You are on page 1of 14

6

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
UNANG MARKAHAN – MODULE 2
(Week 5-7)

PASIYA:
Fact or Bluff

1
MODULE 2: PASIYA: FACT OR BLUFF

Unang Bahagi

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Sa modyulna ito inaasahang:
1. Nakasasang-ayon sa pasiya ng nakararami kung nakabubuti ito.
2. Nakagagamit ng impormasyon (wasto/tamangimpormasyon).
(EsP6PKPIa-i-37)

Sa nakaraang modyul ay natutunan mong suriin ng mabuti ang mga bagay na may kinalaman sa
sarili at pangyayari, bago magpatuloy, alamin muna natin kung ano ang inyong kakayahan.

Ang lahat ay magkakaugnay. Ito ay parehong itinuturo ng siyensya at relihiyon. Ang ibig sabihin
anuman ang pagpapasiyahan nating gawin apektado ang lahat di man kaagad ito nakikita. Ang
pagpapasiya ay nangangailangan ng iyong abilidad na pumili ng mga bagay na walang paiba-iba
walang pag-aalinlangan at walang pagliliban.Nangangailangan din ito ng masusing pag-iisip at
pagsasaalang-alang sa lahat ng alternatibong solusyon at ang magiging resulta ng anumang
pagpapasiyang gagawin.

Dahil dito ang pagpapasiya ay napakahalaga sapagkat ang dapat maging bunga nito ay ang
kabutihang panlahat hindi lamang para sa mga iilan at piling tao.
Ang pagiging mahinahon ay makatutulong upang dumating ka sa pasiya para sa kabutihang panlahat.

IkalawangBahagi:
Gawain I. A.
Panuto: Isulat sa patlang ang “TAMA” kung wasto ang isinasaad ng pahayag at “MALI”naman kung
hindi. Gawin ito sa sagutang papel.
_____1. Madaling maunawaan ang mga sitwasyon o pangyayari kung ang tao ay mahinahon sa
pagtanggap sa naganap sa kaniyang buhay.
_____2. Ang pasiya ay pinagtibay sa isip at kalooban na dapat gawin. Malaki ang maitutulong
ng bara-barang pagpapasiya.
_____3. Ang pagmamahal sa katotohanan ay pagkuha ng datos sa tunay na pangyayari at tamang
impormasyon, mula dito ay gumawa ng pagpapasiya.
_____4. Palaging isaisip na iyong pagpapasiya ay dapat palaging sa iyo lamang makabubuti.

2
_____5. Ang pagmamahal sa katotohanan ay nakatutulong sa mga tao na makagawa ng pasiya
na ikabubuti ng nakarararami.

Mahusay! Naipamalas mo ang iyong kagalingan sa ating nakaraang mga aralin.Iyong naipakita
at naisapuso ang iba’t ibang konsepto sa pagbuo ng isang natatanging desisyon sa iyong sarili at sa
inyong buong pamilya.
Ngayon, ating susukatin ang iyong kaalaman tungkol sa bagay na ating tatalakayin sa modyul
na ito. Tara, simulan na natin!

Gawain 1-B
B. Panuto: Isulat ang salitang “FACT” kung tama ang ipinapahayag ng bawat pangungusap at BLUFF
naman kung hindi.Gawin ito sa sagutang papel.

________1. May pagpupulong na gaganapin sa inyong barangay sa Lunes.Naisipan mong

dumalo at iparating sa iba ang nasabing pagpupulong.
________2. Nais mong magkulong sa bahay habang may clean up drive sa inyong barangay.
________3. Nakikinig ka ng balita sa radyo/tv upang malaman ang kaganapang mangyayari
sa iyong komunidad.
________4. Nakikiisa ka sa mga gawain pampurok/pambayan.
________5. Ugaliing makinig sa mga payo ng iyong mga magulang, mas makabubuting isangguni
sa kanila ang anumang bagay na kailangan ng pagpapasiya.

Gawain I-C.
Panuto: Basahin ang kuwento sa susunod na pahinana may pamagat na “Isang Mahirap na Desisyon”
at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Gawin ito sa sagutang papel.

