You are on page 1of 13

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ______________________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Unang Markahan – Unang Linggo
Ako Ngayon

I. Panimula
“Naku, napakabata mo pa Anak para dyan.”
“Ano ka ba naman Anak, ang tanda mo na eh, ganyan ka pa rin?”
Pamilyar ba ang mga salitang ito sa iyo? Madalas mo din ba silang
naririnig mula sa iyong mga magulang o pamilya? Marahil ay nalilito ka na
minsan. Ikaw nga ba ay bata pa o matanda na?
Huwag nang hayaang ikaw ay malito. Ikaw ngayon ay nasa yugto ng
buhay na tinatawag na panahon ng unti-unting pagbabago (transition
period) o paglipat sa isang yugto patungo sa susunod. Ito ay ang panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata o yaong tinatawag na “Adolescence Period”.
Kaakibat ng mga pagbabagong nararanasan mo ay ang pagkakaroon din
ng mga iba’t ibang tungkulin bilang mga nagdadalaga/nagbibinata.
Gaano man kalaki ang hamon sa iyo, kailangan mong harapin at
tanggapin ang mga ito. Kailangan ay handa ka at taglay mo ang mga
kaalaman na makatutulong sa iyo upang maging matatag ka sa iyong
pagharap sa hamon ng pagdadalaga at pagbibinata.

II. Kasanayang Pampagkatuto


1. Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula sa gulang na 8 o 9
hanggang sa kasalukuyan sa aspetong:
a. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more
mature relations) sa mga kasing edad (pakikipagkaibigan)
b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan
c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng
tamang pamamahala sa mga ito
d. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa
pakikipagkapwa/sa lipunan
e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na
pagpapasya.
Koda: EsP7PS-Ia-1.1
2. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon
ng pagdadalaga/pagbibinata.
Koda: EsP7PS-Ia-1.2

III. Mga Layunin


Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. matutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula sa gulang 8 0 9 hanggang
sa kasalukuyan;
2. matatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata;
3. makagagawa ng isang poster upang maipakita ang mga maaaring
maiambag sa lipunan bilang mga nagdadalaga/nagbibinata; at
4. makapagninilay sa mga nararapat na gawin kaakibat ng mga
pagbabagong nararanasan ng isang nagbibinata o nagdadalaga.

IV. Pagtalakay
Panuto: Bakit kaya minsan ay nalilito na ang isang nagdadalaga o
nagbibinatang kagaya mo? Tunghayan natin ang kwento ng batang si Lito.

Nalilito na si Lito

Isinulat ni Gng. Maricel B. Canlas

Kriiing! Kriiing! Kriiing! Ito na ang pangatlong tunog ng


alarm clock na gumising kay Lito. Kasabay pa nito ang
pagtawag ni Nanay Lita sa kanya. Kaya nama’y
nagmamadali itong lumabas ng kwarto.

2
“Lito naman, tanghali na oh. Sinabi ko naman na maaga ka dapat
gumigising, may pasok na kayo. Ang tanda mo na anak. Hindi ka na dapat
kailangang pagsabihan pa,” wika ni Nanay Lita.

Napakamot na lamang ng ulo si Lito habang pumapasok sa banyo


upang maligo. Si Lito ay labintatlong taong gulang at nasa ikapitong baitang.
Pagkatapos maligo ay tumungo na ito sa hapag kainan.

“Wow, tinapa, gulay at kamatis!”, sabik na wika ni Lito.

“Ang sarap naman po nito nanay. Salamat po sa masarap na almusal


‘Nay,” masayang binanggit ni Lito sa nanay.

“Walang anuman anak. Kumain ka lang ng mabuti dyan,” sagot naman


ni Nanay Lita.

“Siyanga pala anak, ano itong narinig ko kay Pepe na may crush ka na
daw? Naku anak, napakabata mo pa para dyan. Atupagin mo muna ang
iyong pag-aaral. Tigilan mo na muna ang crush crush na ‘yan,” wika ni Nanay
Lita.

“Hindi naman po Nanay. Wala po iyon,” sambit naman ni Lito na


napakamot muli ng ulo.

Magsisimula na ang online class ni Lito nang bigla na naman niyang


narinig si Nanay Lita.

“Lito, bakit iniwan mo na naman itong kwarto mo na hindi man lamang


nililigpit ang higaan? Ang tanda mo na anak, dapat ay alam mo na ang
gagawin mo bago ka lumabas ng iyong kwarto,” pagpapaalala ni Aling Lita.

