You are on page 1of 15

RESPONSIBILIDAD NG

MANANALIKSIK
Gaya ng nabanggit na sa mga unang talaka’y, isang
komprehensibong gawain ang pananaliksik lalo na sa mga
mag-aaral.

Tunghayan ang ilang responsibilidad ng isang mananaliksik.


1.Pagkamatiyaga
2.Pagkamaparaan
3.Pagkamasistema sa gawain
4.Pagkamaingat
5.Pagkamapanuri o kritikal
6.Pagkamatapat
7.Pagiging responsable
PAGKAMATIYAGA
Ang pakikipagbuno sa iba’t ibang mapagkukunang impormasyon
mula sa iba’t ibang sanggunian ang haharapin ng isang mananaliksik.
Hindi dapat makontento sa iisa o iilang babasahin kung ang hanap ay
mapagbuti ang ginagawang sulating pananaliksik. Maging matiyaga sa
paghahanap ng iba’t ibang datos upang magkaroon ng magandang
kalalabasan ang pananaliksik na akma sa paksa.
PAGKAMAPARAAN
Higit na mas magandang mapagkunang ng impormasyon ang
mga aklat na nasa silid-aklatan kaysa sa internet lamang dahil mas
mapagkakatiwalaan ang mga ito. Kailangan natin maging
madiskarte / maparaan sa pagsasaliksik ng mga impormasyon.
Maari tayong magbasa sa silid-aklatan sa bahaging ito
kakailanganin ang tiyaga at pagiging maparaan.
PAGKAMASISTEMA SA GAWAIN
Napapadali ang anumang trabaho kung may sinusunod na
pamamaraan sa gawain. Ang pagpoprograma o pag-iiskedyul ng
paghahanap ng mga kakailanganing materyales sa pananaliksik ay dapat
isaalang-alang ng isang nananaliksik. Bilang mananaliksik dapat ay
meron tayong eksaktong oras sa mga gagawin natin upang maging
progresibo ang ating pananaliksik, mahalaga ang bawat oras.
PAGKAMAINGAT
Nakasalalay sa mga dokumentong nakalap ang kredibilidad ng isang
sinaliksik. Sa pagkuha ng mga datos para sa paksa o suliraning
hinahanap ng kalutasan, iwasan ang magpadalos-dalos ng pagkopya.
Pakasiguruhin na ang mga impormasyon ay tama at wasto. Isaalang-
alang kung ang kinuhang datos ay nagdaan sa masusing pagsisiyasat,
pagsusuri at pag-aaral. Pakaingatan ang pagbibigay ng mga
konklusyon, interpretasyon, mungkahi o rekomendasyon, kung hindi
pa ito nasusuri, napagtitimbang o nagdaan sa tamang proseso ng
paglilimbag.
PAGKAMAPANURI O KRITIKAL
Hindi lahat ng mga nababasa, nakikita o naririnig ay kailangang
tanggapin. Kung nakababasa tayo ng mga artikulo, akda o anumang
babasahing may kaugnayan sa isinusulat nating paksa, dapat na suriin
at tingnan ang kaugnayan nito sa hinahandang pag-aaral. Tingnan ang
mga implikasyon, pinagmulan at kabuluhan nito sa ginagawang
pananaliksik.
PAGKAMATAPAT
Walang sinuman ang may karapatan na angkinin ang isang gawa
kung ito ay nailathala at nabigyan na ng pagkilala. Higit sa anupaman,
dapat kilalanin o dili kaya'y humingi ng permiso sa mga kinunan ng
trabaho sa isinasagawang pananaliksik. Hindi dapat angkinin ang
isang gawa na hinango sa mga nauna nang sumulat. Kilalanin ang
orihinal na pinagkunan ng kaalaman kung ito man ay binuo sa sarili
nang kaparaanan. Maglaan ng pagpapaunlad o pagpapayaman ng
kaalaman na naiiba sa orihinal na sipi.
MAGING RESPONSABLE
Tungkulin ng isang mananaliksik na maging matapat at
makatarungan sa pagpapahayag ng mga isinusulat. Isaalang-alang ang
tunay na hangarin ng pinaghanguang impormasyon. Huwag ilihis ang
tunay na pakay ng orihinal na sipi kung ang hangarin lamang ay
angkinin ang isang kaalaman. Isaisip ang batas ukol reserbasyon ng
karapatan.
Pinagkunan ng datos
https://prezi.com/p/-aa1oqmpuocj/ang-
tungkulin-at-responsibilidad-ng-mananaliksik/
URI NG PANANALIKSIK
EMPIRIKAL O MALA-SIYENTIPIKO

Nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng mga ebidensiya


at aktuwal na mga datos. Ito'y nalalarawan, nahahambing at
natutuos upang makita ang relasyon ng hipotesis sa panukalang
tesis o disertasyon na isang trabahong siyentipiko.
APPLIED RESEARCH

Gumagamit ng sepistikasyon sapagkat ito'y konklusyon at


estadika. Karaniwang ito'y bunga ng madaling pagsasagawa ayon
sa hinihinging panahon. Ang isang mahusay na halimbawa nito'y
sa panahon ng eleksyon. Gumagamit ito ng prediksyon na
nagkakatotoo. Ginagawa rin ito sa benta ng kalakal sa ilalim ng
adbertisment. Ang mabisang resulta nito ay depende sa sarbey at
napiling sampling.Ito ay ginagamit sa majority ng populasyon.
PURE RESEARCH
Ginagawa ito sa sariling kasiyahan ng isang tao upang
maunawaan ang isang bagay na gumugulo sa kaniyang
isipan. Maaari naman itong gawin ayon sa hilig ng
mananaliksik.
Inihanda ni:

Edhaine Gwennette P. Ramirez


Grade 11 STEM- Fortitude

You might also like