Source: docplayer.net

ISANG MAHIRAP NA DESISYON

Isinulat ni: Constancia Paloma

3
Sa Makati naninirahan ang pamilya nina Nelia.Doon na ipinanganak ang kanilang mga
magulang. Ang bahay na kanilang tinitirahan na lamang ang natitirang maliit na bahay doon
dahil napapaligiran na ito ng matataas na gusali at malalaking kompanya.
Masaya silang naninirahan doon dahil malapit sila sa bilihan ng kanilang mga
pangagailangan at malapit din sa kaniyangp aaralan. Pati ang kapatid niya na si Leah, na
pangalawa sa panganay ay sa Makati rin nagtatrabaho. Ang tanging malayo lang ang trabaho
ay ang tatay nila na nagtatrabaho sa Dasmarinas Cavite.
Isang gabi, nakita nilang magkakapatid na seryosong nag-uusap ang kanilang ama at
ina. Mayroon din silang hawak na mga sulat. Naging suliranin para sa magkakapatid ang nakita
nilang iyon, lalo na nang naulit pa ito ng ilang beses.
“Wala na kayang trabahosi Tatay?” ang tanong ni Nelia sa sarili. Pero sa tingin niya,
hindi naman masyadong seryoso ang sitwasyon. “Ano nga kaya ang problema ng ating
pamilya?” tanong naman ng kanilang panganay na si Tom. “Malalaman din natin ‘yun kapag
handa na silang ipaalam sa atin ang problema, dahil kung mayroon mang dapat bigyan ng
pasiya, dapat, kasama tayong magbibigay ng ating sari-sariling pasiya, hanggang tayo ay
mabuo sa pagkakaisa,” ang sabi naman ni Leah.
Dumating na nga ang pagkakataong hinihintay ng magkakapatid. Isang araw ng
Linggo, pagkatapos ng hapunan, pinulong ng mga magulang nila ang tatlong magkakapatid at
ipinaalam ang sitwasyong dapat bigyan agad ng pagpapasiya.
“Mga anak,” ang bungad ng kanilang ama. Kailangan natin pagpasiyahan kung
papayag tayo na bilihin ng katabi nating mall ang ating bahay at lupa. Mukha na tayong kawawa
dito.”
lsa pa, mga anak, kahit sarili natin ang bahay at lupa, mukha na tayong squatter dito.
Kaya, sinabi ng inyong ina na papayag na siyang ipagbili ang bahay at lupa, pumayag na ako.
“Ang inyong pasiya na lamang ang aming hihintayin,” ang paliwanag ng kanilang ama.
“Oo nga, Tatay, mukha na nga tayong kawawa dito pero patagalin pa natin para tumaas
pa ang halaga ng ating bahay at lupa.” ang paliwanag ni Tom.
“Ikaw, Leah, ano pasiya mo?” ang tanong ng kaniyang ina. “Okey lang po sa akin kasi
kailangan na. Hindi talaga tayo bagay dito.”
“A, ewan sa inyo!” ang sigaw ni Tom. “Ang kabutihan ng pamilya ang iniisip ko kaya gusto
kong pataasin pa ang halaga ng ari-arian natin!” sabay alis ni Tom at nagkulong sa kwarto.
“Ikaw, anak,” ang tanong ng nanay niya ikaw Nelia. “Kahit po malalayo ako sa kamag-aral
ko at kaibigan, payag po ako na iwanan na natin ang bahay na ito, kasi kailangan na,” ang sabi ni

4
Nelia. “Aba, kahit bunso, bukas ang isipan, a!” ang nakangiting sabi ng kanilang nanay. “Hayaan
ninyo, susundan ko sa kuwarto ang kuya ninyo. Papaliwanagan ko,” ang dugtong ng kanilang
Nanay.
Mahigit isang oras ding nag-usap ang mag-ina. Bumalik sila sa salas at sinabi ni Tom na
dahil siya lang ang may ibang pasiya, at napagpaliwanagan naman siya ng kaniyang ina na ang
tawad na tatlong milyong piso para sa maliit na bahay at lupa ay malaki na ring maituturing.
Napagkasunduan rin ng mag-anak na sa Dasmarińas na sila bumili ng bahay at lupa, at
doon na rin sila lahat magtatrabaho at mag-aaral.
Dahil sa pagkabukas-isipan at mahinahong usapan, nagkaisa ang buong pamilya.

