You are on page 1of 19

AUTHENTIC ASSESSMENT ACTIVITIES AND TRADITIONAL

ASSESSMENT ACTIVTIES

Paksa: Mga Impluwensiya ng Panitikan

TRADITIONAL ASSESSMENT

(1) Sagutan ang katanungan sa pamamagitan ng ladder web.

Anu ano ang mga nakakaimpluwensiya sa panitikan?

1.

2.

3.

4.

(2) Isulat sa patlang ang tamang salita.

1. M I L K A - ______________________

2. A W A G I N - ___________________

3. P U L I I A N - ___________________

4. H A N A R I T - __________________

5. H I O N Y R E I L - _______________

(3) Siguraduhing sa susunod na pagkikita sa klase ay lubos na naunawaan


at namemroya ang mga nakakaimpluwensya ng panitikan.

55
(4) TAMA o MALI. Isulat ang T kung tama ang pangungusap at isulat ang M
kung ito ay mali.

1. Nakakaimpluwensya ang lipunan sa panitikan. _____

2. Ang panitikan ay nagpapahayag ng damdamin. _____

3. Malaki ang ambag ng relihiyon sa panitikan. _____

4. Ang mga akdang pampanitikan ay malaki ang impluwensiya sa tao. _____

5. Ang panitikan ay bumubuhay sa sinaunang kasaysayan. _____

(5) Itala ang tamang pagkakasunod-sunof ng mga nakaka-impluwensya sa


panitikan.

AUTHENTIC ASSESSMENT

(1) PAGSASADULA.

Pangkatang Gawain. Bawat pangkat ay magkakaroon ng isang


representante na kung saan bubunot sa harap ng salita at kung ano ang
nabunot ay siyang gagawan ng isang presentasyon sa pamamagitan ng
pagsasadula kung paano ito nakakaapekto sa panitikan.

(2) TABLEU.

Pangkatang Gawain. Bawat pangkat ay magkakaroon ng pagkakataon


na isagawa ang naiatas na salita na binigay ng guro sa pamamagitan ng
tableu at hahayaang ang ibang pangkat ang siyang huhula sa ginawa ng
naunang pangkat. Ang presentasyon na tableu ay siyang may kaugnayan sa
impluwensya ng panitikan.

(3) PANTOMIMA

Pangkatang Gawain. Bawat pangkat ay magtatanghal sa harap ng


walang halong salita. Ipapakita sa harap ang mga nakakaimpluwensya ng
panitikan. Bawat pangat ay bibigyan ng pagkakataon na pumili ng mga
salita na siyang itatanghal nila, kinakailangan na maintindihan ang daloy
ng itinanghal na presentasyon.

55
(4) EKSIBIT.

Pangkatang Gawain. Bawat pangkat ay magkakaroon ng isang gawain


na kung saan bubunot ng salita na siyang nakakaimpluwensya sa
panitikan at gagawan ito ng malikhaing pahayag sa isang ¼ illustration
board ito ay lalagyan ng palamuti o disenyo na akma sa pahayag at i-eksibit
ito sa klase sa itinakdang panahon ng guro.

(5) PROSESO SA PAGHAHANDA PARA SA PANTOMIMA

Pangkatang Gawain. Kinakailangan ang bawat kasapi sa pangkat ay


siayang tutulong at maglalahad ng gusto niyang mangyari o ambag niya
para sa presentasyon. Kinakailangan ang kooperasyon. Siguraduhing ang
pag-iingay sa pangkat ay may kaugnayan sa gagawing pagtatanghal.

Paksa: Uri ng Panitikan

TRADITIONAL ASSESSMENT

(1) Punan ang espasyo sa gitnang bahagi.

1. Bahagi ng katutubong pamumuhay sa kulturang Pilipino. _______________

2. Pinagmulan ng isang bagay. _______________

3. Pinamatandang tula. _______________

4. Pananalitang nakaugalian na sa bibig ng madla. _______________

5. Mahabang tulang pasalaysay. _______________

(2) Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:

KAHULUGAN

AWITING BAYAN

ALAMAT

BUGTONG

SALAWIKAIN

55
(3) Lagyan ng tsek (/) ang mga tamang pahayag at ekis (X) kung mali.

1.

Kapag nilalaro ang bugtong, tinatawag itong bugtungan.

2.

Sawikain ang kasabihan na nababago ang kahulugan.

(4) Isulat ang mga halimbawa ng Awiting Bayan.

1.

2.

3.

4.

5.

(5) I-konekta mo!