“Opo Inay,” wika ni Lito. “Hindi na po iyon mauulit,” dagdag pa niya.

“O sige na anak, mag-aral ka na muna. Magsisimula na ang inyong


klase. Pagbutihan mo ang iyong pag-aaral,” wika ng kanyang inay.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na ang online class ni Lito.


Tumungo ito sa kanilang bakuran upang pakainin ang mga alagang manok.
Naroon din pala si Nanay Lita na nagdidilig ng kanyang mabulaklak at
makukulay na mga halaman.

“Lito, mamaya pala ay tutungo ako sa palengke upang mamili ng ating


mga pangangailangan dito sa bahay,” wika ni Aling Lita.

“Maaari ba akong sumama Nanay?,” pagsusumamo ni Lito.

“Naku Anak, hindi pwede. Hindi ba’t bawal lumabas ang mga batang
kagaya mo sapagkat nasa panahon pa rin tayo ng pandemya?”

3
pagpapaliwanag ni Nanay Lita. “Dito ka na lamang muna sa bahay at nang
ika’y makapaglinis,” dagdag pa niya.

Muli na namang napakamot ng ulo si Lito, nag – iisip kung siya ba ay


bata pa o kaya naman ay matanda na. Litong – litong na talaga si Lito.

Nalilito man ay naglakas loob pa rin siyang nagtanong sa ina.

“Nay, bakit po kung minsan ay sinasabi ninyo na bata pa ako, kung


minsan naman po ay matanda na,” nagtatakang winika ni Lito.

Napangiti si Nanay Lita sa nasambit ng kanyang anak.

“Naku anak pasensya ka na sa nanay mo,” sagot ni Nanay Lita.

“Ikaw ngayon anak ay nasa yugto ng pagbibinata at pagdadalaga o


yaong tinatawag na adolescence period. At sa yugtong ito, maraming mga
pagbabago ang iyong mararanasan. Huwag kang matakot anak, narito
naman kaming pamilya mo upang tulungan at gabayan ka,” masayang
paglalahad ni Nanay Lita.

“Ganoon po pala Inay. Hindi na po pala ako dapat malito at matakot.


Maraming Salamat po ‘Nay,” masayang sambit ni Lito sa kanyang ina.

At tumungo na nga si Nanay Lita sa bayan samantalang nagpatuloy


naman sa paglilinis si Lito na hindi na muling nalito.

1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kwento? _____________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang sinabi ni Nanay Lita kay Lito noong tanghali na ito gumising?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ano naman ang sinabi ni Aling Lita noong gustong sumama ni Lito sa
bayan?___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4
4. Nararanasan mo din ba ang mga nararanasan ni Lito? Ipaliwanag kung
bakit._____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Kung ikaw si Lito, paano mo kahaharapin ang mga pagbabagong
nararanasan mo ngayong ikaw ay nasa yugto ng pagbibinata o
pagdadalaga?____________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sinasabi na ang tao ay may apat na aspeto ng pag-unlad,


Pangkaisipan, Panlipunan, Pandamdamin at Moral. Unawaing mabuti ang
mga sumusunod na Palatandaan ng Pag-unlad sa Panahon ng Pagdadalaga
o Pagbibinata sa iba’t ibang aspeto. Ang mga ito ay lubos na makatutulong
sa iyo upang mapamahalaan mo ang mga pagbabagong nangyayari sa iyo.

✓ Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at


pakikipagtalakayan.
✓ Mas nakapagmememorya.
✓ Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga
konsepto.
✓ Nasusundan at nasusuri ang paraan at
nilalaman ng sariling pag-iiisip.
✓ Nakagagawa ng mga pagpapaplano
Pangkaisipan sa hinaharap.
✓ Nahihilig sa pagbabasa.
✓ Nangangailangan na maramdamang
may halaga sa mundo at may
pinaniniwalaan.

5
✓ Lumalayo sa mga magulang;
naniniwalang makaluma ang mga
magulang.
✓ Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang
ayaw magpakita ng pagtingin o
pagmamahal.
✓ Karaniwang nararamdamang labis na
mahigpit ang magulang; nagiging
rebelde.
✓ Dumadalang ang pangangailangang
Panlipunan
makasama ang pamilya.
✓ Nagkakaroon ng maraming kaibigan at
nababawasan ang pagiging labis na
malapit sa iisang kaibigan sa katulad na
kasarian.
✓ Higit na nagpapakita ng interes sa
katapat na kasarian ang mga babae
kaysa mga lalaki.

