You are on page 1of 1

“TAHANAN NG ISANG SUGAROL”

(KUWENTONG MALAYSIAN)

Salin ni Rustica Carpio

Sa isang luma at hungkag na bahay, may nakatirang isang pamilyang hindi


masyadong maayos dahil kay Li Hua, ang sugarol at walang silbing asawa ni Lian
Chiao. Sila ay may dalawang anak na sina Ah Yue at Siao Lan. Si Li Hua ay walang
ibang alam kundi ay puro sugal lamang. Kahit na buntis si Lian Chiao ay siya parin
ang gumagawa ng gawaing bahay mula sa umaga hanggang gabi. Si Li Hua naman ay
uuwi lang sa bahay kapag kumain at maliligo lang. Kapag nagkamali si Lian Chao ng
kilos ay siguradong bubugbugin siya ng asawa nito kaya takot na takot din ang mga
anak sa ama nila.

Tapos nang maglaba ang nagdadalantaong si Lian-chiao at tinutulungan siyang


magsampay ng kanyang anak na si Ah Yue habang nakaupo ang isa pa niyang anak
na si Siao-lan. Tinanong ni Ah Yue ang kanyang ina kung nakapagluto na siya ng
hapunan sapagkat sasaktan nanaman siya ni Li Hua, ang kanyang asawa, kapag
hindi ito nakakain. Hindi pa siya nakapaghanda kaya't nagmadali silang umuwi. Galit
na dumating si Li Hua dahil siya nanaman ay natalo sa sugal at dahil hindi pa
nakapagluto si Lian-chiao. Pagkatapos magluto ni Lian-chiao at kumain ni Li Hua,
nagmadali si Li Hua na umalis papuntang Hsiang Chi Coffee Shop.

Hindi makatulog si Lian-chiao kahit pagod na pagod na siya. Iniisip niya ang
lahat ng pangyayari sa kanyang buhay. Pinakasalan lamang niya si Li Hua dahil sa
kagustuhan ng kanyang ina na magkaroon ng apo. Sa kasamaang palad, isang taon
pagkatapos silang ikasal, namatay ang kanyang ina dahil sa kanser sa dibdib.
Maraming bisyo ang kanyang asawa at agad naubos ang kanilang pera. Mahilig itong
magsugal at pinaniniwalaan niyang si Lian-chiao ay malas. Dalawa na ang kanyang
anak na babae at siguradong mas sasama ang tingin sa kanya ni Li Hua kung babae
uli ang kanyang magiging anak.

Isang gabi, noong malapit nang manganak si Lian Chiao ay hindi pa nakakauwi
ang asawa niya. Sumasakit na ang kanyang tiyan at kailangan na niyang makapunta
sa ospital. Gigisingin sana niya si Ah Yue pero naisip niya na mahimbing silang
natutulog ni Siao Lan kaya pinuntahan na lang niya ang asawa niya sa sugalan doon
sa Hsiang Chi coffee shop kahit madilim at tahimik ang daan. Nang nakarating na
siya sa sugalan ay tinulungan siya ng asawa ng may-ari ng kapihan. Tinawag niya
ang kanyang asawa pero pinahintay pa niya ito dahil tatapusin pa daw niya yung laro
na iyon pero may humimok kay Li Hua na lumakad na siya at manganganak na ang
asawa niya. Galit ng tiningnan ni Li Hua si Lian Chiao at tumayo. Tapos nakita ni
Lian Chiao na lumalakad papunta sa kanya si Ah Yue at Siao Lan na umiiyak
sapagkat sabi ni Ah Yue ay nagising ang kanyang nakababatang kapatid at
hinahanap ang kanilang ina kaya dinala niya ito doon. Pinauwi ni Lian Chiao ang
kanyang mga anak at ibinilin si Ah Yue na alagaan niya ang kanyang kapatid tapos
nakaalis na sina Lian Chiao at Li Hua papuntang ospital tapos nagsimula ng lumakad
si Ah Yue, pangko sa likod ang kapatid, patungo sa kanilang bahay.

You might also like