Alamat • • Awit/Paghehele

Sawikain • • Pinagmulan ng araw at gabi

Epiko • • Biag ni Lam-ang

Oyayi • • Doctrina Cristiana

• Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang

Gawa

AUTHENTIC ASSESSMENT

(1) MASINING NA PAMAMARAAN

Pangkatang Gawain. Bawat pangkat ay pipili sa mga uri ng panitikan.


Ang pagtatanghal ay naaayon sa kagustuhan at desisyon ng pangkat.
Nararapat na ito ay itatanghal sa masining na pamamaraan.

55
(2) I-AWIT MO!

Pangkatang Gawain. Bawat pangkat ay bibigyan ng pahayag na kung


saan gagawan ng awit o kanta. Dalawang saknon lamang. Ang ginawang
awit o kanta ay akma sa pahayag at ipe presenta ito sa harapan pagkatapos
ng limang minute na paghahanda.

(3) PROSESO SA PAGHAHANDA NG PAG-AWIT

Inaasahang ang bawat pangkat ay nagkakaintindihan at makikita ang


kooperasyon. Kinakailangan habang gumagawa ng awit ay siguraduhing ito
ay nasa wikang Filipino. Malimit na ipinagbabawal ang pag-iingay na hindi
akma o konektado sa gawain.

(4) SCRAPBOOK

Indibidwal na gawain. Bawat isa ay nakagagawa ng isang munting


scrapbook at ilalagay lahat ang nalikom na sawikain, bawat sawikain ay
bibigyan ng realisasyon o repleksiyon ukol dito. Kinakailangan may disenyo
na angkop sa sawikain.

(5) PAGSASADULA

Pangkatang Gawain. Sa pamamagitan ng mga aral sa akadang


naibigay ay isasadula ang mga aral na nakuha mula rito.

Paksa: Panahon ng Kastila

TRADITIONAL ASSESSMENT

(1) Isulat sa tsart ang deskripsyon ng bawat pagtatanghal panrelihiyon.

PAGTATANGHAL PANRELIHIYON DESKRIPSYON


PANULUYAN
TIBAG
ALAY

(2) Ihalayhay ang limang makata ng tula.

55
1.

2.

3.

4.

5.

(3) Ibigay ang dalawang halimbawa ng bawat sumusunod:


AWIT


KORIDO

(4) Sagutan ang mga sumusunod:

1. Ano ang Doctrina Cristiana?

2. Ibigay ang mga nilalaman na dapat malaman tungkol sa simbahang


Katoliko Romano.

(5) Sa pamamagitan ng ladder web sagutan ang tanong sa ibaba.

Anu-ano ang mga akdang pang-wika sa panahon ng


Kastila?

1.

2.

3.

4.

55
AUTHENTIC ASSESSMENT

(1) PATULA

Pangkatang Gawain. Bawat pangkat ay nakagagawa ng repleksiyon sa


mga unang aklat panrelihiyon. Ipresenta ito sa harapan ng patula.

(2) PAGSASADULA

Pangkatang Gawain. Nakapagsasadula ng mahahalagang pangyayari


batay sa element (S-G-W) sa akdang Urbana at Feliza.

(3) ISLOGAN

Indibidwal na Gawain. Bawat isa ay gagawa ng islogan tungkol sa aral


na nakuha sa nobelang Florante at Laura.

(4) MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Pangkatang Gawain. Nakagagawa ng isang masining na


pagpapahayag tungkol sa realisasyon o repleksiyon sa koridong Ibong
Adarna.

(5) KARAGATAN AT KARILYO

Pangkatang Gawain. Ang bawat pangkat ay magtatanghal sa


pamamagitan ng karagatan at karilyo. Bubunot ang lider ng bawat pangkat
kung paano nila itatanghal sa harap ang halimbawa ng mga ito base sa
kahulugan nito.

55
Paksa: Panahon ng Propaganda

TRADITIONAL ASSESSMENT

(1) Gamit ang venn diagram, nabibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng


Noli Me Tangere sa El Filibusterismo.

EL NOLI ME
FILIBUSTERISMO TANGERE

Pagkakatulad

(2) Magbigay ng mga akda ni Dr. Jose Rizal

1.

2.

3.

4.

5.

(3) Sagutan ang mga sumusunod:

1. Anu-ano ang mga panulat sagisag ni Dr. Jose Rizal?

2. Isulat ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal.

(4) Gamit ang cluster map ipakita ang mga tauhan na kung saan sa kanila
inialay ni Jose Rizal ang El Filibusterismo.

55
Mga
Tauhan

(5) OO o HINDI.

