You are on page 1of 3

Baitang 5

ANG KAALAMANG MALI, ITUWID!

Alamin Mo

Marami tayong kaalaman mali na hindi naitutuwid. Maaaring ayaw lamang nating mag-
aksaya ng panahon o makasakit ng damdamin ng iba.
Sa modyul na ito, pag-aaralan mong ituwid ang kaalamang mali.

Pag-aralan Mo

Basahin ang usapan.

Sina Lino at Lito ay magkaibigan, araw-araw, sabay silang pumapasok sa paaralan. Isang
araw, habang sila’y naglalakad patungong paaralan ay napag-usapan nila ang proyektong
ipinapapasa ni Gng. Reyes ng araw na iyon.

Lino : Natapos mo ba ang pryektong ipinapapasa ni Gng. Reyes?


Lito : Hindi, saka ko na lamang iyon tatapusin.
Lino : Bakit naman? Sana’y tinapos mo na para makakuha ka ng mataas na marka.
Lito : Hayaan mo na, tatapusin ko rin yon. Maaaring bukas o sa makalawa. Hindi
lang naman ako ang magpapaliban ng gawain. Marami pang iba.
Lino : Huwag kang magagalit pero mali ang pinaniniwalaan mo na ayos lang na
ipagpaliban mo para bukas ang isang Gawain na maaari mo naming tapusin
ngayon. “Mañana habit” ang tawag dito. Mali ang kaalaman natin na walang
problema tungkol dito. Sayang ang panahon. Ang kaalamang mali tulad ng
“mañana habit” ay dapat nating ituwid.
Lito : Salamat ha. Hayaan mo, tatapusin ko ngayong araw na ito ang aking proyekto.
Lino : Ayos!

Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Ano ang pinaniniwalaan o kaalaman ni Lito tungkol sa pagpapaliban ng gawain?


2. Ano ang magiging epekto ng pagpapaliban ni Lito ng gawain sa ibang tao?
3. Tama ba ang ginawang pagpapaliwanag ni Lin okay Lito? Bakit?
4. Kung ikaw si Lito, maniniwala ka ba kay Lino? Bakit?

1
5. Ang pagtutuwid o pagwawasto ng kaalaman mong mali ay maaaring maging masakit
sa iyo. Paano mo ito tatanggapin? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Isaisip Mo

Ang kaalamang mali ay dapat na ituwid para sa sariling kapakanan at kabutihan ng ibang
tao.

Isapuso Mo

Basahin ang sumusunod na kalagayan. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Nakita mo na maraming inihahandang pagkain ang iyong ina para sa iyong kaarawan
bukas. Katulong niya ang nanay ng iyong kaibigan. Walang ano-ano’y narinig mo
na nangutang ng pera ang iyong nanay para may ihanda sa iyong kaarawan. Ano ang
iyong gagawin?
2. Alam mong nagsisinungaling ang iyong kuya nang sabihin niyang kasama niya ang
anak ng inyong kapitbahay kahapon. Nakita mo kasing walang kasama ang iyong
kapatid. Sinabi lang niya ito upang pagtakpan ang anak ng inyong kapitbahay. Tiyak
kasing sasaktan siya ng kanyang tatay. Paano mo itutuwid ang kamaliaang
“pinagtakpan lamang ng iyong kuya ang ank ng inyong kapitbahay” upang huwag
masaktan?

2
Isagawa Mo

Gumawa ng isang panayam sa limang matatanda sa iyong lugar. Magtala ng 5


kaalamang mali at kung paano ito maitutuwid. Tularan and “organizer” sa ibaba. Gawin ito sa
kuwadernong sagutan.

Kaalamang Mali Paano mo ito itutuwid


1.
2.
3.
4.
5.

You might also like