You are on page 1of 4

Tahanan ng Isang Sugarol

Ang maputing ulap sa maaliwalas na langit ay matingkad na nakukulayan, parang bahaghari. Mabilis na
papunta sa kanluran ang lumulubog na araw.

Lian-chao: /tumayo dahil kakatapos lang maglaba/


Ah Yue: Inay, tapos na po ba kayong maglaba? Ako na ang magsasampay.
Lian-chao: /tango/
Ah Yue Inay, luto nab a ang hapunan? Kung hindi, kagagalitan at bubugbugin na naman tayo ni itay!

Nakapukaw kay Lian-chiao ang huling sinabi niyon. Bigla siyang kinabahan. Kahit mayroon pang kaning
lamig na natira sa pananghalian, lulutuin pa ang mga gulay. Kapag walang nakain, pag-uwi ang asawa
niyang sugarol, tiyak na may mangyayari.

Lian-chao: /hinipo ang namamagang noo at mabilis niyang sinindihan ang apoy sa pugon, hiniwa ang
mga gulay at pinakulo ang tubig/

Abala sa gawain si Lian-chiao.Tinanglawan ng liwanag na namumula sa apoy ang mga guhit ng pagod at
puyat sa kanyang mukha. Walang makasisisi sa kanya. Mula alas-sais ng umaga, nang bumangon siya
para maghanda ng almusal, hindi na siya natigil sa paggawa hanggang ngayon maliban sa sandaling
pahinga noong tanghalian. Walang alam ang sugarol niyang asawa kundi humilata sa kama sa kuta ng
opyo at magmadyong araw-araw sa Hsiang Chi Coffee Shop. Kung hindi niya aasikasuhin ang mga bagay-
bagay ngayon, sino ang tutulong sa kanya? Bukod sa gawain sa bahay, kailangan niyang lagyan ng pataba
ang mga gulay at pipino na nakatanim sa gilid ng kanyang bahay, at bunutin ang ligaw na damo. Kung
hindi ay bubugbugin siya ng kangyang asawa kapag nagging masama ang ani. Masakit pa nga ang
kanyang noo dahil sa suntok nito dalawang araw na ang nakararaan dahil nagkamali siyang sagutin iyon.
Nakaupo si Siao-lan sa loobg ng bahay, dinidilaan ang mga labi at tinitignan ang nakatatandang kapatid
na nakatyao pa rin sa kuwadradong bangko sa labas.
Habang nagluluto siya’y biglang dumating ang kanyang asawa.

Li Hua: Ah Yue! Hindi ka ba natatakot mahulog diyan? Ang taas ng naaakyat mo, ha? Gusto mo naba
dalawin ang hari ng kadiliman?”
Ah Yue: Itay… Nagsasampay lang ako…
Li Hua: Lintik! Gabi na’y hindi pa luto ang hapunan. Umalis ka ba para hanapin ang kalaguyo mo?
Lian-chao: Sandali na lang…maluluto na… Ipiprito ko na lang ang inasinang isda. Pagkatapos…pagkatapos
ay puwede na tayong… maghapunan.

Si Li Hua, ang asawa ni Lian-chiao, ay larawan ng isang tunay na manghihithit ng opyo:payat at


matangkad, may maiitim na ngipin at namumulang mga mata.
Li Hua: Handan a ba ang tubig na pampaligo?
Lian-chao: Ihahanda ko na ang tubig,ihahanda ko na…/nahihirapang kinuha ang balde na punong puno
ng tubig
Li Hua: Masusunog na ang inasinang isda. Hindi mo ba naaamoy? Napakabagal mong kumilos. Wala kang
alam kundi kumain!
Mag-kapatid: /tumakbo at nagtago/
Lian-chao: Pasensya na. Masyado kasing mabigat ang balde kaya natagalan akong buhatin ito. Pwede mo
bang patayin ang kalan at ako na lang ang maghahanda ng mga ulam?
Li-Hua: Ano?! Inuutusan mo ba ako ha?!
Lian-chao: H-ha? H-hindi. A-ako na lang pala kung ayaw mo… /hinanda ang mga pagkain/

