You are on page 1of 63

MAGANDANG HAPON!!!

PANALANGIN

PAGLALAHAD AT
PANGANGATWIRAN
JULY 17, 2023 – 3-4:30

ROSALYN V. DELA CRUZ


PUNAHIN ANG simula at naging takbo ng
usapan ng dalawang nag-uusap
• Mac-mac: Kalabaw lang ang tumatanda
• Jayvie: Ang lalim naman ng sinabi mo.
Ano’ng ibig mong sabihin
• Mac-mac: Si Lolo Ito. Naghahanap ng
Viagra.
• Jayvie: Ano? Baka naman nagbibiro.
• Mac-mac: Seryoso pa sa naghihingalo.
• Jayvie: Pero bakit?
PUNAHIN ANG simula at naging takbo ng
usapan ng dalawang nag-uusap
• Mac-mac: Mag-aasawa raw muli.
Kailangan daw patunayan niyang pwede pa
siya. Ayaw mong gumamit ng Viagra si
• Jayvie:
Lolo ito?
• Mac-mac: Hindi. Ayaw kong mag-asawa
siyang muli. Mapuputol ang allowance ko.
• Jayvie: Akala ko ba ipinagbabawal ang
Viagra?
PUNAHIN ANG simula at naging takbo ng
usapan ng dalawang nag-uusap
• Mac-mac: Hindi naman, eh. Kung
ipinagbabawal, bakit maraming bumibili sa
botika? Droga at Bangkok pills ang
ipinagbabawal.
• Jayvie: Ano ‘yon?
• Mac-mac: Tabletang pampapayat. Ewan ko
ba kung saan nakabibili si Mommy.
• Jayvie: Hindi naman masyadong mataba
ang mommy mo, ah?
PUNAHIN ANG simula at naging takbo ng
usapan ng dalawang nag-uusap
• Mac-mac: Ano bang hindi? Tatlong beses
nga sa isang lingo kung mag-ballroom
dancing ‘yon.
• Jayvie: Iba nalang pag-usapan natin.
• Mac-mac: Anong gusto mong pag-usapan?
• Jayvie: Halimbawa’y millennium bug.
• Mac-mac: Ayoko.
• Jayvie: Eh, kung chicks.

Tanong

Tungkol saan ang pinag-uusapan nila.

Ano ang damdaming ipinapahayag


ng usapang ito.

Paano umikot ang takbo ng usapan.


Sa ganitong paksa umikot ang takbo ng uspan
1. Matalinghagang pahayag (kalabaw lang ang
tumatanda
2. Paglalahad ng suliranin (paghahanap ng Viagra ng
lolo ni Mac-mac)

3. Pagbibigay-katwiran sa suliranin (pag-aasawang


muli ng lolo ni Mac-mac)
Sa ganitong paksa umikot ang takbo ng uspan
4. Pagbibigay-dahilan sa suliranin (pagputol ng
allowance ni Mac-mac)
5. Paglalahad ng iba pang kaugnay na suliranin (droga at
Bangkok Pills)
6. Paglalahad ng iba pang suliranin (pagtaba ng
Mommy ni Mac-mac)
Sa ganitong paksa umikot ang takbo ng uspan
7. Paglutas sa suliranin (pagdalo sa ballroom dancing
session)

8. Pagsisimula ng bagong pahayag (chicks)


paglalahad
• Katulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, at
pangangatwiran, ang paglalahad ay isang
pamamaraan ng pamamahayag.
• Ito ay isang uri ng pagpapaliwanag ng tao ukol
sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa
kanyang mga gawaing pangkomunikasyon.
• Nakikipag-ugnayan ang tao sa kanyang
kapwa na ang tanging puhunan ay ang
kanyang mabisang pakikipagtalastasan.
paglalahad
• Iba’t iba ang kanyang inilalahad sa kanyang
kausap; sa simula’y masiglang pangangamustahan
hanggang ang usapan ay umikot sa iba’t ibang
pagbabalitaan o pag-uusap ukol sa samutsaring
isyung nabasa, napakinggan, o naging karanasan

• Sa Ingles, kung tawagin ang paglalahad ay


expository writing.
paglalahad
• Madalas makita ang anyong ito ng pagtalakay sa
karaniwan nating binabasa sa araw-araw gaya ng mga
teksbuk, ng mga editorial sa dyaryo, ng mga artikulo
sa mga magasin, atb.
• Ito ay sadyang nagpapaliwanag.
• Ito’y isang pagpapaliwanag na obhektibo o
walang-pagkampi at may sapat na detalye na
pawing pampalawak ng kaalaman sa paksang
binibigyang-linaw nang lubos na maunawaan ng
may interes.
Katangian ng paglalahad
Ang paglalahad ay dapat maging maikli.