✓ Madalas na mainitin ang ulo, kadalasan


sa mga nakatatanda o may awtoridad
ipinatutungkol ang mga ikinagagalit.
✓ Madalas nag-aalala sa kanyang pisikal
na anyo, marka sa klase, at
pangangatawan.
✓ Nag-aalala sa kasikatan sa hanay ng
kapwa mga tinedyer.
Pandamdamin
✓ Nagiging mapag-isa sa tahanan.
✓ Madalas malalim ang iniisip.

6
✓ Alam kung ano ang tama o mali.
✓ Tinitimbang ang mga pamimilian bago
gumawa ng pasiya o desisyon.
✓ Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa
kapwa.
✓ Madalas ay may pag-aalala sa
kapakanan ng kapwa.
Moral
✓ Hindi magsisinungaling.

IV. Mga Gawain


Gawain 1: Pasulat na Gawain
A.1 Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang
tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sa aspeto ng palatandaang ito ng pag-unlad sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata ay nagiging mahusay ka na sa pakikipagtalo
at pakikipagtalakayan.
A. Pangkaisipan B. Panlipunan C. Pandamdamin D. Moral

2. Ito ay pagtitimbang kung ano ang tama at mali, kung ano ang mabuti o
ang masama, ito ay ang kilos ng tao na gumawa ng mabuti o ng masama sa
kapwa.
A. Pangkaisipan B. Panlipunan C. Pandamdamin D. Moral

3. Binibigyan pansin nito ay kung paano ang tao makisalamuha o makitungo


mula sa mga kasama sa bahay hanggang sa mga kaibigan sa labas o sa mga
taong nakakasalubong araw araw.
A. Pangkaisipan B. Panlipunan C. Pandamdamin D. Moral

4. Ito ay may kaugnayan kung paano mag-isip, makatanda, o makapagplano


sa buhay.
A. Pangkaisipan B. Panlipunan C. Pandamdamin D. Moral

5. Tumatalakay sa kung ano ang nararamdaman ng tao maging mabuti man


ito o maganda (masaya, nagagalit, nag-aalala, atibapa).
A. Pangkaisipan B. Panlipunan C. Pandamdamin D. Moral

7
A.2 Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman kung
ang pahayag ay hindi wasto.

__________1. Tayong mga tao ay may tatlong (3) Aspeto ng Pagbabago.


__________2. Ang yugto ng Pagbibinata at Pagdadalaga ay tinatawag ding
“Adolescence Period.”
__________3. Ang hindi pagsisinungaling ay palatandaan ng pag-unlad sa
aspetong Pangkaisipan.
__________4. Sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, kakaunti lamang
ang mga pagbabagong iyong nararanasan.
__________5. Ang aspetong Pandamdamin ay tumatalakay sa kung ano ang
nararamdaman ng tao maging mabuti man ito o maganda.

Gawain 2: Gawaing Pagganap


B.1 Panuto: Alamin natin ang mga pagbabago na maaring mangyari o
nangyayari na sa iyo sa ngayon. Magtala ng tig isang pagbabago. Ilagay sa
loob ng kahon ang pagkakaiba ng iyong ginagawa kung paano ka nagbago
sa aspetong Pangkaisipan, Pandamdamin, Panlipunan at Moral.

A. Noong nasa 8 o 9 na taong B. Ngayong nasa sekondarya ka na


gulang ka pa lamang

Pangkaisipan Pangkaisipan
Sagot: Sagot:

Pandamdamin Pandamdamin
Sagot: Sagot:

8
Panlipunan Panlipunan
Sagot: Sagot:

Moral Moral
Sagot: Sagot:

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

Pamantayan ISKOR PUNTOS

Orihinalidad 15
Nilalaman
10
Akma sa bawat sa aspeto
Kabuuang puntos 25
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

B.2 Panuto: Tunay na napakaraming pagbabago ang iyong nararanasan


bilang nagdadalaga/nagbibinata. Paano mo nga ba matatanggap ang
mga ito?
Sa pamamagitan ng isang poster, ano ang maaari mong maiambag sa
lipunan bilang nagbibinata/nagdadalaga lalo na ngayong panahon ng
pandemya?