Mga gabay na tanong.

1. Ano ang naging problema ng pamilya Gomez?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. May katwiran ba si Tom na huwag pumayag sa pasiya ng buong pamilya na ipagbili ang kanilang
bahay at lupa?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Ano ang batayan sa tamang pagpapasiya?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. Bakit mahalaga na maging mahinahon sa pagpapasiya? Ano ang mabuting naidulot nito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5. Kung ikaw ay isa sa miyembro ng pamilya, ano ang magiging pasiya mo? Ipaliwanag ang inyong
sagot.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Gawain 2-A
Panuto:Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Ipaliwanag kung sang-ayon ka o hindi sa mga
iminumungkahi sa bawat sitwasyon. Gawin ito sa sagutang papel.

5
1. Isa ka sa mga pinuno ng inyong klase na tumutulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa inyong silid-
aralan. Iminungkahi ng inyong pangulo na ikaw ang magsusubaybay sa pagganap ng tungkulin ng
bawat pangkat.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Matapos ang mural painting sa inyong paaralan na ginamitan ng halo-halong pintura, iminungkahi ng
inyong lider na itapon na lang sa kanal ang mga natirang pintura dahil hindi na ito mapakikinabangan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Napansin ng inyong pangkat na kaya bumabagal ang pag-akyat ng mga mag-aaral sa silid-aralan ay
dahil hindi sila sumusunod sa nakapaskil na “Keep Right”. Nagmungkahi ang inyong mga kaibigan sa
inyong guro na ang pangkat na ninyo ang mamamahala dito tuwing umaga.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. May Fun Run ang Red Cross sa susunod naLinggo. Iminungkahi ng inyong mga kaibigan na sa
halip na manood kayo ng sine, sumama na lang kayo sa Fun Run at ibayad sa registration ang
gagastusin sa panonood ninyo ng sine.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5. Sinabihan ang inyong pamilya ng punong barangay na kailangan nang alisin ang lumang kotse na
hindi na umaandar at nakaparada sa tapat ng inyong bahay. Nakaaabala raw ito sa mga dumaraang
sasakyan dahil maliit ang inyong kalsada.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

6
Gawain 2-B
Panuto: Sa buong linggong darating,subaybayan ang iyong mga magiging pasiya. Itala sa iyong
journal ang mga ito at bigyang-diin ang mga naging basehan ng inyong mga pasiya. Gamit
ang tsart sa ibaba, ibigay ang detalye ng mga pasiyang iyong ginawa. Lagyan ng tsek ( / )
ang naging bunga nito kung mabuti o masama para sa sarili o sa karamihan.

Naging Bunga
Araw Mga Kapasiyahan
Sa Sarili Sa Karamihan
Mabuti Masama Mabuti Masama

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Linggo

7
Gawain 3
A. Panuto:Isulat ang salitang“TAMA” kung tama ang ipinapahayag ng bawat pangungusap at “MALI”
naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.
_____1. Minsan ay may dumarating na napakaraming tukso para magtago ng katotohanan at
bigyan ng kasiyahan o pabor ang sarili. Nararapat lamang na pagtakpan ang mga pagkakamali upang
mailigtas ang sarili.
_____2. Ang tamang pagpapasiya ay may kaakibat na magandang ibubunga.
_____3. Ang pagpapasiya ay nangangailangan ng inyong abilidad na pagpapalit-palit ng pasya nang
walang alinlangan.
_____4.Timbangin ang mga solusyong ibinigay mo at mga kasapi ng pangkat at mula doon ay piliin mo
lamang ang pinakamainam na solusyong galing sa iyo.
_____5. Maraming bagay ang maaaring pagkuhanan ng impormasyon at ang internet ang
pinakamainam sa lahat. Kaya nararapat lamang na ibatay ang iyong pagpapasiya ayon
sa sinsabi ng internet.

