You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
LOOB-BUNGA III ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. BELBEL, LOOB-BUNGA BOTOLAN, ZAMBALES

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ESP VI


Ikaapat na Markahan

I. MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Nabibigyan ng kahulugan ang pananalig at pag-asa.
2. Naipaliliwanag kung paano ang pananalig at pag-asa ay tumutuloy sa
kabanalan.
3. Naisasabuhay ang positibong pananaw, pag-asa at pagmamahal sa Diyos at
sa kapwa (ESP6PD-Iva-i-16)

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Diyos at Kapwa, Pinagmumulan ng Pag-asa
Sanggunian: ESP- K to 12 CG.
Batayang Aklat: Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon pp. 138-143
Kagamitan: Videoclips, projector, speaker, mga larawan, hugis kamay,
Tarpapel, marker, pandikit
III. PAMAMARAAN:

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin

Tumayo muna ang lahat para sa


ating panalangin, maaari bang
pangunahan mo ang ating
panalangin,______________ ( Ang mga mag-aaral ay tumayo at
mananalangin)

2. Pagbati
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga din po aming guro!
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
LOOB-BUNGA III ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. BELBEL, LOOB-BUNGA BOTOLAN, ZAMBALES

Kamusta kayo ngayong araw na


ito? Mabuti naman po.

3. Pagsasaayos ng klasrum
Bago tayo magsimula ayusin
muna ang mga upuan at pulutin
ang mga kalat.

4. Pagtala ng mga lumiban


Sino ang lumiban sa klase
ngayong araw na ito?
Wala po aming guro.
Mabuti naman!

5. Balik-Aral

Bago tayo magsimula sa ating


kasunod na aralin, ano nga ang
tinalakay natin kahapon?
Ang tinalakay po natin kahapon ay ang
tungkol sa ispiritwalidad.
Paano natin napalalalim ang ating
ispiritwalidad?
Napapalalim po ito kapag isinasabuhay
natin ang pananalig sa Diyos.
Paano natin makikita na
isinasabuhay ng isang tao ang
pananalig sa Diyos?
Kapag gumagawa po ng kabutihan sa
kapwa at iba pang nilikha.
Ang kabaitan a at pagmamahal sa kapwa
ay kusang lumalabas mula sa kanyang
PUSO.
Magaling!
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
LOOB-BUNGA III ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. BELBEL, LOOB-BUNGA BOTOLAN, ZAMBALES

6. Pagganyak
(Pagpapakita ng guro
ng isang malaking
larawan na hugis puso)

Mga bata, ano ang nakikita ninyo?

Tama! Ganyan ba kalaki ang puso Isang malaking puso po.


ninyo?
Dapat ganyan kalaki ang puso Hindi po.
ninyo o mas malaki pa diyan.
Bakit ko nasabi iyon? Mamaya
malalaman ninyo.

Ang pusong iyan ay may mga


nakatagong larawan. Maglalaro
tayo ng “4pics, 1 word”. Huhulaan
ninyo ang tamang salitang
tinutukoy sa mga larawan.
Handa na ba kayo?

Opo.
(Bubuksan ang puso para sa mga
unang larawan

Sino ang pinatutungkulan o


tinutukoy sa mga larawan?
_____

DIYOS po
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
LOOB-BUNGA III ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. BELBEL, LOOB-BUNGA BOTOLAN, ZAMBALES

Sa ikalawang larawan naman?


_____

KAPWA po
Tanong:
1. Sa mga naunang apat na
larawan, bakit kaya nila ginagawa
ang pagdarasal at pagbabasa ng
bibliya?
Ginagawa po nila ito dahil
sumasampalataya po sila sa Diyos.

2. Anong katangian naman ang


ipinapakita ng ikalawang apat na
larawan?
Ipinapakita po dito ang pagmamahal at
3. Kapag ikaw ay nagbibigay ng pagtulong sa kapwa.
tulong sa kapwa lalo na sa mga
nangangailangan, ano ang
ibinibigay mo sa abang katulad
nila?
Binibigyan po natin sila ng pag-asang
mapabuti.
Tama, at iyan ay may kaugnayan
sa ating tatalakayin ngayon.

