ang mga miyembro ng Maute at Abu Sayyaf ay karaniwang
kumukuha ng mga bihag upang tawagin ang pansin ng pamahalaan.

Ang alitan sa pamahalaan ay isa rin sa mga malawakang isyu. Taun - taon bago ang eleksyon,
maraming buhay ang ibinubuwis. Kabi - kabila din ang mga black propaganda upang isiwalat ang di -
umano ay mga kasiraan ng bawat kandidato. Ito ang karaniwang larawan ng pulitika dito sa bansa.

Taong 2017 nang unang pumutok ang balita ukol sa anti - dengue vaccine na di - umano ay sanhi ng
pagkamatay ng daang mga kabataan na may edad siyam hanggang labintatlo. Maraming magulang ang
tumangis sa pagpanaw ng kanilang mga anak na hanggang ngayon ay naniniwalang ang bakunang ito
ang siyang dahilan.

Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin partikular na ang gasolina at bigas ay isa rin sa mga
kontemporaryong isyu. Taun - taon ay nagkakaroon ng kilos protesta ukol sa pagtaas ng presyo ng mga
bilihin idagdag pa ang pagtaas ng pasahe dulot ng paggalaw ng presyo ng gasolina.

Kamakailan lang ay nagkaroon ng balita na ang bigas sa merkado ay unti - unti nang nauubos. Bunsod
nito, maraming tao ang naniniwala na ang pagkaubos ng bigas ay dapat ituring na isang
pangmalawakang isyu ng pamahalaan sapagkat ito ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino.

Ito lamang taong ito ay nagkaroon ng malawakang kakulangan sa supply ng malinis na tubig. Ang ilan
sa mga lugar sa Metro Manila ay labis na nahirapan sapagkat hindi nila magawa ang ilan sa mga gawain
na nangangailangan ng sapat na tubig tulad ng paglalaba at paglilinis ng bahay.

You might also like