You are on page 1of 16

MADULANG

PAKILAHOK
MGA DULA
1.1 PAGTATANGHAL (Pageant)
• ito ay isang makulay na pagpapakita ng mga mahalagang
bahagi ng kasaysayan na kung saan ang mga tauhan ay
nakasuot ng angkop na damit.
• ang pagtatanghal ay maaring sa inihandang panitik o
script, o kaya ay kusa at hindi pinaghahandaan, o kaya ay
maingat na pinaghahandaan at binalak na maaaring
mayroon o walang paglahok ng madla.
• maaaring mangyari ang sining ng pagtatahanghal kahit
na saan man, na maaaring sa isang itinkadang tanghalan
o tagpuan, at isinasakatuparan sa loob ng anumang haba o
tagal ng oras.
• isang mabisang kagamitang tanaw-dinig ang
pagtatanghal at may kahirapang ihanda ito,
nangangailangan ng panahon, pera at mahabang pag-
eensayo.
• kadalasang ginaganap lamang ito para sa mga Araw ng
Magkakaanib na Bansa, Araw ng mga Bayani, Araw ng
Kalayaan at iba pa.
1.2 PANTOMINA O PANGGAGAGAD
• ang pantomina ay ang pag-arte nang walang salitaan,
kikilos at aarte ang kasali ayon sa hinihingi ng kanyang
papel na ginagampanan.
• ito ay payak na anyo ng dula na magagamit sa iba’t ibang
pagkakataon , ang mga mahiyaing mag-aaral ay
nalilinang na magkaroon ng tiwala sa sarili, maging
matikas at maging magalang na pagkilos sa pamamagitan
ng pantomina.
1.3 TABLEAU
• malaki ang pagkakatulad ng tableau sa pantomina dahil
parehong walang salitaan, ang tableau ay walang galaw
galaw samantalang ang pantomina ay may kilos at salita.
• ito ay parang isang larawang-eksenang may mga tauhang
tahimik na tahimik ngunit may sapat at magandang
kapaligiran, mabisang pangtulong ito sa paglalapat ng
napag-aralan sa tunay na buhay
• tumutukoy sa isang grupo ng mga modelo o mga pigurin
na hindi gumagalaw upang ilarawan ang isang eksena
mula nakaraan o maaring mula sa kwento.
1.4 SAYKODRAMA
• ang saykodrama ay isang kusang-loob na dula na nauukol
sa pansariling lihim o suliranin ng isang tao, ang mismong
may suliranin ang gagawa ng iskrip o magsasadula
• karaniwang ginagawa ito sas mga asignaturang
Homeroom Guidance at Edukasyong pagpapahalaga,
mabisa ito sa paglutas sng pansariling problema o
“therapeutic value”
1.5 SOSYODRAMA
• ang dualang ito ay walang gaanong paghahanda at pag-
eensayo, umiinog ito sa suliranin ng lipunan.
• ipapakita saang suliraning panlipunan at pipiliting
mabigyang-kalutasan ng mga tauhan ang nasabing
suliranin, isang mabisang pamaraan ito sa pagtuturo ng
Sibika at Kultura at Wastong Pag-uugali.
1.6 ROLE-PLAYING
• kung sa sosyodrama ang diin ay sa suliraning
panlipunan, sa role-playing naman ay ang papel na
ginagampanan, dahil madaling ihanda ang role-playing at
maraming mag-aaral ang nagaganyak at nawiwiling
sumali.
• nagiging daan din ito para sa paglinang ng kakayahan sa
pag-arte at preparasyon para sa malakihang
pagtatanghal.
1.7 DULANG PASALAYSAY (Chamber
Theater)
• Ang dulang pasalaysay o chamber theater ay isang
paraan ng pagpapakahulugan sa panitikang pinag-aaralan
gaya ng maikling kwento, pabula, tulang diyalogo, aksyon
at pagsasalaysay.
• Tulad ng isang dula na kung saan ang tauhan aang
nagbibigay buhay sa bawat tagpo sa pamamagitan ng