• Nakaiinip pakinggan ang isang paglalahad na


kumukunsumo ng mahabang oras.
• Kung gagawing maikli ito, higit itong
kasasabikang pakinggan ng sinumang
tagapakinig, lalo’t ito’y nagtataglay ng
napapanahong paksa , magandang kaisipan at
maigting na damdamin.
Halimbawa
Malaki ang malulugi ng pamahalaan sa pagbubukas
ng Jai Alai dahil mas Malaki ang kikitain ng PAGCOR.

Hindi sapat ang ipinagmamalaki ng PAGCOR na


P500 milyon ang magiging revenue ng pamahalaan
dahil tiyak namang mas Malaki ang kikitain ng Belle
Corporation at ang Filipinas Gaming and
Entertainment Totalizator Corporation.
Halimbawa
Dapat lamang na ipagpatuloy ng pamahalaan ng
Pilipinas ang pakikipaglaban sa bansang Malaysia upang
mapilitang baklasin ang naitayong istraktura sa Kalayaan
Group of Islands. Hindi dapat tigilan ng gobyerno ang
pakikipag-usap sa Malaysia upang malutas ang problema
sa Pawikan Shoal.
Saan nga ba nagmula ang daigdig? Ito’y isang
katanungan na pilit inihahanap ng kasagutan. Kung
paanong ang mga siyentipiko ay nagkakagulo sa kanilang
nga teorya ay gayundin naman ang hindi magkakatulad na
paniniwala ng mga tao.
Ang paglalahad ay dapat maging tiyak

• Sa paglalahad, ang di-maliwanag at maligoy na


pamamaraaan ng paghahatid ng impormasyon ay
nakababagot sa sinumang tagapakinig kayat kung
magiging tiyak ang paksang pinag-uusapan o ang
paraan ng isinasagawang paglalahad ay higit itong
magiging kapaki-pakinabang sa tatanggap ng
mensahe o impormasyon.
Halimbawa
Laganap ngayon ang mga kolorum na kolehiyo.
Karamihan sa mga ito’y ang mga paaralang teknikal
na gumagamit ng salitang kolehiyo gayong hindi naman
nagbibigay ng apat na taong college degree.

Umaakma ang musikang pinatutugtog sa kabuuan


ng dula batay sa sitwasyon o pangyayari. Sa
pamamagitan nito ay nagbibigay-pahiwatig ang
komedya, drama at aksyon.
Ang paglalahad ay dapat maging mabisa

• Ang paglalahad na nabibigyan ng reaksyon


matapos mapakinggan ng tagapakinig ay
maituturing na mabisa.
• Bukod dito, kapag nakagawa ng isang pagbabago
sa buhay ang isang taong nakapakinig sa isang
paglalahad, maituturing na mabisa ang
naisagawang paglalahad.
Halimbawa
Joyce: Mommy, nakatulog ako kagabi na basa ang
aking buhok. Mabubulag po ba ako?
Mommy: Iyon ang paniniwala ng mga matatanda noong
araw. Ang sabi naman ng mga espeyalista sa mata,
hindi raw ito totoo. Ang pag-ingatan mo raw sa
pagtulog ay ang paggamit mo ng hindi mo unan. Baka
raw suntukin ka ng may-ari na lubhang maselan at
doon mapipinsala ang mga mata mo.
Joyce: Bakit po?
Mommy: Magkaka-black eye ka.
Halimbawa
Joyce: Oo nga pala. Pero Mommy, bakit po
madalas sumakit ang mga mata ko?
Mommy: Ang isang dahilan ay pinagwawalang-
bahala mo ang pananakit ng iyong ulo at
panlalabo ng iyong mga mata. Ang mga iyan ang
sintomas ng pananakit ng iyong mga mata.
Joyce: Bakit po?
Halimbawa
Mommy: Lagi ka sigurong nakatitig sa mga bagay
na malalabo o nakasasakit sa mata. Katulad
kahapon, umaga pa lang ay nagko-computer ka
na. Ang sabi mo, gabing-gabi ka na nakakatapos
mag-computer. Maliit na bumbilya pa ang
nakatutok sa binabasa mo. Tigilan mo na rin ang
pagbabasa habang nasa sasakyan ka.
Makapipinsala ‘yan sa mga mata mo.
Joyce: Opo, Mommy. Tatandaan ko po.
Ang paglalahad ay dapat maging
malinaw

