You are on page 1of 3

SUMMATIVE TEST 4

Bahagda Bilang ng Kinalalagyan ng


Mga Layunin CODE
n Aytem Bilang

Nakagagawa ng isang proyekto gamit


ang iba’t ibang multimedia at (EsP5PPPIII
technology tools g- 50% 10 1-10
sa pagpapatupad ng mga batas sa h-31)
kalinisan, kalusugan at kapayapaan

Nakikiisa nang buong tapat sa mga


(EsP5PPP-
gawaing nakatutulong sa bansa at 50% 10 11-20
IIIh-32)
Daigdig

Kabuuan 100 20 1 – 20
GRADE V – ESP

SUMMATIVE TEST NO.4


GRADE V – ESP

Pangalan:_________________________________________________ Grade and Section:_________

I. Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI naman kung hindi. Gawin ito
sa iyong sagutang papel.

_____1. Agad na sumunod si Ben nang malaman ang mga batas na nagbabawal sa paglabas ng mga
batang labinlimang taong gulang pababa nang mapanood niya ito sa telebisyon.
_____2. Hindi mo ginawa ang iyong proyektong mangalap ng mga batas pangkalusugan dahil wala
kayong internet.
_____3. Tinulungan mo si Analie dahil naintindihan mo ang kalagayan ng kaniyang pamilya na hindi
nila kayang makabili ng computer at alam mong gustonggusto niyang matuto sa paggamit nito
para sa kaniyang proyekto.
_____4. Hindi mo pinansin si Mabel na gustong makigamit ng iyong computer dahil abala ka rin sa
paggawa ng iyong proyekto at ayaw mong mahuli ka sa pagpapasa sa inyong guro.
_____5. Lumapit si Mila sa isang kamag-aral na may computer sa bahay at magpapatulong siya kung
paano ito gamitin upang magawa ang proyektong may kinalaman sa batas ng pangangalaga sa
kalinisan ng kanilang barangay.
_____6. Hindi ka na lang kumibo at gumawa ka na lang ng paraan ng sabihing hindi ka maibibili ng
gadget ng iyong magulang na gagamitin mo sa iyong proyekto.
_____7. Ipinagwalang bahala ni Kriezel ang proyektong ibinigay ng kaniyang guro dahil hindi siya
marunong gumamit ng gadget kahit gusto siyang tulungan ng kaniyang kapatid.
_____8. Isa sa mga pinag-aralan ninyo sa inyong aralin ay ang mga batas pangkalusugan. Agad mo
itong sinaliksik gamit ang cellphone na hiniram mo sa iyong kuya.
_____9. Nakita mong nahihirapan ang iyong kaklase kung paano ang gagawin niya upang matapos ang
kaniyang proyekto sa pagsasaliksik ng mga batas pangkapayapaan at alam mo ang gagawin
ngunit hindi mo siya ginabayan.
_____10. May proyekto ang mga kabataan sa inyong lugar na gumawa ng slogan para makaiwas sa
peligrong dulot ng COVID-19 na makikita sa Facebook. Hindi ka sumali dito dahil mas gusto
mo pa ang maglaro ng games sa cellphone.

II. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Pumili ng pinakamahusay na sagot na nagpapakita ng
matapat na pakikiisa sa mga gawaing nakatutulong sa bansa at daigdig. Isulat ang titik lamang ng
iyong sagot.
_____11. Madalas kang ayain ng iyong mga kaibigan na lumabas dahil nakakainip ng maglagi sa
bahay. Ngunit binilinan ka ng iyong ina na hindi ka pwedeng lumabas.
a. Alam mo ang peligrong idudulot ng iyong gagawin kaya hindi ka na lang lalabas.
b. Lalabas ka dahil inip na inip ka na sa bahay at minsan lang naman.
c. Hindi mo na lang papansinin ang iyong mga kaibigan upang hindi ka na kulitin.
_____12. Madalas mong nakikita ang iyong lolo na laging inuubo at masama ang pakiramdam.
Natatakot ka at baka may sakit na ito.
a. Hahayaan mo na lang siya sa kalagayan niya at baka mahawa ka pa kung may sakit nga ito.
b. Ipagbibigay alam mo ito sa iyong magulang upang madala siya sa inyong health center
upang matignan siya at maagapan.
c. Uutusan mo ang iyong nakababatang kapatid na siyang tumingin sa inyong lolo.
_____13. Naglunsad ang inyong mayor ng isang proyektong humihikayat sa lahat na magtanim ng
mga gulay sa kanilang likod-bahay.
a. Hindi ka naman mahilig sa gulay kaya hindi ka magtatanim.
b. Tumalima sa proyekto dahil napakahalaga ng gulay sa pang arawaraw na pagkain.
c. Hayaan mo na lang ang iyong mga magulang na gumawa nito.
_____14. Ilan sa inyong mga kapitbahay ang madalas maglagi sa tindahan na malapit sa inyong
tahanan. Gayunman, napansin mo na hindi nilalagay sa basurahan ang kanilang kalat.
a. Sasabihan ang nagtitinda na maglagay ng basurahan sa harap ng kanyang tindahan.
b. Wala kang gagawin dahil tindahan naman nila iyon.
c. Sisigawan ang mga bumibili na ilagay ang kalat sa basurahan.
_____15. Napansin mo ang iyong tatay na hindi naghugas ng kamay o gumamit ng alcohol bago
pumasok ng bahay. Yayakapin siya ng iyong nakababatang kapatid.
a. Sisigawan ang iyong kapatid na huwag lumapit.
b. Sasabihan ang iyong ama na maghugas o maglinis muna para malapitan siya ng iyong
kapatid.
c. Hahayaan na lang ang iyong kapatid sa gusto niyang gawin.
_____16. Natutuhan mo sa paaralan ang halaga ng paghihiwalay ng basura. Ngunit hindi ito
naisasagawa sa inyong tahanan.
a. Hayaan na lang sila sa kanilang nakasanayan na pagtatapon ng basura
b. Manguna sa pagsasagawa ng paghihiwalay ng mga basura.
c. Maglaan ng basurahan para sa paghihiwa-hiwalay ng mga basura at ituro sa kanila.
_____17. Laging gulay ang niluluto ng iyong nanay na ulam ninyo sa araw-araw. Alam mong
masusutansya ito ngunit hindi mo ito gusto.
a. Hindi ka na lang kakain.
b. Magpapaluto ng ibang ulam tuald ng hotdog.
c. Kakainin mo ang nilutong gulay dahil kailangan ito ng iyong katawan.
_____18. Nakatira kayo sa paanan ng bundok at nakita mo ang isang grupo na nagpuputol ng mga
puno.
a. Ipapaalam ito sa inyong kapitan dahil bawal ito.
b. Huwag silang pansinin sa kanilang ginagawa.
c. Aalamin mo kung may permiso ba sila para magputol ng puno.
_____19. Nais dalawin ng iyong kamag-anak ang inyong pamilya. Alam mong may health protocols
na kapag galing sa ibang lugar ay kailangang ipagbigay alam ito upang makapag quarantine. Hindi
balak ipaaalam ito ng iyong magulang.
a. Sasabihan ang magulang na dapat sundin ang health protocols para sa ikabubuti ng lahat.
b. Makiayon na lang sa kanilang pasya.
c. Pagagalitan ang magulang dahil hindi sila marunong sumunod.
_____20. Mataas na ang tubig dahil sa lakas ng ulan na dulot ng bagyong Yolanda. Ayaw sumamang
lumikas ng inyong kapit-bahay dahil baka mawala ang kanilang ari-arian.
a. Sasabihin sa tatay na kumbinsihin sila upang lumikas na rin.
b. Huwag na silang pakialaman sa kanilang desisyon.
c. Iwanan na lamang sila dahil matigas ang kanilang ulo.

ANSWER KEY:

1. tama 11. A
2. mali 12. B
3. tama 13. B
4. mali 14. A
5. tama 15. B
6. tama 16. C
7. mali 17. C
8. tama 18. A
9. mali 19. A
10. mali 20. a

You might also like