You are on page 1of 5

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

ESP – VI

Pangalan:_______________________________ Baitang/Seksyon: ______________ Petsa:__________

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Nakita mong nandaya sa paligsahan ang kinatawan ng inyong paaralan. Ano ang gagawin
mo?
a. Isususmbong mo siya sa hurado
b. Hindi mo papansinin ang ginawa niya
c. Hahayaan siyang mandaya para Manalo at makilalang mahusay ang iyong paaralan
d. Magsasawalang kibo na lang at makukunwaring hindi mo nakita
2. Nabasag mo ang bintana ng bahay ng inyong kapitbahay, anong aksiyon o kilos ang gagawin
mo?
a. Hindi aaminin ang ginawa
b. Aaminin ang nagawa at sasabihing hindi mo ito sinasadya
c. Hihintaying madiskubre nila kung sino ang may gawa
d. Ililihim ang nangyari at hindi aamin
3. Napansin mong napuyat sa panonood ng telebisyon ang iyong kasambahay kaya hindi ito
nakapaghanda ng baon ninyo sa paaralan kinabukasan, anong angkop na kilos o aksiyon ang
dapat mong gawin?
a. Pangangaralan siya para hindi na maulit
b. Pagbabawalan siya na manood ng telebisyon kahit kalian
c. Isusumbong sa magulang para mawalan siya ng trabaho
d. Hindi na lang papasok dahil walang baon
4. May proyekto kayong kailangang tapusin sa paaralan, ngunit ayaw ng magulang mo na
makitulog ka sa bahay ng iyong kamag-aaral, ano ang gagawin mo?
a. Sasabihin mo sa magulang mo na kung pwede ay sa bahay ninyo na lang kayo gumawa
ng proyekto
b. Ililihim sa magulang ang gagawing pagpunta sa bahay ng kamag-aaral at hihingi na lang
ng paumanhin pagkatapos
c. Hindi na lang gagawa ng proyekto kapag hindi ka pinayagan
d. Mag-iiyak ng mag-iiyak hanggang sa payagan ng magulang
5. May nakita kang isang di-kakilalang tao na kumakausap sa iyong nakababatang kapatid sa
may labas ng gate ng inyong paaralan, Anong aksyon ang nararapat mong gawin?
a. Hihingi ng tulong sa guwardiya ng paaralan upang tawagin ang kapatid
b. Lalapitan ang kapatid at pauuwiin na
c. Bibigyan ng babala ang kapatid na huwag sumama at umiwas higit lalo kung hindi niya
kilala ang kumakausap sa kaniya
d. Pababayaang sumama ang kapatid sa di-kilalang taong kausap nya para wala ka nang
kaaway
6. Ang RA 9147 ay tungkol sa ________.
a. Pagdedeklara ng national park
b. Konserbasyon at pagbibigay ng proteksyon sa maiilap na hayop
c. Pagkakaroon ng regulasyon sa pangongolekta ng basura
d. Tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng basura
7. Ang Philippine Clean Air Act ay tungkol sa _____________.
a. Pagpapanatili ng malinis at ligtas na hanging nilalanghap ng mga mamamayan at
pagbabawal sa mga gawaing nagpapadumi sa hangin.
b. Pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa mamamayan
c. Pagpapanatili ng ecological diversity
d. Pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity ng bansa.
8. Ang Batas Pambansa at ang pagtatatag ng Department of Energy (DOE) ay naglalayong
_______.
a. Mapanatili at masuportahan ang buhay at pag-unlad ng tao
b. Pagpapanatili sa natural at biological physical diversities
c. Ipagbawal ang mga gawaing nagpapadumi sa hangin
d. Isaayos, subaybayan, at isakatuparan ang mga plano at prorama ng pamahalaan sa
eksplorasyon, pagpapaunlad at konserbasyon ng enerhiya
9. RA 7586 (National Integrated Protected Areas System Act of 1992) ay tungkol sa _____.
a. Batas na bilang pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa mamamayan
b. Pagkilala sa pangangailangang mapanatili ang balance ng ekolohiya at kalikasan.
c. Pagtatatag ng Department of Energy (DOE)
d. Paglalaan ng pondo sa pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity
10. RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) ay naglalayon para sa ________.
a. Tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng mga solid waste