• Hindi lamang ang paksa ng inilalahad na


impormasyon ang dapat maging malinaw kundi
maging ang paraan ng paglalahad nito.
• Ang maayos na pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari sa inilalahad na impormasyon ay
siyang nagpapalinaw sa isang paglalahad.
Halimbawa
“Napakalayo na ng naabot ng ating makabansang
pagsisikap na ganap na palaganapin ang wikang
Pambansa sa buong kapuluan at higit pang
napapalawak ang saklwa ng gamit nito sa lahat ng
larangan ng buhay-Pilipino.
Sa makasaysayang pagdiriwang ng Buwan ng Wika
ay higit na lumilinaw ang magandang bisyon natin sa
mabilis na pagpapalaganap at syentipikasyon ng
Filipino bilang mabilis na midyum ng komunikasyon.
Halimbawa
Ang pinakamalaking pag-asa natin ay nasa
milyun-milyong mga mamamayan na binibigyan ng
lubusang kapangyarihan na mabisang mapalaganap
ang wikang Pambansa sa mataas na antas ng
pagpapahayag. Buong siglang gamitin ang Filipino.”
Ang paglalahad ay dapat maging maayos

• Ang pagiging maayos ng isang paglalahad ay


nakasalalay sa paraan ng pagkakaroon ng
organisasyon ng impormasyon, hindi lamang ang
malinaw at maayos na simula at wakas kundi
maging ang maayos at masusundang
pagkakasunud-sunod nito.
Halimbawa
Apat na Uri ng Halamang Gamot: Gamit at Paraan
ng Paggamit

Sinumang tao, hindi makaiiwas sa sakit kaya’t iba’t


ibang uri ng gamot ang ating natitikman. Lalo tayong
nagkakasakit kapag malalaman natin na abot-leeg na
ang halaga ng mga gamot na nabibili sa botika. Paano
malulutas ang problemang ito? Tumingin lang sa
paligid o maging sa likod-bahay. Nariyan ang mga
halamang gamot tulad ng sumusunod:
Halimbawa
1. Kalatsutsi
1.1 Gamit: Ito’y gamot sa galis-aso.
1.2 Paraan ng paggamit:
1.2.1 Magpakulo ng ½ tasang dinikdik na tuyong balat
ng kalatsutsi sa ½ tasang langis ng niyog o langis na
panluto sa loob ng 10 minuto.
1.2.2 Palamigin, salain at ipahid ang langis sa
apektadong balat 2 hanggang 3 ulit maghapon.
1.2.3 Gawin araw-araw hanggang gumaling ang sakit.
Halimbawa
2. Bawang
2.1 Gamit: Ito’y gamot sa an-an, buni at alipunga
2.2 Paraan ng paggamit:
2.2.1 Magdikdik ng sapat na dami ng sariwang butyl
ng bawang
2.2.2 Ilagay sa isang sisidlan na may takip. Ipahid sa
apektadong balat.
2.2.3.Gawin ang pagpapahid sa apektadong balat
dalawang beses isang araw.
Halimbawa
3. Bayabas
3.1 Gamit: Ito’y gamot sa pamamaga ng gilagid
3.2 Paraan ng paggamit:
3.2.1 Magpakulo ng limang kutsarang dahoon sa loob
ng 15 minuto at palamigin
3.2.2 Ilagay sa isang basong tubig at ipangmumog
ang pinaglagaang tubig.
3.2.3.Gawing dalawa hanggang tatlong beses
maghapon.
MGA URI NG Maraming uri at anyo ang tekstong
PAGLALAHAD
naglalahad o eksposisyon
Isa na rito ang:
 Paglalahad sa anyong panuto
 Paglalahad sa anyong pagbibigay-
katuturan
 Paglalahad sa anyong interpretasyon
 Paglalahad sa anyong pagpapakilala
 Paglalahad sa anyong kritisismo
 Paglalahad sa anyong ulat o balita
 Paglalahad sa anyong editorial o tudling
editoryal