1. Inihandog ba ni Dr. Jose Rizal sa Inang Bayan ang Noli Me Tangere?

AUTHENTIC ASSESSMENT

(1) TULA

Pangkatang Gawain. Bawat pangkat ay siyang magtatanghal ng


tulang “Sa Aking Mga Kababata”. Ang bawat pangkat ay magbabagyuhang-
utak kung paano nila ipepresenta ang tula sa malikhaing pamamaraan.
Pagkatapos ay ilalahad ng isang representante ang gintong aral nito.

(2) SHOWCASE PORTFOLIO

Indibidwal na Gawain. Ang mga mag-aaral ay gagawa ng showcase


portfolio na kung saan ang mga akda ni Dr. Jose Rizal ay nakapaloob dito
at bawat akda ay may repleksiyon na humigit kumulang 300 na mga salita.

(3) Indibidwal na Gawain. Bawat mag-aaral ay magdadala ng isang bagay


na maaari nilang ipahayag dito ang aral na nakuha nila sa El
Filibusterismo.

(4) VIDEO PRESENTATION

55
Pangkatang Gawain. Bawat pangkat ay gagawa ng isang video-
presentation o film-making ng mga mahahalagang pangyayari sa Noli Me
Tangere.

(5) TABLEAU

Pangkatang Gawain. Bawat pangkat ay magpapakita ng eksena sa


nobelang Noli Me Tangere sa pamamagitan ng isang tableau.

Paksa: Ang Kalupi (Maikling Kwento)

TRADITIONAL ASSESSMENT

(1) Kumuha ng isang buong papel. Gamit ang isang graphic organizer ay
isulat ang mga tauhan sa akdang Ang Kalupi.

(2) Ihalayhay ang mga tagpuan sa kwento.

(3) Lagyan ng tsek (/) kung ang mga pahayag ay tama at ekis (X) kung ito
ay mali.

1. Namatay si Aling Martha. ______

2. Dinala ng hospital si Andres. ______

(4) Sa isang kalahating papel. Sagutan ang katanungan.

1. Anu-ano ang mga tunggalian sa kwento?

(5) Sa isang buong papel. Sagutang ang mga hinihinging katanungan batay
sa kwentong Ang Kalupi.

1. Ano ang dahilan ni Aling Martha kung kaya’t pumunta siya sa palengke
sa araw na iyon?

2. Ano ang naging reaksiyon ni Andres ng mapagbintangan siya?

55
3. Ano ang naging dahilan ng pagkamatay ni Andres?

AUTHENTIC ASSESSMENT

(1) PANTOMIMA

Pangkatang Gawain. Ang bawat pangkat ay pipili ng eksena sa


kwentong Ang Kalupi at ipepresenta ito sa harapan sa pamamagitan ng
pantomime at ipapaliwanag pagkatapos ang daloy at gintong aral sa
napiling eksena.

(2) PAGBUO NG PANGYAYARI

Pangkatang Gawain. Bawat pangkat ay siyang bubuo ng isang


pangyayari na konektado sa akda o nangyayari sa realidad o totoong buhay.

(3) ISLOGAN

Indibidwal na Gawain. Ang bawat mag-aaral ay siyang nakagagawa


ng isang islogan tungkol sa mga naging realisasyon mula sa mga
pangyayari sa akda.

(4) TULA

Indibidwal na Gawain. Ang bawat mag-aaral ay nakabubuo ng isang


tula na naging repleksiyon nila sa mga katangian na bumabalot sa mga
tauhan.

(5) PAGSASADULA

Pangkatang Gawain. Ang bawat pangkat ay inaasahang


nakapagpresenta ng pagsasadula batay sa tanong:

“Kung kayo ang magiging akda, ano ang inyong magiging wakas sa
kwento?”

55
Paksa: Tula (Panitikan)

TRADITIONAL ASSESSMENT

(1) Bigyan ng kahulugan.

TULA

(2) Sa pamamagitan ng graphic organizer. Sagutin ang hinihinging tanong.

Tanong: Anu ano ang mga elemento ng tula?

(3) Isaulo ang tula na pinamagatang “Sa Aking Mga Kababata”

(4) Magbigay ng limang (5) halimbawa ng mga tanyag na tula at ang mga
sumulat nito.

(5) Isulat sa hugis ang tema ng tula.

55
AUTHENTIC ASSESSMENT

(1) PAGSUSURI

Indibidwal na gawain. Sa isang buong papel ay suriin ang tulang


ibinigay sa pamamagitan ng pagsunod sa pamantayan.

