You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
VENANCIO TRINIDAD SR. MEMORIAL SCHOOL

Summative Test in ESP #3


Pangalan: Petsa:
Baitang&Seksyon: Marka:
A. Panuto: Bilugan ang titik ng pinaka tamang sagot.
1. Isang umaga ay nahuli ka ng gising sapagkat ikaw ay gumawa ng proyektong iyong ipapasa. At dahil
ikaw ay nahuli ng gising, nagmadaling kumilos, naligo, nagbihis at dali-daling dumagos papuntang
paraan. Hindi mo namalayan na nakalimutan mo palang dalahin ang proyekto na pinagpuyatan mo. Ano
ang katangian na iyong hindi nagawa?
a. pagkamatiyaga
b. pagkamahinahon
c. pagkamatapat
d. pagkamasipag
2. Inutusan si Mona ng kaniyang nanay na bumili ng gamut ng kaniyang nakababatang kapatid. Nang
lumabas si Mona ng bahay ay nakakita siya ng kaniyang paboritong sorbets. Naakit siya at kaniya itong
agad na binili. Nang makabalik siya ng bahay, itinanong ng kaniyang ina kung bakit wala siyang naiuwi
na gamut. Sinagot ito ni Mona na nahulog ang pera at hindi niya alam kung saan. Ano ang katangian na
hindi nagawa ni Mona?
a. pagkamahinahon
b. pagkamasipag
c. pagkamatapat
d. pagkamatiyaga
3. Hindi inaasahan na nakita mo ang iyong kamag-aral na palihim na kinukuha ang gamit ng isa mo pang
kamag-aral. Ngunit hindi ito ipinagsa walang bahala mo lamang. Sapagkat ang katwiran mo ay hindi mo
naman gamit iyon kaya wala kang pakialam. Ano ang katangian na hindi ninyo nagawa ng iyong kamag-
aral?
a. pagkamasipag
b. pagkamapagpasensiya
c. mapagtiis
d. pagkamatapat
4. Ang nanay at tatay ni Huana ay umalis para maghanap buhay, kung kaya siya lamang at ang kaniyang
tatlong nakababatang kapatid ang natira sa bahay. Bukod sa pag-aalaga sa kaniyang mga kapatid, naiwan
din kay Huana ang mga gawaing bahay gaya ng paglalaba, pagluluto at paglilinis ng bahay. Ngunit
kaniya itong ginawa ng hindi nagmamadali at hindi niya namamalayan ay natapos mo na ito ng maaga.
Ano ang katangian na naipakita ni Huana?
a. pagkamahinahon
b. pagkamapagtiis
c. pagkamatapat
d. pagkamatiyaga
5. Si Gio at Lia ay matalik na magkaibigan, ultimo sa mga laruan ay naghihiraman sila. Si Lia ay may
laruan na gusting gusto ni Gio kung kaya’t minabuti niya itong ipahiram sa kanya. Tuwang tuwa si Gio
nang ipahiram sa kanya ni Lia ang laruan. Lumipas ang isang lingo na ipinahiram ni Lia ang laruan kay
Gio, nang ibalik ito ni Gio kay Lia, ito ay sira at hindi maaaring ginamit. Ipinaliwanag ni Gio kay Lia ang
buong katotohanan kahit na alam niya na masasaktan niya si Lia. Ano ang katangian na taglay ni Gio?
a. mapagtiis
b. mapagpasensiya
c. mapagpatawad
d. matapat
6. Tinanong ka ng iyong ina kung nabigyan ka na niya ng baon pagpasok sa paaralan. Ngunit dahil ikaw
ay may inaasikasong iba at madaling madali ka sa pag-aayos ng mga gamit mo sapagkat baka ikaw ay
mahuli sa pagpasok ay hindi mo na ito naintindi. Matapos ang ilang minuto, nagpaalam ka na sa iyong ina
na ikaw ay papasok na sa paaralan. At agaran kang nagtatakbo paalis. Ano ang katangian ang hindi mo
naipakita?
a. maagap
b. mahinahon
c. matapat
d. masipag
7. Nang si Luke ay makauwe galing sa paaralan, ay sinalubong na kaagad siya ng sandamakmak na utos
ng kanyang mga kapatid. Uminit ang ulo niya at nakalimutan niyang gawin ang mga takdang aralin na
ibinigay sa kanila ng guro. Dahil sa ayaw niya ng inuutusan, siya ay mabilis na pumunta sa kapit-bahay,
hanggang sa nakalimutan niyang gawin ang mga takdang aralin para bukas. Ano ang katangian na dapat
ay mayroon si Luke?
a. masipag
b. mahinahon
c. matapat
d. kritikal na pag-iisip
8. Dahil sa hikahos ang pamilya ni Kiel sa buhay, sila ay palaging nagtitiis. Ngunit may proyektong
kailangan ni Kiel mabili para sa isa niyang asignatura. Ngunit wala naman silang kukuhanan ng pera. Sa
kadahilanang yon ay napilitan si Kiel na kumuha ng pera sa kaniyang kamag-aral. Nang mapansin ng
kanyang kamag-aral na nawawalan siya ng pera. Nagsawalang kibo lamang si Kiel na tila walang
nangyari. Anong katangian na hindi nagawa ni Kiel?
a. masipag
b. mahinahon
c. mapanuring pag-iisip
d. matapat
9. Habang kayo ay nagkakaroon ng pagsusulit sa ESP ay nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na
binubuklat ang kaniyang kwaderno habang nagsasagot. Hindi ito napapansin ng guro sapagkat nagtatago
siya sa likod ng iyong kamag-aral. Kahit ito ay alam mo na ikagagalit saiyo ng iyong matalik na kaibigan
ay sinabi mo pa rin sa guro ang iyong nakita. Ano ang katangian na mayroon ka?
a. matapat
b. mapagpasensiya
c. mapagtiis
d. mahinahon
10. Sa sobrang daming gagawin sa bahay ni Anila ay hindi na alam ni Anila kung ano ang uunahin.
Magwawalis ba siya, magtatapon ng basura, magsasaing, mag-aalaga ng mga kapatid o maglalaba. Tuliro
na siya at halos walang natatapos na gawain. Kaniya itong nauumpisahan pero hindi naman natatapos ng
wasto. Nang Makita ito ng kaniya ama ay napagsabihan pa siya na magdahan dahan at wag masyadong
dalas-dalasin ang paggawa sapagkat lalo lamang daw itong magtatagal. Ano ang katangian na hindi
naipakita ni Anila?
a. mapanuring pag-iisip
b. mahinahon
c. matapat
d. masipag

B. Kumpletuhin ang graphic organizer. Ibigay ang mga katangian na kaugnay sa salitang nasa
gitna ng kahon.
(11-15)

Pagkamatapat

(16-20)

Pagkamahinahon

Lagda ng Magulang:
__________________________________________________________
(Signature Over Printed Name) - Petsa

You might also like