You are on page 1of 1

Unang Mahabang Pagsusulit sa EPP 4

Fourth Quarter

A. Itambal ang mga larawan sa Hanay A sa mga pangalan ng kagamitang pansukat na nasa Hanay B.

Hanay A Hanay B
___ 1. ___ 2. ___ 3. A. Medida
B. Pull-push rule
C. Protractor
___ 4. ___ 5. D. Zigzag rule
E. T-square

B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.


___ 6. Papalitan ni Mang Tonyo ang kahoy sa kanilang bubungan. Aalamin niya ang sukat ng kahoy na kaniyang bibilhin. Alin sa mga sumusunod
na kagamitan ang kaniyang gagamitin?
A. medida B. pull-push rule C. T-square D. zigzag rule
___ 7. Magpapatahi ng bestida si Tina. Alin sa mga sumusunod na kagamitan ang gagamitin ng mananahi upang malaman ang sukat ng katawan
ni Tina?
A. medida B. pull-push rule C. T-square D. zigzag rule
___ 8. Sinabi ni Gng. Dolor sa kaniyang mga mag-aaral sa Matematika na guguhit sila ng iba’t-ibang angles. Anong kagamitan sa panukat ang
gagamitin ng mga mag-aaral upang masukat ang digri ng angles na kanilang iguguhit?
A. medida B. protractor C. ruler D. triangle
___ 9. Guguhit ng iba’t-ibang uri ng linya sa papel ang mga mag-aaral ni Gng. Paz sa asignaturang Arts. Anong kagamitan ang dapat na gamitin
ng mga mag-aaral?
A. pull-push rule B. protractor C. ruler D. zigzag rule
___ 10. Maraming bibilhing tela si Aling Maring para sa kaniyang mga tatahiing uniporme ng mga guro. Alin sa mga sumusunod na kagamitang
panukat ang gagamitin ng magtitinda upang masukat ang telang bibilhin ni Aling Maring?
A. metro B. protractor C. ruler D. triangle
___ 11. Kung ang 12 pulgada ay katumbas ng 1 talampakan, ilang talampakan ang katumbas ng 60 na pulgada?
A. 3 B. 4 C. 5 D. 6
___ 12. Piliin sa sumusunod ang bagay na may tamang sukat?
A. 2 sentimetrong lapis B. 3 yardang tela C. 5 kilometrong kahoy D. 6 na talampakang barbeque stick
___ 13. Alin sa sumusunod na sukat ang pinakamahaba?
A. 20 metro B. 20 sentimetro C. 20 milimetro D. 20 kilometro
___ 14. Alin sa sumusunod na sukat ang pinakamaikli?
A. 3 pulgada B. 3 piye C. 3 yarda D. 3 talampakan
___ 15. Kung ang 100 sentimetro ay katumbas ng 1 metro, ilang metro ang 10 000 sentimetro?
A. 1 B. 10 C. 100 D. 1,000

C. Iguhit ang mga sumusunod na sukat. Gamitin ang espasyo sa ibaba.


16. limang (5) pulgadang tuwid na linya 19. Linya na may sukat na 1 desimetro
17. tatsulok na 5 sentimetro ang bawat gilid 20. Parihabang may 2 mahabang gilid na 6 na pulgada at 2 maiksing gilid na 3 pulgada
18. parisukat na 50 milimetro ang bawat gilid

You might also like