You are on page 1of 6

Pinal na Eksaminasyon sa CAF 214 (Malikhaing Pagsulat)

Pangalan: CARLA REBECCA R. ABALOS Iskor:


1.Pumili ng isang makata at ng kaniyang isang akda. Tukuyin ang persona sa tula. Suriin kung ano ang
sukat, tugma, tema at talinghagang ginamit sa akda.

Babae Akong Namumuhay Nang Mag-isa ni Joi Barrios


Babae akong namumuhay nang mag-isa, Sa akiing lipunan.
hiwalay sa asawa, Ang pag-iisa’y di pagtalikod sa
matandang dalaga, pag-ibig, o pagnanasa o pananagutan.
kerida, Hindi ito pagsuko
puta. Sa katuparan ng mga pangako
Ang aking pag-iisa’y batik na itinuring, O pagkakatutuo ng mga pangarap.
latay na pabaon ng nakaraan, Hindi pagtanaw sa buhay
pilat na taglay habambuhay. Nang hubad sa pag-asa.
Paghangad ko lamang
May pagsusulit na di ko nakayanan, Na kamay ko ang magpatakbo sa aking orasan;
may timbangan sumukat sa aking pagkukulang, Puso at isipan and sumulat ng aking kasaysayan,
May pagsusuring kumilatis Sarili ko ang humubog sa aking kabuuan.
sa pagkatanso ng aking pagkatao. Hayaan akong mabuhay nang payapa,
Lagi’y may paghuhusga saaking pag-iisa. nang hindi ikinakabit sa aking pangalan
ang mga tawag na pagkutya:
Ang di nila nakita’y puta,
Akin ang pasya. kerida
Maliit na kalayaang matandang dalaga,
Hinahamak ng iba pang hiwalay sa asawa,
Pagkapiit at pagkaalipin babae man akong namumuhay nang mag-isa.
I. Pagsusuri
a. Ang persona sat ula ay isang babaeng biktima ng pang-aalipusta ng lipunan dahil siya ay
itinuturing na hiwalay sa asawa, matandang dalaga, kerida, at puta.

b. Ang tema ng tula ay pagbabagong-buhay at pagtanggap sa sarili.

c. Ang tono ng tula ay magkahalong galit, pagmamakaawa at katapangan.

d. Ang tula ay isang uri ng malayang tula, gumamit ang makata ng iba’t ibang uri ng tayutay.
Sa unang saknong ng tula ay gumamit ng tugmaang karaniwan ang makata.

Babae akong namumuhay nang mag-isa,


hiwalay sa asawa,
matandang dalaga,
kerida,
puta.

Ang ikalawang saknong naman ay gumamit ng pagwawangis. Ihinalintulad niya ang


kanyang pag-iisa sa batik o mantsa, isang latay o pasa ng nakaraan, pilat o peklat na hindi na
maalis habambuhay.
Ang aking pag-iisa’y batik na itinuring,
latay na pabaon ng nakaraan,
pilat na taglay habambuhay.

Gumamit din ang may-akda ng Aliterasyon.


Ang pag-iisa’y di pagtalikod sa
2. Kung may sasabihin sa iyo ang iyong salamin na laging nakakakita sa iyo araw-araw, ano ang maaari
nitong ipaalala sa iyo na maaaring matagal mo nang nakalimutan? Buuin ito sa loob ng isang tula.

Tayo lang ang may alam


Ni Carla Rebecca Abalos

Sa kabila ng iyong mga ngiti Maging masaya sa buhay na pinili


May mga sekretong nakakubli Na tanging tayo lamang ang saksi
Mga kamalian ng kahapon
Dulot ng pagkakataon Mabuhay ka nang matapat
Pader na binuo’y wasakin lahat
Pagpapatawad ay igawad sa sarili Ipagkalaloob mo sa sarili ang pagpapatawad
Iwasan na ang pagsisisi Ipagbunyi mo ang kasiyahang walang katulad

3. Kumatha ng tanagang pambata ukol sa kalagayan ng mga bata sa kasalukuyang kalagayan ng edukasyon.

Karunungan
ni Carla Rebecca Abalos

Musmos mong isipan ay Dunong ay matanto


Biktima ng karahasan Turo ng ‘yung magulang
Silid ng Karunungan Ay hindi naging sapat
Sayo ay inilayo Nalayo ka sa guro
Sariling pagsisikap Na sayo’y gumagabay
4. Gamit ang estruktura ng klasikong banghay ng maikling kuwento ayon kay Freytag, pumili ng isang
maikling kuwento at tukuyin ang pangyayari na kumakatawan sa bawat bahagi ng estruktura.