b. Pagpapanatili ng malinis na hangin
c. Pagpaplano ng mga pangmatagalang pamamaraan upang epektibong mawaksi ang mga
sanhi ng maduming hangin
d. Pagsasakatuparan ng mga plano at programa ng pamahalaan sa eksplorasyon,
pagpapaunlad at konserbasyon ng enerhiya
11. Sa mga bundok dapat tayong _________.
a. Magtanim ng mga puno
b. Magkaingin, magtagpas at magsunog
c. Manghuli ng mga nanganganib na hayop
d. Magtatag ng maliit na kompanya ng logging
12. Upang maiwasan ang red tide, dapat ______________.
a. Linisin ang mga barko
b. Linising mabuti ang isda bago lutuin
c. Panatilihin ang kalinisan ng katubigan
d. Isulong ang pagtatayo ng mg beach resort
13. Maraming kompanya ng konstruksiyon ang kumukuha ng maraming bato at buhangin mula sa
mga bundok. Ang masamang epekto ang nito ay _________.
a. Pagguho ng lupa c. pagyaman ng bansa
b. Pagbaha at lindol d. pagkatuyo ng mga bukal
14. Upang mas maraming mahuli at kitain ang mga mangingisda, dapat nating pagsikapang
mabuti na __________.
a. Bigyan sila ng ibang trabaho
b. Tulungan silang mangisda buong araw
c. Sabihan sila kung paano mangisda gamit ang dinamita
d. Tumulong sa pangangalaga ng karagatan upang dumami ang mga isda
15. Iminungkahi ng nanay mo na bumili ka ng corals para sa inyong aquarium. Narinig niya na
mayroong tindahan sa palengke na nagbebenta ng corals sa mababang halaga. Ngunit
nalaman mo sa klase na hindi dapat kinukuha sa dagat ang corals dahil dito tumitira ang
kawan ng mga isda. Dapat sabihin mo sa nanay mo na __________.
a. Siya na lang ang bumili
b. Hindi dapat kunin sa dagat ang corals
c. Binalaan ka ng iyong guro tungkol sa maling gamit ng corals
d. Dapat siyang bumili nang marami upang ibenta sa iba sa mas mataas na halaga
16. May isang computer shop na hindi kalayuan sa inyong paaralan. Madalas itong puntahan ng
mga mag-aaral dahil mura ang halaga ng paglalaro. Ano ang gagawin mo?
a. Ipagbigay-alam sa mga kamag-aaral para marami kayong maglalaro
b. Sabihin sa mga kamag-aaral na iwasan ang pumunta roon
c. Ubusin ang baon sa paglalaro
d. Hindi papasok para hindi mawalan ng magandang pwesto sa computer shop
17. May lalaking nagsabi sa iyo na ibigay ang isang maliit na pakete sa isang taong naghihintay sa
tindahan. Nangako siyang bibigyan ka ng 500 piso kapag ginawa mo ito para sa kaniya. Ano
ang nararamat mong gawin?
a. Magsabi ng “Hindi!” at iwasan ang tao
b. Sabihin sa kamag-aaral mo na samahan ka sa tindahan
c. sabihin sa lalaki na pakidagdagan ang bayad
d. Kunin muna ang bayad na 500 piso bago sundin ang iniuutos ng lalaki
18. May isang di kilalang tao ang lumapit sa iyo. Isinasama ka niya sa isang lugar at sinasabing
magkakaroon ka ng lahat ng mga laruan at tsokolate na nais mo. Pero hindi mo dapat sabihin
kahit kanino, lalo na sa iyong mga magulang at guro ang kaniyang anyaya. Ano ang gagawin
mo?
a. Sumama at sumang-ayon sa tao
b. Humingi ng pera bago sumama sa tao
c. Ipaalam agad sa iyong guro o magulang
d. Ililihim sa iyong guro o magulang ang pangyayari
19. May nag-alok sa iyo ng trabaho sa isang pabrika ng paputok na may suweldong mahigit pa sa
baon mo. Sinabi niya na maaari kang umalis ng bahay ninyo at magkunwaring pumapasok sa
paaralan at tumuloy na lamang sa pabrika. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Magsabi ng “Hindi!” at iwasan ang tao
b. Sumang-ayon sa alok na trabaho
c. Sabihan ang iyong mga kamag-aral na nangangailangan ng pera na sabay kayong
pumunta sa pabrika
d. Ayain ang iba pang mga kaklase para madami kayo
20. Ano sa palagay mo ang posibleng mangyari kung ang mga tao ay hindi susunod sa batas?
a. Magiging maayos at matiwasay ang bansa
b. Magkakaroon ng pagkakaisa
c. Madaling mapapaunlad ang bansa
d. Magkakaroon ng kaguluhan at alitan