B. Panuto: Isulat sa patlang ang “FACT” kung wasto ang isinasaad ng pahayag at “BLUFF” kung
hindi wasto.Gawin ito sa sagutang papel.

______1. Padalos-dalos na pagpapasiya ay laging nakabubuti sa akin.

______2. Ang pagbibigay ng pasiya o paggawa ng desisyon ay dapat makabubuti sa
lahat upang walang matapakan/masaktan o mapinsala.
______3. Ang desisyon ay dapat ayon sa mga ating konsensiya.
______4. Sinusuri at pinag-iisipan muna ang bawat pasiya na gagawin o ibibigay.
______5. Tanggapin agad ang pasiya ng iba nang walang pag- aalinlangan.
______6. Kumonsulta sa mga nakakatanda upang mas matulungan ka sa pagpapasiya.
______7. Dapat ang desisyong gagawin ay ayon sa pananampalataya, o sa kinabibilangang relihiyon.
______8. Pag-isipan at suriing mabuti ang maaaring kahinatnan o maging bunga o resulta ng isang
gagawing desisyon o pasiya.
______9. Ipagwalang bahala ang mga ibinibigay na desisyong tulong ng iba.
______10. Pag-aralan lahat ang posibleng mangyari bago gumawa ng huling pagpapasiya.

8
SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN 1-A GAWAIN 2-A GAWAIN 3.A

1. TAMA 1. MALI
2. MALI MALAYANG 2. TAMA
3. TAMA PAGSAGOT 3. MALI
4. MALI 4. TAMA
5. TAMA 5. MALI

GAWAIN 2-B

GAWAIN 1-B GAWAIN 3.B.

MALAYANG
1. FACT 1. BLUFF
PAGSAGOT
2. BLUFF 2. FACT
3. FACT 3. FACT
4. FACT 4.FACT
5. FACT 5. BLUFF
6.FACT
7. FACT
8. FACT
GAWAIN 1-C 9. BLUFF
10. FACT
MALAYANG
PAGSAGOT

SANGGUNIAN

Ugaling Pilipino saMakabagongPanahon 6

BatayangAklat, pp. 2-17
Zenaida R. Ylarde, Gloria A. Peralta, Ed.D.

K to 12 MELCS with CG codes, pp. 86-89

www.google.com/images

9
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Pangasinan Division II
Binalonan

WORKSHEETS IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

QUARTER 1 WEEK (5-7)

MELC: Nagagamit ng impormasyon (Wasto/ tamang impormasyon)

( EsP6PKP–lai-37)

Pangalan:_________________________________________________ Petsa:___________________

Baitang at Seksyon: ________________________________________ Iskor:_____________________

WRITTEN WORKS

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.

1. Nabasa sa magasin ni Xyryl na may paligsahan sa pag-awit. Ang mga kalahok ay kailangang magdeposito
ng isang libong piso sa nakalagay na bank account sa magasin. Ano ang dapat gawin ni Xyryl?
A. Magdeposito kaagad ng pera para makasali.
B. Ipagbigay alam sa magulang at suriin kung ito ay legal na patimpalak.
C. Mang-engganyo ng iba pang kasama para makasali.
D. Manghihingi ng pera sa magulang at hindi ipagbigay alam kung saan gagastusin ito.
2. May patalastas sa pahayagan tungkol sa isang produkto na pampakinis ng kutis. Gustong-gusto mo rin na
kuminis at maging maputi ang iyong kutis ngunit alam mo na nagkaka-allergy ka sa balat tuwing ikaw ay
gagamit ng pampakinis. Gagamit ka din bang produktong ito?
A. Oo, dahil makatotohanan ang nababasa mong patalastas.
B. Hindi, ipatsek mo muna ito sa iyong doktor kung mabisa ang produktong ito sa iyong balat at kung
wala itong masamang epekto.
C. Oo, dahil ito na ang sagot mo sa iyong mithiin na maging makinis ang iyong balat.
D. Hindi, dahil hindi ko sigurado kung totoo yung produkto o hindi.
3.Nabalitaan mo sa dyaryo na sangkot ang inyong alkalde sa illegal na droga sa inyong bayan. May kaklase ka
na anak ng inyong alkalde. Bilang isang mag-aaral, paano mo pakikitunguhan ang nasabing kaklase?
A. Pagtawanan siya.
B. Hindi mo ito kikibuhin at layuan dahil hindi siya mabuting kaibigan.
C. Bibigyan mo siya ng lakas ng loob at hindi kaagad manghusga tungkol sa kaniyang ama.
D. Ipamalita sa mga kaklase ang nabalitaan at lalayuan ninyo siya.
4.Nagbabasa kayong magkakaibigan ng isang kuwento at napili ng isa mong kaibigan ay isang
kuwento na may malalaswang eksena. Bilang kaibigan, ano ang dapat mong gawin?
A. Hayaan lamang ang kaibigan sa nais nitong kwentong babasahin.
B. Magsawalang kibo na lamang
C. Palitan ang binabasang kwento na angkop sa inyong magkakaibigan.
D. Paalisin na lang siya.