9
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Di- Kahanga- Katanggap- Pagtatangka
Krayterya Pangkaraniwan hanga tanggap (10 Puntos)
(25 Puntos) (20 Puntos) (15 Puntos)
Paksa Angkop at May May maliit Walang
eksakto ang kaugnayan na kaugnayan
kaugnayan sa sa paksa kaugnayan
paksa
Pagkamalikhain Gumagamit ng Gumamit Makulay Hindi
maraming ng kulay at subalit hindi makulay
kulay at iilang tiyak ang
kagamitan na kagamitan kaugnayan
may na may
kaugnayan sa kaugnayan
paksa sa paksa
Kalidad ng Nakapukaw ng Makatawag Pansinin Di-pansinin,
ginawa interes at pansin ngunit di di
tumitimo sa makapukaw makapukaw
isipan pansin ng interes at
isipan
Kalinisan Maganda, Malinis Ginawa Minadali
malinis at ngunit hindi ang
kahanga- marumi paggawa at
hanga ang marumi
pagkakagawa
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

10
VI. Pagsusulit
Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot. Isulat ang letra sa patlang.
__________1. Sa aspetong ito, nakakahiligan mo na ang pagbabasa ng mga
libro o mga kwento sa wattpad.

A. Moral
B. Panlipunan
C. Pangkaisipan
D. Pandamdamin

__________2. Ngayong tinedyer kana, ikaw ay madalas na nag-aalala sa iyong


pisikal na anyo. Anong aspeto ito ng pagbabago?
A. Moral
B. Panlipunan
C. Pangkaisipan
D. Pandamdamin

__________3. Napansin ni Marvin na dumadami ang kanyang mga tagiyawat


sa mukha. Ano ang pinakamainam na gawin ni Marvin?
A. Tirisin ang mga ito
B. Huwag itong pansinin
C. Maging malinis lalo sa sarili
D. Hintayin na lamang itong mawala

__________4. Kung ikaw ay nag-aalala sa kasikatan ng iyong kapwa tinedyer,


ikaw ay nasa anong aspeto ng pagbabago?
A. Moral
B. Panlipunan
C. Pangkaisipan
D. Pandamdamin

__________5. Ang mga sumusunod ay mga Panlipunang pagbabago maliban


sa:
A. Nagiging rebelde
B. Mas nakapagmememorya
C. Lumalayo sa mga magulang
D. Nagkakaroon ng maraming kaibigan

11
VII. Pangwakas
Panuto: Punan ang mga patlang sa loob ng scroll. Isulat ang mga nararapat
na gawin kaakibat ng mga pagbabagong nararanasan mo ngayon.

Ako si ______________________________________________,
_________ na taong gulang.

Sa lahat ng mga pagbabagong nararanasan ko bilang


isang nagdadalaga o nagbibinata, nararapat lamang na:
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Petsa: _____________________

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

Pamantayan ISKOR PUNTOS

Orihinalidad 15
Nilalaman
10
Akma sa bawat sa aspeto
Kabuuang puntos 25
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

12
VIII. Sanggunian
Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning
Competencies with Corresponding GC Codes. Pasig City: Department of
Education Curriculum and Instructional Strand.
Department of Education. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7
Learner’s Material (Quarter 1 and 2). Pasig City: Department of Education
Instructional Materials Council Secretariat (DepEd – IMCS).
Department of Education. MIMAROPA Region. 2020. School Learning Module
in Grade 7. Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City

IX. Susi sa Pagwawasto


Mga Gawain Pagsusulit at Pangwakas
Ityek ang Rubrik sa ibaba.
Maaaring magkakaiba ang mga sagot. sagot. Ityek ang Rubrik sa ibaba.
Maaaring magkakaiba ang mga
GAWAIN B.2 PANGWAKAS

Ityek ang Rubrik sa ibaba. 5. B


Maaaring magkakaiba ang mga sagot. 4. D
3. C
GAWAIN B.1 2. D
1. C

5. TAMA 5. C PAGSUSULIT
4. MALI 4. A
3. MALI 3. B
2. TAMA 2. D
1. MALI 1. A

GAWAIN A.2 GAWAIN A.1

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Maricel B. Canlas


Hyacint M. Sico
Patnugot: Jessie M. Policarpio, PhD
Tagapagsuri ng Nilalaman: Imelda P. Angeles
Criselda R. Pontillas
Luisa F. Obcena
Patnugut ng Wika: Edlyn B. Pineda
Grupo ng Tagapaglinang: Epifania B. Dungca, EdD

13

You might also like