You are on page 1of 5

Filipino 102

Ipinasa kay:
G. Holden Nueva
Inihanda kay:
Geremie P. Montayre
Christian Enoc
Anyong paglalarawan o
deskripsyon
• Madetalye lamang ang anyong ito sa
pagsulat.Layunin kasi nitong pukawin ang mga
pandama ng mambabasa, tuloy makintal sa
isipan ang malinaw na larawan ng isang bagay
o imahen ng isang tao o kaganapan ng isang
pangyayari na sadyang kaiba sa mga kauri.
• Ito rin ay isang diskurso na ang layunin ay
ipamalas sa nakikinig o bumabasa ang nakikita
ng mata,ang naamoy ng ilong ang
nararamdaman ng balat o ng katawan,ang
nalalasahan ng dila o kaya naman naririnig ng
tainga.
Uri ng paglalarawan
• KARANIWANG PAGLALARAWAN
• Ito ang uri ng paglalarawan na kung ano ang
nakikita,nadarama,naririnig,o di kaya’y
nalalasahan,iyon ang ilalaman sa ginagawang
paglalarawan ika nga,sa uring ito,mailalarawan sa
balintataw ng nakikinig o nagbabasa ang sinasabi
ng manunulat dahil ito ang uri ng pahayag na
napakamatotohanan.
• Nagbibigay lamang ng impormasyon sa inilalarawan
kapag:
• 1.ang pisikal na anyo
• 2.antas ng pamumuhay
• 3.pag-uugali
• 4.mga kasanayan atbp.
Mga kahingian sa epektibong
paglalarawan
• Pagbuo ng isang larawan
• Ito ay daan upang mapukaw ng interes ng tagapakinig o
mambabasa.
• Sariling pananaw o persperktib
• Bago simulan ang paglalarawan, mahalagang maging
malinaw sa isipan ng tagapahayag kung ano ang
kanyang layunin.
• Pagpili ng sangkap
• Ito ay nagsisilbing batayan ng tagapakinig o mambabasa
upang mapag-iba ang bagay na inilalarawan.
• Kaisahan
• Ang mga salita ay nararapat na naayon sa kabuuan ng
i9nilalarawan.
Salik at elemento ng
paglalarawan
• 1.Ang paggamit ng wika
• 2.pagiging organisado ng paglalarawan
• 3.mga ginagamit na detalye
• 4.pananaw o punto de vista
• 5.mga naiiwang impresyon o kakintalan

You might also like