Estruktura ng Banghay
RUROK

KOMPLIKASYON/
KAKALASAN
TUMITINDING GALAW

EKSPOSISYON/
PANIMULANG GALAW RESOLUSYON

a. Eksposisyon/Panimulang Galaw
Pamagat:Niyebeng Item ni Liu Heng isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra
Tagpuan: Bisperas ng Bagong Tao, Red Palace Photo Studio
Tauhan:
Li Huiquan- isang dating bilanggo na naging tindero ng mga damit
Tiya Luo- tiyahin ni Huiquan na siyang kumupkop at tumulong sa binata nang makalabas mula sa
kulungan
Luo Xiaofen- kababata ni Huiquan na kanyang iniibig

Si Li Huiquan ay isang dating bilanggo na naghahanap ng trabaho. Nagpakuha siya ng


larawan sa Red Palace Studio bilang isa sa mga rekwaryment para makakuha ng lisensya para sa
kariton. Ginamit ni Tiya Luo ang kanyang konseksyon sa pamahalaan upang tulungan ang binate na
mailapit sa mga kakilala nito.

b. Komplikasyon/Tumitinding Galaw

Hindi naaprobahan ang aplikasyon ng binate para sa lisensya sa pagtitinda ng prutas dahil
puno na ang kota. Ito sana ang kanyang nais dahil mas Malaki ang kita rito. Sa tulong ni Tiya Luo at
Tiyo Li ay nabigyan ng lisensya si Huiquan para sa pagtitinda ng damit.
Hindi pa man nag-uumpisa ay namomoblema na ang binata sa kanyang mga gagamitin sa
pagtitinda. Ang presyo ng bagong kariton ay napakamahal, naiisip ng binata na wala ng matitira para
sa paninda.
Kaya’t napagpasiyahan niyang bumili ng isang lumang kariton sa mas murang halaga, ang
kariton na kanyang nabili ay may maaypos na presyo ngunit napakasama ng kondisyon at di-
masakyan. Walang gulong, pero mapakikinabangan pa rin ang gilid at rayos ng gulong; walang
kuliling, walang kadena, at walang tapakan ngunit may preno at pedal. Magkagayunman, binili pa
rin ito ni Huiquan dahil mas mababa na ang presyo nito kumpara sa bagong kariton. Inayos ni
Huiquan ang nabiling kariton
Dumating ang araw ng pagbubukas ng mga puwesto. Ibinigay kay Huiquan ang puwesto sa
may daanan sa Timog Silangang tulay. Siya ang ika-25 tindero sa isang mahabang yardang lugar.
Hindi maganda ang kaniyang puwesto. Wala ni isa man lang ang tumingin sa kanyang paninda.

c. Rurok
Inobserbahan ni Huiquan ang iba pang mga kasamang nagtitinda. Inilatag niya ang kanyang
mga panindang kulay-olibang kasuotang pang-army. Angora at mga sapatos na gawa sa canvass.
Isinigaw niya ang kanyang mga paninda. Noong una’y nahiya ito sa tunog ng kanyang boses ngunit
ipinagpatuloy pa rin niya ang pagsigaw. Nakuha niya ang atensyon ng mga mamimili at nakabenta
siya ng dalawampung angora. Kinainggitan siya ng iba pang mga tinder ana walang nabenta nang
araw na iyon.

d. Kakalasan
Nang mga sumunod na araw ay nakapagbenta si Huiquan ng isang muffler. Nang sumunod
ay maghapon itong walang benta. Malungkot niyang hinarap ang kanyang Negosyo, ngunit wala
pang kalahating oras pagkabukas ng kanyang tindahan ay nakapagbenta siya ng apat na kasuotang
pang-army sa apat na karpintero. Naging inspirasyon kay Huiquan ang pagbili ng mga karpintero.

e. Resolusyon
Napag-isip-isip ni Huiquan na Tiyaga ang susi sa buhay na matatag. Kahit s
apinakamalalang panahon, walang maibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay
kaysa umayaw, dahil walang makaaalam kung kalian kakatok ang oportunidad.
5. Paano mo ipahahayag sa iyong mambabasa ang karakter ng sumusunod na tauhan? Gamitin ang di-
direktang karakterisasyon.
a. inang nangugulila sa anak
Mapupungay na mga mata, matangos na ilong, matambok na pisngi, manipis na mga labi at matamis
ang pagkakangiti ang imahe sa larawang kanyang hawak-hawak habang umaawit ng isang oyayi kasabay
ng paghikbi.
b. binatang nais magpakamatay
Hawak sa kanyang kanang kamay ang isang rebolber, walang tigil ang pagtulo ng mga luha sa
kanyang mga mata. Pagal na ang isipan, buo na ang kanyang pasya, inilapat niya ang kanyang hintuturo sa
gatilyo…mariing ipinikit ang mga mata. Nang makita niya ang imahe ng kanyang ina sa isipan.

c. batang nakakita ng multo


“Waaaah!! Mama!!!!” ang matinis na sigaw ng batang si John. Agad na lumapit ang kanyang ina.
Ang bata ay may itinuturo mula sa likuran, nangangatal ang mga labi, nanginginig ang mga binti, nanlalaki
ang mga matang hindi makapagsalita.

d. dating bilanggo
Iniiwasan….Pinagtitinginan…Pinagbubulungan ng mga taong kanyang makakasalubong. Mula ng
lumabas mula sa pintuan ng gusaling matayog, maingay at nakakatakot. Nakatungong naglalakad at mailap
sa tingin ng mga tao. Seryoso ang mukha’t mga braso’y puno ng tattoo. Hindi na niya suot ang kanyang
kulay kahel na baro, ngunit dala-dala pa rin ang niya ang naimprentang letrang P sa kanyang pagkatao.

You might also like