II. Buuin ang mga pahayag batay sa napag-aralan. Piliin sa mga salita na nasa loob ng
kahon ang naaangkop na sagot sa bawat bilang.

a. Kapayapaan b. kaayusan c. magsilbing aral d. pagkabilanggo

21. Pinaparusahan ng batas ang mga sumusuway upang ito ay ____________.


22. Ang mga batas ay isinasagawa at ipinatutupad upang magakaroon ng ________ at kaayusan.
23. Ang pagbebenta ng illegal na droga ay may katapat na 12 hanggang 20 taong ___________.
24. Inaasahan na ang mga mamamayan ay susunod sa batas upang magkaroon ng ________.
III. Basahin ang mga pangungusap. Piliin sa kahon ang titik kung ano ang tinutukoy nito

a. Pagsunod sa batas
b. Pananagutan sa bawat karapatan
c. Pagtulong sa pagpapatupad ng mga tuntunin at batas
d. Paggalang sa batas, awtoridad, kalayaan o karapatan ng iba
25. Nais ni Mang Aldo na umunlad ang kanilang pamumuhay. Dahil dito nagpunyagi silang maging
produktibo at kapaki-pakinabang. Nagsusumikap silang lahat na makagawa ng mga paraan
para kumita ng ekstrang pera para sa pamilya.
26. Bawat residente ng Barangay Sta. Isabel ay sumusunod sa ordinansa na linisin ang kanilang
bakuran. Naideklara ang Barangay Sta. Isabel bilang pinakamalinis na barangay sa buong
bayan.
27. Gumawa ng mga poster ang Young Voters Club upang makalikha ng kaalaman sa
kahalagahan ng pagrerehistro para sa eleksiyon. Nagparada ang mga miyembro upang
ipaalam at ipaalala sa lahat ang tungkol sa petsa ng pagpapatala.
28. “ Magandang umaga, G. Chairman, “ bati ni Berting, lider ng isang barangay Youth Club.
“Magandang umaga rin, Berting. Magkakaroon tayo ng pulong para sa proyekto sa ating
barangay. Kakailanganin ko ang tulong mula sa inyong club, “ sabi ng Chairman.
29. Matapat na nagbabayad ng buwis si Mang Gerry at ang kaniyang mga kaopisina. Nais nilang
tulungan ang pamahalaan upang magkaroon ng pondo para matugunan ang mga
pangangailangan ng mga mamamayan. Ang mga ito ay ang ospital, palaruan, pampublikong
parke, kalsada, palengke at pampasuweldo sa mga empleyado ng pamahalaan.
30. Sinusunod ni Joaquin, anak ng isang mangingisda, ang paalaala sa pangingisda.
31. Matiyagang nakikinig si Mang Miguel sa pangangampanya ng mga kandidato para sa darating
na eleksiyon. Maingat niya ring pinag-iisipan kung sino ang iboboto niya.
IV. Isulat ang tamang salita sa patlang. Pumili ng sagot mula sa kahon.

a. kalinga b. pagpapabaya c. nutrisyon d. karapatan

Ayon sa Artukulo XV, Sek. 3 (2) ng 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas. Dapat
isanggalang ng Estado ang 31.______________ ng mga bata na mabigyan ng
32._________________, kasama ang wastong pag-aalaga at 33.________________at
natatanging proteksiyon sa lahat ng mga anyo ng 34.________________, pag-aabuso,
pagmamalupit, pagsasamantala at iba pang kondisyong nakapipinsala sa kanilang pag-unlad.

V. Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang A kung tama at B kung mali.

35. Maging bukas ang isipan at kamalayan sa mga suliraning pambansa o pandaigdigan upang
matiyak ang mga datos na isusulat.
36. Maaaring sa internet lang maghanap ng datos sa paksang isusulat
37. Dapat pagtawanan at humingi na lamang paumanhin kung may maling naiulat sa radio o
diyaryo.
38. Laging pumili ng balita tungkol sa corruption para maging mabili ang diyaryo.
39. Upang lumawak ang pananaw ng mamamahayag, makipag-ugnayan sa kapuwa manunulat sa
iba’t ibang panig ng mundo.
40. Laging isaisip na dapat balance lamang ang pananaw ng isang mamamahayag.
41. Dapat sumunod ang mamamahayag sa Code of Ethics ng propesyon nila.
42. Ang paggalang sa opinion ng iba ay mahalagang katangian ng isang mamamahayag.
43. Hindi dapat mag-ulat ng ikasisira ng tauhan ng pamahalaan kahit na ito ay totoo.
44. Tungkulin ng bawat tao ang makibahagi sa paghihikayat sa iba na magkaroon ng
pagsasaalang-alang sa karapatan ng iba.
45. Tungkulin ng pamahalaan ang pagtuturo ng pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at
likas-yamang pinagkukunan.
46. Magkatugon ang pangangailangan ng tao at likas-yaman sa isa’t isa.
47. Nababatay ang pamumuhay at ang kaligtasan ng tao ayon sa kalagayan ng mga likas na
yaman o natural resources.
48. Kahit na may karapatan ang tao sa kabuhayan at paggamit ng likas-yaman na pinagkukunan,
marami pa rin ang naghihirap at namamatay sa gutom dahil sa kakulangan sa kaalaman ng
paggamit nito.
49. Suwayin ang mga panuntunan at batas na ipinatutupad tungkol sa pangangalaga ng
kapaligiran.
50. Kailangan ang matalinong paggamit ng mga likas na yaman upang matugunan ang
pangangailangan ngayon at sa hinaharap.
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
ESP – VI

TALAAN NG ISPESIPIKASYON

Mga Kasanayan Bilang ng (%) Bilang ng Kinaroroonan ng


aytem Aytem
Nabibigyang halaga ang 15 30 1-5, 35-44
batayang kalayaan na may
kaukulang pananagutan at
limitasyon
Nakagagamit nang may 15 30 6-15, 45-50
pagpapahalaga at pananagutan
sa kabuhayan at
pinagkukunang-yaman
Naisasakilos ang pagtupad sa 20 40 16-34
mga batas pambansa at
pandaigdigan.

You might also like