mga usapan, kilos at galaw. Ang dulang pasalaysay ay
may bahagi kung saaan ang mga tauhan ay nagkakaroon
ng pagkukwento tungkol sa kanilang ginagawa at mga
gagawin.
1.8 SABAYANG PAGBIGKAS
• Isa sa mabisang paraan ng pagpapakahulugan at
pagpapahalaga sa isang tula ay ang sabayang pagbigkas,
bukod sa nadaramang pagkalugod sa isang kathang
sining ay may ilan pang makabuluhang bunga ang
sabayang pagbigkas para sa mga nag-aaral. Nagkakaroon
sila ng malinaw na pang- unawa, nalilinang ang kanilang
wastong pagbigkas, naiiwasan din ang pagbigkas na
‘paawit.
• Sa kasalukuyan, palasak na ang paggamit ng sabayang
pagbigkas bilang istratehiya sa pagtuturo ng wika at
panitikan, nagiging palagiang gawain ng maraming
paaralan. Ang ang pagdaraos ng timpalak ng sabayang
pagbigkas, patimpalak man o hindi, ay maaaring
maisagawa sa lahat ng antas ng pag-aaral - elementarya,
sekundarya at tersyaryo.
1.8.1 Mga Kabutihang Naidulot ng Sabayang
Pagbigkas
1. Nahahasa sa maayos na pagbigkas,kasama na pati ang
pagbibigay-pansin sa mga dulong katinig.
2. Nagkaroon ng malawak na pang-unawa sa tulang
binibigkas.
3. Nakadarama ng higit n apagpapahalaga sa diwa ng tula
at sa magandang pagkakabuo ng tula
4. Nasanay sa madamdaming pagbigkas.
5. Nalilinang ang kakayahan sa pagganap
6. Nagkakaroon ng pagtiwala sa sarili
7. Nagkakaroon ng isang maayos na katauhang
pangtanghalan
1.8.2 Iba’t ibang Anyo ng Sabayang Pagbigkas
• Ang sabayang pagbigkas ay isang masining na paraan ng
pagbigkas ng isang tula, sa pamamagitan ng timbang ng
pagsasanib-sanib ng mga tinig, nakakalikha ng indayog at
aliw-iw na parang koro sa musika.
• May iba’t ibang anyo ng sabyang pagbigkas:
1. pagpapakahulugang pagbasa
2. sabayang pagbasa
3. sabayang pagbigkas na walang galaw at kilos
4. sabayang pagbigkas na may galaw at kilos
5. madulang sabayang pagbigkas
1.8.3 Pagpili ng Piyesa
• Sa paghahanda para sa sabayang pagbigkas, ang unang
isinasagawa ng tagapagsanay ay ang maghanap ng
magandang tula na ipabibigkas, ang piyesang pipiliin ay
dapat naaangkop sa pagkakataon o sa sitwasyon. at
tignan din ang nilalaman ng tula at ang kabuan nito.
• Alamin kung ito ay angkop para sa pagbigkas-maramihan
o angkop lamang para sa isahang pagbigkas.Iwasan ang
mga piyesang wika nga’y lubhang gasgas na dahil sa
napakadalas na pagkagamit, maraming bagong tulang
sinulat ang bagong sibol na manunulat na ang pinapaksa
ay napapanahon.
1.8.4 Pagsasanay sa mga Mambibigkas
• Ang sabayang pagbigkas ay walang iniwan sa isang
simponiya sa musika at tulad din ng korong paawit,
magandang pakinggan ang mga ito kung may tamang
blending ng mga tunog o ng mga tinig at tamang
paglakas o paghina ng bigkas nito sa mga bahagi ng
tulang nangangailangan nito.
• Mahalagang uri-uriin muna ang mga tinig ng mga
mambibigkas, sila’y mapapangkat sa timbre ng kanilang
tinig.Ipasaulo ang buong pyesa sa mga mambibigkas,
ang paglapat ng tumpak na kilos at angkop na galaw sa
tulang binibigkas ay nagdudulot ng kasiningan sa
pagtatanghal.
• Mahalaga ring sanayin ang mambibigkas sa wastong
pagtutuon ng paningin, dapat na magkaroon ng kaisahan
ng panuunan ng paningin.

You might also like