You are on page 1of 2

2.

Katawan

Dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag.

Sa bahagi na ito ng sanaysay ay ating mababasa o makkita ang mga pinag uusapan o mga pagtalakay
sa bawat mahahalagang detalye tungkol sa nilalaman o paksa ng sanaysay. sa bahagi ding ito
inaasahan ang manunulat ng sanaysay na maipaliwanag ng buo at maayos ang tema at nilalaman
nito upang lubos maunawaan ng mambabasa kung saan patungkol ang sanaysanay.

eto naman ang mga Paraan ng pagsulat ng katawan ng sanaysay.

• Pakronolohikal – Pakaayos ayon sa panahon ng pangyayari

dito ay nakasulat ang katawan ng sanaysay ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
mula sa pinakamatagal haggang sa kasalukuyan.

• Paanggulo – Pinapakita ang bawat anggulo o “side “ng paksa.

Dito naman ay nakasulat ang sanaysay batay sa personal na opiniyon o reaksiyon ng bawat tao
tungkol sa mga tema o paksa ng sanaysany o kaya naman sa mga isyu o mga bagay bagay.

• Paghahambing – Pagkukumpara ng dalawang problema, o anggulo ng isang paksa

Ang paghahambing naaman ay ay sinisimulan munang banggitin ang pagkakaiba ng dalawang bagay
at susundan naman ng pagkakapareho nito.

• Papayak o Pasalimuot – Pakaayos sa paraang simple hanggang komplikado.

Ito naman ay sinisimulan iayos ang mga bagay na komplikado kasunod ng mga bagay na simple o
vice-versa.
Ang pangatlo naman ay ang Wakas o Konklusyon - Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o
ang buod sa sanaysay.

sa bahagi naman na ito ng sanaysay ay nakapaloob ang buod o detalye ng sanaysay, Sa bahaging ito

nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay.

Mga Paraan ng pagsulat ng wakas

Una

• Tuwirang Pagsabi – Mensahe ng sanaysay

Ang halimbawa nito ay Mula ngayon at di na magtatagal ang bukambibig na sabi ni Jose Rizal na "Ang
kabataan ang pag-asa ng bayan" ay mapapatunayan na.

Sunod naman ay ang

• Panlahat na Pahayag – pinakaimportanteng detalye ng sanaysay

Ito ay naman ay makabuluhan at ang halimbawa naman nito ay ang palaging sinasabi sa atin na "Ang
hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan."

• Pagtatanong – winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang retorikal na tanong

At ang huli naman ay ang

• Pagbubuod – ang buod ng iyong sanaysay

Ito rin ang pinakagamitin sa pagwawakas ng sanaysay

You might also like