You are on page 1of 19

ANG SINING NG

PAGKUKUWENTO
A. Pagkukuwento
• Isa pa sa dapat na tapunan ng sapat
na pansin
• Ito ay di lamang paghahatid ng
kuwento hinggil sa buhay, tao o
pangyayari kundi may layon din
• Ang pgkukuwento ay pakikibahagi
sa iba ng isang karanasan, ng isang
pangyayaring nabasa, narinig,
nasaksihan o kaya’y isang likhang
isip ng isang malikhaing guniguni.
• Ito rin ay pangunahing paraan ng
pagpapahayag at isang mabisang
paraan ng pakikipagtalastasan.
TUNGKULIN
• Nakapagtuturo
• Nakaaaliw o nakalilibang
• Nakagaganyak
• Nakapagpapalawak ng talasalitaan
• Nakapagpapayaman ng karanasan
• Nakapagpapalawak sa pang-unawa sa kapwa at sa
buhay
• Nakapupukaw ng mabubuting damdamin sa isang
tao.
• Ang buhay at ganda ng isang
pagkukuwento ay nasa
tagapagkuwento.
• Para na ring gumaganap sa dula at
higit pa sa roon ang isang
tagapagsalaysay ng kuwento.
• Sapagkat ang isang
tagapagkuwento bukod sa siya
nang bahala sa bahaging usapan ng
mga tauhan sa kuwento ay siya pa
ring may kinalaman sa paglikha ng
angkop na kapaligiran kailangan sa
kuwento, gayon din ang kaukulang
likhang-tunog o “sound” sa
salaysay.
• Dahil dito hindi dapat maging
malabis ang pagkilos o paggalaw
ng isang tagapagsalaysay.
• Sapat na marahil ang mga
pahiwatig lamang ng kaukulang
galaw at kilos.
• Anumang labis na pagkilos o labis
na galaw o “over-acting” ay tiyak
na makasisira sa kasiningan ng
pagkukuwento.
ASPEKTO:
• May tagapagsalaysay (narrator) at
may tagapakinig.
• May isang kuwentong tinutumbok na
isalaysay.
• May mensahe ang kuwento.
• Gumagamit ng wastong paggalaw o
kumpas, at mga ekspresyon ng mukha.
ASPEKTO:
• Gumagamit ng paiba-ibang tinig upang
maakit makinig ang mga tagapakinig.
• Gumagamit ng kanyang sound effects
at minsa’y may background music pa
MGA URI NG KUWENTO AYON SA
PARAAN NG PAGSASALAYSAY

• PORMAL: • IMPORMAL:
– Tipo ng aspektong – Tipo ng walang
binabanggit sa itaas sinusunod na mga
ay sinusunod at aspektong
kalimitan sa isang nabanggit
pormal na okasyon – Isinasagawa lang
kung saan, kahit
kailan at maski sino
ang kausap.
MGA ALITUNTUNIN SA PORMAL
NA PAGKUKUWENTO
• Tumpak na paksa
• Wastong Mekanismo ng Paksa
• Ang tinig ng nagsasalaysay ay sa
katamtamang antas.
• Gumagamit ng angkop na kumpas ayon
sa eksena ng kuwento upang mas
mabigyan ng angkop na dating sa mga
tagapakinig.
MGA ALITUNTUNIN SA PORMAL
NA PAGKUKUWENTO
• Maging mapansinin sa reaksyon ng nakikinig,
natutuwa ba, natatakot, masaya o galit?
• Sikaping pagtuunan ng pansin na kung may
props na gagamitin ay di ito makaaambag na
magmukhang “demonstration lesson.”
• Kailangang makita ang tiwala sa sarili ng
nagkukuwento upang maging kapanipaniwala.
• Ang kuwento ay may mensahe o kahulugan.
PARAAN NG PAGHAHANDA
• Sikaping maglaan ng panahon sa
pakikinig/panonood sa TV upang mapag-
aralan ang wastong pagbigkas, ekspresyon
ng mukha at paglikha ng impact.
• Ihanda ang kasuotan bagay sa paksa ng
kuwento, musika at iba pang kakailanganin
• Tiyaking isinulat ang kuwento na ayon sa
alituntunin ng pagsulat.
• Basahin at isa-diwa ang nilalayon o
tinutumpakan nito.
PARAAN NG PAGHAHANDA
• Tiyaking ito ay may iiwang mensahe,
kaisipang pagtutuunan ng pagbubulay-
bulay.
• Sapat na haba o ikli ng kuwento.
GAWAIN
• Gumawa ng isang masining pagkukuwento.
• Isaalang-alang ang mga alituntunin at paraan
sa pagsulat ng masining na pagkukuwento.
• I-video ang inyong sarili. Hangga’t maaari 3
hanggang 5 minuto lamang ang tatagal ng
inyong pagkukuwento.
• Gawing gabay ang araling ito at ang
pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng
Sining ng Pagkukuwento.
Marka sa Pagsulat ng Kuwento
• Mapang-akit na paksa/pamagat: 5
• Maayos na daloy ng pangyayari: 10
• Mahusay na paggamit ng wika at bantas
10
• Nilalaman at Istilo 5
• Kabuuan 30

Marka sa Sining ng Pagkukuwento
• Nilalaman/paksa – 10
• Kasuotan (akma) – 15
• BOSES,KILOS/
• GALAW AT KUMPAS 15
• TINDIG/
• TIKAS 15
• Dating sa Madla 5
• Kabuuan 60

Halimbawa
• Nopsscea Filipino Declamation 2009 p
erformer no.1_ Si Budak.mp4

You might also like