Pagkatapos kumain…
Li Hua: /kinuha ang lalagyan ng tsa at humigop/ Pwe! Ano ba naman ‘tong tinimpla mong tsaa, Lian-
chao?! Magtitimpla ka na nga, palpak pa!
Lian-chao: Pasensya na. Wala na kasi tayong asukal kaya hindi ko na linagyan pa…
Li-Hua: Eh ba’t mo pa ako pinagtimpla ng tsaa kung ganoon? Walang utak! /umambang sasampalin si
Lian-chao/
Shao-Lan: /lumabas/ Itay tama na!
Li-Hua: Pasalamat ka at wala ako sa wisyong magalit ngayon. /umambang aalis/
Lian-chao: Ama ni Ah Yue, aalis ka na naman? Ako’y…
Li-Hua: Ano? Hindi ako aalis!? Natalo ako ng biente dolyar ngayong hapon sa Hsiang Chi Coffee Shop.
Bakit hindi ako babalik para makabawi ang natalo sa akin? Pag hindi ako nanalo ngayong gabi hindi ko na
tatawagin ang sarili kong eksperto sa madyong!
Lian-chao: Puwede bigyan mo ako ng ilang dolyar? Nag-order ako ng dalawampung itlog kay Ying…
Malapit na akong manganak. Kailangang bumili ako ng ilang itlog para lutuin sa luya at alak.
Li Hua: Hindi! Hindi! Sinong may sabi sa iyong bumili ka ng masarap na pagkain kung wala kang pera?
Kung kaya mong mag-order, bakit hindi mo kayang magbayad?!

Hindi na nagsalita pa si Lian-chao at hinayaan ang lalaking umalis. Kinagabihan, habang nakahigang
walang tinag sa matigas na higaang kahoy, hindi makatulog si Lian-chiao. Naglalakbay ang kanyang isip.
Kahit pago na pagod siya at mabigat na ang mga mata pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho, gising
na gising pa rin ang kanyang isip. Ang mga lumipas na pangyayari ay parang ulap sa bundok na mabagal
na pumapailanglang sa lambak, naaanod, naaanod—kasinggaan ng usok. Sa lahat ng mga taong patay na
o buhay pa, ang larawan ng kanyang ina ang namumukod na lumalantad. Sa kagustuhang magkaapo
kaagad, pinag-asawa nito ang tila bulaklak na anak niya—si Lian- Chiao na kinse anyos pa lamang noon.
At ang masama pa, sa kasabikang magkaroon ng mainam na buhay pagtanda niya, at laban sa payo ng
mga kamag-anak at kaibigan nila, pinili niya para maging manugang si Li Hua, na anak ng noo’y isang
mayamang negosyante. Lahat ng kanyang pag-asa ay nabigo. Isang taon pagkaraang makasal si Lian-
chiao at lumipat ng bahay, ang ina’y namatay sa kanser sa dibdib.

Lian-chao: /bumangon at bumuntong hininga/


Mahimbing na natutulog ang dalawang magkapatid., magkayakap. Kinuha ni Lian-chiao ang kumot at
itinakip sa kanila. Habang pinagmamasadan ang dalawang anak, biglang gumuhit ang hapdi sa kanyang
tiyan na pawing hinihiwa niya ito.