(2) PAGGUHIT

Pangkatang Gawain. Bawat pangkat ay bibigyan bawat saknong sa


tula at magbabagyuhang-utak ang mga kasapi kung paano nila ito bibigyan
ng pagpapakahulugan sa pamamagitan ng pagguhit at nakalitaw ang ideya
ng saknong na ibinigay at kinakailangan may angkop sa ito sa tula.

(3) ISAYAW NIYO

Pangkatang Gawain. Ang bawat pangkat ay magkakaroon ng


pagbabagyuhang utak tungkol sa nais ipahiwatig ng tula. Magkakaroon ng
litaw ideya o interpretasyon ang bawat pangkat sa tulang ibinigay
pagkatapos ipapakita ito sa harap sa pamamagitan ng pagsasayaw na kung
saan madaling maintindihan ng iba ang mga kumpas na iginamit sa sayaw.

(4) Indibidwal na gawain. Bawat mag-aaral ay nakasusulat ng isang tula


na may kaugnayan sa kanilang karanasan o damdamin na angkop sa tema
o ideyang ibig ipahiwatig ng tulang natalakay.

(5) JINGLE MAKING

Pangkatang Gawain. Bawat pangkat ay siyang bubuo ng


interpretasyon sa tulang ibinigay at ang ginawang interpretasyon ay
ilalahad sa harap sa pamamagitan ng jingle.

Paksa: Sandosenang Damit (Maikling Kwento)

TRADITIONAL ASSESSMENT

(1) Sa isang buong papel. Isulat ang pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari sa kwento.

55
(2) Sa pamamagitan ng graphic organizer. Ibigay ang mga pangunahing
tauhan sa kwento.

(3) Ibigay ang mga ginampanan ng mga pangunahing tauhan sa kwento.

MGA TAUHAN GAMPANIN

(4) Sa isang ¼ na papel. Sagutan ang mga sumusunod:

1. Saan naganap ang kwento?

2. Kailan natuklasan ang mga pangyayari sa kwento?

(5) Magbigay ng limang (5) halimbawa ng mga tanyag na maikling kwento at


ang mga sumulat nito.

AUTHENTIC ASSESSMENT

55
(1) THEATER

Pangkatang Gawain. Bawat pangkat ay magkakaroon ng isang theatre


play tungkol sa kwentong iniatas. Bawat kasapi ay kailangang makilahok sa
bawat desisyon ng pangkat. Bawat isa ay may mga gampanin kaya
kailangan ang pakikiisa o kooperasyon sa pangkat.

(2) AKO’Y BUBUO

Indibidwal na Gawain. Bawat mag-aaral ay siyang nakakabuo ng


isang kwento na kung saan nangingibabaw ang damdamin o kanilang
karanasan na naging realisasyon o repleksyion nila sa kwento.

(3) ALTERNATING HEXAGONS

Pangkatang Gawain. Sa pamamagitan ng alternating hexagon na ito


ay bawat pangkat ay magkakroon ng pagbabagyuhang-utak kung anong
mga salita o konsepto ang maaaring ilagay o isulat nila rito na may
kaugnayan sa kwento.

(4) DUGTUNGANG PAGKUKWENTO

Indibidwal na gawain. Sisimulan ng guro ang pagkukwento na hango


rin sa akdang natalakay at bawat isa ay dudugtong sa kung ano ang nais
nilang idugtong hanggang makabuo ng isang kwento na may kaugnayan
din sa naitalakay.

55
(5) PAGSUSURI

Indibidwal na gawain. Sa isang buong papel ang bawat mag-aaral ay


nasusuri ang sangkap ng maikling kwento sa natalakay na akda.

Paksa: Si Mangita at Larina (Alamat)

TRADITIONAL ASSESSMENT

(1) Kilalanin ang mga tauhan sa akdang Si Mangita at si Larina.

(2) Kilalanin ang mga tagpuan sa akda.

(3) Ibigay ang mga ugali ni Mangita na ipinakita sa akda.

(4) Ibigay ang mga ugali ni Larina na ipinakita sa akda.

(5) Sa isang buong papel isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ni Mangita


at Larina.

AUTHENTIC ASSESSMENT

(1) DAMHIN MO

Indibidwal na gawain. Magpaparinig ng isang awitin at ang bawat


mag-aaral ay kailangan nakapikit ang mga mata at ipapadama ang
pinakinggang awit. Pagkatapos, ay magtatanong ang guro kung ano ang
kanilang nadarama habang pinapakinggan ang awit.