• Isang nakalilibang basahing pitak dahil ang mga napapanahong


material nito ay punung-puno ng kahulugan at pahiwatig bunga
marahil ng pagkabatikan ng manunulat nito sa pagmamasid,
sampu ng taglay niyang kaalaman at katalasan sa pagkilala sa
mga tunay na pangyayari, na masiglang pumupukaw sa malusog
na guniguni ng mga mambabasa.
Mga uri ng editoryal
• Nagbibigay Imformasyong Editoryal (Informative
Editorial)
• Pabalitang Editoryal (News Editorial)
• Editoryal na Nagbibigay-halaga (Editorial of
Appreciation)
• Editoryal na Panghihikayat (Editorial of
Persuasion)
• Mapamunang Editoryal (Editorial of Criticism)
sanaysay
Ano nga ba ito?

 Ang salitang sanaysay ay nagmula sa


pariralang “salaysay ng isang sanay”,
ang salitang ito ay nilikha ni
Alejandro G. Abadilla.
Mga nagbigay kahulugan sa sanaysay

• Ayon kay Rubin, et.al (1989-91) ang sanaysay ay isang


anyong pampanitikang naglalahad ng mga
kontemporaryong usapin at paksain sa nababagong
mundo.
 Ayon naman kay Belvez, et.al(1985), ang sanaysay ay isang
komposisyong pampanitikan sa isang natatanging paksa na higit
na maikli at formal kaysa alinmang akda.
Mga nagbigay kahulugan sa sanaysay

 Binanggit nina Semorian, et.al.(1999) na ang sanaysay


ay isang uri ng akdang naglalayong maglahad o
maglarawan ng buhay sa makatotohanan at masining na
paraan. Maaaring talakayin o paksain ang anumang
tema-karaniwan o di karaniwan, magaan o seryoso-
sapagkat buhay ang inilalahad dito.
• Kung gayon, dapat isaalang-alang, na ang
susulat ng isang sanaysay ay kailangang mag-
angkin ng karampatang pagmamasid, kaalamang
masaklaw at masusing pagsusuri nang hindi malihis
ang mambabasa sa kawastuhan ng tatalakaying
nilalaman.
• Hinihingi ng isang efektivong sanaysay ang sapat
na kakayahan sa pagpapahayag ng kaisipan at
damdamin-masinop, malinaw at mapang-akit.
Dalawang Uri ng Sanaysay
Formal o Maanyo Di-formal o Di-maanyo

* Formal ang isang sanaysay kapag * Ito ay may kalayaan sa ayos na


ito’y may lohikal na paglalahad ng paglalahad, may himig ng
mga kaisipan o may maayos na pakikipag-usap at pagbibiro at higit
balangkas. na kawili-wiling basahin.
* Maingat din ang pagsusuri ng * Subalit hindi rin dapat na
paksa nito. kaligtaan na lakip din nito ang
* Mahigpit ang pagpili at paggamit katalinuhan ng pag-iisip at
ng mga pananalita masusing pagsusuri.
* Masusi ang pag-aaral ng temang * May pagkaliberal ang paggamit ng
tatalakayin salita sa anyong di-formal
* Binibigyang-diin dito ang * Subalit maging formal man o
katotohanan, tuwirang hindi, kailangang maging, malinaw
pagpapahayag at seryosong ang anumang nais ipabatid sa
pagtalakay. kabuuan ng sanaysay.
BAKIT DAPAT DAGDAGAN
ANG IYONG BAON?
PANGANGATWIRAN
O
ARGUMENTATIV
ANG ARGUMENTATIV
Ang argumentative o pagmamatuwid ang mapapansing nasa dakong huli ng
mga uri ng diskors.
May konkretong dahilan ito sa pag-aaral sa kadahilanang hindi
magkakaroon ng sapat, malinaw at mabisang argumento (lalo pa at pasulat)
kung wala munang matibay na kaalaman at kakayahan sa mga naunang
paraan ng pagpapahayag: pagsasalaysay/narativ, paglalarawan/deskriptiv at
maging paglalahad/ekspositori.
Kung lubhang kailangan sa narativ ang mahusay na pagkakasunud-sunod
ng mga pangyayari, sa deskriptiv ay ang malinaw na pagbibigay-katangian,
sa ekspositori ay wastong pagpapaliwanag, sa argumentativ ay tiyak na
kinakailangan ang mabisang panghikayat, at mapasusubaliang pagsisiwalat
ng mga prinsipyo o paninindigan.
ANG ARGUMENTATIV
Ang mag-isip ay isang prosesong natural lamang sa isang tao.
Batay sa katotohanang ito, hindi maiiwasang may mga pagkakataong ang
iniisip ng isa ay salungat sa maaaring isipin naman ng iba.
Alam ninuman, hindi lamang ng mga abogado, na ang anumang argumento ay
nananatiling halos opinyon lamang kung mananatiling pasalita.
Makabubuting kung isulat muna (sa paraang wasto at mabisa) bago bigkasin
kung kinakailangan.
Sa mga legal na usapin, hindi mapag-aaralan ang isang panig kung walang
nakasulat na dokumento.
Maging sa isang akademikong debate, mahirap at hindi mabuting makipagtalo
nang walang nakasulat na patunay o kaya’y nakahandang komposisyon
Mga Uri ng Maling
Pangangatwiran:

Bawat salita nG iyong diskors, dahil nga


argumentativ ay sinusuri ng kabilang panig o ng
iyong mambabasa.
Makatwiran, samakatuwid, na alalahanin ang mga Uri
ng Maling Pangangatwiran (Fallacies of
Reasoning) na madalas gamitin kahit hindi
sinasadya ng isang nakikipag-argumento upang
“makagulat” sa kanyang katalo o kaya naman ay
“makalusot” sa isang isyung mahirap niyang
pasinungalingan.
MGa Uri ng Maling
Pangangatwiran:

1. Argumentum ad hominem
2. Argumentum ad baculum
3. Argumentum ad misericordiam
4. Non sequitur
5. Ignoratio elenchi
6. Maling paglalahat
7. Maling paghahambing
8. Maling Saligan
9. Maling awtoridad
10. Dilemna
Mga Uri ng Maling
Pangangatwiran:

Isang nakahihiyang
Argumentum pag-atake sa personal na
ad hominem katangian/katayuan
ng katalo at hindi sa isyung
tinatalakay o pinagtatalunan.
Halimbawa:
Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking
katunggali gayong ni hinidi siya naging pinuno ng
kanyang klase o ng kanyang barangay kaya? Balita
ko’y under de saya pa yata!
Mga Uri ng Maling
Pangangatwiran:

Argumentum Pwersa o awtoridad ang gamit


ad baculum upang maiwasan ang
isyu at ito ay maipanalo
ang argumento.
Halimbawa:
Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala
kang karapatang magsalita sa akin nang ganyan!
Baka sampalin kita at nang makita mo ang hinahanap
mo!
Mga Uri ng Maling
Pangangatwiran:

Upang makamit ang awa at


Argumentum Pagkampi ng mga nakikinig,
ad
misericordiam
Bumabasa, ginagamit ito
Sa paraang pumipili ng mga
Salitang umaatake sa
Damdamin at hindi sa kaisipan.
Halimbawa:
Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa
lansangan. Hindi ba natin nakikita ang marurumi
nilang damit, payat na pangangatawan at nanlalalim
na mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng
ilang sentimos bilang pantawid-gutom?
Mga Uri ng Maling
Pangangatwiran:

Sa ingles ang ibig sabihin nito


ay It doesn’t follow.
Non sequitur Pagbibigay ito ng konklusyon
Sa kabila ng mga walang
Kaugnayang batayan.

Halimbawa:
Ang santol ay hindi magbubunga ng mangga.
Masamang pamilya ang pinagmulan niya. Magulong
paligid ang kanyang nilakhan. Ano pa ang inaasahan
mo sa ganyang uri ng tao kundi kawalang-hiyaan!
Mga Uri ng Maling
Pangangatwiran:

Gamitin ito ng mga Pilipino


Lalo na sa mga usapang
Ignoratio Baberya, wika nga.
elenchi Kilala ito sa ingles na
Circular reasoning o
Paliguy-ligoy.
Halimbawa:
Anumang bagay na magpapatunay sa aking
pagkatao ay maipaliliwanag ng aking butihing
maybahay. Tiyak ko namang paniniwalaan ninyo siya
pagkat naging mabuti siyang ina ng aking mga anak,
kahit tanungin pa ninyo sila ngayon.
Mga Uri ng Maling
Pangangatwiran:

Dahil lamang sa ilang aytem/


Sitwasyon, nagbibigay na
Maling
Paglalahat Agad ng isang konklusyong
Sumasaklaw sa
Pangkalahatan.