10
5.May sakit na leukemia ang iyong kapatid na babae. Ikaw ay naawa na sa kanya sapagkat nakikita mo siyang
naghihirap sa kaniyang dinaramdam na sakit. Isang araw, may nabasa ka sa diyaryo na lunas sa leukemia.
Bilang isang kapatid, ano ang dapat mong gawin?
A. Komunsulta muna sa doktor kung ito ay mabisa o hindi.
B. Ipainom kaagad ito upang gumaling na ang iyong kapatid.
C. Magsawalang kibo lamang sa nabasang impormasyon.
D. Ipapa-sa Diyos na lamang ang sitwasyon ng kapatid.
6. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagkilala ng tamang impormasyon?
A. Ano ang mayroon C. Larawan
B. Datos at patotoo D. Lugar kung saan nakuha
7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang impormasyon ay nakatutulong?
A. Si Daphny ay nakinig ng tsismis ng kapitbahay.
B. Sumusunod si Beth sa ipinag-uutos ng mga frontliners.
C. Palaging nanonood si Randy sa You tube.
D.Mas pinahalagahan ni Rhanwayne ang sabi ng kapitbahay na hindi alam kung totoo.
8. Alin ang nagsasaad na ang teknolohiya ay nakatutulong sa pagbibigay ng impormasyon?
A. Si Alvin ay gumamit ng Google upang makatulong sa kanyang mga aralin.
B. Si Aryet ay nagtanong sa kanyang ate ng tamang sagot sa kanyang gawaing bahay.
C. Nanoodsi Butch ng mga palabas sa internet.
D. Naglaro si Rodil ng mobile legend.
9. Paano ang wastong paggamit ng social media?
A. Maglalaro ng online games. C. Maglaan ng oras sa paggamit.
B. Mag-tiktok maghapon. D. Buong araw naka online.
10. Nalaman mo sa balita na ang simula ng klase ay maaring sa buwan ng Agosto, sa iyong palagay ay hindi ito
totoo, ano ang gagawin mo?
A. Magsaliksik gamit ang internet C. Magbabasa sa facebook
B. Magtanong sa nanay D. Magtatanong sa kaklase.

11. Nalaman mo sa balita na ang simula ng klase ay maaring sa buwan ng Agosto, sa iyong palagay ay hindi ito
totoo, ano ang gagawin mo?
A. Magsaliksik gamit ang internet C. Magbabasa sa facebook
B. Magtanong sa nanay D. Magtatanong sa kaklase.

II. Panuto: Isulat ang“FACT”kung wasto ang isinasaad ng bawat pangungusap at“BLUFF”naman kung hindi
wasto.

_____1. Madaling maunawaan ang mga sitwasyon o pangyayari kung ang tao ay mahinahon sa
pagtanggap sa naganap sa kaniyang buhay.
_____2. Ang pasya ay pinagtibay sa isip at kalooban na dapat gawin. Malaki ang maitutulong ng bara-
barang pagpapasya.
_____3. Ang pagmamahal sa katotohanan ay pagkuha ng datos sa tunay napangyayari at paghahanap
ng katiyakan ng tamang impormasyon.
_____4. Ang pagmamahal sa katotohanan ay nakatutulong sa mga tao na isipin muna ang sarili lalo na
sa pangangalap ng tamang impormasyon.
_____5. Minsan ay may dumarating na napakaraming tukso para magtago ng katotohanan at bigyan
ng kasiyahan o pabor ang sarili. Nararapat lamang na pagtakpan ang mga pagkakamali upang
mailigtas ang sarili.
_____6. Ang pagpapasya ay nangangailangan ng inyong abilidad na pagpapalit-palit ng pasya nang
walang alinlangan.