Lian-chao: Aray… ang sakit ng tioyan ko. Manganganak na ata ako…

Sa Hsiang Chi Coffee Shop naman, abalang abala si Li Hua sa pagsusugal. Maingay ang lugar na iyon at
punong puno ng usok galing sa usok ng sugarilyo at nagkalat ang mga bote ng alak.
Lalaki 1: Hoy Li Hua, ilan pusta mo sa larong ‘to?
Li Hua: Pupusta ako ng dalawang daang dolyar. Malakas ang kutob kong Malaki ang mapapanalo ko dito.
Lalaki 2: Suguraduhin mo lang. Pupusta din ako sa’yo. Siguraduhin mong panalo ka.
Lalaki 3: Pre, pati pala ‘yung utang mo sa akin noong isang buwan, bayaran mo na rin.
Li-Hua: Huwag kayong mag-alala. Sa akin itong larong ‘to. Tinitiyak ko sa inyo.
Lalaki 3: Nako siguraduhin mo lang pare. Ang tagal na noon.
Babae 1: Oy Li Hua, huwag kang masyadong pakampante diyan. Ang laki ng naitalo mo kaninang
tanghali.
Habang abala ang mga tao sa sugarol ay may biglang kumatok ngunit ni isa ay walang nakarinig.
Kumatok pa muli ngunit ngayon ay mas malakas na.
Babae 2: Aling Raven, may kumakatok.
Raven: Teka sandali… /dali daling binuksan ang pinto/ Ikaw, pala Lian-chao… anong ginagawqa mo dito?
Lian-chao: /napa upo/
Raven: Jusko po! Ayos ka lang ba ha? /inakay si Lian-chao/ Hoy Li-Hua, andito ang asawa mo!
Li-Hua: Ano?! Anong ginagawa mo dito? Umuwi ka na! Baka malasin pa ako dahil sa’yo!
Lian-chao: Ang tiyan ko…masakit…dalhin agad…dalhin ninyo ako sa ospital…
Li-Hua: Ano? Ngayon na? Mananalo ako sa larong ito. Sandali. Pung! Ang galing! Ang gandang pitsa ito.
Ito talaga ang kailangan ko. Ha, ha! Quadruple! Unang apat, pangalawang apt…isang libo dalawang daan
at walumpu at dalawang libo limang daan at animnapu! Ha, ha, Lumpong Chun! Napakagaling nitong
siyamnapung libong galing sa iyo! Napakagaling! Ha, ha…
Babae 3: Hoy lumakad ka na. Manganganak na ang misis mo!
Li-Hua: Lintik na buhay naman to oh! Kahit kalian talaga malakas ka!
Raven: Teka may sasakyan na ba kayo? Arkilahin niyo na lang muna ‘tong sasakyan para mabilis kayong
makadating sa ospital.

Bagamat hindi na gaanong humihilab ang tiyan niya,balisa si Lian-chiao. Bigla siyang nakakita ng ilaw ma
mabilis na papalapit sa dako nila. Bahagyang kumislap ang munting ilaw, dahil marahil sa hangin.
Habang papalapit iyon ay nakita niya si Ah Yueng pangku-pangko ang nakababatang kapatid. Kapwa sila
umiiyak at namumula na ang kanilang mga mata.
Lian-chao: /lumabas sa kotse/ Ah Yue, Ah Yue! Bakit dinala mo rito ang kapatid mo? Sisipunin kayo! Ah
Ah-Yue: Nagising ako sa iyak ni Siao-lan. Hinahanap niya ang nanay. Hindi ko makita si nanay sa bahay.
Naisip kong baka narito kayo, kaya dinala ko siya dito…
Lian-chao: Ah Yue, huwag kang umiyak. Mabait ka di ba? Alagaan mong mabuti ang kapatid mo. Uuwi
ang Nanay pagkaraan ng dalawa o tatlong araw. Pagkahatid sa akin sa ospital, uuwi ang Tatay ninyo…
Shao-Lan: Ayaw po naming kay Tatay. Gusto po naman sa inyo…
Ah-Yue: Inay, dadalawin ko kayo bukas, kasama ang kapatid ko. Sasabihin ko kay Itay na isama kami
roon. May isa pang dolyar sa aking lata ng sigarilyo. Dadalhin ko iyon para magamit mo muna…

Habang naguusap ang mag-iina ay lumabas si Li Hua…

Li-Hua: Anong ginagawa niyong dalawa dito ha? Umuwi na kayo! Pasakit talaga kayo kahit kalian!
Lian-chao: Teka, huwag mo naman silang pagalitan. Umiiyak kasi si Shao-Lan, hinahanap ako.
Li-Hua: Bilisan niyo diyan! /balik sa kotse/

Patuloy ang madyong sa Hsiang Chi. Malamig na kumislap ang mga bituin sa langit. Malakas ang ihip ng
hangin. Isang munting ilaw ang mabagal na kumikilos sa daan. Si Ah Yue, pangko sa likod ang umiiyak at
inaantok na kapatid, mabagal at atubiling naglalakad patungo sa kanilang luma at hungkag na bahay…

You might also like