(2) RADIO DRAMA

Pangkatang Gawain. Bawat pangkat ay magkakaroon ng


presentasyon sa pamamagitan ng radio drama. Bibigyan ang bawat pangkat
ng tema na kung saan bubunutin ng bawat lider. Ito ay may kaugnayan sa
paksang tinalakay.

(3) JAZZ CHANT

Pangkatang Gawain. Bawat pangkat ay magkakaroon ng


presentasyon na kung saan ang jazz chant. Ang piyesa ay kinakailangan
nasa wikang Filipino at akma ito sa tema ng akdang tinalakay.

55
(4) PHOTO ESSAY

Indibidwal na gawain. Bawat mag-aaral ay kukuha ng larawan ng


kanilang kapatid, ina o ama. Kung ano ang napili nila ay gagawan ng isang
sanaysay na kung saan angkop o konektado sa akda at napiling gawan ng
photo essay.

(5) TANONG KO SAGOT MO

Indibidwal na gawain. Sa isang kalahating papel ay nasasagutan ang


tanong na ito, “Kung ikaw ay gagawa ng isang kwento o alamat ano ang
magiging paksa nito at bakit?”

Paksa: Biag ni Lam-ang (Epiko)

TRADITIONAL ASSESSMENT

(1) Sagutan ang mga sumusunod:

1. Sino-sino ang mga tauhan?

2. Sino si Lam-ang?

(2) Isulat ang mga tagpuan sa akdang Biag ni Lam-ang.

(3) Gumawa ng isang ladder web at ilagay ang pagkakasunod-sunod na


mga mahahalagang pangyayari sa loob ng akda.

(4) Isaulo ang mahalagang pahayag sa akda.

(5) Sa kalahating papel. Isulat ang mga mahahalagang pangyayari kung


bakit siya naging epiko.

AUTHENTIC ASSESSMENT

(1) CRUMPLED PAPER

Indibidwal na gawain. Ipapasa ng unang mag-aaral ang isang


crumpled paper patungo sa isa at kung sino ang siyang makakahawak nito
kapag nagsabi na ang guro ng hinto ay siyang sasagot sa katanungan
tungkol sa epikong Biag ni Lam-ang.

55
(2) TABLEU

Pangkatang Gawain. Bawat lider sa pangkat ay pipili ng isang eksena


at siyang ipepresenta ito sa pamamagitan ng tableu na siyang ipapaliwanag
pagkatapos maipresenta.

(3) PAGSASADULA

Pangkatang Gawain. Magkakaroon ng pagbabagyuhang utak ang mga


kasapi sa pangkat kung ano ang gusto nilang isadula na pangyayari sa
epiko. Kinakailangan ang buong kooperasyon sa pangkat upang higit na
magkaintindihan.

(4) REALISASYON

Indibidwal na gawain. Sa isang buong papel nakagagawa ng


realisasyon tungkol sa epiko.

(5) PAGSUSURI

Pangkatang Gawain. Bawat pangkat ay susuriin ang epiko sa


pamamagitan ng elemento nito. Ilalagay ang pagsusuri sa isang graphic
organizer.

Paksa: Bugtong

TRADITIONAL ASSESSMENT

(1) Ibigay ang kahulugan ng bugtong.

(2) Magbigay ng limang halimbawa ng bugtong.

(3) Magsaulo ng limang halimbawa ng bugtong.

(4) Kilalanin ang kaibahan ng bugtong sa palaisipan.

(5) TAMA o MALI. Walang pagkakaiba ang bugtong sa palaisipan.

55
AUTHENTIC ASSESSMENT

(1) DEBATE

Pangkatang Gawain. Bawat pangkat ay bibigyan ng 2 minuto sa


pagbabagyuhang utak kung paano nila ibabato ang kaibahan ng bugtong sa
palaisipan kung ito ba ay magkatulad o hindi.

(2) ISULAT MO

Indibidwal na gawain. Bawat isa ay kailangang makasulat ng kani-


kanilang bugtong.

(3) MINI SCRAPBOOK

Indibidwal na gawain. Gumawa ng mini scrapbook na naglalaman ng


mga bugtong. Sa pinakahuling bahagi ay ang repleksiyon.

(4) PINOY HENYO

Pangkatang Gawain. Bawat pangkat ay pipili ng representante na


kung saan sasagot at magpapasagot sa iniatas na gawain.

(5) TABLEU

Pangkatang Gawain. Ang isang pangkat ay siyang ipepresenta ang


buong pahayag ng bugtong sa pamamagitan ng tableu ang susunod na
pangkat ang siyang sasagot kung ano ang ibig sabhin o tumpak na sagot ng
bugtong na iyon.

55

You might also like