You are on page 1of 2

BAHAGI NG SANAYSAY

PANIMULA/INTRODUKSYON
Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang
titingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula
upang ipagpatuloy ng mamababasa ang pagbasa sa akda.
Ito ang unang sinusulat sa isang sanaysay. Ito ay dapat nakakakuha ng atensyon ng
bumabasa para basahin niya ang natitirang bahagi ng sanaysay.
KATAWAN
Dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag.
Sa bahaging ito ng sanaysay ay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos
ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat
puntos upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa.
WAKAS/KONKLUSYON
Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay.
Nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay; Sa bahaging ito
nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng
sanaysay.
PARAAN NG PAGSULAT NG PANIMULA
Pasaklaw na Pahayag
- Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga maliliit na detalye
Tanong na Retorikal
- Isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para hanapin ang sagot sa sanaysay
at para isipin niya.
Paglalarawan
- Pagbibigay linaw at deskripsyon sa paksa.
Sipi
- Isang kopya o copy galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro, artikulo,
at iba pang sanaysay
Makatawag Pansing Pangungusap
- Isang pangungusap na makakakuha ng atensyon ng nagbabasa.
Kasabihan
- Isang kasabihan na makakapagbigay ng maikling explanasyon ng iyong sanaysay.
Salaysay
- Isang explanasyon ng iyong sanaysay.
PARAAN NG PAGSULAT NG KATAWAN
PARAAN NG PAGSULAT NG WAKAS
Pakronolohikal
- Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari.
Paanggulo
- Pinapakita ang bawat angulo o "side" ng paksa.
Paghahambing

- Pagkukumpara ng dalawang problema, angulo atbp ng isang paksa.


Papayak o Pasalimuot
- Nakaayos sa paraang simple hanggang kumplikado at vice versa.
Tuwirang Pagsabi
- Mensahe ng sanaysay.
Panlahat ng Pahayag
- Pinaka importanteng detalye ng sanaysay.
Pagtatanong
- Winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang (retorikal na) tanong.
Pagbubuod
- Ang "summary" ng iyong sanaysay o ang kabuoan ng sanaysay.

You might also like