You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF RIZAL

Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Quarter 3

Pangalan: Dela Paz, John Benedict Petsa: 03/26/22


Pangkat: at Grado: 10 – Albay

Written Work 2
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagmamahal sa Diyos.
Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos.

Most Essential Learning Competencies


9.3 Napangangatwiranan na : Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa.

Para sa ODL – Ipasa ang Gawain sa Google Classroom na ibibigay ng guro o iba pang platform na
itatalaga ng paaralan.
Para sa MDL – Isulat sa sagutang papel ang iyong mga kasagutan. Ipapasa ito ng magulang sa
paaralan sa araw ng pasahan.
Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
pananahimik affection pananampalataya
tao gawa kapuwa
agape pagmamahal tunguhin
espiritwalidad eros paniniwala
pagsamba persona panalangin
1. Sa _____________, binubuo ang isang maganda at malaim na ugnayan sa taong minamahal.
2. Ang ___________, ayon kay Scheler, ay “ang pagka-ako” ng bawat tao na nagpapabukod-
tangi sa kaniya.
3. Ang ___________ ay pagkakaroon ng diwa kung ang Espiritu ng tao ay sumasalamin sa
kaibuturan ng kaniyang buhay kasama ang kaniyang kilos, damdamin at kaisipan.
4. Ang ___________ ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang pasiya na
alamin at tanggapin ang katotohanan ng presensiya ng Diyos sa kaniyang buhay at sa
pagkatao nito.
5. Wika ni Apostol Santiago sa Bagong Tipan, “Ang pananampalatayang walang kalakip na
____________ ay patay”.
6. Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos. Sa ________________, ang tao ay
nakapagbibigay ng papuri, pasasalamat, paghingi ng tawad, at paghiling sa Kaniya.
7. Ang _______________ ay pagmamahal bilang magkapatid, lalo na sa mga magkakapamilya
o maaaring sa mga taong nagkakilala at naging malapit o palagay na ang loob sa isa’t isa.
8. Sa pananampalataya, itinatalaga ng tao ang kaniyang _____________ at pagtitiwala sa Diyos.
Inaamin niya ang kaniyang limitasyon at kahinaan dahil naniniwala siyang anuman ang
kulang sa kaniya ay pupunuan ng Diyos.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF RIZAL

Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Quarter 3


9. Ang philia ay pagmamahal ng magkakaibigan. Mayroon silang iisang ____________ o
nilalayon na kung saan sila ay magkakaugnay.
10. Ang _____________ ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao. Ito ay
tumutukoy sa pisikal nan ais ng isang tao.
11. Ang _____________ ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito ay ang pagmamahal na
walang kapalit.
12. Sa buhay ng tao, napakahalaga ang _________________. Ito ay makatutulong upang ang tao
ay makapag-isip at makapagnilay.
13. Anuman ang pinaniniwalaan ng tao, mahalaga ang ____________ saan man siya kaanib na
relihiyon.
14. Hindi maaaring ihiwalay sa tao ang kaniyang ugnayan sa _____________. Ang mamuhay
kasama nito ang isang dahilan ng pag-iral ng tao.
15. Ang ____________ ang pinaka-espesyal sa lahat ng nilikha dahil hindi lamang katawan ang
ibinigay sa kaniya ng Diyos kundi pinagkalooban din siya ng Espiritu na nagpapabukodtangi
at nagpapakawangis sa kaniya sa Diyos.

Sagot:
1. Pagmamahal 9. Tunguhin
2. Perosona 10. Eros
3. Espiritwalidad 11. Agape
4. Pananampalataya 12. Pananahimik
5. Gawa 13. Pagsamba
6. Panalangin 14. Kapuwa
7. Affection 15. Tao
8. Paniniwala

Inihanda ni:

JEAN FORTICH G. SAN PASCUAL


Guro, ANHS
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF RIZAL

Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Quarter 3

You might also like