11
_____7. Timbangin ang mga solusyong ibinigay mo at mga kasapi ng pangkat at mula doon ay piliin
mo lamang ang pinakamainam na solusyong galing sa iyo.
_____8. Kapayapaan sa isip at damdamin, kagaanan at kapanatagan ng loob ang dulot ng pagsasabi
ng katotohanan.
_____9. Ang pagiging mapagpasensiya ay makatutulong sa tao upang makapaglaan siya ng sapat na
panahon tungo sa pagbabago.
_____10. Madalas na dumarating sa buhay ng tao ang tukso ito ay nagbibigay karapatan sa atin na
magtago ng katotohanan at mabigyan ng pabor ang sarili.

PERFOMANCE TASK

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon at ipaliwanag ang inyong
nararapat gawin sa bawat sitwasyon. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Ang pamilya Morla ay may planong magbakasyon sa Baguio sa susunod na linggo ngunit napanood nila sa
balita sa telebisyon na may paparating na bagyo sa araw din na ito.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2.Narinig ni Jomar sa radyo na mali ang naging balita sa nangyaring insidente sa kanilang lugar.

_____________________________________________________________________________

3.Napanood ni Arlene sa telebisyon na mas pinatindi ng mga pulisya ang panghuhuli sa mga taong
nagtutulak at gumagamit ng pinagbabawal na gamot at alam mong ang kuya mo ay lulong dito.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Narinig ni Brayan sa radyo na walang pasok sa Lunes ngunit ayaw maniwala ng kaniyang nanay.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5. Nabasa mo sa Facebook post ng iyong kapitbahay na mayroon nang kaso ng Covid-19 sa inyong
barangay at kumakalat na ang balita sa inyong lugar.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

12
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2.Narinig ni Jomar sa radyo na mali ang naging balita sa nangyaring insidente sa kanilang lugar.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3.Napanood ni Arlene sa telebisyon na mas pinatindi ng mga pulisya ang panghuhuli sa mga taong nagtutulak at
gumagamit ng pinagbabawal na gamot at alam mong ang kuya mo ay lulong dito.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

6. Narinig ni Brayan sa radyo na walang pasok sa Lunes ngunit ayaw maniwala ng kaniyang nanay.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

7. Nabasa mo sa Facebook post ng iyong kapitbahay na mayroon nang kaso ng Covid-19 sa inyong barangay at
kumakalat na ang balita sa inyong lugar.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

RUBRIC PARA SA PAGPAPALIWANAG NG BATANG KONSEPTO GAMIT ANG GRAPHIC

ORGANIZER

KRAYTIRYA 5 3 1
Paghinuha ng batayang Nahinuha ang Nahinuha ang Nahinuha ang batayang
konsepto batayang konsepto batayang konsepto ng konsepto sa paggabay
nang hindi may kaunting ng guro sa kabuuan
ginagabayan ng guro. panggabay ng guro nito.
Pagpapaliwanag ng Malinaw na Mayroon isang Mayroong tatlo o higit

13
Kosepto naipaliwanag ang kospeto na hindi pang konsepto na hindi
lahat ng malinaw na naipaliwanag
mahahalagang naipaliwanag
konsepto

II. Panuto: Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa isang pangyayari sa iyong buhay na kinakailangan
mong gumawa ng isang pasiya. Ano ano ang mga isinaalang-alang mo sa paggawa ng pasiya? Gawin
ito sa sagutang papel.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Rubric sa Pagsulat ng Sanaysay

5 3 1
1. Organisado at may kaisahan ang mga
pangungusap sa bawat talata
2. Magkakaugnay-ugnay ang mga talata
3. Malinis at maayos ang pagkakasulat

14

You might also like