B. Panlinlang na Gawain
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
LOOB-BUNGA III ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. BELBEL, LOOB-BUNGA BOTOLAN, ZAMBALES

1. Paglalahad ng bagong
aralin

May ipapanood ako sa inyong


video clip mula sa El Gamma
Penumbra.

Pero bago iyon, anu-ano ang dapat


tandaan kapag nanonood?

Tumahimik po
Panooring mabuti at suriin ang mensahe
ng pinapanood.
Maaaring magtala ng mahahalagang
pangyayari batay sa pinapanood.

(ang mga bata ay manonood ng


tahimik.)
Mga Katanungan:
a. Ano ang inyong naramdaman
habang pinanunuod ang video?
Nalulungkot po
b. Paano sila nabigyang pag-asa sa Nakakaawa ang kalagayan
oras ng kalamidad?
Sa pamamagitan po ng pananalig sa
Dios.
May mga tao pong may mabuting puso
c. Sa inyong lugar, ano-anong mga na tumutulong sa oras ng kalamidad.
kalamidad na ang inyong
naranasan?
Bagyo po.
d.Sa papaanong paraan kayo
natulungan o nakatulong na
magbigay pag-asa sa mga biktima? May kapit-bahay o kapwa po na nag-
abot ng tulong.
Sa pamamagitan po ng pagbibigay ng
pagkain, damit at lakas ng loob sa mga
e.Ano kaya ang pakiramdam kapag biktima.
ikaw ay nakapagbigay ng tulong sa
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
LOOB-BUNGA III ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. BELBEL, LOOB-BUNGA BOTOLAN, ZAMBALES

iyong kapwa?
Masaya po sa kalooban dahil
nakapagbigay ng pag-asa sa kapwa.
Kapag nakakatulong sa kapwa,
pakiramdam ko po ay malapit ako sa
Tama, kaya nga sinasabi ko sa Dios.
inyo kanina na dapat malaki ang
puso ninyo…sa pagmamahal sa
Dios at kalakip nito ay ang
paggawa ng mabuti sa kapwa. Ang
pananalig sa Dios at pagbibigay
pag-asa sa kapwa ay at tumutuloy
sa kabanalan.

C. PAGSASANAY

Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang klase sa 5. Bigyan
ang bawat pangkat ng hugis kamay Mga Gabay na Tanong:
at doon ay isulat ang iba’t ibang 1.Ano ang natuklasan mo sa gawaing
paraan kung papaano ito?
makapagbibigay pag-asa sa kapwa. 2.Sa papaanong paraan tayo
Iulat ang kinalabasan sa klase. nakapagbibigay pag-asa sa ibang tao?
3.Paano nakakaapekto sa iyo ang
pagbibigay pag-asa sa ibang tao?

D. Paglalapat
Pag-aanalisa ng mga
sitwasyon:
1.Namatay ang tatay ng iyong
kaklase, napansin mo na siya
ay naging malulungkutin, ano
ang maaari mong gawin upang
siya ay magkaroon ng bagong
pag-asa?
2.Bumagsak sa markahang
pagsusulit ang iyong kaibigan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
LOOB-BUNGA III ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. BELBEL, LOOB-BUNGA BOTOLAN, ZAMBALES

Madalas siyang lumiliban sa


klase mula noon. Ano ang
maaari mong gawin upang
mapanumbalik ang kanyang
interes sa pag-aaral?
3.Nasunugan ang inyong
kapitbahay, wala siyang
magamit na uniporme. Ano
ang maaari mong gawin upang
mapagaan ang kanyang
kalooban?

