You are on page 1of 28

Mga Kasanayan sa

Akademikong
Pagbasa
Pag-uuri ng mga Ideya at Detalye

1. Paksang Pangungusap
 sentro o pangunahing tema/pokus sa
pagpapalawak ng ideya.

2. Suportang Detalye
 tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay-linaw
sa paksang pangungusap.
HALIMBAWA:
Pangunahing ideya : URI NG MGA ESTUDYANTE

Suportang detalye:
1. Katangian ng iba’t-ibang estudyante
2. Mga salik o elemento na nakaaapekto sa pag-aaral
ng mga estudyante
3. Katayuan sa buhay ng mga estudyante.
Damdamin, Tono at Pananaw

1.Damdamin- Kung ano


ang naging saloobin ng
mambabasa sa
binasang teksto.
Damdamin, Tono at Pananaw

2.Tono - saloobin
ng awtor sa paksang
kanyang tinalakay.
Damdamin, Tono at Pananaw

3. Pananaw- tumutukoy sa punto de vistang ginagamit ng


awtor.

a. Unang Panauhan – ako, ko, akin, kita, tayo, natin, atin,


kami, naming at amin (sarili)
b. Ikalawang Panauhan- ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo, at
inyo (kausap)
c. Ikatlong Panauhan- siya, niya, kanya, sila, nila at kanila
(pinaguusapan)
Tutong
ni: Fr. Arnel S. Vitor,
C.M.
ANG TUTONG
Ang kalderong pinagsalangan
Ay binuksan, Presto!
Mabango…….
Malinamnam…..
Ang sinaing sa kalan
Ngunit….
Sa ilalim
Ay may tutong….
ANG TUTONG
Namumula-mula at maitim.
Ito’y isang malaking tanong:
Hindi na ba nawawalan ng tutong
Ang kaldero ng kanin sa pugon?
Bakit hindi pagsamahin
Ang puti at itim?
May sustansiya rin marahil….
ANG TUTONG

Kahit tutong….kahit tutong.


Umaawit ng panaghoy
Ang mga tutong…..
Umaamot ng tulong
Sa mga taingang makatutugon…..
ANG TUTONG
Ikinakaway sa hangin
Ang pinggang walang laman
Pinakakalansing
Ang sikmurang kumakalam
Ibinabandila ang saradong kamao
ANG TUTONG

At sa kalangitang nakatunghay
dito
Mandi’y ipinaaalala
Sila man, kahit tutong, ay mga
anak din ng panahon!
ANG TUTONG
Sila….....silang mga tutong
Ang higit na malapit sa
nakapapasong halik ng apoy!
Kaunting habag….
Kaunting habag mula sa mga nasa
itaas…..
ANG TUTONG
Ito’y
Isang panawagan:
Bakit ang tutong
Laging nasa ilalim…..?
At bakit inihihiwalay sa paghahain?
Bakit hindi pagsamahin
Ang puti at itim
May sustansiya rin, marahil….
Kahit tutong .......kahit tutong…..
Ano ang naging damdamin sa
binasang tula?
Ano ang tono ng tula?
Ano ang pananaw ng tula?
Pagkilala sa
Opinyon at
Katotohanan
Katotohanan Opinyon

- Patotoo sa isang bagay.


- Isang kuro o hakbang personal.
Mapatutunayan ito sa
pamamagitan ng pagsusuri at
- Sariling paniniwala ng isang tao
paghahambing sa mga karanasan
tungkol sa isang bagay. Kaya't walang
o pangyayari sa paligid.
maling opinyon.
- Mga paktwal (Factual) na kaisipan o
pahayag na hindi na mapasusubalian - Maaari itong ibatay sa isang
at samakatuwid ay tinatanggap ng katotohanan o karanasan.
lahat.
- Pahayag ng isang tao hinggil sa isang
paksa batay sa kanyang paniniwala o
prinsipyo.
Pagsusuri kung Valid o Hindi Valid
ang Ideya o Pananaw
Ayon sa mga mananaliksik, lahat ng mga pananaw ng
isang tao ay tama, hindi dapat sabihing mali sapagkat ito
ay batay sa kanyang nararamdaman, obserbasyon o
saloohin na maaaring naranasan na niya ang isang
pangyayari na naging batayan upang makabuo ng isang
ideya.

 Ang mga ideyang ito habang lumalaon ay lumilikha ng


isang reaksyon, opinion o paniniwala.

Malaki ang kaugnayan ng mga bagay na ito upang


masuri kung valid o hindi ang ideya mula sa tekstong binasa.
Pagsusuri kung Valid o Hindi Valid
ang Ideya o Pananaw

Una, tingnan kaagad kung ano ang


kaugnayan ng pamagat sa mga
bahagi ng binasang teksto. May
kaugnayan ba ito sa panimula, gitna
o pangwakas na bahagi ng teksto?
Pagsusuri kung Valid o Hindi Valid
ang Ideya o Pananaw
 Ikalawa, bagama’t ang mga ideya o pananaw
ay itinituring na walang mali, may mga batayan ba
na naging daan upang ipahayag ang ideya o
pananaw.
Halimbawa:
 Sinong tao ang nagsabi?
 Saan kinuha ang istadistika? Ibig lamang
sabihin, gaano katotoo ang mga ginamit na
batayan.
 Ebidensya. May sapat na katibayan
na sumusuporta sa ideya o
pananaw. Ang mga pag-aaral, at
mga tala mula sa mga eksperto ay
maaaring magbigay ng validasyon sa
isang ideya.
 Tingnan kung ang mga ideya ay
magkakatugma sa iba pang
kaalaman o impormasyon na
mayroon. Kung ang ideya ay
nagtutugma sa iba pang katotohanan
o prinsipyo, ito ay valid.
Paghihinuha at
Paghuhula
 Ang manunulat ay nagbibigay ng pahiwatig
sa kaniyang teksto. Hindi niya direktang
pinapahayag ang ibang nais niyang sabihin.
Hinahayaan niya ang mambabasa ang kusang
makadiskubre hanggang sa tuluyang
makapaghinuha o makapaghula sa
kalalabasan ng pangyayari.
 Sa madaling salita ang paghula ay
nangangahulugang pagbibigay ng
opinion na walang sapat na basehan o
ebidensya, samantalang ang hinuha ay
mas malalim at masistemang pag-aaral
bago magbigay ng konklusyon o opinion.
Hinuha ( inference)
 Ito ay nangangahulugan ng
konklusyon o paghusga kung may
mga ideya na tila nagbibigay
pahiwatig sa isang partikular na
pangyayari.
Paghula o Paghuhula (Predicting)

 Ito ay pag-iisip kung ano ang


maaaring mangyari base sa mga
larawan, pamagat, heading o maging
mga personal na karanasan bago pa
man mabasa ang teksto.
Lagom o Buod

Ang lagom ay isang mas detalyadong pagsusuri o pagpapakahulugan ng isang teksto.

You might also like