You are on page 1of 3

Paksa: Etika ng Pananaliksik

Konsepto:

Malaki ang responsibilidad ng isang mananaliksik. Dapat siyang maging maingat sa bawat
hakbang ng pananaliksik at may etika na dapat isaalang-alang. Ang etika sa pananaliksik ay gabay
sa tamang pagsasagawa ng pag-aaral o pagsusuri ng mga datos at impormasyong nakalap sa
pananaliksik.
Ayon kay Richard William Paul at Linda Elder, ang etika ay kalipunan o set ng mga
konsepto at prinsipyo na dapat maging gabay sa tamang asal patungkol sa isang gawain. Kung
gayon, ang etika sa pananaliksik ay naglalaman ng mga panuntunan na siyang gumagabay sa
mananaliksik sa wastong pagsasagawa ng pananaliksik.
Ayon kina Dr. Pamela Constantino at Dr. Galileo Zafra, ang isang mananaliksik ay dapat na:
kumikilala sa mga pinagkunan ng ideya;
• hindi kumukuha ng datos nang walang pahintulot o permiso;
• hindi subhetibo sa paggawa ng obserbasyon;
• hindi nagmamadali o gumagawa ng short-cut; at hindi nandaraya.
Etika ng Pananaliksik Kinikilala ng mananaliksik ang pinagkunan niya ng mga ideya kapag
ipinapaalam niya sa mambabasa kung kanino nanggaling ang impormasyong kaniyang ginamit, sa
pamamagitan ng pagtatala ng mga ito sa kaniyang sanggunian.
Hindi niya pinipilit ang mga tao na makilahok sa kaniyang pananaliksik. Ibig sabihin, may
permiso at kusang loob na nagbigay ng panayam, nagsagot ng questionnaire o survey ang mga
taong bahagi ng pag-aaral.
Dapat ding manatiling obhetibo ang mananaliksik sa kaniyang pagsasagawa ng
obserbasyon at pagsusuri ng datos. Kailangan niyang paalalahanan ang kaniyang sarili na dapat
nakatuon lamang ang kaniyang atensiyon sa paksa at hindi sa kaniyang personal na pananaw sa
suliranin o paksang tinatalakay.
Dahil siya ay sistematiko, isinasagawa niya ang bawat hakbang sa pananaliksik sa
itinakdang panahon. Gayundin, inaalam niya ang dalawang panig upang maging patas sa
pagtitimbang at pagsusuri ng datos.
Hindi rin gawain ng isang mananaliksik ang mandaya ng resulta ng kaniyang ginawang
pag-aaral. Kahit pa ang naging resulta ng kaniyang pinaghirapan ay hindi angkop o tugma sa
inilahad na hypothesis o inaasahang resulta, kailangan niya itong ilahad o iulat.
Bukod pa sa plagiarism, ilan pa sa mga itinuturing na etika ng pananaliksik ang:
 Paggalang sa correspondent o mga kalahok sa pananaliksik;
 Pagiging tapat at paglilinaw sa layunin ng pananaliksik;
 Hindi pagpilit sa mga taong lumahok sa pananaliksik (voluntary participation)
 Pagtiyak na hindi mapapahamak ang mga lalahok sa pananaliksik
 Pagtiyak na mananatiling “anonymous” ang mga lalahok sa pananaliksik at “confidential” ang
impormasyon tungkol sa kanila
 Walang layuning lituhin, lokohin, o iligaw ang mga lalahok sa pananaliksik
 Pagiging tapat sa pag-aanalisa ng datos at pag-uulat sa tunay na kinalabasan nito

ANG PLAGIARISM

Pangunahing gabay sa pananaliksik ang pagkilala sa pinagkunan ng datos, impormasyon, o


kaalamang ginamit sa pag-aaral. Ibig sabihin, hindi pinahihintulutan ang plagiarism sa pananaliksik.
Ang plagiarism ay pangongopya o paggamit sa ideya o gawa ng ibang tao nang walang pagkilala
rito. Kung gayon, pinalalabas na ang inalahad o tinalakay na ideya ay orihinal at nanggaling sa
mananaliksik.
May iba't ibang anyo ang plagiarism:
 Maaaring hiniram ang isang ideya at pinalitan lamang ang paraan ng paglalahad o
pagpapahayag nito;
 Maaring direktang kinopya at inari ang ideya;
 Maaaring isinalin ang mga terminong ginamit sa orihinal na teksto;
 Maaarin kinopya ang disenyo, banghay, at himig at ganap na inangkin ang mga datos na
nakalap; o
 Maaaring inangkin o ginaya ang pamagat ng isa pang teksto.
Upang hindi maakit ang mananaliksik na magsagawa ng plagiarism at tuluyan itong iwasan,
may itinakdang kaparusahan para dito:
• bigyan ng bagsak na grado,
• patalsikin sa paaralan,
• pagtatanggal sa iyong digri kahit pa nakapagtapos ka na ng masteral at doktoradong digri na
maraming taon na ang nakalilipas, at
• sentensiyahan ng multa at pagkakabilanggo.
• Upang maiwasang mangyari ang mga ito, dapat tandaan na:
• Humingi ng permiso sa orihinal na may-akda kung gagamitin ang kaniyang datos o isinulat na
pananaliksik.
• Isulat ang pangalan at mga kaugnay na impormasyon tungkol sa orihinal na mayakda at libro o
dokumentong pinagkunan nito sa sanggunian.

You might also like