E. PAGLALAHAT
Pananalig sa Diyos
Para sa paglalahat, inaanyayahan Lucas 12:22-31
ang lahat na tumayo at sabay-
sabay na bigkasin ang teksto mula 22
Sinabi pa ni Jesus sa kanyang mga
sa bibliya tungkol sa pananalig at
alagad, “Kaya't sinasabi ko sa inyo:
pag-asa.
huwag kayong mabalisa tungkol sa
inyong buhay, sa inyong kakainin, o
tungkol sa damit na kailangan ng
inyong katawan. 23 Sapagkat ang
buhay ay higit pa kaysa pagkain at
ang katawan kaysa damit. 24 Tingnan
ninyo ang mga uwak, hindi sila
nagtatanim ni umaani man; wala rin
silang imbakan o kamalig; ngunit
pinapakain sila ng Diyos. Higit
kayong mahalaga kaysa mga
ibon! 25 Sino sa inyo ang
makakapagdagdag sa kanyang
buhay ng kahit isang oras dahil sa
[a]

pagkabalisa? 26 Kung hindi ninyo


magawâ ang ganoong kaliit na
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
LOOB-BUNGA III ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. BELBEL, LOOB-BUNGA BOTOLAN, ZAMBALES

bagay, bakit kayo nababalisa tungkol


sa ibang mga
bagay? 27 Tingnan ninyo ang mga
bulaklak sa parang kung paano sila
lumalago. Hindi sila nagtatrabaho ni
humahabi man. Ngunit sinasabi ko
sa inyo, kahit si Solomon sa kanyang
karangyaan ay hindi nakapagdamit
ng singganda ng isa sa mga bulaklak
na ito. 28 Kung dinadamitan ng Diyos
ang mga damo sa parang na buháy
ngayon at kinabukasa'y iginagatong
sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng
inyong pananampalataya! 29 Kaya't
huwag kayong labis na mag-isip
kung saan kayo kukuha ng kakainin
at iinumin. Huwag na kayong
mangamba. 30 Ang mga bagay na ito
ang pinagkakaabalahan ng mga
taong di nananalig sa Diyos. Alam
ng inyong Ama na kailangan ninyo
ang lahat ng iyan. 31 Subalit, bigyang
halaga ninyo nang higit sa lahat ang
kaharian ng Diyos, at ibibigay niya sa
inyo ang mga bagay na ito.

IV. PAGTATAYA:

Piliin ang titik ng may


pinakaakmang kasagutan.

1. Sa oras ng mga pagsubok sa


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
LOOB-BUNGA III ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. BELBEL, LOOB-BUNGA BOTOLAN, ZAMBALES

buhay,ang tao ay hindi dapat


mawalan ng _________.
a. Pagmamahal
b. pag-asa
c. Kapayapaan
b. pag-asa
2. Ang bawat isa ay may
kakayahang maghatid ng pag-asa
dahil ang mga tao ay likas
na_____.

a. mabuti
b. masayahin
c. Matalino a. mabuti

3. Sa mga panahong ang


pakiramdam natin ay iniiwan na
tayo ng lahat,lagi nating tatandaan
na hindi tayo kailanman
pababayaan ng_______.
a. Maykapal
b. Kamag-aral a.maykapal
c. Kaibigan

4. Dapat nating tandaan na


anumang ginawa natin sa
ating_______ ay parang ginawa na
rin natin sa Diyos.
a. Sarili
b. Kapaligiran b. kapwa
c. Kapwa

5. Ang pagpapakita ng
kabutihang-loob sa kapwa ay
nakapaguunlad din sa ________ng
tao.
a. Kasikatan
b. Ispiritwalidad b.ispiritwalidad
c. kagalingan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
LOOB-BUNGA III ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. BELBEL, LOOB-BUNGA BOTOLAN, ZAMBALES

V. TAKDANG ARALIN:
PANUTO:
Gumawa ng isang maikling panalangin ng pag-asa para maibsan

Inihanda ni:

JAYRARD F. DE SAN JUAN


Student Teacher

Iwinasto ni:

MAUREEN D. DE SAN JUAN CRISTINA A. PANGILINAN


Master Teacher II Principal I
Cooperating Teacher

You might also like