You are on page 1of 1

Pagsusuri kung Valid o Hindi ang Ideya o Pananaw

Ideya o Pananaw
Tumutukoy ito sa pansariling opinion o kaisipan ng isang indibidwal ukol sa isang paksa.

Ang pananaw ay kilala ring persepsyon


Kung paano tinitingnan ng tao ang kanyang kapwa tao, ang mga bagay o pangyayari, ito ay
kanilang pananaw. Maaari itong valid o hindi depende sa natuklasan ng tumitingin at sa
paraang gingamit para i-test ang validiti nito.

Mga katanungang dapat na masagot upang masuri kung valid o hindi ang isang partikular na
ideya o pananaw:
1. Sino ang nagsabi ng ideya o pananaw?
2. Masasabi bang siya ay awtoridad sa kanyang paksang tinatalakay?
3. Anu ang kanyang naging batayan sa pagsasabi ng ideya o pananaw?
4. Gaano katotoo ang ginagamit niyang batayan? Mapananaligan ba iyon.

Bakit kailangang malaman kung valid o hindi ang ideya?


Mahalagang maunawaan ang mga ebiensyang nailahad dahil ang mga ito ang nagiging
batayan ng mga mambabasa kung makukumbinsi nitong basahin at paniwalaan ang pahayag
ng nasabing teksto.

Mga bagay na maaaring itanong?


‘Sujektiv ba?’
‘Ano ang ginamit na “tool” o instrumento upang masabing valid o hindi?’
‘Dumaan bas a test?’

Paano masasabing valid o hindi ang isang pananaw?


Valid lamang ito kung may pinanghahawakang katunayan. Katulad ng isang pahayag, valid
lamang ang pahayag kung ito ay kumuha ng iyong pag-sang-ayon dahil ito ay resulta ng mga
pananaliksik.

Mga Sanggunian:
https://prezi.com/xsjxtcjgplhi/pagsusuri-kung-valid-o-hindi-ang-ideya-o-pananaw/
https://prezi.com/b4oolut74avm/mga-kasanayan-sa-akademikong-pagbasa/

You might also like