Halimbawa:
Ang artistang ito ay naging tiwali sa kanyang
panunungkulan. Ang artista namang iyon ay maraming
asawa, samantalang bobo naman ang isang ito na
tumatakbo bilang konsehal. Huwag na nating iboto ang mga
artista!
Mga Uri ng Maling
Pangangatwiran:

Karaniwang nang tinatawag


Maling Na usapang lasing ang
Paghahambing Ganitong uri pagkat mayroon
Ngang hambingan ngunit
Sumasala naman sa
Matinong konklusyon.
Halimbawa:
(Sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako patutulugin
agad? Kung kayo nga ay gising pa!
Mga Uri ng Maling
Pangangatwiran:

Nagsisimula ito sa maling


Akala na siya namang
Maling
Saligan
Naging batayan.
Ipinapatuloy ang gayon
Hanggang magkaroon ng
Konklusyong wala sa
Katwiran.
Halimbawa:
Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa
pag-aasawa, kailangan ang katapatan at kasipagan
upang magtagumpay. Dahil dito, dapat lamang na
maging tapat at masipag ang mga kabataan.
Mga Uri ng Maling
Pangangatwiran:

Maling Naglalahad ng tao o


Awtoridad Sangguniang walang
Kinalaman sa isyung
kasangkot.

Halimbawa:
Ang Krsitiyano ay pananampalataya ng mga
mahihina. Iyan ang ipinahayag ni Karl Marx.
Mga Uri ng Maling
Pangangatwiran:

Naghahandog lamang ng
Dilemna Dalawang opsyon/
Pagpipilian na para bang
Iyon lamang at wala nang
Iba pang alternativo.
Halimbawa:
Upang hindi ka mapahiya sa ating debate, ganito
na lamang ang gawin mo: huwag ka nang pumunta o
kaya ay magsabmit ka ng papel na nagsasaad ng
iyong pag-urong.
PANUKALA O
PROPOSISYON
• Ang paksa ng argumentasyon o pangangatwiran
ay dapat isang panukala o proposisyon.
• Ang proposisyon ay “isang ekespresyon o
pahayag sa mga salita ng isang pasya.”
• At ang “isang pasya ay isang mental na palagay
tungkol sa bagay na totoo o hindi totoo.”
• Ang isang proposisyon ay inilalahad sa isang kompletong
pahayag, na may simuno at panaguri.
• Maaaring tanggapin o hindi tanggapin.
• Hal.,
• 1. Higit na mahuhusay ang mga estudyante noon kaysa
ngayon.
• 2. Dapat pawalang-saysay ang parusang kamatayan.
• 3. Higit na nakapaglilingkod sa bayan ang mga guro kaysa sa
mga abogado.
MGa bahagi ng argumentativ na
komposisyon
ANG SIMULA:
 Mahalagang makuha ng manunulat ang atensyon at damdamin nila.
GITNA:
 Magsisilbi itong dahilan ng mga mambabasa upang manatiling tapat sila sa iyo matapos ng
mabisang simula, at kung papalarin ay nakatutok pa rin sila sa bawat mensaheng iyong
ipinararating hanggang sa iyong mabisang pagwawakas.
 Ang bawat katwiran ay kailangan ding masuportahan ng mga evidensya, datos o istatistika,
pahayag ng mga awtoridad o di kaya’y mga kolaborativ na pahayag mula sa aklat, sa mga
magasin, jaryo at iba pang babasahin.
WAKAS:
 Ang huling suntok, kumbaga sa boksing, na magpapabagsak sa kalaban.
 Kailangang payak, tuwiran, mariin, malinaw at mabisa ang pahayag sa bahaging ito.
Bigyang pansin din ang
mga sumusunod

Mga patunay
Mga isyu
Pagsisiyasat at Pananaliksik
Ebidensya
thank you!
SCENE FROM THE BOOK
THAT SUPPORTS THIS
Major Theme of the
Story Use this space to mention a scene from
the book that describes the major theme
of the story.

RELEVANT QUOTES IMPACT OF THE


FROM THE THEME ON ME
CHARACTERS
Use this space to mention relevant quotes Use this space to mention the impact of
from the characters in the story. the theme on you.
Lesson 1:
The Lessons I Picked Up
from the Book

Lesson 2:

Lesson 3:

You might also like