You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region ****
Division of****
District****
**** ***ELEMENTARY SCHOOl

UNANG MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINIO 6 (Q1)


TALAAN NG ISPESIPIKASYON

Learning Actual Weight Total Test Item Placement


Competency Instruc No. of Reme Understa Applying Analyzi Evaluat Creati
tion Items mberi nding ng ing ng
(Weeks) ng
1. Nasasagot ang
mga tanong
tungkol sa 1, 2,
napakinggang/ 1 50% 10 3, 6,
nabasang 11, 14 4 7 8,9
pabula, ,16,
kuwento, 17,18,
tekstong pang- 19,20
impormasyon
at usapan.
2. Nasasagot ang 1
tanong na bakit 50% 10 10, 15 5, 12,
at paano. 13
11 1 2 4
TOTAL 2 100% 20 12 6 2
60% 30% 10%

Prepared by:

____________________
Teacher I

Noted:

_________________________
School Principal I
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Republic of the Philippines
Department of Education
Region ****
Division of****
District****
**** ***ELEMENTARY SCHOOl

UNANG MAHABANG PAGSUSULIT SA


FILIPINO 6 (UNANG MARKAHAN)

Panuto: Basahin ang pabula. Isulat ang titik nang napili mong sagot sa mga
tanong sa iyong sagutang papel.

Ang Kabayo at Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at
kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at


panghihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit


kaysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap
ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan
mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng


dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog
kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko,"
pakiusap pa rin ng kalabaw.

"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo. Makaraan pa ang


isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay
iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng


gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad
dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito


kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa
kanyang sarili.

1. Ano ang pamagat ng nabasang pabula?


A. Ang Kabayo at Kalabaw
B. Ang Kabayo at ang Uwak
C. Ang Kabayo at Magsasaka
D. Ang Paglalakbay ng Magsasaka

2. Sino-sino ang tauhan sa pabula?


A. kabayo
B. kabayo at kalabaw
C. kalabaw at usa
D. kabayo, kalabaw, at magsasaka

3. Sino ang unang nakaramdam ng matinding pagod at panghihina?


A. kabayo B. agila C. kalabaw D. pusa
4. Ano ang pakiusap ng kalabaw sa kabayo?
A. Nakiusap ang kalabaw na pasanin ang kanyang ibang gamit.
B. Nakiusap ang kalabaw na tumigil muna sila sa paglalakbay.
C. Nakiusap ang kalabaw na pasanin lahat ang kanyang mga gamit.
D. Nakiusap ang kalabaw na takasan nila ang kanilang amo.
5. Bakit kailangang magpalamig sa tubig ang kalabaw kapag matindi ang init?
A. Gusto ng kalabaw ang magbabad sa tubig.
B. Madaling uminit ang katawan ng kalabaw.
C. Hindi maaaring maglakbay ang kalabaw kapag mainit.
D. Manghihina ang kalabaw kapag hindi maligo sa tubig.
6. Ano ang sagot ni kabayo nang humingi ng tulong ang kalabaw?
A. Aba, matuto kang maglakbay sa matinding init!
B. Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo!
C. Matuto kang pasanin ang ibinigay sa atin ng ating amo.
D. Oo, tutulungan kita sa pagbuhat ng iyong mga gamit.
7. Ano ang mahihinuha mong katangian ni kabayo sa kanyang sagot.
A. Isa siyang mabuting kasama sa paglalakbay.
B. Hindi niya alam tumulong sa kanyang kapwa.
C. Matulungin siya bilang isang kasama.
D. Naiintindihan niya ang kakayahan ng iba.
8. Ano ang naramdaman ng kabayo sa bandang huli?
A. Pagkagalak B. Pagkainis C. Pagsisisi D. Pagmamalaki
9. Ano ang natutunan mong aral sa parabulang, Ang kabayo at kalabaw?
A. Maging matulungin sa kasamahan.
B. Hindi dapat tulungan ang hindi kayang maglakbay.
C. Nararapat lamang sundin ang amo upang hindi mahirapan.
D. Huwag tanggihan ang humihingi ng tulong dahil maari itong
magdudulot ng pagpapahirap sa iyo.

10. Kung ikaw si kabayo, tutularan mo ba ang kanyang ginawa? Bakit?


A. Oo, dahil hindi dapat pasanin ang gamit ng hindi ibinigay sa iyo.
B. O o, dahil mas mahihirapan ka kung tutulong ka pa sa iba.
C. Hindi, dahil hindi magandang asal ang pagtanggi sa pagtulong kung
kaya mo naman.
D. Hindi, dahil hindi mabuti ang hindi tumulong.

