You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

PANGASINAN STATE UNIVERSITY


SCHOOL OF ADVANCED STUDIES
Urdaneta City

Master of Arts in Education


Major in Filipino
2nd Semester, A.Y. 2021-2022

CAF 214 MALIKHAING PAGSULAT

Name: Abalos, Carla Rebecca R.


Course: MAED Filipino

1. Ipaliwanang ang tatlong pangunahing pangangailanagn para sa pagsulat ng tula sa wikang


Filipino, na dapat taglayin ng mga mag-aaral sa hayskul man o kolehiyo bago sila patulain.

Base sa aklat ni Michael M. Coroza na Ang Dapat Mabatid ng Sinumang Tutula (o Magtuturo ng
Pagsulat ng Tula), ay mayroong tatlong pangunahing pangangailangan: Kamalayan sa Tradisyon,
Pagiging bukas sa impluwensiya, at mapagpasok ng inobasyon.

A. Kamalayan sa Tradisyon- upang tayo ay makabuo ng isang tula na kung saan makakaugnay ang
mambabasa sa manunulat ay nararapat na matutunan natin ang tradisyon ng lugar na pinagmulan
nito. Upang ito’y kawilihan at kapulutan ng aral nararapat na ito ay nakaangkla sa tradisyon ng
lugar na pinagmulan.
B. Pagiging Bukas sa Impluwensiya- ang mundo, pamumuhay at kaisipan ng tao ay patuloy na
umiinog, umuunlad at nagbabago. Nararapat na tayo ay maging bukas sa mga pagbabago kung
tayo ay susulat ng tula upang tayo ay magkaroon ng koneksyon sa mundo. Ito rin ay isang paraan
upang maipahayag natin ang ating sarili na mauunawaan at matatanggap ng ating mga
mambabasa o tagapakinig.
C. Mapagpasok ng Inobasyon- ang bahaging ito ay nakaangkla sa unang dalawang pangangailangan
ng dapat taglayin s apagsulat at pagturo ng tula. Kailangan na makabisa natin ang tradisyon at
makasunod sa pagbabago upang tayo ay makabuo ng mga makabagong inobasyon sat ula,
kagaya na lamang ng mga saita, terminolohiya at imahe na pupukaw sa kaisipan at damdamin ng
ating mga mambabasa.

2. Ibigay ang interpretatsyon sa tulang “Putol”?

Putol
Ni Michael Coroza

May kanang paang


Putol
Sa tambakan ng basura.
Naka Nike

Dinampot ng basurero.
Kumatas ang dugo.

Umiling-iling
ang basurero’t
bumulong, “Sayang wala nanamang kapares.”

Ang interpretasyon ko sa mensahe ng tulang ito ay patungkol sa estado ng buhay ng tao. Hindi
lingid sa atin na marami sa ating mga kababayan ang isang kahid-isang tuka ang pamumuhay,
kadalasan ng mga ganito ang kalagayan ang pamumuhay ay umaasa sa pagbabasura. May mga
tao kagaya ng mga basurero ang natutuwa sa mga bagay na pinaglumaan ng mga mayayaman,
lalo na ang mga kagamitan na branded. Samantala, maraming mga tao naman ang namumuhay
sa karangyaan na kung umasta ay ubos-ubos sa biyaya. Kagaya na lamang sa sapatos na
nabanggit sa tula. Ano ba ang kaibahan ng pagsusuot ng mamahaling sapatos sa pagsususot ng
sapatos na nabili sa bangketa? Hindi ba’t ang sapatos ay ginagamit bilang proteksyon sa paa?
Kung sususriin nating mabuti ang huling linya mula sa tula, mararamdaman natin ang hindi pantay
na kalagayan ng pamumuhay ng mga tao sa ating bayan. Hindi kasalanan ng mga mayayaman na
mas nabiyayaan sila, ngunit maari silang maging instrumento upang makatulong sa mga
kababayan nating naghihikahos, ang pagtulong na bukal at buong buo.

You might also like