Nagwawalis si Iya sa kanilang bakuran. Matagal na niya kasing hindi nalinisan


ito. Habang dinadakot niya ang tumpok ng tuyong dahon, may narinig siyang siyap.
Napadako ang tingin niya sa malalagong mga halaman. Hinawi niya ang mga tanim at
nakita niya ang sisiw na hindi makalabas dahil sa isang malaking batong
nakaharang. Kinuha niya ang sisiw. Lumingon-lingon siya sa paligid hanggang
makita niya ang ina nito. Agad niya itong nilapitan at inilapag doon ang sisiw upang
makasunod sa kaniyang ina

11. Sino ang nagwawalis sa bakura?


A. Si Iya
B. Ang nanay ni Iya
C. Si Iya at ang nanay niya
D. Ang buong pamilya ni Iya.
12. Paano napansin ni Iya na may sisiw sa bakuran na kaniyang nililinisan?
A. Nakita niyang nagtago ang sisiw sa mga dahoon.
B. Mayroong inahing manok na Nakita niya sa mga dahoon.
C. Sinabi ng kanyang nanay na hanapin ang sisiw sa bakuran.
D. Narinig niya ang siyap ng sisiw nang dinudukot niya ang tumpok ng
tuyong dahon.
13. Kung hindi mo tatanggalin ang batong nakaharang sa sisiw, ano ang
mangyayari?
A. Makakalabas pa rin ang sisiw.
B. Hindi ito hahanapin ng kanyang inahin.
C. Lalaking malusog ang sisiw sa mga malalagong halaman.
D. Maaaring manghihina ang sisiw hanggang ito ay mamatay.
14. Saan inilapag ni Iya ang sisiw?
A. sa kanyang ina
B. sa damuhan
C. sa likod ng kanilang bakuran
D. Sa loob ng kanilang bahay.
15. Kung ikaw si Iya, ganito rin ba ng iyong gagawin? Bakit?
A. Oo, dahil ayaw kong ako ang mag-alaga ng sisiw.
B. Hindi, dahil mas gusto ko itong laruin.
C. Oo,dahil hindi mabubuhay ang sisiw kapag hindi ito kasama ang
kanyang inahin.
D. Hindi, dahil papabayaan ko na lamang ang sisiw na hanapin ang
kanyang inahin.

Mapagmahal na Kapatid
Si Ciara ay isang mabait na bata at mapagmahal na kapatid. Inaalagaan niya ito
lalo na kung wala ang kaniyang nanay. Ngunit isang araw, nagalit si Ciara. Sinira ng
kaniyang nakababatang kapatid na lalaki ang papel na sinulatan ng kaniyang takdang-
aralin. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng kama. Kinuha ito ni Hero, ang kaniyang kapatid.
Pinaglaruan niya ito. Ginawa niya itong eroplanong papel hanggang sa mapunit ito.
“Ayaw ko na sa kaniya!” Nasambit niya habang lumuluha at hawak ang papel.
Pinagsumikapan niyang sumulat muli ng panibagong takdangaralin. Makalipas ang
ilang sandali ay nakarinig siya ng isang malakas na kalabog. Nahulog ang kanyang
16. Sino
kapatid na ang mabait
si Hero at mapagmahal
mula sa silya. May na kapatid?
galos ito sa pisngi. Pumalahaw ito ng iyak.
Umaagos ang luha nito. Nakalimutan ni Ciara ang kaniyang galit. Agad na niyakap niya
ang kaniyang kapatid.
A. Si Ciara B. Si Sarah C. Si Hero C. Si Henso

17. Bakit nagalit si Ciara sa kanyang kapatid?


A. Nahulog si Hero sa silya.
B. Inaway ni Hero si Ciara.
C. Naiinis na siya sa kanyang kapatid.
D. Sinira ni Hero ang kanyang takdang aralin.
18. Ano ang ginawa ni Hero sa takdang aralin ni Ciara?
A. Ginawa niya itong pamunas sa bahay.
B. Sinulatan niya ito at kinulayan.
C. Ginawa niya itong bangka at linagay sa tubig.
D. Ginawa niya itong eroplanong papel hanggang sa mapunit ito
19. Ano ang nasambit ni Ciara sa kanyang kapatid?
A. Ayaw ko na sa kanya!
B. Hahampasin ko siya ng papel!
C. Natutuwa ako sa kanya!
D. Huwag kang magpapakita sa akin!
20. Saan nahulog si Hero?
A. sa silya
B. sa hagdan
C. sa lamesa
D. sa kama

FILIPINO LONG QUIZ ANSWER KEY


1. A 11. A
2. D 12. D
3. C 13. D
4. A 14. A
5. B 15. C
6. B 16. A
7. B 17. D
8. C 18. D
9. D 19. A
10.C 20.A

You might also like